NAKATULALA ako habang nakaupo sa kama ko. Hindi ako bumalik sa hospital kung nasaan si Jasper. Gusto ko rin na tawagan si Tita Caroline para malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay si pero... hindi ko magawa. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko, pinagkakaisahan ako ng mga tao sa paligid ko. Ako lang ang walang alam sa mga nangyayari. Napabalik ako sa reyalidad at biglang nanglaho ang mga iniisip ko nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. "Mary?" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan ko. Hindi naman ako sumagot at ilang sandali lang ay bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang mukha ni Angel at nakitang punasok siya sa loob ng kwarto ko saka sinara ang pinto. "Bigla ka na lang umuwi? Mabuti at nasabi ni Ryne kaya agad ak

