bc

The Jerk's Property

book_age18+
520
FOLLOW
2.1K
READ
possessive
sex
arrogant
student
sweet
genius
campus
first love
virgin
shy
like
intro-logo
Blurb

Anuman ang isulat namin sa pader ng aming kuwarto ay lilitaw din sa pader ng kuwarto ng aming soulmate.

In eighteen years of existence, I've been writing to my soulmate, my wall almost has no tiny space left to write on, but he never replied. So I had no idea who he is.

One day, out of frustration, I wrote on my wall, "Fine! You think you're a loss? Besides, I have an ultimate crush---the oh so handsome fafa Benji, one of the heartthrobs in my university. Duh!"

Who would have thought that in the very first time, I finally received a response from him? My skin almost lost its color. Worse, I almost ran out of air to breathe.

In a messy handwriting, he says, "Crush, my ass. Wrong spelling. Sa dulo, kulang ng letter E."

Natutop ko ang bibig ko.

Benjie ba dapat 'yon?

chap-preview
Free preview
Prologue
"Gaga, ang landi!" Nahampas ko nang malakas ang braso ng kaibigan kong si Kimmy nang ipinakita niya sa akin ang isinulat niya sa pader ng kuwarto niya. "Hi, Soulmate. Meet me, and I'm gonna show you my cherries." Napaka-desperada ng dating. For what cost? Just to meet her soulmate. Sabi niya, paminsan-minsan lang daw na mag-reply ang soulmate niya sa kanya noon at mukhang hindi ito interesadong makilala siya. Pero mula nang nakumbinsi niya itong makipagkita, nagpalitan sila ng pangalan at lagi na silang nag-uusap through messenger. Ngayon, nagbibihis na si Kimmy para sa second meet-up nila. May meeting kasi ang mga staff sa university ngayong hapon kaya walang klase, sumaglit lang ako rito para kunin ang notes niya. Absent kasi ako noong nakaraan dahil tinamaan ng lagnat. "At least! Kaysa naman habambuhay kaming nag-uusap lang sa pader, 'di ba?" Inikutan niya ako ng mata at saka humagikhik. Naiiling akong sumandal sa hamba ng pintuan. "So, did you show your cherries?" Bigla na lang siyang humalakhak nang marinig ang sinabi ko. Lumampas tuloy ang lipstick sa bibig niya dahil dito. "Gaga ka, Pelisidad! Nunkang magpakita ako ng dibdib! Mukhang nakalimutan naman niya ang tungkol doon nang makita niya ako. 'Ku, sa ganda ko ba naman kasing 'to. I'm sure nagsisisi iyon na ngayon lang siya nakipagkita sa'kin." Umasim ang mukha ko sa ibinansag niya sa akin. Lagi na lang niyang tina-tagalog ang pangalan ko. "Pelisidad ka riyan! At oy, maganda rin naman ako, a?" Tumigil siya sa paglalagay ng lipstick at hinarap ako. "Hindi mo pa ba gets? Walang silbi ang ganda kung kinulang ka sa strategy. Kung diyan ka lang kumakapit, walang mangyayari. Hindi mo makikita ang soulmate mo unless aksidente kayong magkabanggaan sa daan." Right. In this town of Geneva, there are facts and rules regarding our love life and soulmate. 1. Whatever you write in your wall will appear in your soulmates' wall. We already know about this fact the moment we are born, and there are some corresponding rules. We are only allowed to use a pen with black ink. Anuman ang isulat namin gamit ang ibang tinta ay hindi nito makikita. Kapag ang soul mate naman ang nagsulat ng mensahe, magpapakita ito sa pader gamit ang pulang tinta, and vice versa. Kaya lahat kami ay laging excited na makakita sa kuwarto namin ng mga salita sa pulang tinta. Kapag lilipat naman ng bahay ang isa, lahat ng sulat sa kanyang kuwarto ay maililipat sa susunod niyang kuwarto. Nevertheless, this communication through writing on the wall only applies for those fortunate ones. Because not every individual has a room. Karamihan pa nga ay walang bahay na matirhan, at marami ring nabubuhay sa kulungan. To make it simple, everyone has a soulmate, but not everyone has the chance to talk to their soulmate through writing on the wall of their room. They will just depend on the link that binds them together. After all, it is strong enough to lead them to each other, even in difficult circumstances. 2. We can write in our walls as early as we want, but we couldn't actually know who our soulmates are until we reach eighteen. Maaaring nakita na namin, pero hindi namin malalaman na ito ang soulmate namin dahil mararamdaman lang ang koneksiyon sa isa't isa kapag tumuntong na sa legal na edad. Pero may mga sobrang excited na makilala at makita ang mga soulmate nila, kaya naman puwede na silang mag-meet bago pa ang ika-labing-walong taon. Gayunpaman, huwag nilang asahan na makakaramdam sila ng atraksiyon sa isa't isa dahil nga wala pa sila sa tamang edad para maramdaman iyon sa kanilang soulmate. Mayroon ding ibang kaso na mas bata ang soulmate namin kaysa sa amin. However, even when we already reached eighteen, we can't still feel the connection because our soulmate is not yet in his or her legal age. Kailanga'ng pareho na kaming umabot or lumampas sa edad na labing-walo bago tuluyang maramdaman ang pag-usbong ng pag-ibig sa isa't isa. 3. If I am a woman and I still haven't met my soulmate at the age of twenty-six, I can find another man to marry, those who haven't met their soulmates yet. Because on the other hand, it goes as well with men who have not yet seen their soulmates at the age of thirty. May mga cases kasi na ayaw nang makipagkita n'ong soulmate from the first place dahil wala itong balak mag-asawa, nagkakaroon ito ng s****l orientation crisis, o baka patay na. Hindi naman sila kailanga'ng pilitin. Nga lang, walang guarantee na makakahanap ng iba ang kabilang parte. Sila iyong mga 50/50 ang love life. Mga... kawawa. Pero minsan, may mga piniling mag-asawa ng iba kahit na may possibility na maging sila ng soulmate nila. And that's strictly forbidden. We can have as many boyfriends and girlfriends as we want, but we are only allowed to marry our soulmate. Ang sinumang lalabag dito ay maisusumpa. And the curse would be given to the children of the one who betrayed. The kids will feel misery in life and may not be given a soulmate or a peaceful love life at all. And the curse, it only applies to the child of the one who violated the rule. Ang saklap naman kasi kung magdurusa rin ang kabilang side gayong hindi naman ito ang nagloko. But if they both had violations, the children of both sides will suffer the curse. And it's inescapable. Oo, matitigil ang sumpa kapag hindi nagkaanak ang babae, either due to complications in fertility or their personal choice, but it doesn't mean they are safe from the consequences of their violation. Because here in Geneva, having no offspring is a great shame. It's a great humiliation. A lot had rather chose to let their children suffer the curse they have caused than not to have a children at all. Selfish creatures. 4. Huwag magpapapasok ng kung sinu-sino sa kuwarto. Baka i-sabotahe nito ang mga sulat sa dingding at magdadala ng hindi pagkakaunawaan sa mag-soulmate. Dahil lahat nga ay puwedeng magsulat dito, basta't gagamit ng itim na tinta. Baka lang may traydor na bigla na lang gustong manira ng relasyon, mabuti nang mag-ingat. 5. Kapag tumuntong na kami sa edad na labing-walo, magkakaroon na kami ng koneksiyon ng aming soulmate. Hindi namin mararamdaman ang saya, o galit, o lungkot nila, pero kusa namin itong malalaman. Hindi ko alam kung matutuwa ako rito o hindi. Pero bahala na. Hindi ko naman kilala ang soulmate ko, e. Ang totoo, kanina pa ako naaasar. Naiinggit ako kay Kimmy. Nagkakamabutihan na sila ng soulmate niya. Sana lahat! "Ngayon at nakita mo na ang kuwarto ko, kailan mo ipapakita 'yung sayo?" Nabalik ako sa kasalukuyan nang magsalita siya. Ayos na ayos na ang mukha niya at bitbit na rin niya ang kanyang handbag sa kaliwang kamay. "Tara na?" tanong ko. "Oo, nasa meeting place na raw si Rad." "Rad? Nice name," pansin ko. Umayos ako ng tayo at lumabas na ng kuwarto. "Hindi mo sinagot ang tanong ko. Kailan ko makikita ang kuwarto mo?" ulit niya. Nagkibit-balikat lang ako. "Bilisan mo na riyan." "Hoy, ang daya!" pagmamaktol niya. Tinawanan ko lang siya at tumuloy na sa paglabas. "Hindi ka magpapaalam kay tita?" Nagsalubong ang kilay niya. "Gagi, tulog." Pinagmasdan ko siyang i-lock ang pintuan. "Ingat ka sa date mo," saad ko nang sabay kaming lumabas sa gate nila. "Yie, salamuch. Ipapakilala kita sa kanya soon." "Sure." Napatingin ako sa paparating na tricycle. "Pupunta ka pa ba sa paradahan ng jeep o mag-tricy ka na lang?" "Tricycle, hassle masyado kung pipila pa ako sa dyip-an." "O e 'di sumakay ka na rito." Pinara ko ang tricycle na paparaan. Nang tumigil ito ay nagpaalam na kami ni Kimmy sa isa't isa at pinanood ko ang sasakyang tumulak palayo. Napabuntonghininga na lang ako at laglag ang mga balikat na naglakad papunta sa bahay. Sa kabilang kalye lang naman ito, walking distance lang. Nang makarating ako ay napatingin ako sa bahay na nasa kabilang dako ng kalsada, kaharap mismo ng bahay namin. Malaki ito, mistulang banyo lang ang naging labas ng bahay na tinitirhan ko. "Benj... " naisatinig ko. Nakakatawang magkaharap lang ang mga bahay namin pero mukhang hindi pa siya aware sa aking existence. Or, wala lang talaga siyang pakialam. Tumalikod ako at pumasok na. Bumungad sa akin ang tahimik na looban ng aming munting bahay. Mag-isa ako, halos lagi naman. Anak ako ni mama sa pagkadalaga, pero apat na taon na mula nang namatay siya dahil inatake sa puso. Ang totoo, pinili ni mama na huwag nang makipagkita sa soulmate niya. Biktima siya ng rape, at nabuntis na siya bago pa niya makilala ang lalaking itinadhana sa kanya. She and her soulmate has a tragic love story, though. Sila iyong itinadhana pero hindi pinagtagpo. Para sa akin ay mas masakit ito kaysa sa pinagtagpo pero hindi itinadhana. At kung tungkol naman sa totoo kong ama, kahit magkadugo kami, isinusumpa ko siya. Maaaring hindi siya magdurusa sa ginawa niya dahil hindi naman niya pinakasalan si mama, pero ako mismo ang magsusumpa na sana'y hindi sila kailanman magiging masaya ng soulmate niya. Sa dami ng sinira niya, hindi siya dapat maging masaya. Mabuting hindi ko siya nakilala. Hindi ko kailanman nanaiisin. Ang nag-iisang kapatid ni mama na si Tita Celia ang siyang narito sa bahay kasama ko. Wala naman siyang asawa, at halos sampung taon siyang naging katulong sa ibang bansa. Nang mamatay si mama, pinili niyang umuwi na lang para maging chef sa isa sa mga restaurant sa bayan, at para na rin maalagaan niya ako. She's not that kind of sweet aunt. Hindi siya mabait, pero mabuti siya. She sacrificed the dollars she was receiving from working overseas and chose to come back home for me. Puwede naman siyang magpadala na lang ng pera sa akin habang nagta-trabaho roon, pero mas mapapanatag daw ang loob niya kung mababantayan niya ako. For me, she's a hero. Unlike my mother, she chose not to meet her soulmate so she can take care of me better. Sabi niya sa akin noong wala siyang interes sa pag-aasawa, pero hindi niya iyon maitatanggi. Ilang beses ko na siyang nakitang hinahaplos ang pader ng kanyang kuwarto kung saan wala ni isa ang naisulat gamit ang itim na tinta. Puro pula. Puro galing sa soulmate niya. Kahit kailan ay hindi siya nagbigay ng mensahe rito. Ang kuwarto niya... ay ang eksaktong kabaliktaran ng sa akin. Binuksan ko ang pintuan ng aking kuwarto at pinagmasdan ang apat na sulok nito. Itim. Itim na tinta ang bumabalot sa lahat ng parte ng aking pader. Kung kay tita ay puro mensahe galing sa kanyang soulmate, sa akin naman ay puro mensahe para sa aking soulmate. Naalala ko ang tanong ni Kimmy sa akin kanina. "Kailan ko makikita ang kuwarto mo?" Napaismid ako. Never. Iyon ang sagot ko sa tanong niya. Never. Sino naman kasi ang matutuwa rito? Anak ng tokwa! Halos wala nang space na pagsusulatan sa kuwarto ko, pero wala pang reply si Soulmate kahit na isa? Pa-importante ba siya?! Sino ba siya sa akala niya? Nawala bigla ang pagkunot ng noo ko nang marinig ang isang pamilyar na tunog ng sasakyan sa harapang bahay. Napatakbo ako sa may bintana para makita siya. Hindi ako nagkamali. It's Benji! My ultimate crush in the university. A heartthrob. A basketball team leader, and a member of a university dance troupe. My ideal guy! Nangangati na ang lalamunan ko, gusto kong sumigaw at kunin ang atensiyon niya. Buti na lang at nakapasok na siya sa bahay nila bago pa ako makagawa ng kahihiyan. Ilang minuto ko ring pinakalma ang puso ko. Nang maka-get over ako ay muling bumalik sa aking sistema ang inis sa soulmate kong suplado. Pero baka naman kasi patay na 'yon?! O baka nagloko? Baka wala namang balak makipagkita sa akin? Napasigaw ako nang malakas dahil sa naisip. Kung ganoon nga, hihintayin ko pa hanggang sa mag-twenty-six ako para siguradong wala akong malalabag na batas. Malay ko ba naman, baka bigla siyang makipagkita kung kailan kasal na ako sa iba? Nako naman! Wala pa nga akong eighteen ganito na ang iniisip ko. Mag-focus na lang muna ako kay Benji. Gagawa ako ng paraan para mapansin niya ako. Kung sakali, iyon na ang greatest achievement ko sa buhay. Wala sa sariling napadampot ako sa ballpen kong nasa sahig at isinulat sa pader ang mga katagang, "Fine! You think you're a loss? Besides, I have an ultimate crush—the oh so handsome fafa Benji, one of the heartthrobs in my university. Duh!" Pagkatapos ay ibinato ko na naman ang ballpen sa kung saan. Himalang hindi pa siya bulok hanggang ngayon. Binuksan ko ang pintuan. Akmang lalabas na ako sa kuwarto nang mapansin kong may parang gumagalaw sa itaas na bahagi nito. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan habang pinagmamasdan ang unti-unting paglitaw ng mga salita sa aking pader. Mga salita sa pulang tinta. "Crush, my ass. Wrong spelling. Sa dulo, kulang ng letter E." I covered my lips with my hand. Napahawak pa ako sa pader malapit sa pintuan dahil sa panlalambot ng aking mga tuhod. Did he just reply?! It means, my soulmate is alive! He's alive and he's been reading my messages ever since! How dare he ignore me? At ano ang sabi niya? Kulang ng letter E? What? Was it supposed to be Benjie, not Benji? Wait! Could it be... Oh no. Could it be that... Benjie is my soulmate?!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook