"Kapatid ba talaga kita ha? How could you do this to her! Paanong hindi mo alam na buntis siya?!" napapikit ako ng mariin dahil sa ingay na para bang may nagtatalo. "I didn't know, okay? N-Nagulat lang ako n-no'ng sabihin mo na b-buntis s-siya..." kahit hindi ko imulat ang mata ko, alam ko kung kaninong boses 'yon at alam ko kung anong pinag-uusapan nila. "How, Nazzareth?! How?! Nag-away na naman ba kayo? Pwede ba? Hindi na kayo mga bata! Makakadalawa na kayo oh. Can't you—oo ikaw, set aside mo muna 'yang galit mo sa kanya. Your top priority is her pregnancy." Wala akong narinig mula kay Nazz. Katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Gusto kong magmulat ng mata para hindi na sila magtalo ngunit mas nangingibabaw sa akin na marinig ang pag-uusap nila. I want to hear Nazz's side about

