Nakatingala akong napasunod ng tingin kay Nazz. Anong pakulo na naman ‘to? Sa pagkakatanda ko si Ate Shaina ang doctor ko at hindi siya. I’m well-aware that he was a doctor before pero tinalikuran na niya ang propesyon na ‘yon at naging spy na lang dahil sa ama niya. Is this for assurance at nagpaka-doctor kunwari? Kating-kati na ba siyang malaman kung kanya ‘tong dinadala ko at hindi makapaghintay? “Hindi mo ba narinig ang tanong ko? Anong ginagawa mo dito? Hindi ikaw ang doctor ko,” nawala ang atensyon ko sa kanya nang mapansin ko ang dalawang nurse sa likod niya. “Nasaan si Ate Shaina?” “Mukha ba akong hanapan ng tao na wala dito?” inayos niya ang nakasabit na dextrose at muling tumingin sa akin habang nakataas ang kilay. Pilosopo talaga. “Nagtatanong ako ng maayos, doc.” Sarkasti

