“Scott?” halos pabulong kong sabi dahil hindi ko inaasahan na pupunta siya rito. Wala akong maalala na may gagawin kami ngayon. Pagharap niya sa akin, kumaway siya at ngumiti kaya nginitian ko rin pabalik. It was a bit awkward knowing na nandito si Nazz, mga kaibigan niya, mga kaibigan ko, si tita at nanay. Hindi ko alam kung sino ang uunahin ko kung siya o si Nazz na nagatatampo na karga-karga ang anak namin. “Oy, may pa-flowers ang manliligaw. Ano na Nazz? Galaw-galaw naman dyan,” pang-aasar sa kanya ni Haru. “Kung ako ‘yan, magdadabog ako ng bongga.” Pagdating talaga sa kalokohan, nangunguna ang mga ulopong na ‘to, inasar pa talaga si Nazz na itsura pa lang ay alam mong badtrip na. “Shut up, Haru. Gusto mong magmugmog ng dugo, hm?” tinawanan lang siya ni Haru habang ako ay nailing

