“Kailan graduation mo, Avisha?” tanong ni Paul na ngayon ay nakasandal sa himpilan ng kinauupuan. “Magna ka right?” Dahan-dahan akong tumango. “Wala pa silang ibinibigay na date.” Sagot ko rito at sinubuan si Nazaria. Kumunot ang noo ko nang haplusin niya ang leeg ko na mariing nakatitig doon. “Mommy, what’s in your neck? Kinagat po ba kayo ng lamok? Mapula po siya.” Sinundot-sundot pa niya ‘yon. Nag-init bigla ang mukha ko nang maghagikhikan ang mga kaibigan ko. Kinurot ko si Nazz sa may tabi ko dahil panay ngisi. Siya ang dahilan bakit ang dami kong hickeys. Hindi na nga ako makalakad ng maayos tapos pinaulanan pa ng kiss marks kanina sa loob ng banyo. “Malaking lamok ang kumagat dyan, baby.” Natatawang sabi ni Mari. “Malaki, damulag.” Dagdag pa ni Thisa dahilan para lumakas ang ta

