Thisa’s POV “Ninang, bakit po kaya ang tagal mag-usap nina daddy at mommy?” napakamot ako ng buhok sa tanong niya. Abala siya sa paglalaro sa kanyang tablet pero iyonh isip niya sa mommy at daddy niya. “Are they working on it na po ba, ninang? Iyong mga baby sisters ko po?” Nasamid ako sa sariling laway at naubo. Tiningala niya ako na may kuryusidad sa kanyang mga mata. Hilaw ko siyang nginitian kasi sa totoo lang hindi ko alam ang isasagot ko. Ang tagal kasi ng dalawang ‘yon. Hindi ko malaman kung nag-uusap ba talaga o hays alam na. Knowing Nazz and Avisha who have been craving for each other for years, I don’t think usap lang ang nagaganap ngayon. Baka sumabak na naman sa gyera sa kama. “They are just talking, baby.” And making babies, yeah, whatever. Nakita niya ata na ni-lock ko a

