Palihim kong naikuyom ang kamao at hilaw na nginitian ang babae. "Yeah, he's right. Sila lang ang kilala ko." Tukoy ko sa mga kaibigan ni Nazz dahilan para lumipat ang tingin nila sa'kin na may halong pagtataka. "Siya ba 'yong tinutukoy mo, Paul?"
Napamaang ang bibig niya na tila walang kaalam-alam sa pinagsasabi ko. "Ha? Uhm, yeah, si boy turon." Nakahinga ako ng maluwag at the same time natawa. "I mean, si Nazz." Mabuti na lang talaga at nakuha niya ang ibig kong sabihin.
"Boy turon?" the girl looked at Nazz, a bit confused. "May iba ka pang codename?" narinig ko ang bungisngisan ng mga kasama namin.
"Boy turon pala, ah." Si Ashi na napalagok ng alak. "Kaya pala paborito, sus."
"Parang hindi niyo naman kilala si Nazz na mahilig no'n. Ginagawang almusal, tanghalian, meryenda at hapunan—"
"Shut up, Haru." Pinagtawanan lang siya ng mga kasama. "Nazzareth Festin." Napataas ang kilay ko nang maglahad siya ng kamay. Nagpapakilala ba siya?
"Oh, tsansing." I heard Kali said.
"Huwag ka naman pahalata masyado, boss." Sabat ng isa, si Kairi.
"Kinareer tapos nagpakilala, ang galing. Kuhang-kuha mo ang inis namin, boss." Si Zelo na naiiling sa tabi.
"Hindi pa rin nakatiis. Hawak na hawak, gustong mangalabit sa tabi." Rinig kong bulong ni Haru dahilan para lumakas ang tawanan.
Alam kong inaasar lang nila si Nazz na mukhang wala rin namang pakialam sa kanila. Now, he's nonchalant huh? Tapos ano? Magpapakilala? Ayos din, eh! Pinanindigan talaga niya na hindi niya ako kilala.
I just stared at his hand. I have no intention of shaking his hand after he publicly denied knowing me. Manigas siya dyan.
"Suyo malala." Parinig pa ni Haru na patikim-tikim sa kanyang dalang inumin.
"What are you guys talking about?" gulong-gulong singit pa ng babae. "I'm Elise, Nazz fianceé." Pakilala rin niya saka ibinaba ang kamay ni Nazz.
Para akong nabingi sa narinig. Una, iyong sweetie, ngayon naman, fianceé? Ano sunod? May anak na sila? Ang galing niyang manakit.
Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay aatakehin ako ng anxiety. My head started to throb because of the loud voices around me.
Napapikit ako ng mariin, nahihilo na parang nasusuka sa halo-halong emosyon na nararamdaman.
"It's okay, I'm here." Minulat ko ang mata at napatingin kay Paul. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang ilapit nito ang mukha sa akin. "You're strong, Avisha. Don't let them see that you're affected. Alalahanin mo ang pinagdaanan mo sa dalawang taon na wala siya. Kinaya mo naman 'di ba? Ngayon pa kaya." It was a long whisper. Ni hindi ko magawang gumalaw.
"Pinagbubulungan niyo dyan—oh!" nagsimulang magharumentado ang dibdib ko nang pagsiklupin ni Paul ang mga daliri namin. "Ano 'yan ha?!" nilakasan ni Haru ang boses dahilan para maagaw ang atensyon ng iba.
"Ano, Haru? May b0ld ba? Ang lakas ng boses mo, depungg—oh! Mapapa-oh ka talaga. Ano 'yan, Paul?" ngising wika ni Ashi.
"Baka b0ld." Natawa ako sa sagot ni Paul. Gumaan bigla ang pakiramdam ko at kumalma na rin. "Isyu kayo, ah. Hinawakan lang sa kamay. Hindi ba puwedeng namiss ko lang si Avi kaya napahawak?" pilyong dagdag pa niya.
"Inang hawak na 'yan, Paul, higpit." Pang-aasar ni Ashi. "Miss na miss ba? Nga pala, tuloy pa rin ba iyong engagement niyo?"
Sumulyap sa akin si Paul. "Hindi ko sure sa kanya." He grinned and then chuckled.
Nahagip ng mata ko kung paano nawalan ng buhay ang mata ni Nazz. Nandilim ang awra nito na ipinagsawalang kibo ko na lang. Now, what, Nazz? Kung may fianceé ka, meron din ako.
I smirked when his jaw clenched. Bumaba ang tingin niya sa magkahawak naming kamay ni Paul.
"Paul..." pare-pareho kaming napatingin sa kanya. His voice was like an ice shard. Malalim at punong-puno ng pagbabanta.
"Oh, hi there! Nice to meet you too, Elise." Iyong feeling na nakababa na ang kamay niya pero kinuha ko para lang makipagkamay at mawala ang tensyon. "I'm Avisha, Paul's fianceé."
Napa-oh ang magkakaibigan. Hindi ko alam kung tama pa ba 'tong pinagsasabi ko pero nasabi ko naman na, wala ng bawian.
Nginitian ko si Elisa na matamang nakatitig sa akin na para bang may sinabi akong hindi niya inaasahan.
I glanced at Nazz who's giving me a death glare. "Sorry, allergic kasi ako sa turon." Kaswal na sabi ko kay Nazzareth bago binitawan ang kamay ng fianceé niya.
Naghagikhikan ang mga ulupong na nasa tabi namin. If I know aliw na aliw sila sa nangyayari. Hindi nila alam sasakit ang katawan nila kapag nasagad na si Nazzareth.
Ngiti-ngiti kong tiningnan si Paul nang humigpit ang pagkakahawak niya sa'kin.
"Is this for real? Ikaw, Paul? May fianceé na? Bakit hindi ko alam?" lumipat ang tingin namin kay Elise. "Alam mo ba ang tungkol dito, Nazz?"
"Long story, Elise," Paul replied. "Back when you were not Nazz's fianceé. Dapat pala pinaglaban ko no'ng una." He smirked.
Napasinghap kami nang bigla siyang kwelyuhan ni Nazz na nginisian lang niya.
I don't like this. Hindi ganito ang gusto kong kalabasan. Ang dami ng taong nakatingin sa amin.
"Nazz..." Elise mumbled. Sinubukan niyang awatin si Nazz pero hindi man lang siya nito pinansin. "Huwag kang gumawa ng gulo rito, sweetie."
Napangiwi ako sa huling sinabi niya. Ang landi ng tono. Sa tingin ba niya ay kakalma si Nazz dahil doon?
"Why, Nazz? Natatakot ka ba? Na baka ako ang pakasalan niya?" oh, God! He's triggering him. "Two fvcking years, bro."
Mas humigpit ang pagkakakwelyo niya kay Paul. Sa mata pa lang niya ay parang gusto na niyang ibaon sa hukay ang kaibigan.
"You know the reason, Paul." Nazz said firmly. Wala na akong makitang emosyon sa kanyang mukha. It was full of rage and anger. "Hindi ko ginusto ang nangyari." His grip tightened, almost making Paul blanch as if he were being choked, yet he still managed a smile.
"Nazz..." hindi na ako nakatiis. Mukhang wala rin namang balak makisali ang mga ulupong. Nanuod lang. Gusto pa ata na ako ang gumawa. "Tama na 'yan."
Marahas nitong binitawan si Paul. Sandaling tumigil ang paghinga ko nang magtama ang mata namin.
"Ilan sila? Ilan ang naging lalake mo no'ng wala ako?" his voice echoed inside my head.
People gasped. Napatakip ng bibig si Elise sa gulat nang buong lakas kong samp4lin si Nazzareth sa harap niya. "How dare you!"
"Avisha..." narinig ko ang boses ni Tita Nadia sa mga tao. "S-Stop."
My knees buckled, my hands went numb and trembled, I was breaking down. Pinigilan ko ang sarili na huwag umiyak. Kahit nasaktan ako sa sinabi niya, tinatagan ko ang loob.
"More, Avisha!" dumagundong ang boses niya. "Slap me, again!" napapikit siya nang muling lumapat ang palad ko sa kabila niyang pisngi.
"I hate you so much, Nazzareth!" I yelled at him. "Gusto mong malaman kung ilan ang naging lalake ko?" mapait akong tumawa. "Gusto mo isa-isahin ko pa sa'yo—" nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.
"Nazzareth!" Elise blurted out when Nazzareth kneeled in front of me.
"I can't take this..." I heard some of the ulupong whispered.
"Please, take me back, baby." He grabbed my hand. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha niya sa kamay ko. "Hindi ko na kaya. Ang bigat. Ang sakit. Hindi ako makatulog kakaisip sa'yo. H-Hindi ako makakain sa tuwing naiisip kong may iba ka na. Hindi ko kayang mawala ka, Avi." He cried. "Please, take me back. Hinding-hindi na ako aalis."
Marahas kong tinanggal ang kamay niya. "Sana inisip mo 'yan bago umalis." Walang kabuhay-buhay kong sabi bago siya nilagpasan.
Halos takbuhin ko na palabas ng ball room, hinahanap kung saan ang pinaka-main exit.
Nagsimulang manlabo ang mata ko dahil sa luhang namumuo. Nagtanong-tanong ako sa mga nakakasalubong kong bisita at mabuti na lang ay may nakapagturo sa'kin kung saan ang palabas.
Pagkalabas ko ng building, napahawak ako sa aking dibdib sa sobrang paninikip. Hindi ko na napigilan at napahagulgol ako sa sama ng loob at sakit.
"Avisha..." he followed me.
"Mommy?"
Natigilan ako. "Anak? Nazzareth?"
Oh, God! Anong gagawin ko?