“Mommy?” iniabot niya sa akin ang wala nang lamang milk bottle niya. “Can I request po?” “Ano ‘yon, baby?” kinuha ko ‘yon at inilapag sa kaliwang bedside table. Nandoon sa kabila si Nazz, abala sa pag-aayos ng mga gamit ni Nazaria. “Puwede po bang dito matulog si daddy, please?” pareho kaming natigilan ni Nazz at nagkatinginan. “Baby, hindi p-puwede. Busy ang daddy mo. May gagawin pa siya.” Agap ko dahil ayokong matulog siya rito. Ayokong magtabi kami, not again. Baka kung anu-ano namang kalokohan ang gawin niya. “Wala akong maalala na sinabi kong busy ako,” pinandilatan ko siya ng mata sa sagot niya. “Pero depende pa rin kay mommy ang desisyon.” Kumapit sa akin ang anak ko at nag beautiful eyes na naman. “Please mommy? Please? Tonight lang po, promise.” Panglalambing nito at ‘di na i

