Anna POV Sinimulan na ng make-up artist ang pagpapaganda sa akin.Wala akong imik dito kahit nagsasalita naman ito sa akin.Tanging ngiti,tango lang ang sagot ko dito.Occupied ang utak ko ngayon.Kinakabahan ako kasi alam kong andito si Art sa party.Napag-alaman ko buhat kay Lola na magkasosyo pala sila ng mga Ledesma.Kinakabahan ako ng mga oras na to.Gusto ko nalang tumakas at magpuntang America for good pero Hindi ko magagawa Kasi naawa ako kay lola.Ang pinakamamahal kong lola na naging sandigan ko simula ng nmatay ang aking ina. Buti nalang naintindihan nito ang aking kagustuhan na hindi na muna ipakilala ang aking anak na si Angel Ann sa publiko.Hindi pa ako handa.At napag-usapan na rin namin na hindi na muna palalabasin sa kanyang kwarto ang aking anak hanggat hindi matapos ang party.

