Art POV Nang dumating ako sa mansyon ng mga Madrigal,hindi ako mapakali sa aking kinatatyuan,marami narin ang mga bisita,pero hindi ko pa nakikita ang nag-iisang heredera ni Donya Esperanza.Malaki ang tiwala ko na si Anna ang apo nito.Nararamdaman ito ng aking puso. Maya-maya lang ay pumagitna na ang donya at nagsalita at pinakilala na ang kanyang apo.Para akong nahipnotismo sa aking nakita,walang iba kundi ang aking si Anna,mas lalo itong gumanda at sexy.Napakamature nitong tingnan,parang isang anghel na nahulog mula sa lupa.Malakas ang kumpyansa sa sarili itong naglakad papunta sa gitna kung saan andon ang kanyang lola. Hindi ko mawaglit ang aking paningin sa dalaga.Wala na ang inosenteng mukha nito at napalitan na ito ng tapang.Sinundan ko lang ito ng tingin kahit saan ito nagpunta.H

