Kinabukasan nang umaga ay panauhin niya si Jenny.Kagigising niya pa lang ng dumating ito at naghahanda siyang maligo.
"Himala naman yatang tinanghali ka ng gising ngayon, Bes.Dati naman ay ang aga mo..ano ba ang nangyari?", naninibagong tanong ni Jenny sa kanya.Bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatitig sa mukha niya.
"Pwede ko na sanang isipin na naninibago ka lang sa hangin ng probinsya kaya napapasarap ang tulog mo....Pero sa nakikita ko sayo, parang may iba eh", dugtong pang wika ng kanyang kaibigan.
" It's nothing",paiwas na sagot ni Cassie sa kaibigan.Tumayo siya para kuhanin ang tuwalya sa towel rack.
"Ah..yan na pala ang mukha ng " nothing " ngayon...Ako nga Cassie,wag mong pinagtataguan...Kilala kita.Ano ba ang nangyari?".
Wala talaga siyang maitatago kay Jenny.Nilingon niya ito habang iniisip kung dapat niya pa bang ikwento dito ang nangyari.Lumakad siya pabalik at naupo sa kama.Samantalang si Jenny naman ay sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya.
"We've met...unexpectedly...", umpisa ni Cassie.
" Met?Kayo ni Edward?Kailan?",sunud-sunod niyang tanong sa kaibigan.Hindi niya inaasahang makukrus ang landas ng dalawa nang ganun kabilis.
"Last night....That was an unexpected meeting.", she continued her story. Mataman namang nakikinig si Jenny.
" Allen asked me to dine outside.I don't know but.... Maybe that was just coincidence...Edward's there and he happens to be Allen's friend too".
"So..What happened then?", tanong ni Jenny.Ilang saglit pa bago muling sumagot si Cassie.
" He's mad at me..",she added softly."And he told me that he wished I hadn't came back here".
Jenny looked at her friend intently. Ramdam niyang nasasaktan ang kanyang matalik na kaibigan.Pero siya man ay hindi alam ang sasabihin dito lalo at wala naman itong sinabi sa kanyang dahilan kung bakit ito umalis noon.
"Cassie,five years ago,you left this place.Tatlong araw na lang ay kasal niyo na dapat noon ni Edward. Nobody knows your whereabout then.At walang nakakaalam kung ano ba ang dahilan mo", Jenny said.
" So maybe you can't blame him kung magalit siya sayo".
"Jen..,I admit I am the one who left him.Pero ginawa ko yun dahil pinagtabuyan niya ako.I did that because I am hurting..It hurts me when I caught him cheating on me with Yvette", lumuluha niya nang kuwento.
Pakiramdam niya ay muli siyang bumalik sa nakaraan.Si Edward at si Yvette...sa loob mismo ng kwarto nito...magkayakap...ang galit sa mga mata ni Edward nang tumingin sa kanya...ang marahas nitong pagtaboy sa kanya...Parang gusto niyang panginigan ng katawan sa alaala.Tila walang nagbago sa sakit na nararamdaman niya.
" I'm sorry...Sana'y sinabi mo sakin ang lahat noon.Sorry dahil hindi kita nadamayan sa mga panahong iyon",Jenny felt emotional pagkatapos marinig ang mga sinabi ni Cassie.Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan upang kahit papano ay maibsan ang sakit na nadarama nito.Nalulungkot siyang isipin na sa mga panahong iyon ay wala siya para damayan ito.
"You don't have to feel guilty about that Jen..Ginusto kong lumayo at solohin ang sakit noon.", Cassie told her friend." Besides, look at me now.Maganda naman ang narating ko.I became famous at magkasama na kami ng Papa".
"Masaya akong tinanggap mo na si Tito Fernando bilang tatay mo.", tinapik siya nito sa balikat at nginitian." Kaya lang bakit hindi niyo linawin sa press ang tunay niyong ugnayan.?Maraming lumalabas na balita tungkol sainyo na wala namang katotohanan".
"Let them think and write what they want.Wala naman sa amin iyon ng Papa.Nakakatulong pa nga dahil natigil ang pangungulit ng mga unwanted suitors ko", nakangiti nang sagot ni Cassie.Malaking bagay sa kanya nang mapabalitang mistress/kept woman siya ni Fernando Rivera.Ang ilang mga nagpapahayag ng pagkagusto sa kanya ay tumigil.Although meron pa din namang ibang sadyang mapipilit.But she knows how to deal with them.
" Bes,don't you think it's already time to open your heart again and welcome a new love? ",suhestiyon sa kanya ng matalik na kaibigan.At the age of 24,Cassie was still young and beautiful." Why don't you give chance to other?Everything happens with a purpose.Maybe you and Edward were not really meant for each other".
"Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan.Tandaan mong tayo ang gumagawa ng sarili nating buhay,Bes..Kung ano man ang nangyari sa atin,yun ay dahil tayo ang pumili ng daang ating nilalakaran",Jenny said, trying to open her best friend's mind for giving her a piece of advice.
"I have no plan of settling down, yet.Masaya at tahimik na ang buhay ko ngayon.With my family...and Ianne", mahinahon niyang sagot.Siguro darating din ang panahon na magmamahal siya ulit...Pero kung mangyayari iyon ay siguradong matagal pa.There is only one particular man that owns her heart.At mahirap na sigurong ibigay ang puso niya sa iba.
"Ianne?..Who's Ianne?", litong tanong ni Jenny sa kanya.Nakalimutan niyang hindi nga pala nito alam.
Sa loob ng limang taon ay wala halos silang communication. Nang lumuwas siya ng Maynila ay nalaman niyang umalis din si Jenny papuntang Taiwan para magtrabaho.Dahil doon ay nawalan na sila ng contact sa isa't isa.It was just lately nang pumunta si Jenny sa set kung saan sila nagso-shooting.Doon niya nalamang ikakasal na pala ito at siya ang kinukuha nitong maid of honor.
Samantalang napag alaman niya rin noon na sa mismong araw sana ng kasal nila ni Edward ay umalis din ang binata patungong London.Nauna lang dito si Yvette ng dalawang araw.Naisip niya ,marahil nga ay lumayo ang dalawa upang tuluyan nang magkasama.
" I'm sorry..Hindi ko pa nga pala sayo nakukwento",wika ni Cassie sa kaibigan."I have a little girl...",she added in a distant voice.
"Yeah..I know.Nababasa kong lahat ang mga balita nila tungkol sayo.I never failed to buy magazines that contains articles about you.Inisip kong kahit doon man lang ay masundan ko ang best friend ko".
" She's Edward's ".
Nanlaki ang mga matang ibinaling sa kanya ni Jenny ang tingin.Sa matagal na sandali ay nakatunghay lang ito sa kanya.Then she sat beside her.
" Now,tell me Jen...Ginusto ko bang mangyaring walang magisnang ama ang anak ko?she asked painfully.
Ilang beses humugot ng buntong hininga si Jenny bago sumagot."I'm not judgmental, Cassie...alam mo iyan.But if you want an honest answer to that,then listen.When you and Edward had sex....made love",she amended. "without the sanctity of marriage, alam mo ang maaaring kahihinatnan.".
" Pero nakatakda na kaming ikasal...",she defended herself."Nang araw na matuklasan ko ang kataksilan niya ay galing kami ni Donya Benita sa wedding couturier nun.,alam mo iyan!".
"That doesn't justify for a premarital s*x", walang akusasyon at paninisi sa tinig nito.Jenny was stating facts.
Napayupyop sa mga braso niya si Cassie.Banayad siyang hinawakan ni Jenny sa balikat." Don't be too hard on yourself, Cassie.We cannot undo what have been done.Let's go forward ".
Nag angat siya ng mukha at pinahid ng likod ng palad ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.Saka tumango" Yeah..And right after your wedding, babalik na ako ng Maynila and forget everything ".
" Hindi mo ba gustong sabihin kay Edward ang tungkol sa bata?",Jenny asked softly
"No", she shook her head violently.Tumayo na siya at naglakad papasok sa banyo.
" Bes..,I forgot to tell you this",ani Jenny.
Huminto saglit si Cassie at nilingon ang kaibigan."What?",she lift her face and look at Jenny.
"Jake and Edward were cousin's. So it is not impossible na magkita ulit kayo sa kasal.Specially...., Edward is our major sponsor", alanganing sabi ni Jenny.Wala siyang nakuhang anumang sagot mula kay Cassie.She just shrugged her shoulders at tumuloy na ito sa loob ng banyo.
Sa mismong araw na nang kasal ni Jenny muli silang nagtagpo ni Edward. Ito mismo ang principal sponsor.Inaasahan niyang naroon din si Yvette subalit wala ito.Ayon kay Jenny ay kasalukuyan itong nasa Paris.Mabuti na ring hindi magtagpo ang landas nila ng babaeng naging dahilan nang pagkasira nila ni Edward.,naisip niya.
She was walking down the aisle nang sa pag angat niya ng paningin ay mga mata ni Edward ang nakasalubong niya.Nasa unahang pew ito kasama ng iba pang sponsors sa kasal na nagmula sa panig ni Jake.Kabilang sa mga ito sina Donya Benita at Xander.Edward looks tall and handsome and distinctive in his three-piece suit.
The eyes that followed her every move were as dark as polished jet. Sa mga mata nito'y naroroon ang akusasyon,kapaitan at galit.
Ano ang karapatan nitong akusahan siya?Hindi siya ang nagtaksil kundi ito at si Yvette.
She swallowed the lump in her throat and tried to break eye contact but she could not.Tila hinihigop siya ng mga mata nitong tanggapin ang galit at akusasyon mula dito.
Nang mula sa mga nakaupo sa pews ay may narinig siyang bulung-bulungan.
"Hindi ba't si Sandra Alvarez iyan?Iyong kontrabida sa soap opera?".
" Siyanga...!Napakaganda niyang lalo sa personal.Hindi ko maintindihan kung bakit siya kontrabida gayung mas maganda pa nga siya sa bidang babae".
"Baka talagang salbahe tulad ng role niya.!Naiinis nga ako diyan kapag nanonood ako ng show".
" Hindi ba't balitang mistress daw iyan ng milyonaryong negosyante?Iyong Fernando Rivera yata iyon".
"Hindi natin alam..Pero baka naman tsismis lang iyon.Alam niyo naman sa showbiz...".
" Oo nga naman.Saka diba tagarito iyan sa atin?Sa SCU pa nga nag aral..Mamaya papirma tayo ng autograph ...".
Narinig niya ang mabilis na pagsang ayon ng ilan.At sapat ang mga bulungang iyon para ituon niya ang tingin sa harap ng altar.Binalaan niya na si Jenny na baka makaagaw ng atensyon ang pagiging celebrity niya pag nakilala siya ng mga tao.Subalit bale-wala iyon sa kaibigan.Ipinagmamalaki pa nga siya nito.
She wished she could make her exit easy and unnoticed later.Nagpaalam na siya sa magkasintahan kanina na aalis kaagad pagkatapos na pagkatapos ng kasal.Agad namang pumayag si Jenny dahil nauunawaan nito kung bakit niya gagawin iyon.
On the whole duration of the wedding, ramdam niyang nasa kanya ang mga mata ni Edward sa bawat sandali.Hindi miminsang nagtatagpo ang paningin nila and she endured each agonizing moment.
After the wedding ceremony, Jenny did not throw her bouquet. Sa halip ay iniabot nito mismo iyon sa kanya.Hinagkan siya nito sa pisngi at binulungan"Go and find someone worth your love, Cassie. Naniniwala akong makakatagpo ka pa rin ng lalaking mamahalin ka ng totoo.Nasa Maynila kami ni Jake sa susunod na linggo.I want to meet your daughter ".
" Aalis na ako, Jen.",ganting bulong niya rito."And please., give this note to Edward later",pakiusap niya sa kaibigan at inabot dito ang isang maliit na sobre para sa binata.Nagtataka man ay tumango na lang si Jenny.
"Pwede ko bang hagkan ang maid of honor?", si Jake na nakangiting lumapit.He bent and kissed Cassie's cheeks." Thank you for gracing our special day, Cassie".
Ngumiti siya at nagpakuha ng ilang pictures kasama ang bagong kasal.At nang ang atensyon ng mga ito ay nakuha na ng ibang bisitang bumabati ay nakisiksik na siya sa mga sponsors at abay.Subalit kinailangan niya pa munang makipagkamay sa ibang mga naroroong hindi niya maiwasan.
Mabilis siyang umatras patungo sa may exit na malapit sa altar upang hindi siya makatawag-pansin ng mga fans na naghihintay lang ng pagkakataong makalapit sa kanya.
Sa labas ay naroroon ang kotse ni Jenny na hiniram niya.Dahil wala naman siyang dalang sariling sasakyan nang pumunta siya ng Punta Verde ay nakiusap pa muna siya sa kaibigan kung pwede niyang hiramin ang kotse nito at pumayag naman ito.Ang mga gamit niya'y nasa trunk na dahil kaninang umaga niya pa inilagay ang mga iyon.Mabilis siyang pumasok sa kotse at lumayo sa lugar na iyon nang mabigat ang dibdib.
Ito naman talaga ang plano niya.Ang umalis kaagad pagkatapos niyang gawin ang dahilan kung bakit siya muling bumalik sa lugar na ito.Ngunit bakit tila yata hindi sumasang ayon ang damdamin niya?Bakit may pakiramdam siyang muli ay maiiwan na naman dito ang puso niya.?Huminga siya nang malalim.
Mamaya ay siguradong mababasa na ni Edward ang iniwan niyang sulat para dito.Hindi niya alam kung tama bang ginawa niya iyon.Na ipaalam at sabihin dito na ito na ang huling beses na pupunta siya rito.
May ilang minuto na siyang nagmamaneho. Subalit nang matanaw niya ang arko patungo sa burol ay nagmenor siya.
Perhaps some women had masochistic attitude. At kabilang siya sa mga iyon.Bakit kailangang tanawin pa niya ang lugar na iyon?
"I'm doing it for the last time", bulong niya sa sarili.
Iniliko niya ang sasakyan patungo sa dako ng burol.Gayunma'y hindi siya huminto sa paanan niyon.Sa halip ay idiniretso niya ang sasakyan patungo sa may tabing-dagat sa ibaba ng burol.
May ilang sandali nang nakahinto ang sasakyan niya subalit nanatili lang siyang nakaupo roon.For a long moment, she gazed at the shimmering horizon where two fishing boats danced and bobbed.
Ang tahimik na paghampas ng alon sa baybayin ay musika sa pandinig niya.Ang araw na ilang sandali na lang at malapit nang lumubog ay hindi niya na muling masisilayan mula sa bahaging ito ng lupa.
She sighed sadly.Binuksan ang pinto ng kotse at lumabas.Sinimulan niyang maglakad.Subalit nang lumubog sa buhangin ang kanyang takong ay hinubad niya ang high-heels at binitbit.Itinaas niya ang laylayan ng gown niya at tahimik na naglakad patungo sa bahaging may tubig.
Mainit pa nang bahagya ang buhangin at nararamdaman niya iyon sa paa niya subalit hindi niya ininda.Nang makarating sa may tubig ay hinayaan niyang maglaro ang mga alon sa kanyang mga paa.
Inilibot niya ang paningin sa paligid.Maraming masasayang alaala ang hatid sa kanya ng lugar na ito.Maraming pangarap ang magkasama nilang binuo rito.Ang akala niya noon ay sapat na ang pag ibig nila sa isa't isa upang kanilang panghawakan.Subalit sa kasamaang-palad ay walang natupad sa mga pangakong kanilang binitiwan.
Hindi niya napigilan ang mga luhang malayang dumaloy sa kanyang pisngi.Hanggang kailan ba siya mananatiling ganito?Hanggang kailan ba siya magdurusa at masasaktan ng kahapon?