Twelve

2937 Words
"Kailangan ko ba talagang mag attend? You can ask some of your friends to accompany you in that party, Yvette.", iritableng tanong ni Edward sa babae. Ilang araw pa lang mula nang dumating ito mula sa ibang bansa at may party na agad na pupuntahan. " You're impossible, Edward. Harold is our friend and we're both invited in his party.",sagot ng dalaga.Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Ikinawit nito sa leeg niya ang mga braso. "Yvette, nasa kapitolyo tayo.", wika ni Edward at marahang inalis ang mga braso ng dalaga mula sa pagkakayakap sa kanya. Wala itong nagawa kundi bumalik sa upuan nito sa harap ng binata. " You don't want me to attend that party alone, don't you? Mabo-bored lang ako dun",she said pouting her lips sexily. "I don't remember na na-bored ka when it comes to party. Hindi ba't mahilig ka sa mga social gatherings?", he said looking at the woman in front of him with amusement. Kilala niya si Yvette noon pa man. Gustong-gusto nitong makipag sosyalan at makuha ang atensiyon ng mga taong nakapaligid rito. Specially, men. " But I want you to be my escort, Edward. Gabi ang party at wala ka namang trabaho noon. ",nagmamaktol na sagot ni Yvette. Sinimangutan siya nito. " Look, Yvette... I've been very busy these past few days. And apparently, I need rest",he insisted. Pumupunta lang siya sa mga ganoong klaseng kasiyahan kung iyon ay may kaugnayan sa pulitika o negosyo. He will not waste his time sa mga walang kabuluhang bagay. "You know what, simula nang dumating ako dito naninibago na ako sayo. Problems? What is it? Tila kasi lagi kang wala sa mood lately", nauubusan na rin ng pasensiyang wika ng babae. Excited siyang umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng modelling contract niya sa Paris. At umaasa siyang madalas silang magkakasama ng binata ngayong bumalik na siya. Pero ilang araw na siya at ilang beses niya na itong niyayayang lumabas pero lagi itong tumatanggi. And her instinct was telling her na may dahilan kung bakit nagkakaganito si Edward. " Nothing!",nababagot na sagot ni Edward. Pag ayaw ba kailangan laging may dahilan.? "Ok!..but if it's really nothing...,samahan mo ako..!Please..!!!", sinadya niyang palambingin ang boses para makumbinsi ito. She knows Edward, at alam niyang hindi ang uri nito ang madadaan mo sa init ng ulo at marahas na pamamaraan. " Titingnan ko...pero hindi ako mangangako!",he answered in a cold and distant voice. "Thank you...Alam ko namang hindi mo ako matitiis!",aniyang tumayo na at lumapit sa binata. She kissed him on his surprised lips before she went out of his office. " Bye." Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Edward bago ipinagpatuloy ang ginagawa. But he can't focus on what he's doing. Isang pamilyar na mukha ang pumasok sa isip niya. Those expressive eyes...and the natural rosy cheeks...then that luscious and kissable pink lips..."Why can't I get you out of my mind?"... aniya sa sarili. That woman never failed to affect all his senses. Halos ilang linggo na rin nang huli niyang makita si Cassie. Ang sabi niya sa sarili kakalimutan niya na ito. That it's time for him to move on and find new love. Simula nang makita niya itong umuwi ng Punta Verde ay bumalik ang damdamin niya para rito. Akala niya ay nakalimutan niya na ito. Akala niya ay galit pa rin siya dito.. Pero nang makaharap niya ang dalaga ay iba ang naramdaman niya. Itinago at inalagaan niya pa rin pala ito sa puso niya. Walang nagbago sa pagmamahal niya dito. But life is so unfair. Masaya na si Cassie ngayon. Matagal na siya nitong nakalimutan. He sighed heavily. Sa bawat sandaling naaalala niya ito ay kumikirot ang dibdib niya. Maybe he really needs those parties and social gatherings para malibang siya. Pagbibigyan niya na lang si Yvette na samahan ito sa party ni Harold. ???????????????? Sa bahay ng mga Lopez idinaos ang party. Ang buong bakuran ay maliwanag dahil sa iba't ibang kulay ng ilaw. At malapit sa may swimming pool ay naroon ang dance area kung saan marami na ang nagsasayaw. Harold grinned when he noticed Edward and Yvette entered. Mabuti na lang at napilit pa rin pala ni Yvette ang binata. "Yvette!!! Gov.!!!.Thank you so much for coming", ani Harold nang salubungin sila. Nakipag beso ito kay Yvette at kinamayan naman si Edward." I admire your convincing power at napilit mong sumama itong si Gov.." "Yes, of course.. Hindi lang talaga ako matiis niyan kaya sumama na rin." Yvette said then she wink at Harold. "Kung sabagay...Salamat pa rin sa pagdalo, 'Pre",as he turned at Edward. " Yeah!, Thank you too for the invitation. Nagkataon ding hindi gaanong busy kaya heto,..." sagot ng gobernador. "Come on...Let's go inside...Doon na muna kayo para makapag reunion na rin tayo diretso. Nandito ang ilan sa mga batch mates natin nung high school and college." Harold said while guiding them inside the house. Kaunti lang ang tao sa loob kumpara sa labas. At karamihan ay kilala ni Edward. Kumapit si Yvette sa braso ni Harold habang papasok ng bahay. Si Edward naman ay palinga-linga at minsa'y ngumingiti at tumatango sa bawat madaanang kakilala. He was walking silently. Mukhang hindi pa formal na nag uumpisa ang party. "Maya-maya lang ng kaunti ay maaari na tayong mag umpisa. Parating pa lang si Kit kasama ang big boss niya. Siya na lang naman ang hinihintay", sambit ni Harold na tila ba nahuhulaan ang tumatakbo sa isip ni Edward. He was referring to his younger brother na nagtatrabaho bilang accountant sa isang private company. Wala sa loob na napatango naman si Edward. Pagdating sa loob ng bahay ay pumwesto siya malapit sa may bar counter. The bartender offered him wine na tinanggap naman niya. While the women were busy chit chatting si Harold naman ay may tinatawagan sa phone nito. He surveyed the whole place with his eyes. Sa labas ay abala ang mga panauhin sa pakikipag kumustahan sa mga kakilalang ngayon lang nakatagpong muli. May ilang pares na nagsasayaw na sa saliw ng isang malamyos na musika. Nang mapadako ang tingin niya sa swing house malapit sa may garden ay naisipan niyang lumabas at doon magpalipas ng oras habang hinihintay nilang mag umpisa ang party. Ilang minuto na siyang nakaupo doon nang marinig niya ang usapan ng dalawang babaeng nasa table malapit sa kanya. "O.m.g.!!!Hayan na pala si Kit..Ang gwapo talaga ng crush ko." "Sus..tumigil ka nga!Mamaya niyan may nakarinig pa sayo." "Ano namang masama dun?Sa gwapo ba namang iyan ni Kit, sino ang hindi magkakagusto diyan, aber?" "Hay naku! Kahit pa gusto mo kung hindi ka naman gusto, wala ding mangyayari!" "Ah..basta ako----- Ayyyyy!oh my gosh...siya ba talaga iyan?", tumitiling wika nito na tila naestatwa sa nakita. " Tumigil ka nga!",saway naman ng isa sa kasama nito. "Para si Kit lang, kung makatili ka diyan grabe na." "Loka,..hindi si Kit. Hayun oh", anito sabay turo sa kasama ni Kit na dumating." Diba si Sandra Alvarez iyan?" "Ha? Oo nga...si Sandra Alvarez..,iyong idol natin!!" "As in...Ang ganda niya pala lalo sa personal!". Dahil sa narinig ay agad napalingon si Edward. And yes! It was really her! His heart leaped at the sight of her. Excitement filled him once again. The woman he'd been thinking is here. At sa bawat sandaling nakikita niya ito ay tila lalo itong gumaganda. She was wearing an off-shouldered white long dress. Her hair was styled in french bun. In her hand was a silver purse. Mistula itong anghel na bumaba mula sa langit. He saw her smile nang salubungin ito ni Harold at kamayan. Bagamat isang tipid na ngiti lamang iyon ay iba ang naging epekto nun sa kanya. Sana'y ngumingiti rin ito kapag siya ang kaharap.,hindi niya maiwasang makaramdam ng panibugho. Dati ay napakadali lang sa kanya ang pangitiin at patawanin ito. Pero hindi na ngayon. " Si Fernando Rivera ba iyong kasama niya?". Narinig niyang tanong ng babaeng nasa kabilang table. "Oo yata", sagot naman ng isa. Saka pa lang din niya napansin na may katabi nga pala ito. Yes! The man beside her was Fernando. At nakakapit si Cassie sa braso nito.Kung ganoon ay magkasama pala ang dalawa. Nanghihina siyang tumayo mula sa kinauupuan. He can't stay any longer. Paano niya ito pakikitunguhan kung kasama nito ang lalaki? Kailangan niya nang umuwi. He went out of the place hurriedly. Bahala na si Yvette na umuwi. Tatawagan niya na lang ito mamaya at sasabihing nauna na siya dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Yvette was searching for Edward over the crowd. Kanina pa niya ito hinahanap pero hindi niya matagpuan. Paano ba naman kasi, masyado siyang naging abala sa pakikipag kumustahan sa mga dating kaibigan na dumalo din sa party. Hindi niya tuloy namalayan kung saan nagpunta ang binata. She was about to went out of the house nang mapansin niya ang babaeng kadarating lang. Nakakapit ito sa braso ng isang may edad nang lalaki. And her face looks familiar. Natigilan siya nang makilala itong tuluyan. So... Cassandra Alvarez was here, too. Hindi niya akalaing inimbita din ito ni Harold. Kailan pa naging close ang kaibigan niya sa babaeng ito? She surveyed her from head to toe. Kung nagkataon sigurong hindi ito isang sikat na tao ngayon ay hindi niya na ito makikilala pa. The woman has transformed! Napakalaki ng ipinagbago nito sa dating Cassandra na nakilala niya five years ago. Mas gumanda ito at nagmukhang class and sophisticated. Looking at her now, wearing a long off-shouldered white dress..,she looks like a live model walked out from a vogue magazines. And she felt envious for her natural grace. Tila hindi aral ang mga kilos nito. She seemed so sure of herself. Beside her was Fernando Rivera., a multimillionaire business tycoon. So... totoo nga pala ang mga nabasa niya sa mga gossip magazines na kabit ito ng matandang milyonaryo. At gusto niyang mainggit sa babaeng ito. Nakakalula at hindi biro ang yaman ni Fernando. Wala halos sila kahit sa kalahati man lang. Ano bang meron si Cassie at lahat na yata ng swerte ay nakuha nito? Well,...hindi nga pala lahat. Dahil hindi nito nakuha si Edward. Poor! ,Cassie!!! At kahit ano pang gawin nito ay hindi na ito magkakaayos pa at ang binata. She smiled triumphantly bago tumalikod. "Come on, Sir!...Ma'am!, I'd like you to meet my brother", si Kit habang niyayaya sina Fernando at Cassie. Nang matanaw nito si Harold ay agad nitong kinawayan. Humakbang naman ito patungo sa kinaroroonan nila. " Kuya..,this is my boss; Fernando Rivera. And this is his...ahh...hrmmpp...I mean this is Miss Sandra Alvarez", Kit introduced them to his brother. Gustong matawa ni Cassie sa pagiging uneasy nito kung paano siyang i-a-address. "A--and... Sir..Ma'am... This is my brother, Harold...he is a doctor." "Pleased to meet you, Harold", bati ni Fernando rito at nakipagkamay. " Hi!., Harold! Nice meeting you!",Cassie said. Harold gasp softly when he recognized the woman in front of him. He can't believe na magkakilala pala ito at ang kapatid niya. "The pleasure is all mine, Sir... Ma'am!",Harold said while nodding at them. Isang alanganing ngiti ang sumilay sa mga labi nito. Tila hindi ito palagay sa sitwasyong kinakaharap. Niyaya na sila ni Kit na pumasok sa loob. Makalipas lamang ang ilang minuto pa ay nagsimula na ang kasiyahan. Pinagsamang thanksgiving at despedida ang party ni Harold. Thanksgiving dahil natanggap ang application nito bilang doctor sa isang sikat na hospital sa US. At despedida dahil tatlong araw na lang itong mananatili ng bansa at aalis na. " Anong ginagawa ng babaeng iyan dito, Harold? ",kompronta ni Yvette sa binata. Hatred was written all over her face. " You didn't even tell me na kasama pala siya sa mga inimbita mo!." "Hindi ko siya inimbita! Fernando Rivera is Kit's boss and I'm not aware of that. At inimbita siya ni Kit kaya nandito si Cassandra. Kasama siya ni Fernando", Harold explained. Kung alam niya lang na si Fernando pala ang amo ng kapatid ay hindi niya ito ipaiimbita kay Kit. " And where's Edward? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita! Hindi sila pwedeng magkausap ng babaeng iyan",wika ni Yvette. Kailangang maagapan niyang huwag magkaharap ang dalawa. "Ewan ko..Ano bang ikinatatakot mo kung magkaharap sila? FYI...nagkita na sila nung kasal nina Jake at Jenny." sagot naman ni Harold. "What? So what happened then?", she asked worriedly. Iyon ba ang dahilan kaya lately ay laging wala sa sarili ang binata? Hindi maaaring magkabalikan sina Edward at Cassie. " Masyado ka lang paranoid, Yvette. Sa tingin mo ba magkakaayos pa sila?! Malaki ang galit nila sa isa't isa maliban pa sa ang alam ni Cassie ay kayo na ni Edward." "You don't understand me, Harold! Simula nang dumating ako ay naninibago ako kay Edward. Maybe that's because nagkita na pala sila bago pa ako umuwi!", hindi mapigilan ni Yvette ang mangamba. " Come on Yvette!...Tsk tsk tsk!...ngayon ka pa ba magkakaganyan?",ani Harold. Tinalikuran na siya nito at hinarap ang ibang mga bisita. Matalim na sulyap ang itinapon niya sa bahagi ni Cassie. Nakaupo ito kaharap si Fernando. On her right hand was a wineglass na kaunti na lang ang laman. And she was laughing. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito. Maya maya ay tumayo ito at naglakad patungo sa direksyon ng powder room. "Excuse me first.. I'll just go to powder room", paalam ni Cassie kay Fernando. Tumayo siya at dinampot ang purse na nasa ibabaw ng table. Pagpasok niya sa powder room ay sakto namang walang tao. Tumuloy na siya sa loob at nag retouch. Lumalalim na ang gabi at kailangan na nilang makauwi ng papa niya. She turned to went out of the room nang saktong may pumasok din. " Oh..hi! I wished you still remember me....",it was Yvette standing near the door. Sinuri siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Hi yourself, Yvette! Pano naman kitang makakalimutan? Of course, I still remember you", she said. And like what Yvette did to her,she surveyed her also from head to toe. Saka ibinalik sa mukha ng babae ang kanyang tingin. " Sabagay..So what do you want me to call you?Cassie?Sandra?",Yvette ask. Wala itong tigil sa ginagawang assessment sa kanya. "Whatever..! Suit yourself, Yvette." "Based on what I'm seeing right now, malaki na ang pinagbago mo sa dating Cassie na nakilala ko. Ang nagagawa nga naman ng pera...", she noticed the malice on Yvette's voice. " People changed, Yvette. Hindi nakapagtataka iyon.", she managed to fake a smile when she said that. Alam niyang hindi sincere ang babae sa paglapit sa kanya. "Oh yes... Well, knowing Fernando Rivera and his wealth, wala siyang hindi kayang ibigay sayo. Look at yourself in the mirror, darling..you're very expensive.! Maswerte ka na nagustuhan ka niya", kibit-balikat na saad ni Yvette. " If you'll excuse me, Yvette. It's getting late and I have to go. Kailangan na naming makauwi ni Fernando ",paiwas niyang tugon. Sa harap ng mga tao ay sanay siyang hindi tinatawag na " papa" si Fernando. They both agreed on that set up para nga pabayaang mag isip ang mga tao na totoo ang mga tsismis na lumalabas tungkol sa kanila. "Sinadya mo bang sumama dito, Cassie? Umaasa ka ba na makikita mo dito si Edward?", may talim ang tono ng boses ni Yvette at dahil doon ay napalingon siya rito. " I don't know what you're talking about, Yvette. Pumunta ako dito because Fernando asked me to...",mariing tugon niya rito. "Oh really? Sana nga'y iyon ang totoo, Cassie! Kaya huwag kang aasa na maari pa kayong magkaayos." Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa marahil siya bumagsak sa talim ng titig nito sa kanya. "I don't expect na magkakaayos pa kami. At wala iyon sa plano ko. Ipanatag mo ang sarili mo, Yvette. Sayo na si Edward diba?", she answered in equal intensity. " Alam kong nagkita kayo ni Edward on Jenny's wedding. And I wonder kung ano ang nangyari at bigla siyang nagbago simula noon!".,may pagdududang wika ni Yvette. "Look, Yvette! Kung may problema kayo, leave me out of that dahil wala na akong pakialam sainyo.", Cassie exclaimed. This woman is sick para isiping siya ang dahilan ng pagbabago ni Edward. " Mas mabuti nang nagkakaintindihan tayo, Cassie. Ako ang mahal niya at maayos na kami. Kaya iwasan mo si Edward kung ayaw mo ng gulo!",she threatened Cassie. "You don't have to feel threatened by me, Yvette. Ikaw na ang maysabi na mahal ka ni Edward at maayos na kayo. So what are you afraid of?" she mocked her. "I am not threatened or afraid, Cassie. Ipinapaalala ko lang sayo dahil baka nakakalimutan mo!" "You don't have to, Yvette. I always knew my limitation because I am not like you.", Cassie insultingly said. Tinalikuran niya na si Yvette at naglakad palabas." And one more thing, contain yourself and don't be upset! Iyon ay kung...... nakasisiguro ka sa damdamin ni Edward para sayo.! Sigurado ka nga ba..huh, Yvette?". At tuluyan na siyang lumabas. On her way to their table ay tinatanguan at nginingitian niya na lang ang mga taong karamihan ay nakakakilala sa kanya. While Yvette was left speechless. Nanggagalaiti siya sa huling sinabi ni Cassie. Definitely, totoo ang sinabi nito. Paano nga bang hindi siya mag aalala samantalang alam naman niya sa sarili na walang binabanggit si Edward na anumang damdamin nito sa kanya. She went out of the powder room. Pinuntahan niya ang guard sa may gate at tinanong kung nakita nito si Edward. And according to him, kanina pa umalis ang gobernador."Ahhhhh!bullshit!!!",umalis ito nang hindi man lang nagpapaalam at iniwanan pa siya. Paano siyang makakauwi ngayon? Wala siyang dalang sariling sasakyan dahil kotse ni Edward ang ginamit nila kanina pagpunta dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD