"Cassie.!!!Oh my god friend...ang ganda naman nitong bahay mo pala", ang humahangang komento ni Jenny. Kadarating lang nito galing sa probinsya. Ito na iyong pangako nitong papasyal sa bahay niya bago bumalik ng Taiwan kasama ang asawa. Tila namamalikmata nitong iginala ang paningin sa buong kabahayan.
Moderno ang istruktura ng buong kabahayan na lalong naging maaliwalas tingnan dahil sa kulay puti nitong pintura.It is a two-storey house with four huge bedrooms. Maging ang mga kurtina ay kulay puti din.
Sa sala ay mayroong isang katamtamang laking vase na nilagyan ng mga fresh white roses.Samantalang sa dingding naman sa gilid ng grand staircase ay nakasabit ang iba't ibang paintings.And there's that big aquarium on the other side.Iba't ibang uri ng mamahaling isda ang nasa loob noon.
" Kung makapuri ka naman ay para bang ngayon ka lang nakakita ng ganitong bahay",Cassie said bagama't natutuwa ito sa appreciation ng kaibigan."Come on,doon na lang tayo magkwentuhan sa room ko.".
"Siya sige at nang makita ko na rin ang iyong luxurious room",masayang wika ni Jenny at sumunod na sa kaibigan paakyat sa kwarto nito.
Pagdating doon ay agad itong lumapit sa may bintana.At nang magustuhan ang view sa labas ay tuluyan na itong lumabas patungo sa terrace.
" Wow.!!!!",Jenny exclaimed. Humigit kumulang sa sampung metro mula sa mismong likod-bahay ay nakatayo ang isang magandang gazebo sa gitna ng mga halaman. There were hanging plants around it...in different colors and designs.
At ang patungo roon ay cobbled-stone na diretso na rin sa isang greenhouse. She stood there gaping at the wonderful landscape around.Then she saw a pond nearby. Hindi lang iyon basta pond.It was a miniature of a lake at may umaagos na tubig na tila munting waterfall mula sa itaas na dinisenyong bundok, complete with exotic ferns and grass.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa greenhouse. Sa loob noon ay may iba't ibang tanim na pawang malalago na. Maraming uri ng bulaklak ang nakikita niya at karamihan ay hindi niya kilala ang pangalan.
Pagkatapos ay natuon ang pansin niya sa kabila ng greenhouse.May nakita siya doong net.At sa loob ng net ay naroon ang iba't ibang uri , laki at kulay ng mga paruparong nagliliparan sa paligid.Napakagandang pagmasdan ng buong lugar. The whole place is perfectly fabulous.
"Baka gusto mo muna akong kumustahin...?Parang nakalimutan mong nandito ako eh",himig birong wika ni Cassie sa kaibigan. Mas nauna pa nitong na appreciate ang buong bahay.
" Naman, Bes...Nakakatulala naman kasi ang ambience nitong tirahan mo.",eksaheradong sagot ni Jenny. Natutuwa siya sa nakikitang karangyaan para sa kaibigan. Sino ang mag aakalang ang dating simpleng Cassie na kaibigan niya ay magkakaroon ng ganito katagumpay na buhay ngayon. At masaya siya para dito.
"Asan nga pala iyong anak mo?Hindi ko yata nakita pagdating ko...",
" Parating na iyon..Isinama ng Papa at mamamasyal daw sila",sagot ni Cassie sa kaibigan.
"Anyway, naalala ko pala. Kumusta nga pala kayo ni Edward?", curious na tanong ni Jenny. Agad ang pag angat ng mukha ni Cassie sa tanong niyang iyon.
" What do you mean kumusta? Ano ba namang klaseng tanong iyan, Jen?",wika niya at inirapan ang kaibigan.
"Ang ibig kong sabihin, nag usap na ba kayo? Kasi...",
" Let's not talk about him...",Cassie said. Hangga't maaari ay ayaw niyang napag uusapan pa ang lalaki.
Bumuntong hininga na lang si Jenny at nagkibit ng balikat."Ok, if that's what.... "
"Mommy.....!", tawag ni Ianne mula sa labas ng kanyang kwarto. Maya-maya pa ay sumungaw na ito sa may pinto." Look at my new doll, Mom..!.Lolo bought this for me",excited sa pagkukwento ang bata at hindi agad nito napansin na may kasama ang ina sa kwarto.Natigilan naman si Jenny at matagal na tinitigan ang bata.
"Gosh!..Your daughter is a spitting image of...."
"Jenny!", maagap na sabi ni Cassie at tinapunan ng nagbabalang tingin ang kaibigan. Agad naman nitong tinikom ang bibig. Sa halip ay niyuko nito ang bata at nginitian.
" Hi, pretty!",bati niya kay Ianne. Ngumiti naman kaagad ang bata pagkakita sa kanya. Lumitaw ang maliit nitong dimple sa magkabilang pisngi.
"Hello! What's your name?", palakaibigang tanong ng bata. Gusto niyang mangiti sa kadaldalan nito.
" I'm your Tita Jenny...Kaibigan ako ng mommy mo", she answered. Then she gave Cassie a wide smile dahil sa kabibohan ng anak nito.
"Can we play, Tita? I have different toys in my playroom...marami...but I don't have playmate... Please!", Ianne begged. At dahil natutuwa siya sa pagiging active nito ay tumango siya. Nang lingunin niya si Cassie ay tinawanan siya nito.
" Don't blame me kapag hindi ka nakauwi ngayon..Let's see kung pakakawalan ka niyan", she told Jenny. Knowing her daughter, pangmatagalan itong makipaglaro.
Naiwan na siyang mag isa sa kwarto dahil hila-hila na ni Ianne si Jenny papuntang playroom. Nakangiting sinundan niya na lang ng tingin ang dalawa.
?????????????????
Garcia Mansion...
"Adela, pakitawag mo na nga si Edward at kakain na...", utos ni Donya Benita sa isang katulong. Nakahanda na ang hapunan sa mesa at hinihintay niya na lang bumaba ang anak.
" Kanina ko pa po tinawag, Donya Benita pero ang sabi po ay mamaya na lang daw po siya kakain",sagot ng inutusan niyang katulong.
Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan nito at mamaya pa kakain. Tumayo siya at pumanhik sa hagdan. Siya na lang ang tatawag dito.
Pagdating sa silid ng binata ay kumatok siya ng tatlong beses bago marahang pinihit ang seradura ng pinto. Nakita niya itong nakaupo sa kama at nakaharap sa laptop nito. Mukhang abala ito sa kung anumang tinitingnan nito.
"What is it with you at ayaw mo pa daw bumaba para kumain?", tanong niya kay Edward at humakbang palapit dito
" Ma, I'm busy..",sagot nito at mabilis na tiniklop ang laptop. "Mamaya na lang ako".
" Ano ba iyang pinagkakaabalahan mo?", ani Donya Benita. Naupo ito sa kama paharap sa kanya."Ang sabi ng katulong ay hindi ka raw lumalabas ng kwarto mo simula kaninang pagdating mo galing sa kapitolyo".
"May pinag aaralan lang akong mga details tungkol sa project na plano kong ipagawa", dahilan niya sa ina. Bakas ang kuryosidad sa mukha nito nang tumingin sa kanya.
" Kung project lang naman iyan at pinaplano mo pa lang ipagawa ay hindi kailangang ubusin mo na diyan ang iyong panahon...Tell me, baka may maitulong ako...Come on, let's discuss this over dinner", wika ng donya.
"Ma...I can't..I need to---"
"Aren't you going to join me? Mag isa akong kakain at hindi pa dumarating ang kapatid mo", Donya Benita said referring to his brother Xander. Malamang ay nasa barkada na naman ito kaya hindi pa umuuwi kahit gabi na.
" Ok...I'll join you eat dinner.", napipilitang sagot ng binata at tumayo na para bumaba.Sumunod na rin si Donya Benita.
Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang dumating si Xander. Lumapit ito sa ina at humalik sa noo ni Donya Benita.
"Saan ka na naman ba nanggaling? Maupo ka at saluhan mo na kami ng kuya mo", yaya'ng donya sa kadarating lang na binata.
" Nagkayayaan kami ng tropa, Ma",sagot ni Xander at marahang hinila ang upuan sa kaliwang bahagi ni Edward saka umupo.Kumuha ito ng pagkain at nag umpisa nang sumubo.
" Lagi naman", naiiling na wika ni Donya Benita. Sa dalawang anak niyang lalaki ay si Xander ang mahilig sa lakwatsa at barkada. "Siyanga pala, nakausap mo ba kagabi si Yelena? Kailan daw ba ang dating niya?"
"Yeah...Pero ang sabi ay pupunta pa raw siyang Milan bago rito umuwi", Xander said." By the way nga pala Kuya, nalaman ko kay James na malapit na palang umuwi si Yvette. ",Noong nasa Tagaytay sila ay minsang nabanggit iyon ng kaibigan niya. Yvette and James were cousins kaya nagkakausap ang mga ito minsan.
" Yes...Next month yata".
"Kumusta naman ang status niyong dalawa? Is there any development between the two of you?", Nagsalubong ang mga kilay ni Edward sa tanong na iyon ng kapatid.
" We're just friends ",maikling sagot niya rito.
Tumango-tango na lang si Xander sa sagot na iyon ng kapatid. Then he glance at Edward's direction. " Why don't you settle down, Kuya? Ikaw rin,...baka maunahan pa kita",tanong ni Xander na dinaan sa biro.
"Paanong lalagay sa tahimik iyang kuya mo ay samantalang wala ngang kasintahan o nililigawan man lang?", si Donya Benita ang sumagot sa anak. Simula nang magkahiwalay ito at si Cassie ay hindi na ito naghanap pa ng babaeng mamahalin pa.
Patuloy sa kanyang pagkain si Edward at tila balewala sa kanya ang sinabi ng ina at kapatid.
" Di ba galing kami sa Tagaytay ng mga tropa ko last weekend? Alam niyo na,..trip lang mag enjoy...I didn't expect na makikita ko siya doon",kwento ni Xander.
"Who?", it was Donya Benita who asked him. While Edward threw him a curious glance.
" Cassie... Kasama niya si Fernando Rivera at ang anak nila. And they looked perfectly happy family. I've witnessed how caring and attentive that old man to her",patuloy pang kwento ni Xander. Naningkit ang mga mata ni Edward sa narinig. Padabog itong tumayo at iniwan ang pagkaing hindi pa nito natatapos.
Naiwang naguguluhan sa inasal ng binata ang mag inang Xander at Donya Benita. Sinundan nila ng tingin si Edward na umakyat at patungo sa silid nito.
"Damn!!!", Edward uttered to himself pagdating nito sa loob ng kanyang kwarto. Kaya pala nang makita niya ito ay tila may pupuntahan. Kasama pala nitong nag out of town ang matandang iyon, sa loob loob niya.
Dinampot niya ang laptop na iniwan kanina at muling binuksan. Tumambad sa kanya ang mukha ni Cassie. Wala na siyang ginawa nitong mga huling araw kundi i-stalk ito....sa twitter...sa i********: ...sa f*******:. Huminga siya ng malalim at wala sa loob na ini-off ito. Wala na siyang magagawa to win her back. Mas sinasaktan niya lang ang sarili niya. Maybe it's time to let her go....for good.!
"Open your television set, Edward..Bilisan mo", wika ni Donya Benita nang walang pasintabi siya nitong pasukin sa silid.
Subalit hindi kumilos ang binata mula sa pagkakahilig sa couch.
Nahinto sa paghakbang patungo sa kinalalagyan ng TV si Donya Benita nang makitang sa kamay niya ay naroon ang kopita ng alak na wala nang laman.
" Akala ko ba'y masama ang pakiramdam mo kaya hindi ka pumasok sa kapitolyo mula pa kahapon?"
Hindi siya sumagot. Sa halip ay nanatili lang na nakapikit.
"Ano ba ang nangyayari sayo?", tili ng matandang babae." Halos ilang araw ka nang nagkakaganyan. Simula ng bumalik ka galing sa Maynila lagi ka na lang walang gana at tahimik. Napapadalas pa ang pagliban mo sa kapitolyo."
Edward gave her mother a humorless laugh. Muli nitong nagsalin ng alak at tuluy-tuloy na ininom.
"Why don't you fix yourself. Malapit na ang dating ni Yvette, do you want her to see you like that?", ani Donya Benita. Isang linggo na lang mahigit ay babalik na ng Pilipinas ang dalaga.
" Damn Yvette!...Wala na ba akong ibang maririnig? Wala akong pakialam kung darating siya o kahit sino pa man!", mataas ang boses na sagot niya sa ina.
"What the hell is bothering you then?", naiinis na ring tanong ni Donya Benita. Humakbang ito patungo sa television set at binuhay iyon. " Tsk tsk! Natapos na ang eksenang gusto kong ipakita sayo."
"Cassie's show again....", he said in disgust. Muling dinala ang kopita sa bibig at uminom. " Don't you get tired of watching that damn soap opera?"
"Well, I am now that they kicked her out of that show. She was murdered, Edward. Ahhh! What a horrible way of getting rid of -----"
"Ma...", malagihay na pinutol niya ang sinasabi ng ina. " You should be expecting that, diba? Nitong mga nakalipas na linggo ay laman siya ng mga gossip magazine na binili mong lahat."
"Anong malay natin kung gusto na talaga siyang solohin ng lalaki niya. Kaya hindi na gustong pagtrabahuhin so that he can keep Cassie for himself alone!", malamig na dagdag pa ng binata. Bitterness laced his voice.
Tahimik na naupo sa armchair ang matandang babae. Tinitigan nito ang anak na muling nagsalin ng alak sa baso.Nangingitim ang pisngi sa dalawang araw na stubbles.
"Edward, hindi mo pa ba siya napapatawad sa ginawa niya noon?", banayad nitong tanong. " Cassie's very young then. Isa iyon sa naisip kong dahilan kung bakit nagawa niya iyon."
Edward waived his hand impatiently. "Babalik na naman ba tayo diyan, Mama? It's making me sick! Sa nakalipas na mga taon ay hindi iilang beses mo iyang tinatanong sa akin.", he groaned. Nang minsang pilitin siya ng ina sa totoong dahilan ng pag alis ni Cassie ay inamin niya rito ang buong pangyayari. Pati ang ginawa ng dalaga ay sinabi niya rin.
" Gusto kong sisihin ang sarili ko sa mga nangyari , Edward. Dapat ay ginawan ko ng paraan na makausap siya at pigilin sa gagawin niyang pag alis."
Muling buong kapaitang umungol si Edward. "Let's not torture ourselves, okay?", marahas nitong saad. " I offered her a proposition when she was here. But she turned me down! Men who are afraid of commitments were not her cup of tea! Hah!!"
Kumunot ang noo ng donya na tinitigan ang anak. "Sinabi niya iyon sayo?".
" Yes!", he shook his head in disgust. "She's a keptwoman...living in with that old man without the sanctity of marriage! Anong tawag niya sa lalaki niya? Hindi ba't takot din sa commitment.? Kaya hindi ko maintindihan ang uri ng moralidad niya."
"Sabi mo nga'y tsismis lang iyon...Maaaring hindi totoo, Hijo."
"Iyon ang totoo, Mama. Gayunpama'y umasa akong magbabago pa ang pasya niya.Lumuwas ako ng Maynila noong nakaraang weekend diba?"
Wala sa loob na tumango si Donya Benita.
"I went to her place para ulitin ang alok ko. I am willing to offer her my name just to have her back." sandali itong huminto at huminga ng malalim. Mataman namang nakikinig ang ina nito
"Pinilit ko pa si Jenny na sabihin sakin ang address niya. And it took me a lot of persuasions bago niya ibinigay. Natunton ko ang tinitirhan ni Cassie sa isang townhouse sa Greenhills."
"Then I realized maybe I was wrong. With my own eyes, I saw them together. At ayon sa nakita ko hindi na siya babalik pa sa akin.Masaya na siya sa piling ng lalaki niya. Nakita ko kung paano siyang humalik at yumakap dito. At ganoon din ito sa kanya. He kissed her before waving goodbye", malamlam ang mga mata ni Edward pagkaalala sa nasaksihan. That familiar searing pain hit him once again.
" Son, baka naman hindi------"
"Ma, you don't have to justify everything that she did. Hindi ba't narinig mo naman ang kwento ni Xander. Magkasama sila sa Tagaytay..kasama pati ang anak nila", malamig niyang wika. Galit at panibugho ang nangingibabaw sa kanyang puso ngayon.
"And she lied to me! Sabi niya'y hindi kinikilala ng matandang iyon ang anak nito. She's a w***e!! A very expensive w***e but still a w***e! Ano ang kaibahan niya sa mabababang uri ng babae?".
Matagal na tinitigan ni Donya Benita ang galit at miserableng anyo ng anak bago banayad na sumagot." You love her, Son! Iyon ang kaibahan. All these years, nanatili siya sa puso mo. And that's the reason why you've been drinking! Until now, apektado ka pa rin sa kanya. At nang nakita mo siya, tuluyang nawala ang pag asa mong maibabalik siya rito",aniya na tumayo na at humakbang palabas ng pinto.
"She can go to hell for all I care!!!"
"Perhaps she'd been there, Edward. And we're both responsible for what she is now.", sagot niya sa sinabi ng anak at tuluyan nang lumabas.