One week later....
"Gov ,may lakad po ba tayo?", his assistant Frank asked.Tinitingnan siya nito habang nagliligpit ng mga gamit na nagkalat sa ibabaw ng mesa niya.It was Friday afternoon at gusto niyang samantalahin ang weekend para lumuwas ng Maynila.
" Ah ,no.Ako lang Frank.May kailangan akong puntahan kaya uuwi ako nang maaga.And if you're done with your job, pwede ka na ring umuwi."sagot niya dito at sinulyapan si Frank na patapos na rin sa ginagawang paper works.
"Baka kailangan niyo ng kasama , Gov."
"No...I'll be fine.", wika ng gobernador.Ni-lock niya ang drawer at dinampot ang cellphone." So, I'll go ahead, Frank."
"Ok, Gov.", Sinundan niya ng tingin ang amo habang papalabas ito ng opisina.Lately ay napapansin niya ang malimit nitong pananahimik.Bihira itong kumibo at madalas na tila malalim ang iniisip.
Edward was on his way to the parking area of the Capitol. Habang naglalakad ay pinag iisipan niya ang gagawin.He'll be going to Maynila to see Cassie.Nung huling beses silang nag usap ay hindi nito tinanggap ang proposition niya. ".... I don't go for men who are afraid of commitments",.... He grimaced in distaste for that.
Anong klaseng moralidad ba meron ang babaeng iyon? Kung tanggihan siya nito ay tila ba napakasama ng inaalok niya.He was offering her everything that he have.He'll give her all those whims and caprices a money could buy.At simple lang ang hinihingi niyang kapalit.He want her to be his woman.Pero mariin nitong tinanggihan iyon.
Ganoon ba kahirap para ritong makasama siya?Samantalang nakisama nga ito kay Fernando...Ilang taon na rin halos itong ibinabahay ng matandang iyon.And worst, nagpaanak pa ito.
Maybe she really loved that old man... he thought to himself. Halos manikip ang dibdib niya sa isiping iyon.He can't take it if Cassie will choose that old man over him.Pero diba nga at ginawa na nito.?No..!!!Hindi siya papayag na basta ganoon na lamang.
He badly want her back.Ipokrito siyang matatawag kung hindi niya aamining hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito.At kahit sa anong paraan ay babawiin niya si Cassie.Even if marrying her is the only answer.
For the second time around, he will offer her his name.And he'll make sure na hindi ito makakatanggi.This time wala nang pipigil pa para maging asawa niya na ito.Hindi na siya nito matatakbuhan pa.
Bumuntong hininga siya nang maisip kung paano niya nakuha ang kumpletong lugar ng tirahan nito.It took him a lot of persuasion para lang pumayag si Jenny na ibigay sa kanya address ni Cassie.
He went in his car and started the engine.Uuwi muna siya sa bahay at magbibihis.
_____________________________________________
9:00 pm nang makarating siya ng Maynila.He drove his car to Marriott Hotel.This is the nearest hotel sa address na ibinigay ni Jenny kaya mas magandang dito na siya magpalipas ng magdamag.Aside from that,maganda ang service at moderno ang istruktura at mga kasangkapan dito.
Bukas na lang niya pupuntahan si Cassie. He inhaled sharply. Hopefully ay pumayag ang babae sa iaalok niya.
Nitong mga nakaraang araw ay madalas na lumabas sa mga magazines and tabloids ang balitang may ibang babae na sa buhay ni Fernando Rivera.And there were rumors na iyon ang ipapalit nito kay Cassie.
4:30 in the afternoon and she just arrived home.Kagagaling niya lang sa meeting with Tita Malou and Miss Cathy. Humingi siya ng dispensa dahil sa dalawang magkasunod na araw na hindi niya pagsipot sa taping. At the same time ay nag request din siya ng leave at maswerte siyang pumayag naman ang mga ito.
"Ok..if that is what you think na makakabuti sayo, I understand. Maghahanap na lang ako ng ipapalit sa show mo", Miss Cathy,her director told her.
" I don't understand kung bakit biglaan naman yata ang paghingi mo ng bakasyon, Iha...You know it's hard for us to replace you in that show, lalo pa at alam mong ikaw ang nagdadala kung bakit nananatili itong top sa rating ",Tita Malou softly told her.
" I am sorry, Tita..",is all that she can say.
"Much as I wanted to stop you, I know I can't.. Maybe you have your own reason for doing this.", she answered.Then she look at Cassie sympathetically. Simula nang bumalik ito galing sa Punta Verde ay kapuna puna na ang lungkot at katamlayan nito." So all I can say is...I'm granting your wish..But promised me na mag eenjoy ka.Have fun with Ianne so that when you come back,bumalik sa dati ang sigla mo",Tita Malou added.Ngumiti ito kay Cassie sabay marahang tinapik ang kanyang balikat.
Isang buntong hininga ang pinakawalan niya pagkaalala sa usapang namagitan sa kanila kanina.
She park her car pagkatapos siyang pagbuksan ng gate ng kanilang guard.Tuluy-tuloy na siyang pumasok ng bahay.Inabutan niya ang anak na pinakakain ng yaya nito.
"Mommy!", Ianne greeted her with a cute smile." I miss you, mommy".
"Hi, baby!I miss you too", she said.Marahan niyang pinisil ang pisngi ng anak and kissed her little nose.
" Karga...",anitong inangat ang dalawang kamay at aktong magpapabuhat sa kanya.Naglalambing na naman ito.
"No, baby...Yaya is feeding you.Finished your meal first and we'll play later.Magbibihis lang muna si mommy".
" Promise? ",alanganing sagot ng anak.
" Yes, baby".
"You won't sleep, ha?", paninigurado pa nito.
" No...Mommy won't sleep, promise...",she said and comb her daughter's hair with her fingers.
Ianne have long and curly hairs.Namana nito ang buhok niya.Pero kung tititigan mo ito nang matagal ay mas malaki ang hawig nito sa ama.Ang mga mata at ilong nito ay katulad ng sa ama.A deep set of dark eyes with long and thick lashes. And a pointed nose.
Dumiretso na siya sa kwarto para magbihis.After that she lay down on her bed para ipahinga ang pagod na katawan.Napapitlag siya nang tumunog ang kanyang cellphone.It was Angelo calling.
"What's up, Kuya?", she asked.
" I haven't seen you pagkagaling mo ng probinsya, what's keeping you busy?",tanong ni Angelo.Isang linggo na nga pala mula nang makabalik siya at hindi pa niya ito pinupuntahan.Huminga siya nang malalim.
"Sorry for that, Kuya...Wala lang siguro ako sa mood lumabas nitong mga nakaraang araw", she explained to him.
" Tinatanong ng Nanay at Tatay kung bakit hindi ka pumapasyal. May problema ba, Cassie?",bagamat mahinahon ang tanong nito ay alam niyang nagtataka ang kinakapatid sa kilos niya.
"Kuya...wala.Sabihin mo na lang kina Nanay at Tatay na miss ko na sila. I promised to visit them pagkagaling namin ng Tagaytay.", aniya kay Angelo.Sana ay wag na siyang kulitin pa nito.
" Ok..Isama mo ang anak mo pag pumunta ka dito.I missed Ianne too...Hindi lang ako makadalaw at abala ang schedule ko buong linggo".Nagtatrabaho bilang manager sa isang printing press ang kinakapatid niyang si Angelo.
"Yes..Isasama ko siya pagpunta ko".
" Just make sure na wala ka talagang problema, Cassie. Baka meron kang hindi sinasabi.",pahabol pang tanong sa kanya ni Angelo.
"I swear...Wala talaga", sagot niya at pinatay na ang kanyang cellphone. Kahit kailan ay mahigpit talaga ito sa kanya.So very like Angelo na noon pa man ay talo pa yata ang Tatay Diego niya kung kahigpitan rin lang ang pag uusapan.
Bumangon siya at naglakad palabas sa terrace ng kanyang kwarto.Bukas ng umaga ang alis nilang mag ina patungong Tagaytay.Kanina lang ay nagtext ang papa niya na sasama daw ito.Mabuti naman para malibang siya lalo at makalimutan na ang gumugulo sa kanyang isipan.
Umpisa nang araw na bumalik siya mula sa Punta Verde ay hindi niya maiwasang mag isip.She was hurting inside.Ang sakit na naranasan niya five years ago ay walang pinagkaiba sa nararamdaman niya ngayon.
"Mommy....Mommy....", pasigaw na tawag sa kanya ni Ianne.Maaga itong nagising kaya naman hindi na ito tumigil sa kakukulit sa kanya.
" Yes, baby...Mauna ka na sa labas.Your lolo's waiting there ",aniya sa anak.Kasalukuyan niyang inihahanda ang mga dadalhin sa Tagaytay.
" But mom...",alanganing protesta ng bata.Naiinip siya nitong pinagmamasdan habang ipinapasok niya sa bag ang mga dadalhing gamit nilang mag ina.
"Susunod na si mommy agad, Baby..Now go to your lolo na, okay?", she softly told Ianne.Her daughter's face was filled with joy and excitement. Kaya naman talagang kinukulit na siya nitong magmadali.Well, she can't blame her little girl for that.Ngayon na lang ulit sila magkakasamang mamasyal at mag bonding na mag ina.Masyado siyang naging busy sa career niya.
Pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na lahat ng dadalhin niyang kailangan ay lumabas na rin siya ng silid.
" Yaya, kayo na muna ang bahala dito ha?Pag may tumawag at naghanap sakin, pakisabi na lang nag out of town",bilin niya dito.Pag ganitong out of town ang pinupuntahan nilang mag ina ay hindi niya isinasama ang yaya.Gusto niyang siya mismo ang nag aasikaso sa anak lalo at naka leave naman siya sa trabaho.
"Opo, Ma'am.", sagot ng yaya at kinuha sa kanya ang luggage na hawak niya.Sa labas ay naghihintay na si Fernando sa kanya.Samantalang nasa loob na ng sasakyan ang anak niya at abalang nilalaro ang stuffed toy nitong si Mickey Mouse.
" I thought you're going with us, Pa?",tanong niya sa ama nang mapansing hindi pa ito nakabihis.Naka short at tee shirt pa itong pambahay.
"Susunod na lang ako sainyo, Iha..Tumawag ang secretary ko kanina at may kailangan muna akong ayusin sa kompanya bago ako umalis.", sagot ni Fernando.
" Ok...We have to go, Papa..Text me or call me na lang pag papunta ka na",paalam ni Cassie sa ama.Lumapit siya dito at yumakap saka humalik sa pisngi.
"Yes, I will", her father said.Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse.Then he kissed her on forehead." Drive safely ",nakangiti nitong paalala.
" Be a good girl, princess",Fernando said to Ianne.He pat his granddaughter's head gently before waving goodbye.
Cassie started the engine and drove her car smoothly.
?????????????????
Edward pounded his fists on the steering wheel.Hindi niya gusto ang inabutang tagpo.Pagdating niya sa address na binigay ni Jenny ay ipinasya niyang ihinto ang sasakyan sa kabilang lane ng kalsada.
Mula roon ay napansin niya kaagad ang isang batang babae.May hawak itong Mickey Mouse na stuffed toy at naglalaro.The kid was wearing a pink overall.Her long and curly hair was in pigtail. So.,she most must be Cassie's daughter.
Bababa na sana siya ng sasakyan nang makita niya si Cassie. Palabas ito ng bahay kasunod ang unipormadong katulong.Nakabukas ang gate at nakikita niya ang sasakyang naroon.Nang makalapit na si Cassie ay sinalubong ito ng lalaking nakatayo sa tabi ng kotse.Si Fernando Rivera.!!!
Kitang-kita niya nang lumapit ang dalaga sa matandang lalaki.Yumakap ito bago humalik sa pisngi ng huli.At ipinagbukas ito ng pinto ni Fernando before kissing her on the forehead.May ibinulong pa dito ang lalaki at kahit malayo siya ay nakita niyang ngumiti si Cassie.Then after waving goodbye ay umalis na ang babae.
Napatiim-bagang siya doon.Kung ganoon ay walang katotohanan ang balitang may ibang babae si Fernando. Maliwanag pa sa sikat ng araw ang nasaksihan niya. Walang planong iwan ng matandang iyon si Cassie.Nakita niya kung gaano kasaya ng babae. Masakit pero kilala niya ito at nababasa niya sa kilos nito na pinahahalagahan ng dating kasintahan si Fernando Rivera.
At malabo nang mabawi pa niya ang dalaga.Wala nang silbi kahit ialok niya pa rito ang pangalan niya. She might only turn him down.
Binuhay niya ang makina ng sasakyan at nanlulumong umalis sa lugar na iyon.Sinikap niyang pigilin ang luhang gustong pumatak mula sa kanyang mga mata. "Good bye, Cassie", he thought. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit at kirot na nararamdaman niya.
☀?☀?☀?☀?☀?☀?☀?☀?☀
Sunday morning and Xander was about to went out of his cottage.Nagkayayaan silang magkakabarkada na pumunta ng Tagaytay kaya naman nandito siya ngayon sa Lake Rainforest Resort.Kagabi ay galing sila sa isang golf club and casino.
He stepped out of his cottage. Maaga pa subalit marami nang tao ang nakikita niya.Some were swimming, scuba diving and snorkeling. At may ilan ding nag-su-surfing. Kapag ganitong summer season ay karaniwan nang sa beach talaga pumupunta ang mga ito.
" Bro, tara...Ang daming nagagandahang babes oh...",yaya sa kanya ni James, isa sa mga kaibigang kasama niya rito.Magkatabi lang ang cottage nila at nasa balkonahe din itong tulad niya.
"Kay aga aga babae agad ang laman niyang utak mo", sagot niya rito.
"Naku!!...Kung di ko pa alam.,pinipigilan mo lang ang sarili mong lumapit sa kanila", kantiyaw pa nito sa kanya.
Iiling-iling na lang siya sa kaibigan. Inilibot niya ang tingin at nakita niya ang isang pamilyar na pigura. Naglalakad ito patungo sa swimming pools area. She was walking sexily as if taking all her time.At bawat madaanan nito ay sinusundan ito ng tingin.Bakas ang paghanga sa mga mata ng kalalakihan samantalang inggit naman ang makikita sa mga kababaihan.
The woman was wearing a red swimsuit. Atop was a printed sarong emphasizing more her curvaceous body. His eyes went in scrutiny. Medyo malayo ito sa kanya at hindi niya kaagad ito nakilala.
" See? Ikaw itong hindi mapigilang tumingin sa babae, Bro.",pang aalaska lalo sa kanya ni James."Hindi ka papatulan niyang tinitingnan mo.Di hamak na mas mayaman sayo ang sugar daddy niyan".
"Ang dumi ng isip mo...'tado ka talaga..Tinitingnan ko lang kasi parang pamilyar sakin yung babae", sagot ni Xander.Kulang na lang ay batuhin niya ang kaibigan sa mga pinagsasabi nito.
" Panong di magiging pamilyar, eh artista yan..Si Sandra Alvarez..,gago",wika ni James sa kanya. Wala sa loob siyang napatango at tumingin muli sa direksyon ng babae.
May kausap itong lalaki na may kasamang bata.He recognized the old man as Fernando Rivera. At ang batang babae marahil ay ang rumored love child ng dalawa.
So this is the woman who hurt his brother. Napakalaki nang ipinagbago nito sa Cassie na ipinakilala sa kanila noon ni Edward. Gone was the woman na aloof at tila laging nag aalangang makihalubilo sa mayayaman. Ang nakikita niya ngayon ay isang babaeng matatag at may mataas na level ng self confidence.
During his cousin Jake's wedding ay naroon ang babae.She was Jenny's maid of honor.Sa reception ay hinanap niya ito. He wanted to talk to her,..kukumustahin niya rin lang sana. Subalit ayon sa pinsan ay umalis kaagad si Cassie pagkatapos ng seremonya ng kasal. Hindi na ito sumama pa sa reception dahil nagmamadali na.
Well, looking at her now..,mukhang masaya at tahimik na ito. Nakikipaglaro ito sa anak.,teaching her child how to swim.Samantalang napaka attentive naman ni Fernando sa "mag ina" nito.
He sighed heavily. Ang kuya niya na lang marahil ang hindi pa nakakalimot sa nakalipas na mahabang panahon. Nakikita niyang hanggang ngayon ay apektado pa rin ang kapatid sa tuwing nababanggit at napag uusapan ang babae.