bc

Villa Cattleya 1: Mad Love (Completed)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.7K
READ
family
friends to lovers
independent
bxg
lighthearted
small town
friendship
like
intro-logo
Blurb

Isang matinding writer's block ang dinaranas ng romance novelist na si Anne. Para makapagpahinga at para na rin makahanap ng inspirasyon, sumama siya kay Nigel nang umuwi ito sa probinsiya nito sa Mahiwaga.

Doon ay naramdaman niya ang pagmamahal at pagtanggap ng isang pamilya-bagay na hinahanap-hanap niya. At dahil na rin puno ng pag-ibig ang magandang lugar na iyon, nanumbalik ang drive niya sa pagsusulat. Naging masaya ang pananatili niya roon, lalo na't kasama niya si Nigel.

Ngunit isang halik ang nagpabago sa kanilang relasyon. Nais man niyang mahalin ito nang buong-buo ay sarisaring negatibong damdamin ang pumipigil sa kanya. Magagawa ba niyang palisin ang mga iyon upang makapiling ang binata?

chap-preview
Free preview
Prologue
WALA nang luha na nagmumula sa mga mata ni Venancia ngunit patuloy sa pagtangis ang kanyang puso. Alam niya na patuloy iyong iiyak hanggang sa muli niyang makapiling ang kanyang minamahal. Mula nang ikasal sila, hindi na sila nagkahiwalay. Gustong-gusto na niyang samahan ang asawa ngunit alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon.       Napakarami pa niyang dapat na gawin. Napakarami pang kailangang asikasuhin. Hindi pa iyon ang panahon para iwan niya ang mga mahal nila sa buhay.       Inihagis ni Venancia ang isang bulaklak ng orkidyas sa libingan. Katawan mo lang ang nawala, Andoy. Mananatili ka sa puso ko, sa puso naming lahat. Sisiguruhin ko na walang makakalimot sa `yo. Hindi ka madidismaya sa `kin sa muli nating pagkikita. Wala kang magiging dahilan para awayin ako. Aalagaan kong maigi ang mga anak at apo natin. Huwag kang masyadong mag-alala riyan, kaya ko iyon. Kayang-kaya ko dahil alam kong hindi ako nag-iisa. Gagabayan mo ako, hindi ba? Huwag ka rin masyadong mainip, magkakasama rin tayong muli. Mahal na mahal kita, Andoy. Hanggang sa muli nating pagkikita.       “M-Mama?”       Nilingon ni Venancia si Nigel, ang bunso nila ni Andoy. Napakalaki ng agwat ng edad ni Nigel sa mga kapatid. He was eleven years old. He came into their lives when she was forty-four and Andoy was almost fifty. Nangingilid ang mga luha nito. Mula nang pumanaw ang ama, hindi na tumigil sa kakaiyak si Nigel. Hindi ito iyakin kahit noong sanggol pa ngunit hindi maampat ang mga luha ng batang lalaki nitong mga nakaraang araw.       “Don’t cry. Boys don’t cry. You have to be strong, Nigel.”       Nilapitan si Venancia ng anak. Hinawakan ni Nigel ang kanyang kamay at huminga ito nang malalim. Wala nang mga luha sa mga mata ng batang lalaki. “I’m gonna be strong, Mama. Tutuparin ko ang mga pangako ko kay Tatay. Aalagaan kita. Hindi kita iiwan. Hindi ako iiyak.”       Nang umagang iyon, bago nila ihatid sa huling hantungan ang ama nito, sinabihan ni Venancia ang anak na bawal na itong umiyak. Mahirap ang magpigil ng luha ngunit sinabi ni Venancia na lalong mahihirapan sa pagtawid ang ama ni Nigel kung ganoon ang nakikitang estado ng pamilya nila.       Andoy died peacefully. Hindi na ito nagising isang umaga. The doctors said he had a heart attack, but he looked so peaceful lying in their bed. Ang unang reaksiyon ni Venancia ay galit. Sa sobrang galit, binayo niya nang binayo ang dibdib ni Andoy katulad ng kanyang ginagawa tuwing nag-aaway sila. Galit na galit siya dahil nauna ang asawa. Galit siya dahil iniwan siya ng kanyang minamahal.       Ngunit naisip ni Venancia na panahon na para magpahinga si Andoy. Sixty was too young but she thought Andoy had already completed his mission in life. He was fulfilled. Kahit na paano ay nagpapasalamat siya na payapang yumao ang asawa. Bago siya iniwan nito ay madalas silang magkasama. Pinasyalan nila ang mga lugar na naging saksi sa pagmamahalan nila. Naging napakalambing ni Andoy, na hindi naman nito karaniwang ginagawa. Kinalimutan ng asawa ang ugaling sadyang kinaiinisan ni Venancia. Hinaplos niya ang kanyang daliri kung saan naroon ang isang mamahaling singsing na ibinigay ni Andoy limang araw bago ito pumanaw.       “Hindi ako nagkaroon ng kakayahan noon na ibili ka ng mamahaling engagement ring. Noong ikasal tayo, simpleng singsing din lang ang nakayanan ko. Pagpasensiyahan mo na itong asawa mong dukha, mahal. Kahit na madalas na hindi ko sabihin, alam mong mahal na mahal kita, hindi ba?” ani  Andoy habang isinusuot sa kanya ang mamahaling singsing. He was the sweetest guy a few days before he left. Tila alam na ni Andoy na mamamaalam na ito kaya ibinigay na nito ang lahat sa kanya. Halos hindi umaalis sa kanyang tabi ang asawa. Hindi nito inintindi ang mga gawain. Ipinagluto siya ni Andoy. Hinarana at inalayan ng maraming cattleya. Tinanong ni Venancia ang asawa kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Ang tugon ni Andoy, hindi raw siya naligawan nang tama noon ng asawa kaya manliligaw ito sa kanya. Tinawanan niya si Andoy at kinantiyawan na tumatanda na talaga ang asawa.       There were many times in the past when he was unbearable. She truly hated him. Magkasalungat na magkasalungat ang mga ugali nila. Si Andoy ang nagsabi na galing silang dalawa sa magkaibang planeta. Sumang-ayon naman siya sa asawa.       Ngunit kahit na galing sila sa magkaibang mundo, nagtagpo pa rin sila. Pinaglapit pa rin sila ng tadhana. Kahit na galit si Venancia, nanatili ang kanyang pagmamahal kay Andoy. Buong puso niyang inibig ang kanyang asawa. Matagal silang nagsama at napatunayang lubos din siyang iniibig ng asawa.       Hindi na kailangang patunayan sa kanya ni Andoy ang pag-ibig nito sa pamamagitan ng mga mamahaling bagay. Higit pa ang naibigay nito sa kanya. He made her his queen. Marami rin siyang naranasang hirap ngunit bale-wala iyon basta kasama niya ang asawa. Everything was worth it. Nilisan ni Andoy ang mundo na panatag ang kalooban. Nasa ayos ang lahat ng anak nila maliban sa kanilang bunso.       Huwag ka nang mag-alala kay Nigel, Andoy. Magkakaroon din siya ng magandang buhay. Sisiguruhin ko iyon para sa `yo.       Ipinatong ni Venancia ang mga kamay sa balikat ni Nigel. “Paglaki mo, maging katulad ka ng tatay mo, anak. Be a great man. Kapag nagmahal ka, ibigay mo ang buong puso mo. Kapag nahanap na ng puso mo ang tamang babae, ibuhos mo ang lahat ng pagmamahal na nasa puso mo. Kagaya ng ginawa ng tatay mo sa `kin.”       Pumihit si Nigel at niyakap siya. “I’ll be a great man. I’ll make you proud of me.”       Hinaplos niya ang buhok ng anak. Napatingin si Venancia sa libingan ng kanyang asawa. Ngayon, alam ko na kung bakit pilit mo siyang kinuha bilang anak. Hindi ako mag-iisa kahit na wala ka na.       “Mama, kailangan na po nating umalis,” anang panganay na anak ni Venancia na si Vicente. Hindi niya namalayan na nasa kanyang likuran na ang anak.       Nilingon niya si Vicente. Hindi lang ito ang nasa kanyang likuran, naroon din ang ibang mga anak nila ni Andoy—sina Victorio, Eugenio, Jose Maria, at Nenita. Ayaw tumigil sa pag-iyak ang kanyang nag-iisang babaeng anak. Ang mga lalaki—maliban kay Vicente—ay nakikita niyang nagpipigil lang ng mga luha. Ang panganay lang niya ang tila matatag.       Huminga nang malalim si Venancia bago ibinalik ang kanyang tingin sa libingan. Paalam muna sa ngayon, Andoy. Bukas, babalik ako rito.       Nilingon uli niya ang kanyang mga anak. Ang mga anak ang dahilan kung bakit hindi pa siya maaaring sumunod sa kanyang mahal na asawa. Nginitian ni Venancia ang mga anak. “Tara nang umuwi sa villa,” yaya niya.       Pagdating sa villa, hindi muna pumasok sa loob si Venancia. Pinagmasdan niya ang napakagandang bahay na ipinagawa ng kanyang asawa para sa kanya—ang Villa Cattleya. Tila palasyo iyon sa ganda. Iyon ang pinakamaganda, pinakamalaki, at pinakamagarang bahay sa buong lalawigan nila. Every single detail screamed wealth and elegance.       Napansin niya ang kanyang tatlong apo sa malawak na hardin kung saan naroon ang napakaraming bulaklak na alaga ng kanyang asawa. Ang mga dating makukulit na bata ay tahimik na tahimik ngayon. Hindi niya magawang lapitan ang mga apo. Damang-dama niya ang pagkawala ni Andoy.       Inakay siya ni Nigel papasok sa bahay. Ipinaghanda siya ng pagkain ng bunsong anak. Kahit na ayaw tumanggap ng pagkain ang sikmura ni Venancia, pilit pa rin siyang sumubo. Ayaw niyang mag-alala sa kanya ang mga anak. Pagkatapos niyang kumain, inakay uli siya ni Nigel patungo sa kanyang silid—nilang mag-asawa. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata dahil hindi na niya muling makakasama sa silid na iyon si Andoy. Paghiga sa malambot na kama, hindi na napigilan ni Venancia ang kanyang mga luha. Naramdaman niya ang pagyakap ni Nigel sa kanya. “Tahan na, Mama. Narito po ako. Hindi kita iiwan.” Kahit na balikan ka ng tunay mong ina? Hindi na isinatinig iyon ni Venancia. niyakap na lang niya ang kanyang bunso.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook