“NIGEL, gagabihin tayo sa pag-uwi sa ginagawa mo,” natatawang sabi ni Anne habang itinutulak niya palayo si Nigel. Akmang huhulihin na naman nito ang kanyang mga labi nang iiwas niya ang kanyang mukha. Marahan siyang isinandal ng binata sa isang puno. “Maaga pa,” anito bago siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Wala nang nagawa si Anne kundi ang ipikit ang kanyang mga mata. Pauwi na sana sila sa villa ngunit madalas ang kanilang stopover para lang maghalikan. The kisses got better and better. Lalong tumatamis ang mga labi ni Nigel habang tumatagal. She couldn’t get enough. And neither could he. Hindi na nito tinigilan ang kanyang mga labi mula pa kanina. Wala na yata silang ginawa kundi ang tikman ang mga labi ng isa’t isa. Hindi nga sila gaanong nakakain dahil naglandian lang

