Chapter 3

1435 Words
NAALIMPUNGATAN si Serene mula sa pagkakatulog. Panay ang lingon niya sa paligid nang imulat niya ang mga mata. “Nasaan ako?” bulong niya sa sarili. Inikot niya ang tingin nang tumayo siya sa kama. Sa isang malawak na kuwarto kung saan siya naroroon ay hindi mapagkakailang nasa isang malaking bahay siya. Ngunit nasaan siya? Matapos kasi siyang mawalan ng malay ay halos hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyari. Ang alam na lang niya ngayon ay nagising siya sa isang hindi kilalang lugar. Sinimulan niyang mag-ikot. Lumabas siya sa kuwarto at tumambad sa kanyang harapan ang mala-palasyong bahay. Pagkamangha na may halong pagtataka ang namutawi sa kanyang isipan. Hindi alam kung saan at paano siya napadpad rito ngunit ang gusto lang niya ay makauwi dahil madilim na nang siya’y magising. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ay nakarinig siya ng ungol sa isang silid. Pinuntahan niya iyon at napansing hindi masyadong nakasara ang pinto. Hanggang tumambad sa kanya ang mga hindi kanais-nais na makita. “Ahhhh! Suck it harder!” ungol ng lalaki na nakaupo sa isang mesa habang isinubo ng isang babae ang naninigas nitong p*********i. Napanganga si Serene sa nakita. “Diyos ko po!” bulong niya at napatakip sa bibig. Napasandal siya sa pader malapit sa pintuan ng kuwarto kung saan nakita niyang nagtatalik ang dalawang nilalang na hindi niya kilala. Panay ang ungol at sigaw ng dalawa sa kuwartong ’yon na tila nagugustuhan ang ginagawa sa isa’t isa. “Ahhh! F*ck!” “Ahhh! Yes! Harder!” Magkakasunod na ungol at sigaw ang narinig niya mula sa magkatalik. Napatakip siya ng tainga dahil sa mga naririnig. Kaagad siyang bumalik sa kuwartong pinanggalingan, ikinandado ang pinto, at nagtalukbong ng kumot. Tila ba hindi siya aware sa nasaksihan pero aaminin niya sa sarili niya na kahit siya ay nag-init sa mga nakita. Nakaramdam siya ng init na parang gusto niyang ilabas dahil sa nasaksihan. Kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang mga kamay sa loob ng kanyang kalamnan. Matinding pagnanasa ang nangibabaw sa kanya. Pagnanasa nang makita niya ang katawan ng lalaki habang may katalik ito. Inaamin niya, naakit siya sa nakita. Napapikit siya sa kagustuhang mangyari sa kanyang katawan. Ibinuka niya ang kanyang mga binti at ipinasok ang daliri sa kanyang suot na panty. Kinapa ang c******s niya at taas-babang hinaplos iyon. Ngunit hindi siya nakuntento sa ginawa niya. Inisip niyang muli ang katawan ng lakaking nakita niya mula sa kabilang kuwarto at inisip na siya ang katalik nito. Lalong nag-init ang kanyang katawan. Lalo niyang inasam ang pagkahumaling kaya ipinasok niya ang dalawang daliri sa kanyang p********e habang hinahaplos ang kanyang malulusog na dibdib. Naramdaman ni Serene ang sensasyon sa sariling katawan. Aaminin niya, hindi na siya birhen dahil may nangyari na rin sa kanila ng dati niyang kasintahan nang yayain siya nitong makipag-inuman. Ginusto niya at nagustuhan niya ang nangyari dahil mahal na mahal niya ng mga panahong ’yon ang dating kasintahan hanggang sa hinanap-hanap na niya ang mga maiinit na gabi na magkasama sila. Ngunit nawala ’yon nang iwan siya nito at ipagpalit sa mayamang babae. Pero kahit iniwan siya ng dating nobyo ay nanatili pa rin sa kanya ang pagnanasang naramdaman niya noon. “Ahhh . . .” ungol ni Serene habang patuloy pa rin sa ginagawa. Mas binilisan pa niya ang paggalaw ng mga daliri sa kanyang kaloob-looban at paghaplos sa kanyang cl*toris. Hanggang sa makaramdam siya ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Kuryente ng pagnanasa hanggang sa lumabas ang likidong kumawala sa kanyang p********e. Napaliyad siya sa pagkakahiga matapos ang ginawa sa sarili. Hingal-aso siyang kumawala sa pagkakatalukbong sa kulay asul na kumot. Mabuti na lamang at hindi puti ang kumot na ’yon dahil kung hindi mahahalatang naglabas siya ng init ng katawan sa kuwartong ’yon. Matapos ang pagnananasang ginawa ni Serene sa sarili ay nakatulog siyang muli dala ng pagod. Nang mag-umaga ay naalimpungatan siya sa sinag ng araw na tumatama sa bintana ng kuwarto kung nasan siya. Tiningnan niya ang digital clock na nasa tabi lang niya — alas-otso y medya na. Napabalikwas siya sa pagkakahiga. Ngunit bago pa man siya makatayo mula sa kama ay isang hindi kilalang babae ang pumasok sa loob ng kuwarto. “Gising ka na pala, hija,” salubong nito sa kanya. May kaliitan ito at may katabaan na nakasuot lamang ng mahabang daster na lagpas-tuhod. “M-Magandang umaga po. Nasaan po ako?” bati ni Serene. “Nandito ka sa bahay ng amo ko. Muntik ka nang masagasaan ng driver namin kahapon dahil nawalan ka ng malay. Bakit ka nga ba nawalan ng malay?” usisa ng babae sa kanya. “Ah . . . naghahanap po kasi ako ng trabaho simula pa kahapon. Eh, hindi pa po kasi ako kumakain dahil tinitipid ko ang pera ko. Hindi ko naman po akalain na gano’n pala kahirap maghanap ng trabaho,” paliwanag ni Serene. “Ganoon ba? Kawawa ka naman pala. Ako nga pala si Huling. Kasambahay ako rito. Kasama ko si Tony kahapon no’ng makita ka naming walang malay,” pakilala ni Yaya Huling. “A-Ako naman po si Serene,” wika ni Serene. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?” nag-aalalang usisa ni Yaya Huling. “Opo, okay na po ako,” wika ni Serene. “Ang mabuti pa, kumain ka muna. May inihanda akong pagkain sa kusina. Halika! Sabayan mo akong kumain,” anyaya ni Yaya Huling. “Naku! Hindi na po. Kailangan ko na po kasing umuwi. Baka hinihintay na po ako ng kapatid ko. Puwede po bang makahingi na lang ng tubig?” pagtanggi ni Serene. “Ah, ganoon ba? Sige, sumama ka sa akin,” wika ni Yaya Huling. Sumama naman si Serene dito ngunit saglit silang napatigil sa salas dahil tila may naalala si Yaya Huling. “Naku! Hija, may kukunin nga pala ako sa may garahe. Kung gusto mo magtungo ka sa may kusina doon sa banda roon. May water dispenser doon. Kumuha ka na lang ng tubig,” wika ni Yaya Huling. “Sige po. Salamat po,” sambit ni Serene at nagmamadaling umalis si Yaya Huling. Tinungo naman ni Serene ang ang direksyon na itinuro ni Yaya Huling papuntang kusina. Nang makapasok siya rito ay muli siyang namangha sa nakita. Tila batang nakapasok sa isang museum dahil sa pagkamangha ang reaksyon ni Serene. Makikintab ang mga kubyertos at mga makabagong kagamitan mula sa kusina ang nakita niya. Double-door refrigerator, electric stove at mga makabagong kitchen appliances ang nakita niya mula rito. Ngunit isa lang ang gusto niyang gawin sa lugar na ’yon: ang uminom. Nakakita siya ng baso at kumuha ng tubig sa water dispenser. Habang umiinom siya ay siya namang pagdating ng isang pamilyar na lalaki. Nakahubad lang ito at tanging boxer shorts lang ang suot nang pumasok sa kusina. Tila walang itong pakialam sa nakikitang presensiya ni Serene dahil basta na lang nito binuksan ang ref at kumuha ng gatas na naka-pack at ininom. “Ah . . . hello po,” bati ni Serene sa lalaki. Ang lalaking ’yon ay ang lalaking nakita niyang may katalik kagabi at napalunok siya nang makita niyang muli ang mala-maskulado nitong katawan na siyang pinagnasaan niya ng gabi ring ’yon. Tila namula siya sa nakita. Mas guwapo palaito sa malapitan. “Did you enjoy what you saw last night?” tanong ng lalaki kay Serene habang unti-unti itong lumalapit. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Tila mapanukso ang tingin nito. “Ah . . . ano po’ng ibig ninyong sabihin?” pagtanggi ni Serene dahil sa mga narinig. Tila alam nito na nakita niya ito kagabi na may katalik. “I know you were there; outside and listening to every moan. Did you enjoy it? Do you want it?” makahulugang wika ng lalaki at unti-unting lumapit sa kanya. Tila may pang-aakit sa mga boses nito na nakahalina kay Serene. Ngunit, natakot siya sa mga ikinikilos ng lalaki hanggang sa mapasandal siya sa pader at ma-corner siya nito. Inilapit nito ang mukha kay Serene. Akma sana siyang hahalikan nito. Sa pagkagulat ni Serene ay isang malakas na sampal ang isinalubong niya sa lalaki. “Bastos!” bulalas ni Serene matapos ang ginawa. Oo, inaamin niya sa sarili na pinagnasaan niya ang lalaking ’yon ngunit hindi sapat ’yon para gawan siya nito ng kahalayan. Isa pa, hindi niya kilala ang lalaking ’yon para ibigay dito ang p********e niya. Napahawak sa pisngi ang lalaki dahil sa natamong sampal. Hindi halos alam ni Serene kung ano ang gagawin dahil sa ikinilos ng lalaki. Sino kaya ang lalaking ’yon at bakit ganoon ang naging asta nito sa kanya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD