“BASTOS!”
Isang malakas na sampal ang nakuha ni Evo mula kay Serene. Halos humiwalay ang ulo niya sa kanyang katawan sa lakas ng pagkakasampal nito. Tila isa iyong nakabibinging tunog nang marinig iyon ni Yaya Huling pagpasok nito sa kusina para tingnan si Serene. Sakto namang nasaksihan nito ang pagsampal ni Serene kay Evo. Sa gulat nito ay mabilis nitong nilapitan si Serene at hinawakan ito sa kamay.
“Serene!” awat ni Yaya Huling.
“Siya po, eh. Binastos ako,” sumbong naman ni Serene.
“Ano ka ba? Si Sir Evo ’yan. Siya ang amo namin dito,” paliwanag ni Yaya Huling nang pabulong kay Serene bago tumingin kay Evo. “Ah—sir, siya po si Serene. Naghahanap po pala siya ng trabaho noong mangyari ang insidente. Baka po puwedeng bigyan natin siya ng trabaho. Pasensiya na po kayo,” wika ni Yaya Huling.
“So, you’re Serene,” wika ni Evo. “Sorry for being rude. I’m Evo,” pakilala niya kay Serene at inilahad ang kamay.
“S-Serene,” wika nito at kinamayan si Evo.
“You need a job?” tanong niya.
“O-Opo. S-Sana,” nginig na tugon nito.
“Are you willing to do everything?” muling wika niya.
“Opo. Kahit ano. Para sa kapatid ko,” wika ni Serene.
At tiningnan ni Evo nang seryoso si Yaya Huling na parang sinasabi niya na umalis muna ito para makausap niya nang masinsinan si Serene.
“Ah. Sige, maiwan ko muna kayo," wika naman ni Yaya Huling na agad nakuha sa tingin ni Evo.
Nang maiwan naman silang dalawa sa kusina ay kaagad na naging seryoso ang tono ni Evo kay Serene.
“Ano ba’ng alam mong trabaho?” tanong ni Evo habang naglagay ng tubig sa baso na kinuha niya.
“Kahit ano po. Kaya ko pong maghugas ng pinggan, maglinis ng bahay, mag-alaga ng bata . . .”
“Be my personal assistant.” Ito ang naging tugon ni Evo kay Serene.
“Po?” nagtatakang tugon ni Serene.
“Personal Assistant. That means sa lahat ng oras nasa tabi kita at lahat ng iutos ko gagawin mo,” paliwanag niya at muling tiningnan ito. Lumapit siya rito at tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Lahat po?” wika naman ni Serene.
“Yes. Lahat,” tugon ni Evo na may makahulugang tinig sa mga salita. Halos maamoy ni Serene ang gamit na pabango niya dahil sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Medyo pawisan kasi ito at humalo sa amoy ng pawis niya ang pabangong gamit niya.
“S-Seryoso po kayo?” wika nito.
“Naghahanap ka ng trabaho, ’di ba?” tanong niya.
“Opo.”
“Okay. Thirty Thousand Pesos per month at ako nang bahala magbayad sa mga incentives mo para walang kaltas sa suweldo mo. Plus, I can give you incentives kung maganda ang performance mo,” paliwanag muli ni Evo at na-corner niya si Serene sa pader. “Deal?” dugtong niya.
‘S-Sige, sir. Deal,” wika ni Serene pero para dito hindi biro ang maging personal assistant dahil sa tingin nito higit pa sa inaakalang trabaho ang nais ni Evo. Pero mas inisip nito ang kapakanan ng kapatid nitong si Sam sa pagkakataong ’yon. Kaya lulunukin na lang niya ang pride niya at kakayanin ang lahat upang mabuhay lamang silang magkapatid.
“Good. You can start tomorrow. Ipahahatid kita kay Mang Tony pauwi at kuhanin mo lahat ng gamit mo. Dito ka titira,” wika naman ni Evo.
“Sir, d-dito po ako titira?” nagtatakang tugon ni Serene.
“Kasasabi ko lang, hindi ba?” wika ni Evo.
“Pero, sir, paano po ’yong kapatid ko?” ani Serene na tila nagdalawang-isip sa mga narinig.
“Look, I offer you a job because you need it. Now, if you’re going to ask about your personal life, it’s not my problem anymore.” Malalim ang boses ni Evo habang sinasabi ang mga katagang ’yon.
“O-Okay, sir,” wika naman ni Serene.
Nang araw ding ’yon ay inihatid nga si Serene ni Mang Tony sa bahay ng tiyahin niya. Kinabukasan ay agad niyang inayos ang gamit at nagpaalam sa kapatid na si Sam.
“Ate, ’alis ka?” malungkot na tanong ni Sam.
“Oo, eh. Kailangan ni Ate magtrabaho para may pang-therapy tayo sa iyo,” paliwanag ni Serene kay Sam habang hawak ang magkabilang pisngi nito. Kahit may autism si Sam ay ramdam nito ang lungkot.
“Ate, puwede ba ako sama?” wika ni Sam hanggang sa mapaluha si Serene sa hiling ng kapatid.
“Hindi puwede, eh. Bawal ka kasi roon. Pero promise dadalawin kita madalas. Basta promise mo sa akin na hindi ka magiging pasaway dito, ha?” wika naman ni Serene at tumango na lang si Sam. Yumakap siya nang mahigpit kay Sam at naantig naman ang kanyang Tiya Julia sa nakita kaya hinaplos nito ang buhok ni Serene. Maging si Tiya Julia ay napaluha na rin. “Sige na. Aalis na si Ate. Magpapakabait ka rito, ha? Huwag mo papahirapan si Tiya,” habilin ni Serene sa kapatid.
“Opo ate,” tipid na tugon ni Sam.
Itinuon naman ni Serene ang atensyon sa kanyang tiya at yumakap.
“Mag-iingat ka roon. Kung may problema man tawagan mo ako kaagad, ha,” wika ng Tiya Julia niya.
“Opo. Kayo na po muna ang bahala kay Sam. Magpapadala po ako ng pang-therapy niya pati na gamot. Bibigyan ko rin po kayo ng panggastos sa bahay pagkasuweldo ko,” paliwanag ni Serene.
“Huwag mo na muna alalahanin ’yon. Basta ako na muna ang bahala kay Sam at huwag mong kalimutan ’yong bilin ko sa iyo, ha? Palagi kang mag-iingat,” wika ni Tiya Julia.
“Opo. Maraming salamat po, tiya,” ani Serene.
“Sige na, kanina ka pa hinihintay ng sundo mo,” saad naman ni Tiya Julia matapos kumawala sa pagkakahawak sa pamangking si Serene.
“Paalam po,” wika ni Serene at nagpaalam sa kanyang tiyahin at sa kapatid. Kaagad namang kinuha ni Mang Tony ang bagahe na dala ni Serene. Panay ang kaway nito sa dalawa nang makasakay sa kotse.
Nang makarating siya sa bahay ni Evo ay abalang-abala si Yaya Huling. Naghahanap kasi ito ng damit na susuotin ni Evo. Nasa closet kasi sila ni Evo at naghahanap ng pormal na damit para sa lakad nito ngayong araw.
“Nariyan ka na pala, Serene. Halika rito. Tulungan mo ako,” wika ni Yaya Huling at ibinigay sa kanya isa-isa ang mga damit na naka-hanger na kakukuha lang niya sa closet. “Ilagay mo ito sa kuwarto ni Sir. Iyan ang isusuot niya pagpasok sa opisina. Ikaw na ang magdala roon kasi may ginagawa pa ako sa kusina, ha?” habilin ni Yaya Huling at hindi na hinintay ang tugon ni Serene.
Kaagad namang pumasok si Serene sa kuwarto ni Evo. Alam niyang iyon ang kuwarto ng binata dahil doon niya nakita ang gabi kung saan mayroon siyang katalik. Dahan-dahan siyang pumasok doon at inilatag ang mga damit sa kama. Isang white long-sleeve at black tuxedo na may kasamang maroon necktie ang inihandang damit para sa kanya. Papalabas na sana si Serene nang biglang magsalita si Evo.
“Yaya, puwede bang paabot ng towel ko riyan?” wika ni Evo na biglang namataan ni Serene na naliligo sa banyo. Kitang-kita niya ang basang katawan ni Evo habang nag-sho-shower dahil sa glass-door ang CR. Ngunit nakatalikod si Evo kaya tanging likod lamang na bahagi ang nakikita niya. Napalunok ng laway si Serene sa nakikita. Ngunit kailangan niyang sundin ang utos ni Evo kahit pa ang akala nito ay siya si Yaya Huling. Kaagad niyang kinuhanang blue towel na nakapatong lang sa couch na may nakaburdang Evo. Alam niyang iyon ang tinutukoy ng binata kaya kaagad niya itong kinuha at kumatok sa glass-door na pinto ng CR.
“S-Sir, ito na po,” kabadong wika ni Serene at hindi magawang tumingin sa kahubadan ni Evo nang buksan nito ang pinto ng CR. Ngunit hindi rin nakatingin si Evo sa direksyon niya kaya sa halip na mahagip nito ay tuwalya, nahagip rin nito ang kamay niya dahilan para mahila siya nito papasok ng banyo kung saan ito naliligo. Napasigaw si Serene sa pagkagulat. Mabuti na lamang at nasalo siya kaagad ni Evo bago pa siya mapahilata sa sahig. Maagap na nasalo nito ang likod niya kaya napayakap ito sa kanya. Ngayon ay nabasa na rin si Serene at bumakat ang hubog ng katawan niya dahil sa puting blusa na suot. Ramdam ni Serene ang matigas na katawan ni Evo at maging ang p*********i nito ay tila naramdaman ng kanyang mga hita dahil dumampi ito sa bahaging iyon. Nagkatitigan ang dalawa na ngayon ay parehong basa dahil sa tubig na inilalabas ng shower. Tila nag-init ang malamig na agos ng tubig sa pagitan ng kanilang katawan.