NAALIMPUNGATAN si Serene sa mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Wala siyang kamalay-malay na nasa ibang kuwarto na pala siya. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata hanggang sa naaninag niya ang hindi pamilyar na lugar. Napabalikwas siya ng bangon at napaupo sa kama. The room was not familiar to her. She had no idea where she was. Even what time it was. She never had an idea of what was happened last night. Ang alam lang niya ay hindi iyon ang kuwarto niya o kuwarto ni Evo. Pero isa rin sa napansin niya ay ang brasong nakapatong na ngayon sa kanyang hita matapos niyang umupo. Maputi ito at halatang kamay ng isang lalaki dahil medyo malapad at mabalahibo. May mga ugat din na kahalintulad nga ugat sa braso ni Evo. Nilingon niya kung sino ang may-ari ng brasong iyon. Nagulat siya sa nakita.

