HINDI pa rin lubos maisip ni Serene na magiging personal assistant siya ng isa sa pinakaguwapo at pinakasikat na business tycoon sa bansa. She’s still coping up with where she was now. Everything was new for her and she couldn’t imagine the life being with Evo Dela Vega. Oo nga naman. Sino nga naman ang hindi mahuhumaling sa taglay na kaguwapuhan ng binatang nasa harap niya ngayon na abala sa kanyang sariling mesa at tinitipa ang laptop nito? Habang siya naman ay nasa sofa at inaasikaso ang magiging schedule nito sa araw na ’yon. Nakatitig lang siya kay Evo habang abala ito sa mga ginagawa nito hanggang sa maalala niya ang nangyari kahapon lamang: ang maalab na halik nito at ang mainit na dampi ng kamay nito sa kanyang likuran. Hindi niya makalimutan lahat ng ’yon. Napatitig siya sa labi ni Evo. Mapula ang labing ’yon at sobrang lambot. Ngunit napatigil siya sa pagpapantasya nang mapansin siya nito.
“Is there anything wrong, Serene?” usisa nito na parang nakahalata sa kanyang malagkit na titig.
Nahihiyang iniiwas ni Serene ang tingin niya kay Evo. “S—Sir? Wala po,” pakli nito.
Evo grinned with what he saw. He knew that Serene was staring at him. He thought she was thinking of what happened to them yesterday in his closet. He was about to get back to work when someone came into his office to intrude his peaceful mind at work: Eric, his one and only pervert-doctor brother.
“Hello, brother! How’s your day?” He just came in without any hesitation and never noticed Serene. He utterly walked towards his brother’s table.
“Hey! What are you doing here? Wala ka na bang clinic ngayon?”
“Wala na.” Umupo ito sa upuan na nasa tabi lang ng mesa ni Evo. And he was surprised that Serene was there looking at him without any idea who he was. “Oh! Here you are. Nagkita muli tayo, Miss beautiful,” bati nito na may malapad na ngiti nang makita si Serene na kanina lang ay hindi nito napansin. Kaagad siyang nilapitan nito at kinamayan. Nagulat si Serene sa naging asta ni Eric ngunit hindi siya nagdalawang-isip na iabot ang kamay niya. Natatawa naman si Evo sa inasal ng kapatid nito. Halatang umandar na naman ang pagiging bolero nito nang makita nito si Serene.
Well, Eric Dela Vega was one of best doctors in the country. He was an OB-GYNE or a doctor for the reproductive health of a woman and taking care of them during their pregnancy. But the specialization of Dr. Eric Dela Vega was an ironic figure on his personality. Ayaw niyang magkaanak, but he wanted to see where the baby was coming out. Palagi niyang sinasabi sa mga tao na kaya siya hindi nag-aasawa ay dahil ayaw niya ng isang langit lang ang makita. Gusto niya na lahat ng uri ng langit ay makita niya. His reason pertaining to the word langit as a woman’s private part. That’s how pervert he was.
Nakatulala lang si Serene habang kinakamayan si Eric. “Hello po. Nagkakilala na po ba tayo?”
“Oh, sorry! I forgot. Natutulog ka nga pala noon.” Napatapik naman si Eric sa narinig mula kay Serene. Noon lang niya na-realize na wala nga pala itong malay nang makita niya ito. “I am Doctor Eric Dela Vega, Evo’s brother and the one who take care of you noong nawalan ka ng malay,” pormal na pagpapakilala ni Eric dito.
Doon lamang napagtanto ni Serene ang lahat. “Thank you po, dok.” Isang malapad na ngiti ang itinugon ni Eric sa kanya. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya at titig na titig pa rin nito sa kanya, “Ah, dok, ’yong kamay ko po.”
“Sorry,” wika ni Eric na kaagad namang binitiwan ang kamay ni Serene.
“So, ano’ng masamang hangin ang nagdala sa iyo rito, kuya?” pagputol ni Evo sa dalawa. Nakahalata na kasi siya na naiilang na si Serene sa mga titig ng kapatid niya rito.
“Nothing, gusto lang sana kita yayain sa isang bagong tayong bar sa Makati,” wika nito habang nakapamulsang lumapit sa kapatid.
“I’m sorry to decline the offer but I am loaded today,” Evo said pointing out tons of paper works on his desk.
“Come on, bro! Ilang weeks na tayong hindi nagbo-bonding. Nami-miss na kita and I think you have something to say,” he replied sarcastically describing about Evo’s non-business activity.
Nabasa na niya ang iniisip ng kapatid kaya mukhang hindi na siya makatatanggi. Natatawang napailing si Evo. “Alright! I’ll just check my schedule,” wika niya at itinuon ang atensyon kay Serene. “Serene, may commitment ba ako this late afternoon?”
Serene tapped her tablet and checked Evo’s schedule. “Wala na naman po, sir.”
“Good! See you at eight tonight. I’ll text you where it is,” saad nito na nagmamadaling umalis ngunit bago pa man makalabas ng pintuan ay muling sumulyap kay Serene. “Bye, beautiful.”
“You can take your off now. Puntahan mo ang pamilya mo. Here’s your prize last night.” Inabot ni Evo ang perang pinanalunan ni Serene sa pustahan nila kagabi, sa deal nila ni Evo.
Natuwa naman si Serene nang iabot ito sa kanya ni Evo. Noon lamang kasi siya nakahawak nang ganoong kalaking pera.
“Talaga po, sir? Salamat po!” Nagningning ang mga mata ni Serene sa tuwa.
“Basta bumalik ka bukas sa bahay nang alas-otso ng umaga, okay?”
“Opo, sir! Opo,” sabik na tugon ni Serene.
“You can go now!”
Mabilis na inayos ni Serene ang mga gamit at nagmamadaling umalis.
Maingay ang paligid ng nakakabinging tugtog. Makukulay na ilaw ang tumatama sa bawat sulok ng madilim na bar kung saan naroroon si Evo at Eric. Nakaupo lang si Eric sa isang couch habang nakadantay sa kanya ang isang babae na panay ang halik sa pisngi nito habang ang isa naman ay nakaakbay sa kanya at nilalaro ang kanyang dibdib: the usual scenario of Eric when he was in the bar. Habang si Evo naman ay tahimik lang na nilalagok ang alak at pinapanood ang mga tao sa paligid. Kabilang na ang kamanyakang pinaggagagawa ng kanyang kapatid. Nasa VIP area sila kaya hindi ganoon kaingay ang paligid. Sapat lang para magkarinigan sila.
“Bro, how’s your new assistant? Did you f*ck her already?” makahulugang ngiti ni Eric sabay bato nito sa kanya ng isang bottle cap na pinulot niya sa mesa.
“Cut the crap, bro! Hindi ko puwedeng gawin sa kanya ’yon. Huwag mo akong itulad sa iyo,” pangungutya ni Evo.
“Seriously? Evo Dela Vega, one of the hottest bachelors in town, tumanggi sa grasya ng langit?” Napalakas ang tono ni Eric sa mga narinig.
“Not like that, bro! I mean, Serene is just a work for me. Not a pass time chic,” paliwanag ni Evo.
“Wow! So, Serene is the name? I forgot to ask her name before. Sobrang ganda kasi niya,” gigil na tugon ni Eric na may emphasis sa huli nitong pangungusap.
“Shut up!” Muling lumagok si Evo ng bote ng alak na iniinom nito.
Nagulat na lang siya nang biglang may babaeng tumabi sa kanya na hindi niya kilala at inakbayan siya.
“Hi, handome? Are you alone?” Malagkit ang tingin ng babae sa kanya. May kasingkitan ang mga mata nito at may makapal na lipstick sa labi.
“I’m sorry, Miss. But I’m not in the mood,” pagtanggi ni Evo.
“Suplado!” Isang malakas na hampas ang ipinukol ng babae kay Evo at padabog itong lumayo.
Napapalakpak si Eric sa naging asta niya. First time nitong nakita na tumanggi si Evo sa alok ng isang babae.
“Wow! That was amazing, Bro! Seryoso ka talaga or someone breaks the Casanova’s rule?”
Napaismid naman si Evo. Tila hindi niya makuha ang gustong ipahiwatig nito. Ngunit pabor sa kanya dahil mas gusto niyang siya lang ang nakakaalam ng lahat. He was starting to make a move to get Serene and took her femininity but his brother had no idea about what he wanted. Buong akala nito nagbago na siya, but the fact was... Serene was his new flavor of the month. Mabuti na ring walang alam ang kapatid niya para hindi mabulilyaso ang mga plano niya.