EVERYBODY was busy in the company. May mga paparating kasing mga international investors kaya naman tutok ang lahat sa trabaho, lalong-lalo na si Evo. Hindi naman siya pinababayaan ng kanyang kasintahan na si Serene. Lahat ng schedules at conventional meetings na dapat puntahan ay kailangan nilang ayusin. Kailangan nilang magpakitang-gilas sa foreign investors, upang mas lalo pang mapalago ang negosyo at maengganyo pa ang ibang mga negosyante na mag-invest sa construction firm ni Evo. The goal of his company was to be the best company of all, kaya naman puspusan ang paghahanda nila. Kailangang maungusan nila ang ibang kompanya. Iyon ang paraan upang mas maging maganda ang takbo nito. Habang abala sa opisina ay siya namang pagdating ni Stella. Napansin niyang hindi mapakali ang dalawa at ha

