“I HAD enough,” pagpigil ni Evo sa sarili. He’s already drunk. Matapos siyang yayain ni Stella sa isang bar ay hindi na niya napigilan ang sarili na magpakalasing. But he’s still in-control. Kahit lango na siya sa alak ay nagagawa pa rin niyang kilalanin at makita nang malinaw ang mga taong nakapaligid sa kanya. Ang mahirap lang ay pigilan ang nararamdaman. But Evo was Evo. He could still manage his emotions inside. Nasasaktan. Nagagalit. Nawawalan ng kompiyansa sa sariling magmahal muli. When was the last time it happened to him? Hindi na niya matandaan. College pa yata ang naging huling heartbreak niya. And he thought that he can’t felt it again. But it happened—again. Ang masaklap lang, mas masakit ang ngayon. Mas mature ang pagmamahal na nararamdaman niya. Mas may suntok sa pagkata

