Chapter 44

2265 Words

ISANG pamilyar na amoy; parang halimuyak ng isang bulaklak na rosas ang sumamyo sa ilong ni Evo. Kilala niya ang amoy na iyon. Unti-unting nanuot sa kanyang alaala ang nakakaenganyong bango noon. Hindi siya nagkakamali. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nagkamalay at nagising siya sa mabigat na bagay na nakapatong sa braso niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang bawat hibla ng buhok na siyang unang rumehistro sa kanyang paningin. Isa lang ang sumagi sa isipan niya— may babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang bisig. Kilala niya ang amoy ng buhok nito ngunit para makasigurado ay sinilayan niya muna kung tama ang kanyang hinala. Marahan niyang ibinaba ang tingin. Tang*na! Napamura siya at namilog ang mga mata sa pagkagulat. Halos dumagundong ang puso niya sa nakita. Naroon si Stella a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD