"MULING nagbabalik ang artistang hinahangan at tinitilian ng mga kababaihan at kabalaan noon. Ngunit sa pagkakataong ito ay isang rebelasyon ang kanyang isisiwalat. Ladies and gentlemen, please welcome... Keeno Santillan!" Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng ng studio kung saan ginaganap ang kanyang press conference. Hindi magkamayaw ang mga fans niya na hanggang ngayon ay sumusuporta pa rin sa kanya. Panay ang ngiti niya, palibahasa'y sanay nang ngumiti sa harap ng camera kaya sisiw lang sa kanya ang magpa-cute. "So, ano ang naisip ng isang Keeno at mukhang magbabalik ka na sa pinilakang tabing?" tanong ng host sa kanya. Natahimik ang lahat. Halatang hinihintay ang kanyang sagot. "Naisip ko lang kasi... this is where I belong. Acting is my passion, kaya hindi ko

