NASA kalagitnaan ng isang meeting para sa bago niyang endorsement si Stella nang biglang tumawag si Keeno. Panay ang vibrate ng kanyang cell phone pero hindi niya ito pinapansin. Nagpi-present kasi ang creative producer sa story board para sa bagong TVC na gagawin nila kaya ang lahat ay nakatuon ang pansin dito, lalong-lalo na ang endorser nila na si Stella. Hindi puwedeng pakawalan ni Stella ang endorsement na iyon dahil bilyon ang kikitain nila. Isang beauty product kasi sa ibang bansa ang pumili sa agency nila kaya naman hindi nila ito matanggihan. Pero isang text ang biglang nag-pop up sa kanyang phone. This is an emergency. Pick up your phone. Saglit na natigalgalan si Stella. Kumunot ang noo niya. Ano naman kayang emergency ang sinasabi nito? wika ni Stella sa isipan. “Excuse me.

