bc

Love at First War

book_age4+
2
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

When Liane meets Dylan!

What if ang taong kinaiinisan mo ay magiging Boss mo pala?

kakayanin mo bang tumagal sa trabaho?

Isa sa dream ni Liane ang makapagtrabaho sa V Holdings. Una ay para sa kanyang pamilya at ikalawa ay para makita ang man of her dreams!

Pero imbes na man of her dreams , man of nightmare ang kanyang nakilala.

meet Dylan Valencio, bunsong anak at tagapagmana ng Valencio Holdings. Happy go lucky guy na hate na hate ang ma involve sa corporate world ng pamilya.

Destiny makes a way para magkakilala ang dalawa.

matulungan kaya ni Liane si Dylan sa mga pagsubok na kakaharapin nya?

mauuwi ba ito sa isang happy ending or never ending war na lang ito para sa dalawa?

chap-preview
Free preview
Lian Meets Dylan
Liane's POV " Lord Pleaaaaseeee! sana ito na talaga to!" Dumaan muna ako sa isang Chapel dito sa lugar namin bago ako dumiretso sa ina-applyan ko. sino ba naman ang hindi mapapa- please, pang sampung interview ko na to para sa buwang ito! yes College Graduate nga ako pero syempre sa dami ng taong gusto ng trabaho madami din ako kalaban. kung bakit naman kasi hinahapan ako ng experience, hello??? paano naman ako magkaka expirience kung hindi nyo ako tatanggapin? yes, 2 years din kasi akong hindi nakapag apply after ko mag graduate dahil kinailangan kong samahan si nanay sa pagtitinda. May pwesto kasi kami sa palengke, at dahil nga nagkasakit si tatay wala ng kasama si nanay kaya ako na muna ang proxy kay tatay, hindi din kasi namin maasahan si Kuya Wendel at Ate Eloisa naturingan pang mas matatanda sa amin ni Shane pero mas pasaway pa. Si Kuya Wendel madalas nasa barkada, umuuwi na lang ito para magpalit ng damit, ganun din naman si Ate Eloisa wala itong tagalan na trabaho, puro gimik ang alam nito kasama ang mga kaibigan din nya. Imbes na makatulong ay problema pa binibigay nila kina nanay at tatay. So no choice ako, ako na ang sumalo sa mga responsibility nila sa magulang namin. Siguro ay gusto rin naman ni Nanay na magamit ko ang aking pinag aralan, lalo na at ang mga ka edad ko sa lugar namin ay pare parehas ng nagtatrabaho sa mga kompanya sa Maynila kaya siya na mismo ang nag open up sa paghahanap nya ng makakasama nya sa magtinda, mabuti na nga lang at dumating na si Mercy pinsan namin galing Mindoro, sya na ang kasama ni nanay sa pwesto. Ayoko din kasi na kumuha ng hindi namin kakilala mahirap na sa panahon ngayon. Pero heto nga, parang gusto ko na lang magsabe ke nanay na magtitinda na lang ulet ako napakahirap palang maghanap ng trabaho talaga. Graduate ako ng Business Management, ito talaga ang pangarap ko and just like any other child nai-imagine ko kase lagi yung naka formal attire ako may dalang bag papasok sa opisina, kemeng nagt-type at nagph-photocopy. babaw no? pero aminin nyo ganun din kayo nung bata kayo! HAHAHAAHHA! kahapon parang mawawalan na ako ng pag asa dahil rejected na naman ako sa pang 9th interview ko bigla namang may tumawag saken. Isa sa malalaking kumpanya sa bansa, ang Valencio Holdings, ang nga ito ay nagmamay-ari ari ng iba't ibang negosyo gaya ng restaurant, mall, financing and construction company.. oh diba walang tapon? no wonder, kung bakit ang yaman at ganun sila kakilala. Ang bawat negosyo daw nito ay para sa apat na anak, napaka swerte naman walang kahirap hirap instant milyonaryo na ang mga junakis! Ang tatlong anak nito ay involve na sa pagpapatakbo ng negosyo pero ang bunsong anak ay mukang hindi nila kinakakitaan ng interes sa negosyo. actually madami na akong chika pero isa lang naman ang kilala kong anak ng Valencio, my ultimate crush ... Kurt Benedict Valencio, ang panganay ng mga Valencio. Palagi ko syang nakikita sa mga business magazine and even sa internet. aside from being rich, undeniable naman kasi ang kagwapuhan nito! plus pa na napakabait daw nito, oh san kapa? complete package na !!!! After ko dumaan sa chapel, sumakay na agad ako ng bus isang diretso lang naman ang byahe kahit na may kahabaan at inaabot din ng isang oras lalo na kung traffic mabuti nlang at pagbaba ko ay maiksing lakaran na lang papunta sa VH Building. Siguro naman ay may ibubuga na din ako sa awra ko today, Black pencil skirt above the knee at isang Mustard polo na nagpaangat lalo ng aking kaputian, at dahil hindi talaga ako sanay sa high heels, doll shoes lang ang keri ko. hindi naman sa mayabang pero ligawin ako mula highschool ako at hanggang mag college. Madalas nga akong kuning muse sa mga liga, maging sa mga pageant sa school. I got it from my Momma! ??? pero wala akong matipuhan noon at masyado akong focus sa pag aaral. Maski pa ang pinaka gwapong varsity player sa school ay talagang deadma ako. saka na siguro makapag boyfriend pag si Kurt Benedict Valencio na ang manliligaw sa akin! (Ambisyosa!) pagbaba ko palang sa bus kitang kita ko na ang mataas na building ng VH. Dahil sa sobrang pagka amaze ko, hindi ko namalayan na may mabilis na motor na makakasalubong ko kung kaya't napaatras ako, and how.lucky I am, may lubak pala don na may tubig (dahil sa ulan kagabe) napaupo ako sa lubak na yon dahilan para mabasa magkaputik ang suot ko. dahil sa pag iwas saken ay sumemplang din ang naka motor sa di kalayuan saken. Oh no!!!! paano ako tutuloy sa interview ko kung ganito na ako? mukang basang sisiw! agad akong tumayo at lumapit sa lalakeng itinatayo ang motor nya. "HOY! Bulag kaba?nakita mo ng may makakasalubong kang bakit nagmamabilis kapa ha?!" pero deadma sya saken sa halip ay ang motor nya ang pinagkaabalahan nyang tingnan, oo nga nagka gasgas nga ang Ducati nya .. DUCATI???? s**t! magkano din ang halaga non, pero kahit na, hindi ko mapapalampas ang antipatikong ito. "Hindi ka lang pala bulag no? bingi kapa? bakit ba may mga ganitong klase ng lalake sa mundo!" " Can you please shut up? ang ingay mo! nakakairita, do you know how much it will cost?!" tinuro nya ang malaking gasgas sa unahan ng motor nya. aba at dun pa talaga sya may pake, ngayon ko lang napagtanto na nagka gasgas pala ako sa tuhod dahil sa nangyare. Dumi ko na nga nagkasugat pako! "At talagang yan pa inintindi mo kesa sa naagrabyado mo, hindi mo nakikita ang ginawa mo saken?!" inalis nito ang helmet at sinipat ako.. infairness, hindi sya basta basta lang, para itong model, sa taas nito, siguro nasa 6 ft almost perfect jawline, makapal ang kilay, malalantik ang pilikmata at ang mata nito, parang naka contact lense dahil sa sobrang pagka brown. " Are you done examining me ?" grabe nakatitig pala ako sa kanya, saka lang ako nakabawi matapos syang magsalita. "Excuse me?! Feeling ka naman masyado! Bulag na mayabang pa! antipatiko" Ngumisi ito. nakakainis bakit gwapo padin? "Miss hindi ko fault na amaze na amaze ka sa mga nakikita mo kaya hindi mo na namalayan na nasa gitna ka na ng daan!" "Kahit na! nakita mo na ako sana bumusina ka man lang or nagdahan dahan ng takbo! Paano kung nabunggo mo nga ako at nawalan ako ng malay dito?!" "Ang dami mong sinasabe! Its not my fault that you are stupid!saka wag kang OA kase hindi ka naman namatay, mas worst pa nga ang nangyare saken oh at para sabihin sayo nagka injury din ako look at my forehead?" inilapit nito ang mukha nya saken, gusto ko sanang kiligin kaya lang bwiset ugali neto, ng makalapit sya saken ay iniuntog ko ang noo ko sa kanya "Aw!How dare you!" " Dare you hin mo ang mukha mo ayan quits na tayo ha! babush yabang!" saka ako nagmamadaling nagmartsa pabalik sa bus terminal. habang naglalakad ako hindi ko namalayan na madami na din pala ang nakatingin sa amin, aba malay ko ba e galit na galit ako e. dahil sa itsura kong to, hindi na ako talaga makakatuloy sa interview ko ngayon. kinuha ko ang telepono ko at agad na tumawag sa HR ng VH. " Good morning po, ma'am I just want to ask if its possible to re-sched my interview? nagka problem lang po while on my way to your office" pagdadahilan ko. "Sure, please come here tomorrow, same time. thank you" mabuti naman at may chance pa ako, naku pasalamat ang lalakeng yun dahil kung ndi ako na resched dahil sa nangyareng to baka ipakulam ko na sya. charizzzz! wala akong alam na mangkukulam! hahahaha .. ng makabalik sa bahay dire-diretso ako sa kwarto. "Oh ate bakit bumalik ka agad? saka anong nangyare sayo?" takang tanong ni shane, ang bunso kong kapatid "hindi ako natuloy she, may antipatiko kasing muntik ng makabangga saken dahil sa pag iwas ko ayun bumagsak ako sa may lubak don sa kalsada" "Naku, oh panu yan hanap na ulet ng iba?" "Hindi, pumayag naman kasi sila na bumalik ako bukas, mabuti na lang at naintindihan nila ang nangyare saken" "swerte kaparin dahil may chance kapa, at kapag nakapasok ka dun mas mapapalapit kana sa iyong ultimate crush!" sabay silang napatili! kase naman alam ni shane na si Kurt Valencio lang amg tanging lalake na gusto nya, kasama nya pa ito palage bumili ng magazine kung saan naka feature si kurt. " Oo nga, kaya gagalingan ko talaga bukas. Ito na ang start ng pagk krus ng landas namin ni Kurt , ang aking forever!" "Sige ate ng may matawag na akong kuya, pero teka mapansin ka kaya nun?" "Edi magpapapansin ako!" sabay silang tumawa, noon pa man magkasundo na sila hindi din naman ganun kalayo ang agwat ng edad nila 22 na Liane at 18 yrs old naman si Shane. mabilis natapos ang araw kung kaya't maagang nagising si Liane upang maghanda para sa pagbalik niya sa V Holdings. Hindi gaanong traffic sa araw na to kaya nakarating sya agad, nasa waiting area si Liane mula doon ay kita nya ang lahat ng taong nagdaraan, mga empleyado ng kumpanya. nakaagaw ng atensyon nya ang isang lalake na sa tingin nya ay pamilyar sa kanya, ang lalakeng nakaaway nya kahapon.Mabuti na lang at diretso lang ang tingin nito dahilan para hindi sya mapansin nito. bahagyang tinakpan ni Liane ang mukha nya ng Folder na dala niya, ayaw na nyang gumawa ng eksena dahil nasa vicinity na sila ng V Holdings. nakakahiya na nag a-apply pa lang sya pero may kaaway na sya dito. Baka maging dahilan pa yun ng hindi pagtanggap sa kanya. nawala na ito sa paningin nya at nakahinga na din sya ng maluwag. Tinawag na ang mga applicant papasok sa HR Office after exam ay isa isang ininterview. "Ms. San Jose base on your resume wala ka pang kahit anong work experience. For 2 years what did you do?" tanong ng HR "After I graduated, nagkasakit po ang father ko, since then wala ng nakatulong ang nanay ko bilang panganay ako na po ang tumulong sa kanya" nagulat si Liane sa biglang pagtayo ng HR, at may binati ito nasa likuran nyan halos lumuwa ang mata nya ng makita ang mga taong nasa likod nya. Don Hilario Valencio, Kurt Benedict Valencio at ang lalakeng nagpainit ng ulo nya kahapon. nagkatinginan silang dalawa at halatang nagkagulatan. "IKAW?!" sanay nilang sabi. " Do you know her?" - singit ni Don Hilario " Yes po, sya ang dahilan kung bakit nagkagasgas si D (Ducati) at kung bakit ako may ganito" itinuro nya ang noo nya na may bandaid. napayuko sya sa hiya hindi nya akalain na hindi pala basta basta ang taong nakaaway nya kahapon sa kalsada. Tumawa ng malakas ang matandang Valencio kung kaya't napatingin si Liane. nakita din nya ang bahagyang pagtawa ni Kurt dahilan para mamula si Liane. "Sir pasensya na po, pero sa totoo lang po kasi ay nainis ako sa ginawa niya kahapon. Imbes ho na mag sorry sya, sinigaw sigawan nya pa ako. Mali po yun lalo na at babae ang kausap nya" "because you are stupid!" - Singit ni Dylan "Antipatiko!" sagot ni Liane natatawang napatingin si Don Hilario kay Liane. "I'm sorry po ulet Sir, pero sana man lang po kasi ay marunong syang humingi ng paumanhin, kase po hindi lang naman sya nasugatan maging ako po" sabay turo sa tuhod nyang may bandaid " Tama nga naman sya, Hijo you should have say sorry to her nasaktan mo sya, teka aside from your bruises may masakit paba sayo, tell me para maipa check kita sa Doctor natin dito" " Ah wala na po sir, okay lang po ako" "Dylan do you have something to say?" Alam ni Dylan ang ibig sabihin ng papa nya, pero labag man sa loob nya ay kailangan nyang sabihin upang hindi ma sya kagalitan ng kanyang Daddy. "Sorry" napatingin si Liane sa kanya.matapos nyang sabihin ay nauna na syang umalis sa lugar na iyon. naiwan ang mag amang Hilario at Kurt. " Sandra Hire her asap" sabi ng Don sa HR Interviewer Teka ako ba ang tinutukoy nyang tanggap na ? takang tanong ni Liane sa sarili. nagulat si Liane ng bigyan sya ng list of pre employment requirements ng HR at pinaliwanag ang magiging sahod. Parang hindi niya ma absorb ang mga nangyare kaya tinanong nya ule ito para makumpirma. "Tama po ba Tanggap na ako?" "Yes Ms. San Jose, congratulations and welcome to V Holdings" may ilan pang sinabe amg HR pero talagang lumutang na si Liane sa tuwa. Nagmamadaling umuwe siyang umuwe para sabihin ito sa pamilya nya. Naabutan niya ang kanyang tatay na nanunuod ng TV. "Taaaaaaay!!!! may goodnews po ako sa inyo" "Ano naman ang good news ng aking magandang anak?may boyfriend ka na?" napasimangot si Liane dahil s aisnabe ng ama, ito na kasi ay panay ang hikayat sa kanya na mag boyfriend na. " naku Tay! It's a big no! natanggap po ako sa trabaho, sa Valencio Holdings!" " Talaga anak? Congrats, sinasabe ko na nga ba at kayang kaya mo makapasok sa ganoong kagandang kompanya" "Salamat Tay! Akala ko nga ho ay isa na naman to sa mangre-reject sa akin" " Eh teka anong trabaho mo dun anak?" Ano nga ba? takang tanong ni Liane hindi nya rin pala naitanong sa HR kung ano ang position nya dahil office staff lang naman ang nakalagay sa Job Posting na, bahala na ang mahalaga ay nakapasok sya sa pangarap nyang kumpanya. " Sa unang araw ko pa po malalaman tay, kung saang department ako mapupunta. sa Lunes po ay magsisimula na ako sa trabaho" " Galingan mo alam kong kaya mo yan naniniwala ako sa kakayahan mo anak!" Niyakap niya ang kanyang tatay, palagi siyang sinusuportahan ng kanyang mga magulang sa mga bagay na gustong gusto nya. Araw ng linggo ng magpasya si Liane na sumama sa nanay niya sa pwesto nila sa palengke ito na din kasi ang huling araw na makakatulong sya sa tindahan dahil simula lunes ay magta-trabaho na siya. Abala siyang nag aayos ng mga gulay, dumating kasi ang delivery ng gulay mula sa kanilang supplier, naroon din si Mercy na katulong nyangmag ayos ng mga paninda. " Liane, anong pakiramdam mo na magsisimula ka na bukas?" tanong ni Mercy. "Excited talaga ako pero kinakabahan din kasi bago ang lahat para saken, pero siguro naman ay matutunan ko agad ang mga gawain nila dun" "Madami ka ding makikilala don, makakahanap ka na din ng boyfriend dun!" panunukso ni Mercy. "Ate Mercy wala pa yan sa isip ko at kung sakali si Kurt Benedict Valencio lang ang gugustuhin kong maing Boyfriend." "Diba sila ang may ai ng Valencio Holdings?" "Opo ate, alam mo ba nakita ko sya nung interview ko. Grabe te mas mgwapo sya sa personal! yun nga lang nakakahiya kasi nagkaroon ng eksena" "Bakit anong nangyare?" " Naalala mo diba hindi ako natuloy sa first schedule ko? Kasi merong motor na muntik ng makasagasa saken? Dun pa la nagta trabaho yun and take note kasama sya ng mag amang Valencio? nagpunta sila sa HR sakto interview ko nun nagmukhaan nya ako, ayun nagksagutan kami rinig ng Babylove kong si Kurt at ng Daddy nya, nakakahiya nga kasi pinagtatawanan nila kami" natatawa ang ate mercy nya sa kwento ni Liane, bukod s akapatid nya si MErcy talaga ang isa sa mga madalas nyang makausap. " Naku Liane, turn off agad sayo nakita kang nakikipag away, baka isipin war freak ka!" " Ayun nga ate, kaya nakakahiya pero di bale na, pag bubutihin ko na lang ang trabaho ko para good shot na ulet. Sana nga ay sa Department nya ako mapunta para araw-araw akong ma inspire" "Sige anak, galingan mo ng pagpapa charming sa Kurt na yan ng magka boyfriend ka na" singit ng kanyang nanay. " Oo naman nay! hahahah, biro lang nay, syepre trabaho ang pinunta ko dun para matulungan kayo. Para hindi kana nagoovertime sa pagtitinda. Ako na ang bahala sa mga gamot ni Tatay at syempre sa kailangan ng mga kapatid ko sa school" " Ang swerte talaga namin sayo anak, maraming salamat ha" "Naku ang nanay! Awat na drama yan ha ! Tama na!" Sabay lapit at yakap sa nanay nya. Alam niyang siya na ang inaasahan ng magulang nya kaya hanggat maari ay ayaw niyang biguin ang mga ito, matanda na din ang Nanay at Tatay nya at kung siya lamang ang masusunod ay mas gusto nyang nasa bahay na lang ito pareho. Pero dahil sa dami ng gastusin nila kagaya ng gamot at mga kailangan sa school ni shane, kaya pinipilit pa din ni Nanay na ipagpatuloy ang pagtitinda ng gulay sa palengke.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook