Dylan's POV
" Starting next week you have to work here dylan, enough with all of you shits"
And so I'm right kaya ako pinapunta ni Daddy ng ganitong kaaga sa opisina nya, masakit pa ang ulo ko dahil halos umaga na ako nakauwe sa bahay, birthday ng bestfriend ko si Paul kaya nagcelebrate kami sa isang Bar somewhere in QC. pero ng mag-ring ang phone ko at nag register ang name ni Daddy ang bilis kong napabangon.
Yes takot ako kay Daddy actually close naman kami nito pero simula ng tanggihan ko sya sa alok nyang mag manage na ako ng isa sa mga company under ng Valencio Holdings ay dun na kami madalas hindi magkasundo.
To be honest ayoko talagang ma-involve sa negosyo, gusto ko munang i-enjoy ang buhay ko, para sa akin kasi once na nagsimula na akong magtrabaho dun ay mawawalan na ako ng oras para sa sarili ko, kagaya ng mga kapatid ko na Trabaho-Bahay na lang yata ang alam.
I'm the youngest in the family, medyo malaki ang age gap namin ng tatlo kong kapatid, since I was a child I saw how my siblings be trained by my mother and father. Madalas nga akong maiwan dito sa bahay dahil busy na silang lahat hanggang sa lumaki na ako, naging distant na ako sa kanila. Nabuyo ako sa barkada, for me they are my family. I spent nights with my friends, going everywhere. My mother always nags me whenever na makakasabay nila ako, kaya imbes na matuwa ako dahil napaka rare yung magkakasabay kaming kumaen, palaging nauuwe sa sermon. Palagi akong naco-compare kay Kuya Kurt, siya kasi ang tinuturing na successor ni Daddy pero as per daddy pantay pantay kaming lahat.
Well I really don't care kung sya man kasi deserve nya yun dahil siya ang kasama ni Daddy magpalago ng negosyo.
" Daddy I think hindi nyo naman ako kailangan don, Kuya Kurt has been taking care the company for so many years. Even si Ate Loraine and Ate Camille "
" Anak, gusto kong matutunan mo din ang pagpapatakbo ng negosyo. I am not getting any younger, eventually mapupunta sayo ang V Construction"
Ito ang pinakamalaki sa lahat ng negosyo na pinapatakbo ng pamilya.
"Daddy, bakit naman sakin mapupunta yun? Hindi ba't yun ang mina-manage ni Kuya Kurt ngayon? bakit hindi mo sa kanya ibigay yun ?"
" Because you deserve it son, I know that if you will handle V Construction, mapapamahalaan mo ito ng maayos"
Graduate ako ng BS Civil Engineering, that was my dad's choice, at para wala na lang g**o at since undecided din naman ako sa gusto ko, sinunod ko na lang.
"Dad, nandun na si Kuya Kurt, i dont think na kailangan pa ako dun. Isa pa ano na lang mararamdaman ni Kuya kung sakaling malaman nya na sa akin mapupunta yun."
"Kurt will manage our mall, mas kailangan sya dun. V construction is already established."
Alam ko kung gaano kagusto ni Kuya na mapunta sa kanya ang V Construction at maisip ko pa lang ang mararamdaman nito ay sumasakit na agad ang ulo ko.
malayo kasi ang loob ni Kuya Kurt sa akin, hindi ko alam kung bakit pero siguro ay dahil sa atensyon na ibinibigay sa akin ng Daddy kahit na may katigasan ang ulo ko."
" But dad.."
" No Buts, sundin mo ang sinabe ko sayo matagal tagal din kitang hinayaan sa mga bagay na gusto mo, this time ako naman ang masusunod"
at wala na nga akong nagawa after umalis ni daddy sa office nya.
nagmamadali akong lumabas ng opisina niya, sumasakit ang ulo ko dahil sa paparating na g**o na haharapin ko once na malaman ni Kuya Kurt ang plano ni Dad.
I will go home and I'll try to ask Mom to convince Daddy. Sana naman ay makumbinse siya ni Mommy.
mabilis ang takbo ko dahil gusto ko na talagang makausap si mommy.
Sa hindi inaasahan may babaeng halos gumitna na sa daan, at dahil sa bilis ng takbo ko ay muntik ko na syang mahagip kaya naman sumemplang ako sa gilid ng kalsada.
"WHAT THE f**k!"
mabilis akong tumayo, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang gasgas at basag ng salamin ng motor ko. Sana naman ay maayos ito agad,
si D (Ducati) ito ang pinaka paborito ko sa lahat ng binigay sa akin ni Daddy.
Habang tinitingnan ko ang motor ay may galit na galit na babae na nagsasalita sa gilid ko.
Eto pala ang babaeng dahilan ng gasgas ni D.
Gusto kong matawa sa itsura ng babaeng ito pero nauuna ang inis ko dahil sa nangyare.
Ang liit na babae pero ang tapang.
nakipagsagutan ako dito at dahil sa pagka palaban nito sa gulat ko ay inuntog pala nito ang noo nya sa noo ko!
Fuck! lalong nadagdagan ang sakit ng ulo ko bwiset na babae to!
Gusto ko pa sanang magsalita pero umalis na ito.
pagkauwi ko sa bahay ay agad kong tinawag ang katulog para makahingi ng cold compress, walangyang babae yun sya pa lang ang nakagawa ng ganoon sa akin.
" Anong nangyare sayo Hijo?" nagtatakang tanong ni Manang Lydia.
mayordoma sya sa aming bahay, sa dalawang dekada na nyang naninilbihan sa pamilya ay itinuturing na namin syang parte ng pamilya.
Halos siya nga ang nagpalaki sa akin at tumayong nanay ko. Tuwing wala si Mommy ar Daddy sya ang kasama ko.
" Bwiset na babae yun"
" Ano? babae ang gumawa nyan sayo? bakit nahuli ka bang pinagsasabay mo sila?"
" Naku manang hindi ! nakaaway ko sa daan napakaliit pero ang tapang tapang. Sana ay hindi ko na makita ang babae yun dahil baka matiris ko pa yun"
natatawa na naman si manang saken ngayon lang kasi ako nakapag kwento sa kanya ng ganito. Mas madalas makita ni manang na hinahabol habol ako ng babae.
" Mukhang nakahanap ng katapat ang alaga ko"
"Lagot sakin yun pag nakita ko pa ulet yon pero sana nga ay wag na"
"Hindi mo sigurado ang tadhana Dylan"
iniba ko na ang usapan dahil alam ko na kung saan ito papunta.
" Manang si daddy pinipilit akong magtrabaho na sa VH"
" Oh hindi ba't mas ayos yun? matutunan mo na dapat ang inyong negosyo. Ano daw ba ang pamamahalaan mo"
"Ng V Construction manang"
alam ni manang kung bakit ako nag aalala. Alam nyang ito ang pinatatakbo ng kuya kurt at alam din nya ang relasyon naming magkapatid.
" Naiintindihan ko kung bakit ka nag aalala hijo, pero alam ko na may mabuting intensyon ang papa mo kung bakit ka niya gustong matuto"
" Ayoko ng dagdagan pa ang tensyon sa pagitan namin ni Kuya, baka mas lalong hindi na ako kausapin nun"
"Subukan mo muna Dylan, pagbigyan mo ang Daddy mo at kung talagang hindi mo kaya saka ka sumuko.Ang importante ay mapagbigyan mo sya"
May point naman si Manang, bahala na. siguro ay ipapaliwanag ko na lang din kay kuya Kurt na pinagbibigyan ko lamang si Dad at wala akong intensyon na agawin ito sa kanya.
Kinabukasan ay isinama na ako ni Daddy sa opisina, ang sabi nya ay gusto nya akong i-tour para ma-familiarize ako sa kumpanya.
Hindi ako sanay, to be in a formal attire.
Since nasa repair shop pa si D, gagamitin ko muna ang kotse ko.
Goodluck Dylan!
AUTHOR'S POV
Pumasok si Dylan sa Building ng V Holdings alam niyang kahit hindi siya nagttrabaho dito ay kilala din sya ng mga empleyado dito.
Ang lahat ng madaanan niya ay bumabati sa kanya. Hindi siya sanay kung kaya't ang lahat ng ito ay tinatanguan na lamang niya.
Hindi niya maintindihan ay kung bakit nagugulat ang mga ito sa pagtugon ni Dylan sa pagbati nila.
Hindi na lang niya ito pinansin, at dumiretso sa opisina ng kanyang Ama.
" Dylan! sabe ko na nga ba at hindi moko ko matatanggihan" sabik na bati ni Don Hilario
" Halika, at ipapakilala kita sa head ng bawat department"
iginiya sya nito sa iba't ibang department ng papunta na sila sa HR Department ay nakasalubong nila si Kurt.
Halata sa mukha nito ang pagtataka dahil sa presensya ni Dylan sa opisina.
"Good morning Dad, Dylan"
"Good morning Kuya"
"Mabuti at nandito ka, may pag uusapan tayong tatlo pero hayaan mo muna akong puntahan si Sandra para makilala ni Dylan"
sabay sabay silang nagpunta, sa oras na iyon ay ini-interview na si Liane.
Pamilyar sa kanya ang boses ng babae pero dahil nakatalikod ito ay hindi niya agad ito nakilala. Nang makita ng HR ang mag-a-ama ay agad itong tumayo kung kaya napalingon din ang aplikanteng kausap niya.
laking gulat ni Dylan ng magtama ang mata nila ni Liane.
"IKAW?!"
nagkaroon ng maiksing diskusyon si Dylan at Liane, naaliw si Don Hilario dahil ngayon lamang siya nakakita ng babaeng hindi na intimidate sa anak nya.
Bukod sa yaman, at impluwensya ng kanilang pamilya hindi maitatanggi ang angking kagwapuhan ng kanyang mga anak, kaya karamihan sa mga babae na nasa paligid ni Kurt at Dylan ay nagkakagusto sa kanila.
Hindi gaya ng nakikita nyang reaksyon ni Liane ngayon habang nakikipag away kay Dylan.
matapos humingi ng paumanhin ni Dylan ay nauna na itong lumabas sa opisina.Naisip ni Don Hilario na gawing sekretarya ni Dylan si Liane. Sa palagay niya ay makakatulong ito sa kanyang anak dahil sa nakikita niyang karakter ng dalaga nito at base sa narinig niya ay may pinagdaan din ang pamilya ng dalaga.
matutulungan nito si Dylan.
"Sandra Hire her, Asap"
pagkatapos sa HR ay dumiretso silang tatlo sa opisina ni Don Hilario.
" Have a seat mga anak"
umupo ang dalawa sa magkatapat na silya.
"Si Dylan ay magsisimula ng magtrabaho sa ating kompanya. Gusto ko Kurt na tulungan mo si Dylan na matuto sa lalong madaling panahon."
Halata sa mukha ni Kurt ang pagkagulat.
"Pero Dad, alam naman natin na hindi gusto ni Dylan dito"
"Nagbago na ang isip ni Dylan, gusto na din nyang matutunan ang pagpapatakbo ng negosyo"
tahimik lamang si Dylan dahil hindi niya gustong makialam sa usapan ng Kuya nya at ng kanyang ama.
"Kung ganon ay saan mo ba ia-assign si Dylan? sa Restaurant? sa Mall?"
" Sa construction"
" But Dad, you know that I manage the V Construction"
"Exactly, kaya gusto kong doon mapunta si Dylan. dahil established na yun mas madali para sa kanyang aralin ito. You Kurt, will handle our V- Mall lalo na at may bubuksan tayong Branch sa Cebu"
Nakita ni Dylan na kumuyom ang kamao ng kapatid tanda na hindi nito nagustuhan ang plano ng ama. Alam ni Dylan na makakadagdag ito sa gap nilang magkapatid pero hindi naman niya pwedeng suwayin ang kanyang ama.
"Ganun na lang ba yun Dad? After kong paghirapan ay basta mo na lang ibibigay sa kanya?!"
"That's not what I meant Kurt, I know you are capable of running our business but-"
" Enough Dad, if he really want to learn managing the construction do it on his own!"
Matalim ang tingin ni Kurt kay Dylan. Lumabas ito ng opisina ng hindi nagpapaalam.
Napailing na lang ang kanyang Ama.
"Dad, I told you, magiging problema lang to. Ayoko naman talaga dun ibigay muna kay Kuya yun"
" I made my decision Dylan. I will talk to the department heads of V construction"
matinding pag aalala ang nararamdaman ni Dylan para sa kapatid. Kahit kasi malamig ang pakikitungo nito sa kanya ay mahal nya ito. Si Kurt ang kanyang iniidolo bukod sa ama.
Ilang beses nyang sinubukan mapalapit dito pero palagi siyang nabibigo. Mas madalas ay parang wala itong nakikita tuwing nasa bahay sila.
Sa tuwing isinasama ni Don Hilario si Dylan mag golf ay hindi na ito sumasama. Samantalang ito ang libangan nilang mag ama.
Palagi nitong ipinaparamdam kay Dylan na hindi niya gustong mapalapit dito na higit namang ipinagtataka ni Dylan dahil mula pagkabata pa ay ganoon na ang turing sa kanya nito.
kapag naman tinatanong nya ang kanyang Mommy ay sinasabe nito na hayaan na lang at ganun lang daw talaga si Kurt.