Let the battle begins!

1742 Words
LIANE'S POV It's my first day! nakakakaba, pero sobrang excited na ako. nandito na ako sa HR Office tapos na din ang orientation sa amin sa ngayon ay hinihintay ko na lang ang aking ID at ia assist na ako kung saan department ako ma-assign. dinala na ako sa purchasing department, under ito ng V Construction. nakakakilig! Alam ko kase na under ito ni Sir Kurt, my only love! ibig sabihin madalas ko syang makikita. habang inaayos ko ang gamit ko sa aking lamesa ay naririnig ko ang usapan ng ilang empleyado dito. "Hindi na raw si Sir Kurt ang magma-manage sa atin dahil umeksena na daw ang bunsong anak ni Sir HCV (Hilario C. Valencio)" "Bakit naman biglang sumulpot yun dito?Akala ko ba ay ayaw ng anak nyang yun na mag manage ng business nila?" "Ewan ko ba pero sabi nga nung utility, pagpasok nya daw sa office ni sir Kurt nagkalat daw ang mga gamit dun, mukhang nagwala after malaman ang plano ng Daddy nya" "Naku kawawa naman si Sir Kurt. Nakakainis naman yang kapatid nya. Matapos paghirapan ni sir Kurt lahat ng to bigla nyang aagawin nakakainis naman, mukhang agrabyado ang mylabs ko ngayon a. saka tama ba ? hindi na sya ang magma manage sa construction, Oh no! Hindi na pala kami madalas na magkikita! "EHEEEEEM! Oras ng trabaho panay kayo chismis" maging ako ay nagulat sa biglang paglapit ni Ms. Maika ang Supervisor ng Purchasing Dept. "Sorry Ma'am" sabay na napatungo ang dalawa. nagsimula na ang training ko, magaling magturo si Ms. Maika kaya mabilis ko ding natutunan ang mga task ko bilang Purchasing Assistant. Hindi ko namalayan ang bilis ng oras, alas singko na pala ang lahat ay naghahanda na sa pag uwi. Naging maayos ang unang araw ko sa trabaho. Kinabukasan ay maaga akong pumasok, inaakala kong ako ang unang empleyado sa opisina pero laking gulat ko ng may umawat sa papasarang pinto ng elevator. nagtama ang paningin namin, gusto ko sanang irapan ang lalaki sa harapan ko pero baka ito na ang maging last day ko. " Nakalimutan ba nilang isama sa orientation mo ang pagbati sa mga co-employees mo especially with your boss?" heto na naman sya nag aaya ng away. Ngumiti lang ako, ngiting nakakabwiset. "GOOOD MORNING SIR!" Napakalakas na pagbati ang ginawa ko dito na may kasama pang pagtaas ng dalawang kamay. Halatang nagulat ito sa ginawa ko.sakto namang bumukas ulet ang pinto at si Sir Kurt naman ang sumakay, teka .. Sir Kurt?????? kasama ko sa elevator. nakatingin ito saken s**t, mukang tanga pa naman ako narinig kaya nya. dali dali akong umayos at pumunta sa gilid na pwesto. " Good morning sir" mahina at pormal kong bati. Ni hindi man lang ako nito tiningnan, sayang effort te! sa gilid ng aking mata nakita kong ngumisi ang lalakeng gustong sumira ng araw ko. Tahimik silang pareho, para silang hindi magkakilala, pero tama ba magkapatid ang dalawang ito? siguro ay dahil sa kumakalat ngang issue. naunang bumaba si Kurt at sinundan ito ni Dylan. at syempre nahuli akong lumabas saktong paglabas ko ay nakita ako ni Ms. Maika , mukha itong gulat sa pagdating ko. " Liane ano bang ginagawa mo" "Bakit po Maam?" "Wag na wag mong gagamitin ang left side na elevator, para yan sa mga Boss" Ha??? kaya naman pala nagtataka ako ilang beses bumukas ito pero wala ni isang sumubok na sumabay sa amin kanina. Ako pala itong feelingerang sumabay sa kanila. nakakahiya ano ba naman to! "Maam sorry hindi ko po alam" "Sige sa susunod wag ka ng sasakay jan kahit pa ma late ka, okay?" "Yes maam" sinabayan ako ni Ms. Maika papasok sa office. " Nag uusap ba silang dalawa?" "Sino Maam?" "Aba sino pa edi ang kasabay mo sa elevator" Si Ms. Maika kunwari pa pero Marites din pala! hahahahaha .. " Hindi po Ma'am tahimik lang po sila" "Mukhang g**o nga ito." " Ano po yun Maam?" "Wala nevermind, dalhin mo ito sa opisina ni Sir Dylan. Hinihingi nya ito" "Sino po si Sir Dylan saang department po siya?" "Seriously Liane?? Si Sir Dylan ang kasabay mo sa elevator kanina" so Dylan pala ang pangalan ng mokong na yun. "Sige Maam dadalhin ko po" kinuha ko ang mga papeles na pinapadala ni Ms. Maika. kumatok muna ako bago pumasok nakita kong busy ito sa mag binabasang papeles. "Sir ito na po yung mga papeles na hinihingi nyo" " kailangan ko din ng report from Last year please provide me a copies per month" "Okay Sir" tumalikod na ako, palabas ng bigla itong magsalita "Give it to me before 3pm" pagbalik ko sa office, ay hiningi ko ito kay Ms. Maika. "Sure ka bang kaya mo na yun mag isa?" "Yes Maam, ako na po" itinuro nya kung saan nakalagay ang mga file sna hinihingi ni Sir Dylan. Sobrang kapal ng files per month na kailangan nyang i photo copy. tumingin ako sa orasan 1:30pm na, kaya naman sguro to. DYLAN'S POV Nasan na kaya ang babaeng yun? sumilip ako sa department nila pero walang tao, papatras na ako ng biglang may magsalita sa likod ko. " Do you need anything Sir?" tanong ni Lorna ang Department Head ng Purchasing " Yes, I need the last year report from your department" " I'll habe the soft copy of it, i-email ko na lang po sa inyo sir." "Okay , Thank you" naglalakad na ako pabalik ng opisina ko ng mapansin ko ang babaeng nakasalampak sa sahig sa harapan ng xerox machine. That girl. nasa tagiliran niya ang makakapal na files, siguro ay ito ang hardcopy ng report last year. pero mags send na sa akin si Lorna ng soft copy, patigilin ko na kya sya sa ginagawa nya? No no no. Time for revenge! dumiretso na ako sa opisina at sinimulan na ang pag-review ng mga reports. napaka dami kong dapat aralin pero sa tingin ko ay kakayanin ko naman. nagmamadaling pumasok sa opisina ko ang malditang babae, upang makaabot sa oras na binigay ko. dala niya ang makapal na papeles. " Eto na po sir ang lahat ng report for last year" "Thank you but I already have a copy of it" " Pero sir, -" " Ms. Lorna hand it to me since may soft copy naman pala mas madali ng i check" "Ganun po ba sir, sana po sinabe nyo agad, nakakapagod po kasing mag photocopy sa totoo lang" "That's part of your job" " Alam ko naman pero sana maging considerate-" " Liane, what stop it!" pumasok si Ms. Lorna at narinig nya ang sinasabe ni Liane. Liane San Jose pala ang name nito. "I'm really sorry sir. Bago pa lang kasi sya dito, ako na lang po ang bahalang kumausap sa kanya" "No its Okay, I understand" hinila ni Ms. Lorna si Liane at bago ito lumabas ay nakita niya kung paano umirap ito sa kanya, mag looser sign pa ako na lalong nagpapula sa mukha niya sa sobrang inis. AUTHOR'S POV " Liane please go to.my office now" - utos ni Ms. Lorna kay Liane matapos ang nangyare kanina naabutan nya ito na sinasagot si Dylan. " Ano ba yung naabutan ko kanina Liane? Do you know what are you doing ?" "Maam pasensya na po pero nainis lang po kasi ako dahil sa dami ng pina photocopy nya tapos ng ibibigay ko sa kanya saka nya sasabihin meron na syang copy?" "I,understand pero mali yun na pagsalitaan mo sya. Do you know who he is?" "Sir Dylan po" " Kilala mo naman pala sya, kaya please be nice to him, if you really love your job, avoid having conflicts with him" "okay po" simula ng araw na yun ay hindi na sila natigil sa pang iinis sa isa't isa. isang araw ay bumisita si Don Hilario sa opisina ni Dylan. Mahilig sa kape ito kung kaya't nagpapunta ito ng tao sa opisina ni Dylan para magtimpla, sakto naman na kalalabas lang ni Liane sa Comfort Room kung kaya siya ang natawag ng receptionist. dumiretso siya sa opisina ni Dylan, tahimik syang pumunta kung saan nakalagay ang cups and saucer. Habang nakatingin sya sa mga ito ay may naisip na naman kalokohan si Liane. Masarap siyang magtimpla ng kape, agad niyang ibinigay kay Don Hilario amg tasa ng kape at ang isa ay kay Dylan. Tinikman ni Don Hilario ang kape. "Napakasarap mo palang gumawa ng kape Hija" "Maraming Salamat po" "Tikman mo Dylan, kagaya din ito ng timpla sa paborito kong coffee shop. Iniangat ni Dylan ang tasa at ininom, kung hindi lamang niya kaharap ang anay baka naibuga nya ito. walang asukal at napakadaming kape ang inilagay ni Liane sa kape ni Dylan dahilan para maubos si Dylan. "Anong nangyare sayo ? okay ka lang ba ?" tumingin ng masama si Dylan kay Liane at nagpakita naman sya ng nakakalokong ngiti kay Dylan hudyat na nakaganti na sya sa mga p**********p sa kanya nitong mga nakakaraang araw. " Wala dad,okay lang napakasarap po ng kapeng ito. Sa sobrang sarap parang ayaw kong ubusin dahil baka hindi ko.na matikman pang muli!" Biglang nag ring ang telepono ni Don Hilario kaya.lumabas ito. Naiwan ang dalawa sa silid. "Sinasadya mo yun no? bakit napakatapang ng Kape ko!" " Sir sorry po, nakalimutan ko po palang lagyan ng asukal ang kape nyo nagmamadali kasi ako kanina." napipigil ng tawa si Liane dahil sa nakikita nyang pagkainis ni Dylan. Lalapit ito sa kanya ng biglang sumabit ang kanyang paa sa carpet na hindi maayos ang pagkakalapat. at dahil malapit na siya sa pwesto ni Liane kung kaya sa Dalaga siya bumagsak mabuti na lang at naitukod nA ang isa niyang kamay. sobrang lapit ng mukha nila, si Liane ay napapikit ngunit si Dylan at nakatitig sa muka ni dalaga. "Aba, hindi nyo na yata mahintay ang uwian" mabilis na tumayo si Dylan at inalalayan makatayo si Liane. " It's not what you think Sir, nadapa lang po si Sir Dylan" " Yes, tama Dad nadapa po ako." "Mukhang okay na kayo, I remember ikaw yung kaaway ni Dylan last time sa HR Office?" nahihiyang tumango si Liane. "Tamang tama pala, my son needs an executive secretary. And I think mas maganda na kasundo nya ang sekratarya nya. Since okay naman na kayo, Ikaw na ang secretary nya effective tomorrow" "NO!" sabay na sabi ng dalawa. " I will take NO for an answer" nakatawang lumabas ng opisina si Don Hilario.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD