HELLO FRIENDSHIP? OR HELLO LOVE?

2158 Words
LIANE'S POV Executive Secretary? kay Sir Dylan ? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, should I be happy? or dapat akong mainis? Masaya dahil sa posisyon na ibinigay saken? Mainis dahil sa lahat lahat naman ng pwedeng maging Boss ay si DYLAN VALENCIO pa, bakit ba kase! agad itong inayos ng HR siguro ay dahil na din sa instruction ni HCV. Well mukhang wala ng atrasan to. basta, araw-araw na lang ako magbabaon ng pasensya at pagtitimpi sa tuwing makakaharap ko ang mokong na to. "Liane, if you need anything don't hesitate to ask okay? it-train ka naman ng secretary ni HCV para aware ka sa mga task mo" " Salamat po Ma'am Maika" Nang makalipat na ako ay pinuntahan ako ng secretary ni HCV para i-train, naging maayos naman ang pagtuturo nya sa akin, madami dami nga lang kailangang i schedule na meeting since bago pa lang si sir Dylan. Isa pa sa mga bilin nya is to ask my boss if he needs anything like coffee, anong food ang gusto nyang kainin, ay kailangan ba sya ipabili sa labas. Semi-yaya pala ang peg ko dito. Okay naman ang mga nagdaang araw, palagi syang wala dahil palagi syang nasa site para personal na i-check ang mga projects. Nawa'y maging smooth at hindi atakihin ng toyo nya ang lalakeng ito. AUTHOR'S POV Naging busy si Dylan sa mga nagdaang araw ang lahat ay talagang gusto nyang aralin. Pressure sya dahil sa expectation ng dad nya, at yung pakiramdam nya na naikukumpara siya sa kanyang kuya. Lingid sa kaalaman ni Dylan ay binabantayan padin ni Kurt ang mga kilos nya. Siguro dahil na din sa tagal nyang kapit amg construction kung kaya't amg loyalty ng mga tao ay nasa kanya. Nais ni Kurt na mahirapan si Dylan ng sa ganoon ay sumuko ito at maibalik sa kanya ang construction. "Sir on friday you will have a board meeting" "Okay, I will give you the data so you can prepare my presentation" "Okay sir." naging busy si Liane sa pag gawa ng presentation ni Dylan. Gusto niyang paghusayan ito ng mapatunayan niyang deserving siya sa position niya. sa loob ng tatlong araw ay nagawa niya ito. buong pagmamalaki nya itong pinakita kay Dylan. "Good, please prepare all the hard copy for tomorrow para mas maging ready tayo" "Yes sir." ng makalabas mg opisina, naabutan nya si TJ from Purchasing Dept. "may kailangan ka ba TJ?" "Ah may hinihingi kasing document si Sir Dylan sa akin pinadala ni Maam Maika" sabay abot ng isang folder. "Sige , ibbigay ko na lang, sabay harap ulet sa laptop nya" "Busy ha" "Presentation ni Sir for Board sa Friday na kasi, kailangan maayos ko first presentation nya to" "Ahh okay, sige aalis na ako para maka focus ka na jan" bumalik na ulet si Liane sa ginagawa nya at hindi niya namalayan na uwian na pala. dumaan sa harapan niya si Dylan at nilingon sya. "bukas na yan. Umuwi ka ng maaga ayoko ng mga empleyadong nag overtime sa trabaho" "Okay po sir. Kuripot mo naman ayaw mo magbayad ng Overtime" bulong ni Liane "what did you say?" "Ay wala sir sabe ko ingat po sila sa inyo, ay! ingat po pala kayo" kumunot ang noo ni Dylan. Pero imbes na sumagot ay umalis na ito. mabilis na nakapag ligpit ng kanyang gamit si Liane at nagmamadaling umuwe sa bahay sa totoo pagod talaga siya sa ilang araw na tinutukan niya ang kanyang ginagawa . " Oh Hija nandyan ka na pala, kamusta ang trabaho?" tanong ng kanyang ama. "Tay ayos lang medyo nakakapagod dahil may mga inaasikaso po kaya talagang naging busy po. gusto ko kasi tlgang pagbutihin ang trabaho ko" "Nakaka-proud naman anak, pagbutihin mo pa anak, oh sya sige magpahinga ka na muna dyan" "Salamat Tay" kinabukasan ay maagang pumasok si Dylan sa opisina upang tapusin ang last part ng kanyang report. Masaya ito dahil alam nyang handang handa sya para bukas. saktong alas dose ng tanghali ay inabot ni Dylan kay Liane ang documents "Please provide a copy of this, for tomorrow, and please include it on the powerpoint" ng makabalik sa kwarto niya, maya maya lang ay humahangos si Liane mukha itong takot na takot. "What's the problem?" "Sir, may nangyari po, nawawala po sa desktop ko ang powerpoint presentation " "what?!paanong nangyare yun?" sigaw ni Dylan. "Hindi ko din po alam kahapon naman bago ako umalis, ay inayos ko pa yun" "ano ba namam yan paano na yan? bukas na ang presentation ko anong oras na din" inis na sabe ni Dylan. "Gagawin ko po sir, pipilitin ko po matapos to ngayong araw" maiiyak na sabe ni Liane. "we have no time, gawin na natin ngayon, bring your laptop here, I will help you" "Pero sir,-" "Hurry up. ako ang mapapahiya pag hindi natapos yan, kaya bilisan mo na" mabilis din naman itong kumilos at nagsimula na silang magtrabaho. hindi sila kumaen ng lunch dahil sa pressure nilang matapos ito. alas 5 ng hapon ng biglang makaramdam ng gutom si Liane at kumulo ang tyan niya napatingin sa kanya si Dylan at alam nyang nagpipigil lang ito ng pagtawa. sinamaan nya ito ng tingin. "Don't look at me like that hindi ako pagkaen, alam kong gutom ka na, order food for us" gusto pa sanang sumagot ni Liane pero inuna na muna niya ang mag order, nakarating naman ang pagkaen at mabilis silang kumaen. hindi makapaniwala si Dylan sa appetite ni Liane. Nakatitig siya sa babae habang umiinon ito. BBBBUUUUURRRRFFFFFF! "ay sorry sir!" " Grabe, babae ka ba talaga? para kang lalake kumaen." "Olay! hindi ba pwedeng nagutom lang sir?" Lihim na napatawa si Dylan sa kanya. Nang matapos kumaen ay pinagpatuloy nila ang ginagawa, abalang abala sila kung kaya't wala na silang oras na mag usap. "Yeeessss! Finally tapos na!" tuwang tuwa na sinabe ni Liane. Saktong napatingin siya sa oras at nagulat siya ng makitang 11:30 na pala ng gabi. " Sir kailangan ko na po palang umuwi anong oras na hindi ko po namalayan" Sabay silang nagligpit ng mga gamit at bumaba ng building, sila na lang talaga ang naiwan sa opisina dahil halos lahat ng kwarto na madaanan nila ay sarado na. si Liane ay matiyagang nag aabang ng Bus, natatakot man ay nilakasan na niya ang loob kakaunti na din kasi ang nagdaraang tao. walang nagdadaan na bus kaya mas lalong kinabahan si Liane dahil baka abutan siya ng holdaper dito wala man lang siyang kalaban laban. Biglang may humablot sa kamay nya at sa sobrang gulat niya ay inihampas niya ang bag sa taong humawak sa kanya. "OUUUCCCCH!Ano bang ginagawa mo?!' sigaw ni Dylan. " sorry sir! nagulat po ako sa inyo, akala ko po ay holdaper kayo." "SERIOUSLY?" " Madami kasing holdaper dito. Bakit po pala kayo nandito sir?" " Ihahatid na kita sa inyo anong oras na kasi, ala kong madaming loko dito" "Naku sir, wag na po okay lang ako malayo din po kasi ang bahay ko. out of way po" "I insist. Ginabi ka dahil sa pagtulong sakens a report ko" " Pero Sir mala-" Hindi na nakapalag pa si Liane dahil hinatak na ni Dylan ang kamay nya papunta sa kotse. Dahil gusto na din niyang makauwe pumasok na sya sa sasakyan. Ang atensyon ni Dylan ay nasa kalsada habang si Liane naman ay hindi maiwasan na mapatingin kay Dylan. "W-what?" tanong ni Dylan "W-wala po, naabala ko pa po kayo" Hindi ito sumagot sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Dala ng pagod ay nakatulog din si Liane habang nas byahe. kalahating oras lang ang itinakbo nila dahil din sa oras na malimit na ang tumatakbong sasakyan sa kalsada. Nilingon ni Dylan si Liane at nakitang tulog na tulog ito, ito ang unang pagkakataon na matititigan nya ito ng malapitan. Nappapatitig si Dylan sa dalaga, maganda ito at kahit sino ay mapapansin ito. Hindi namamalayan ni Dylan na papalapit na pala sya Liane ng biglang dumilat ang dalaga. Mabilis na napaatras si Dylan. "Nandito na pala tayo., nakatulog na ako. Salamat po pala sir" nakalabas na si Liane ng sasakyan ng bumalik pa ito at kumatok, ibinaba ni Dylan ang bintana. "Ingat po kayo sa byahe" sa hindi maintindihan ni dylan, kumabog ng matindi ang puso nya dala ba ito ng mga ngiti at pag aalala ni Liane? "Okay, pumasok ka na" ng makita niyang nakapasok na ito sa loob ng bahay nila, ay nag mane-obra na sya at nagsimula na ulet mag drive. 1:30 am ng makauwi sya sa bahay. Matapos niyang magpalit ng damit at humanda na para matulog ay bumabalik sa isip niya ang maamo nitong mukha, maski magpabaling baling siya ay ito pa din ang nakikita niya. "I hate you Liane, your making me crazy" Friday, Board Meeting. Maagang pumasok si Liane upang maihanda ang conference room at ang mga gagamitin ng kanyang amo sa presentation. Nagsisimula na din dumating ang mga Board of Directors. Sa hallway nagkasalubong si Kurt at Dylan. "Kuya saan ka pupunta?Ngayon ang presentation ko sa Board" "I need to meet my client somewhere. It's more important" " Pero Kuya nagprepare ako para dito gusto ko sana mapakinggan mo, totoo ngang mahirap ang pagpapatakbo ng isang negosyo" "Pakinggang mapahiya? Are you really sure na may maip-present ka? baka maging katatawanan ka lang dun, madamay pa ako sa kapalpakan mo, kaya its better to stay away." Matapos magsalita ay umalis na ito. Nasaktan si Dylan hindi dahil sa umalis ito at ayaw syang mapakinggan. Kundi dahil sa doubt ni Kurt sa kakayahan niyang pamahalaan ang negosyo. Hanggang ngayon mababa padin ang tingin ng kapatid nya sa kanya, ang kaninang excitement na nararamdaman niya ay napalitan na ng lungkot. Kahit nakakaramdam si Dylan ng antok knina dahil sa puyat ay nilaban niya iyon dahil gusto nyang maging maayos ang araw na ito, pero ngayon matapos ng naging pag-uusap nilang magkapatid ay pinanghinaan na siya ng loob. pabalik na si Liane sa kanilang opisina ng makita nya ang kanyang boss, para itong nanghihina, dahil siguro sa last minute preparation at inihatid pa siya nito sa Rizal at babalik pa siya sa kanilang bahay sa San Juan Manila. Naisip ni Liane na bigyan ito ng kape, at naglagay siya ng note dito. Binuksan niya ang pinto ng opisina nito, at dahan dahang ibinaba ang kape sa tabi ng table nito. Hindi tumitingin si Dylan dahil sa Laptop niya ito nakatutok. Lumabas ng mabilis si Liane at dumiretso na ito sa Conference Room. matapos i-review ni Dylan ang kanyang report, napatingin siya sa kape na may note. "You can do it! Goodluck, keep smiling :)" Hindi maiwasan na mapangiti ni Dylan dahil sa simple thought ni Liane bigla ay nabuhayan na naman siya ng loob. Gumaan ang kaniyang pakiramdam nagkaroon ulit siya ng cofidence sa sarili. Matapos ubusin ang kape, ay nagpunta na siya sa Conference Room. Nandoon na ang lahat ng Executives maging ang kanyang Daddy ay naroon na. Nagsimula na ang kanyang presentation. Kinakabahan siya ngunit sa tuwing nakakaramdam siya ng kaba at napaptingin siya kay Liane, hindi man ito nagsasalita pero sa mata nito nakikita niyang cn-cheer siya nito. Natapos ang kanyang presentation at na-impress ang executive sa kanya. " Congrats Dylan, I cannot believe that its your first time. Mukhang sanay na sanay ka na sa mga presentations" Matipid na ngiti lamang ang isinasagot niya. "Don Hilario sana ay noon mo pa pala na convince si Dylan na ma involve sa business world. He has potential." "Yes you are right, kung alam mo ko lang na ganito kabilis matuto si Dylan. Sana ay noon pa." Masayang natapos ang kanilang meeting unti-unti na din nagsisi alisan ang mga tao. Lumapit si Don Hilario kay Dylan. " I'm proud of you son" "Thanks Dad, hindi ko naman po magagawa yun kung hindi dahil sa tulong ni Liane" Nasa harap nila ang dalaga at nagulat ito sa pag acknowledge ni Dylan sa kanyang effort. "Sabe ko na nga ba at hindi ako nagkamali, match kayo" "Ano ho??" paglilinaw ni Liane sa sinabe ni HCV. napatawa ang sa nakitang ekspresyon maging si Dylan ay nagulat at medyo nahihiya sa sinabe ng ama. "What do I mean is match kayo as secretary and boss. Good Team-up congratulations" " ah akala ko po kung ano Sir" nagtawanan sila matapos ng kaunting pag uusap ay umalis na din si Don Hilario. Pumunta ng comfort room si Liane bago bumalik sa opisina. Sa kabilang cubicle ay may naririnig siyang tao na may kausap sa Telepono "Hindi ko po alam kung paanong na recover ni Sir Dylan ang mga files niya for presentation, pero siniguro ko naman po na nabura ng tao ko ang files nya" Unti unting humihina ang boses ng taong nagsasalita kung kaya lumabas na si Liane gustoniyang makita kung sino ito ngunit paglabas niya ng cubicle ay wala na ito maging sa hallway. May taong gustong sumabotahe kay Dylan? pero bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD