bc

The Divorced Billionaire

book_age18+
85
FOLLOW
1.3K
READ
billionaire
love-triangle
HE
fated
dominant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
serious
office/work place
childhood crush
secrets
actor
like
intro-logo
Blurb

"He was once the perfect househusband, but betrayal changed his fate. Now he's back and the woman he once married is willing to beg and please him just to get him back. Will he fall in love with the woman who broke his heart? Or will he choose the new love of his life-- his childhood sweetheart who's always there for him."

chap-preview
Free preview
Chapter 1
NAPANGITI si Tiger na inaayos ang hapunan nila ng asawa nitong si Jade. It's their first wedding anniversary today and he wants everything to be perfect. Tiger is one of the most famous superstar in the Philippines. He came from a famous family– the Madrigal family. Pero dahil sa kabiguan nito sa pag-ibig, para siyang usok na naglahong parang bula sa paningin ng publiko. No one knows where he go after leaving the showbiz– only his family. His long time girlfriend betrayed him for another man. At ang masaklap pa nito, ang lalakeng ipinagpalit sa kanya ay ang bestfriend nito mula pagkabata! Umalis si Tiger ng bansa matapos iwanan ang lahat. Kasikatan at ang pagiging heredero niya sa pamilya. Hindi naman siya pinigilan ng kanyang pamilya at alam nila ang pinagdadaanan nito. They want him to healed himself from that break-up. Kaya nang magdesisyon si Tiger na magtungo abroad at magpalamig, pinayagan siya ng kanyang pamilya. Sa paninirahan niya sa LA, namuhay siyang simpleng mamamayan lang doon. Nakatira sa simpleng apartment at madalas na luma ang mga damit. He's even wearing eyeglasses and his hair is long kaya naman walang nakakakilala sa kanya kahit magpagala-gala pa siya doon. No one noticed him, and that's what he wants. Ang maging malaya sa lahat. Hanggang isang gabi, may nakilala siya sa bar na katulad niya ay biguan sa pag-ibig. Si Jade. They shared the night together. Hanggang sa ang isang beses nilang pagkikita, naulit nang naulit. Masaya sila sa tuwing magkasama. They laugh together, share some corny and dirty jokes. They look good together. Magkasundo sila sa lahat ng bagay– specially when it comes to s*x. They're both wild and passionate. Walang gabi ang hindi sila nababaliw sa isa't-isa. Hanggang sa nagdesisyon silang– magpakasal. Sa una, masaya ang pagsasama nila. Magkasundo sa lahat maging sa gawaing bahay. Lumipat si Tiger sa bahay ni Jade. May kaya si Jade at isa itong business woman. May sarili itong kumpanya na kilala sa LA. Ang Glossy Glamorous Company na kabilang sa mga sikat na beauty products doon. Marunong si Tiger sa gawaing bahay. Kaya nagkasundo sila na siya na ang bahala sa bahay, at si Jade naman sa kumpanya nito. Pero lingid sa kaalaman ni Jade, ang binatang pinakasalan niya ay ‘di hamak na mas mayaman pa sa kanya! Ilang buwan ang nakalipas sa pagsasama nila, wala pa rin silang nabubuo dahil ayaw pa ni Jade na magkaanak. Para sa kanya, hindi pa siya handa na magkaanak sila ni Tiger. Inuunawa na lamang ito ni Tiger dahil nirerespeto niya ang opinyon ng kanyang asawa. HANGGANG isang araw. Dumating sa buhay nila si Jude at Georgia. Ang ina at half brother ni Jade. Lumipat ang mga ito ng tirahan kina Jade dahil nasunugan ang mga ito sa Pilipinas. Wala naman silang ibang mapuntahan. Patay na ang ama ni Jade at sa kanya lang naiwan ang kayamanan ng pamilya Carter. Ang ina nitong pilipina ay naging kabit lang ng kanyang ama noon. Kaya hindi niya ito nakasama sa kanyang paglaki dahil tutol ang mga magulang ng kanyang ama sa relasyon ng dalawa. Sa una, maayos pa naman ang lahat. Pero dama ni Tiger na may kakaiba sa mag-ina. Mabait at maamo sila kapag nasa bahay si Jade. Pero kapag sila-sila na lang? Nag-iiba ang mga ito. Palautos sila, makalat sa bahay at magaling maglustay ng pera. Minsan ay naiinis na si Tiger dahil ginagawa siyang katulong ng ina at half brother ni Jade kapag wala ang asawa niya sa bahay. Pero hindi na lamang ito nagsusumbong kay Jade. Hanggang sa tumagal, lumabas nga ang sungay ng mag-inang Georgia at Jude. Pero tila wala namang pakialam si Jade na nilulustay ng mag-ina ang pera niya. Hindi na lamang nakikialam si Tiger dahil pera naman ni Jade iyon– hindi kanya. Naging arogante sa kanya ang bayaw niya. Ang mother in-law naman niya ay akala mo kung sinong madame sa bahay kumg makaasta. Dahil araw-araw na nasa labas si Jade, hindi nito napapansin na naaapi na ang asawa niya sa sarili nilang pamamahay. Lalo na't hindi naman nagsusumbong si Tiger. Unti-unti rin, ang masaya nilang pagsasama ay lumamig. Hindi lang dahil abala sa trabaho si Jade kundi– dahil nagbalik na ang first love nito na nang-iwan sa kanya noon. Naging magkaibigan pa nga sila ng dating kasintahan nito at napapadalas ang pagkikita dahil magka-partner ang dalawa sa negosyo. “Ano ‘yan? Bakit nakahiwalay ang pagkain na ‘yan sa nakahain sa mesa?” paninita ni Georgia kay Tiger na makita itong nag-aayos ng dinner sa balcony ng bahay. “Uhm, anniversary po kasi namin ni Jade ngayon, Mama. Gusto ko lang bigyan ng surprise dinner ang asawa ko,” sagot ni Tiger dito na napasuri sa mga pagkain sa mesa. “Beef steak, baked salmon, red wine, chocolate cake, hmm. . . .” Puna ng ginang na diskumpyado ang mukha. “Nagsayang ka lang ng pera, Tiger. Hindi rin naman uuwi si Jade ngayon. Kaya pwede ba? Dalhin mo na ang mga ito sa dining dahil ayoko sa mga pagkaing nakahain doon.” Natigilan si Tiger na napalingon sa ginang. “Ano po’ng ibig niyong sabihing hindi makakauwi si Jade? Imposible po ‘yan, Mama. Anniversary namin ngayon.” Saad ni Tiger dito na pagak na natawa sabay iling. “Nakikita mo ba kung gaano ka-high class woman ng anak kong inasawa mo, hmm? Sa tingin mo ba ay nababagay si Jade sa'yo, Tiger? Sa isang hampaslupang binata na wala namang ibang alam gawin kundi magkuskos ng kubeta, sahig at magluto. Nakakahiya kang maitabi sa anak ko. Tignan mo nga ang itsura mo? Kahit damitan ka ng anak ko, hindi ka nababagay maging asawa niya!” pang-uuyam ng ginang ditong napalunok na hindi nakasagot. Naikuyom na lamang niya ang kamao. Kahit sumusobra na ang mag-ina sa pagtrato sa kanya, hinahayaan niya lang. Dahil magaling magdrama at mag-manipulate ang dalawa. Palaging nasa side nila si Jade sa galing nilang umarte. Kaya sa huli, hindi na lamang umiimik si Tiger. Kung hindi niya lang mahal si Jade– matagal na siyang umalis sa pamamahay na iyon. “Dalhin mo na ang mga iyan sa baba at kakain na kami ni Jude.” Mataray na wika ng ginang at tumalikod na dito. “Oh, by the way, Tiger. Hindi uuwi si Jade ngayon kaya hwag ka nang maghintay. Don't worry, she's in good hands.” Napalunok si Tiger na nanigas sa kinatatayuan. Nakasunod ng tingin sa ginang na pakendeng-kendeng ang balakang. “Ano'ng ibig niyang sabihing hindi makakauwi ang asawa ko ngayong anniversary namin ngayon? Where is she?” tanong nito sa sarili. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang asawa nito. Kabado siya dahil kahit iba ang nagpaparamdam sa kanya, nagtitiwala siya sa asawa niya. “C'mon, pick-up your phone, wife.” He murmured. Napahawi siya sa buhok na napasandal sa railings habang nakalapat ang cellphone sa kanyang tainga. Hinihintay na sumagot ang kanyang asawa. Hanggang sa nakatatlong dial ito, bago sumagot si Jade. “Just a minute. Si Tiger ang caller,” dinig niyang mahinang saad ni Jade sa kabilang linya. “Hello, hubby? What's up?” Napabuntong hininga ng malalim si Tiger na lumamlam ang mga mata. Magdidilim na din kasi. “Where are you, wife? Lalamig na ang pagkain,” wika ni Tiger na pilit pina-normal ang boses. “I'm sorry, hubby. I can't leave the office now. Dito na ako matutulog dahil marami pa akong trabaho dito. Nagkaproblema kasi sa isang branch namin kaya ito ang tinututukan ko. Bukas na ako makakauwi,” malambing saad ni Jade dito na mapait na napangiti. “Pero– naghanda ako ng dinner para sa atin, wife.” Naluluhang wika ni Tiger na nakikiusap. “C'mon, Tiger. Hindi mo ba ako narinig? Palibhasa hindi mo maintindihan ang trabaho ko bilang owner ng isang kumpanya e. Marami akong problema at inaalala so please? Hwag ka ng dumagdag pa. Kumain ka na d'yan at matulog. Gano'n kasimple,” medyo iritadong sagot ni Jade dito na tumulo ang luha at mapait na napangiti. Ibinaba na nito ang linya na hindi na nagpaalam pa. “Hindi mo manlang ba naaalalang. . . anniversary natin ngayong araw na ‘to? Ikaw pa rin ba ang Jade– na minahal ko?” usal ni Tiger sa isipan na nagpahid ng luha. Inabot niya ang wine. Binuksan iyon at tinungga. Gusto niyang magalit, sumigaw, magwala. Pero nagpipigil lang ito. Kahit para na siyang bulkang sasabog sa mga oras na ito. Hindi naman siya tanga para maniwala sa alibi ng asawa niya. Lalo na't napapadalas na itong nago-overtime sa trabaho o kung minsan ay hindi uuwi at nagdadahilan na lamang. Ang malaking pagbabago ni Jade, nagsimula noong bumalik na ng bansa ang dating nobyo nito! "Nagbago ka na. You're not the Jade I knew, the Jade that I married-- one year ago."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.0K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.5K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook