bc

The Señorita Hidden in the Mansion

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
forbidden
pregnant
drama
twisted
sweet
childhood crush
poor to rich
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

This story is all about a girl who named Kerra Marie Archangel,  she  became introvert because of her ex boyfriend who embarrassed her in front of her schoolmates when she was in grade-9 by choosing her over her best friend in her previous school, so after that incident Kerra was no longer wants to talk or mingle with the people around her other than to her parents.

After that embarrassing moment for Kerra, her parent bring her back to their province and she hide in their mansion for almost five years. In five years Kerra became homeschool because of her condition but, Kerra’s peaceful life mess with her parents wants her to mingle with other people because she will the one who manage their business in the near future so better she will mingle with other people as soon as possible. 

One day Kerra was shock when her parents hired a house boy who named Niro Andrada who happened to deal with her parents to make her back to her old self and Niro just need to pretend as their house boy to make their plans to help her for bringing back to her old self. While Niro Andrada happened to be a working student who want to give his family a better life, so when his boss make a deal with him he accepted it not only for her scholarship and financial support but he is secretly in love with his Señorita hidden in the mansion.

chap-preview
Free preview
Prologue
Sa isang madilim na kuwarto ng hacienda Archangel taimtim na nakatanaw ang dalagang si Kerra habang nakakabila sa kurtina mula sa terrece ng kaniyang madilim na kuwarto. Malungkot na may kahalong inggit ang kaniyang matang nakatanaw sa mga tauhan ng kaniyang amang masayang nagku-kwentuhan habang nagtatrabaho. Hindi niya maiwasang isipin na kung hindi ba nangyari ang paghihiwalay ng dati niyang kasintahan nandito kaya siya ngayon na kinukulong ang sarili sa mansiyon? Pumasok sa kaniyang isipan habang nakatanaw sa labas kung ano ang dahilan kung bakit niya nililimitahan ang kaniyang sarili sa mga bagay-bagay. Flashback Masayang nakatingin sa palagid ang seventeen years old na si Kerra, kasalukuyan siyang grade-9 student sa isang private school dito sa Maynila. Taga-probinsya talaga siya at tumutuloy lang sa inupahang condo ng kaniyang mga magulang para sa kaniya. Ang tangi niya lang kasama sa kaniyang condo ay ang isa sa kanilang kasambahay na inatasan ng kaniyang mga magulang upang mag-intindi sa kaniya at sa condo habang wala siya. Ito ang maglilinis, magluluto at maglalaba para sa kaniya. Isang beses lang din sa isang buwan kung dalawin siya ng kaniyang mga magulang dahil busy ang mga ito sa kani-kanilang trabaho. Ang kaniyang ama ay businessman, isa sa mga negosyo nito ay ang pagbubukid tulad ng pagtatanim ng mga prutas, palay, mais at maraming pang iba 'tsaka ibinebinta o di kaya ay nagsu-supply sa buong probinsya. Nag-aalaga din ito ng sari-saring hayop na kanilang mai-bebenta sa kanilang probinsya. At dahil doon ay sikat ang kaniyang ama sa kanilang probinsya bilang isa sa pinakamayaman at isa din sa pinakamaimpluwensyang tao. Samantalang ang kaniyang ina naman ay isa ring negosyante at isa sa pinakasikat na desingner sa bansa. May sarili rin itong kompanya ng mga damit. Kung kaya't minsan ay nalulungkot siya dahil laging wala ang parents niya ay inuunawa na lang niya ang mga ito kasi alam niyang ginagawa lang ng mga ito iyon para sa kaniya. Alam din naman niya na kapag may oras ang kaniyang mga magulang ay inaasikaso siya ng mga ito. Wala rin siyang choice sa pagkuha ng kaniyang course sa college kung hindi ang Business Administration dahil, nag-iisa lang siyang anak ng mga ito at sinabi na ng kaniyang mga magulang na siya lang magpapatuloy ng nasimulan nitong mga negosyo. Valentine's day ngayon at hindi magkamayaw ang kaniyang mga kaklase dahil paminsan-minsang may dumadaan na taga-ibang section na lalaki upang abutan ng bulalak o di kaya chocolate ang mga napupusuan nitong mga babae. Nakaupo lang siya sa isang sulok at nagmamasid sa mga ito. Hindi niya magawang mainggit sa mga ito dahil batid niya na bibigyan din siya ng kaniyang pinakamamahal na boyfriend ng mga iyon. Oo, may boyfriend ang dalaga sa kaniyang murang edad. Una silang nagkakilala nito sa isang event na dinaluhan nila ng kaniyang mga magulang. Doon din niya nalaman na magkaibigan ang kanilang mga magulang at batid niyang gusto ng kanilang mga magulang na magkamabutihan sila nito. Noong una ay ayaw niya at masyado pa siyang bata ngunit, nang siya ay mapadpad dito sa Maynila upang dito na mag-aral ng high school ay nalaman niya na nasa iisang school lang pala sila nito at kasalukuyan na itong grade-8 student samantalang grade-7 naman siya. Isang taon siya nitong niligawan at sinagot niya ito noong end ng school year ng siya ay grade-8 at kasalukuyan na silang mag-iisang taon sa sunod na buwan which is May. Legal silang dalawa sa parehas na parents nila, masaya rin ang mga ito dahil plano ng mga ito na pag-isahin ang kanilang mga negosyo kapag sila ay dumating na sa tamang edad at magpakasal. Tuwing bakasyon naman ay pinapuwi siya ng kaniyang parents sa probinsya upang doon siya maglagi. Pabor din naman siya sa desisyon ng kaniyang mga magulang na roon magbakasyon dahil, sa probinsya ay mas nare-relax siya . Napakaaliwas kasi sa kanilang mansion doon mula sa sariwang hangin, sa mga pananim nilang punong mangga at sa mga huni rin ng kanilang mga alagang hayop. At ang pinakagusto niya sa kaniyang bakasyon sa kanilang probinsya ay sariwa lahat ng kaniyang mga kinakain na talaga namang napakalinamnam. Kinukuha lang kasi ito ng kanilang kasambahay sa sarili nilang tanim na nasa paligid lang. Mula sa mga sariwang prutas tulad ng mangga na pangunahing produkto nila, sa fresh na gatas ng baka at ang pinaka-paborito niya sa lahat ang ginataang kalabasa na may lagay na alimasag at hipon. Hinuhuli lang ito ng kanilang mga tauhan sa kalapit na ilog ng kanilang mansion na pag-aari rin ng kaniyang ama. "Hoy sis! Tulala ka diyan! Iniisip mo si Stewart ano?" Tudyo ng kaniyang kaibigan na si Pia. Ito lang ang tanging kaibigan niya sa kanilang school dahil, nang malaman ng kaniyang mga kaklase na ang kaniyang ama ay si Vito Archangel ay iniiwasan na siya ng mga ito sa hindi maipaliwanag na dahilan ng dalaga. Tanging si Pia lang ang nakipag-kaibigan sa kaniya at masasabi niya na napakabait nito sa kaniya mula pa noon hanggang ngayon. Napamaintindi rin nito pagdating sa kaniya. Lagi rin sila nitong tinutukso ni Stewart sa tuwing kumakain sila minsan at sumasabay ito. "Goodmorning eveyone," Bati ng isang malamig na boses mula sa speaker na nakadikit ng dingding ng classroom. Nagtilian ang mga kaklase ni Kerra dahil sa boses ng kaniyang boyfriend na nasa announcement room ngayon. "Inaanyayahan ko po ang aking pinakamamahal na babae dito sa ating open field," Muling sabi nito na siyang nakapagpatili sa kaniyang mga kaklase pati na rin si Pia na parang sinisilihan sa kaniyang tabi dahil, alam ng mga ito na siya ang tinutukoy ng nagsasalita. Napangiti siya at namula ang mukha dahil doon. Agad naman siyang hinigit patayo ng kaniyang bestfriend at hinila papunta sa open field ng kanilang school na animong mas excited at mas kinikilig pa ito kaysa sa kaniya. Maging ang kaniyang mga kaklase ay nakasunod sa kanilang likuran upang maki-esyoso sa mga susunod na mangyayari, maging ang kanilang dinadaan ay nakatingin sa kaniya at nagbubulungan na napakaswerte niya raw sa kaniyang boyfriend. Sikat kasi si Stewart sa kanilang school dahil sa taglay nitong kagwapuhan. Bukod doon ay president din ito ng council ng kanilang school kaya may kakayahan itong iparinig ang kaniyang boses sa buong school. Nang makarating siya sa open field doon bumungad sa kaniya ang nagkalat na pulang lobo na may kalahok din na petals ng rose. Naka-form ito ng malaking hugis puso at nasa loob ng puso si Stewart na may hawak na malaking teddy bear. Hawak din nito sa kabilang kamay ang microphone, malayo pa lang sila ni Pia ay tumitig na kaagad ito sa kaniya habang nakangiti. Hindi niya pa masyadong makita ang itsura nito dahil medyo malayo pa sila dito. Tatlong hakbang ang layo ng tumigil sila sa paglalakad. Binitawan ni Pia ang kaniyang kamay at humakbang ng tatlong beses paatras sa kanila para manuod din. "Gusto kong sabihin sa lahat ng taong nandidito na mahal na mahal ko ang babaeng ito dahil, siya lang ang tinging nagparamdam ng ganito sa akin, na hinahanap-hanap siya ng aking mata sa tuwing nawawala siya sa aking paningin," Nakatitig na sabi nito sa kaniya ngunit, ang kaniyang pinagtataka ay kung bakit humingi ng paumanhin ang mga mata nito. "I'm sorry,"Bulong na sabi nito kay Kerra pero, dinig pa rin din dahil sa naka-microphone ito. "Pero gusto kong sabihin sa lahat na nandito na mahal na mahal kita Pia May Antaraza," sabi nito at bumaling ang tingin nito sa kaniyang likuran kung saan nandoon ang kaniyang kaibigan na gulat din sa buong pangyayari. Tumigil ang ikot ng kaniyang mundo ng madinig niya ito, automatic na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at kahit na nagbubulungan sa kaniyang paligid ay hindi niya ito nadidinig. Nagfucos lang ang kaniyang pakiramdam sa sakit at pagkapahiya. Dahan-dahan siyang humakbang paalis doon habang nakatungo, hiyang-hiya siya hindi lamang sa kaniyang sarili kung hindi pati na rin sa harap ng madaming tao. End of Flashback Hindi namalayan ni Kerra na habang inaalala ang pangyayari na iyon ay tumutulo na ang masaganang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya maiwasang mainis sa kaniyang sarili na hindi pa rin siya makausad sa pangyayari na iyon kahit limang taon na ang nakakalipas. Ginawa naman niya ang best niya para labanan itong kaniyang nararamdaman ngunit wala ring nangyayari, lagi na lang nauuwi sa kaniyang pagkabigo at pagkukulong sa loob ng kaniyang kuwarto sa mansion. Hindi niya maintindihan na sa tuwing nakakakita siya ng ibang tao maliban sa kaniyang mga magulang ay tinatamaan siya ng hiya, na sa tuwing tumatama ang mata ng mga ito sa kaniya ay pumapasok sa kaniyang isipan na baka alam ng mga ito ang pagkapahiya niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan ba siya makakawala sa sitwasyon na ito, lagi na lang niyang pinapanalangin na magkaroon ng himala ang langit at bigyan siya ng Diyos ng isang tao o bagay na makakapagbalik sa kaniya tulad ng dati. Sa katunayan namimiss na niya ang mga dating ginagawa niya magmula sa pamamasyal kasama ang nag-iisa niyang kaibigan, nag-aaral ng normal sa school at higit sa lahat nakikisalamuha siya sa mga tao na walang halong takot. Pinunasan niya ang kaniyang luhang tumutulo sa mata 'tsaka muling pinagmasdan ang mga trabahador nila. Mukhang lunch break na ng mga ito. Nagsialisan na kasi sa kanilang ginagawa ang mga ito upang kumain, habang pinagmamasdan niya ang mga trabahador nahigip ng kaniyang mata ang binatang si Niro. Kasalukuyang hinuhubad ng binata ang kaniyang sumbrero na gawa sa nilalang buli 'tsaka nito isinunod ang t-shirt nitong suot na basa sa pawis kung kaya't nasulyapan ng dalaga ang kagandahan ng katawan nito. Magmula sa namumutok-mutok nitong braso papunta sa malapad na dibdib nito pababa sa tiyan nitong may kompletomg anim na tinapay. Binagayan pa ng kayumanggi nitong balat ang magandang katawan ng binata. Sa pagmamasid ng dalaga mula sa likod ng kaniyang kurtina patungo sa kinatatayuan ng binata ay hindi niya namalayang nakatingin na rin pala sa kinatatayuan niya ang binata, kung kaya't nagkukumahog niyang isinarado ang kaniyang makapal na kurtina at patakbong umupo sa kama na parang makikita pa siya nito. Nakatulalang napahawak siya sa kaniyang dibdib na malakas ang kabog, makalipas ng ilang sandali ay natagpuan ng dalaga ang kaniyang sarili na dahan-dahan humahakbang patungo sa kaniyang kurtinang nakatabon 'tsaka ito hinawi ng konti. Sakto namang talikod ng binatang si Niro patungo sa kubong kinaroroonan ng kaniyang mga kasama upang kumain ng tanghalian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.3K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook