Five Years Later
3rd Person Pov
Masayang nakatanaw ang mag-asawang Archangel mula sa ilalim ng puno ng mangga sa kanilang mga taunahan na abala sa pagta-trabaho at masayang nagku-kwentuhan.
"Mahal nag-aalala na ako para sa ating anak, limang taon na siya ganiyan ngunit wala pa ring pagbabago," Nag-aalang wika ni Vito Archangel sa kaniyang asawa na si Kendra Archangel.
Limang taon na kasi ang lumipas magmula ng masaktan at mapahiya ito sa harap ng kaniyang mga schoolmates sa Manila na dati nitong school nang hiwalayan at piliin ng kasintahan nito ang nag-iisang bestfriend nitong si Pia.
Magmula ng araw na iyon ay hindi na muli ito lumalabas ng bahay nila at palagi na lang itong nasa loob ng kuwarto kasama ang kaniyang mga libro at paintings.
Naalala pa nga niya na tumawag ang inatasaan niyang magbantay at mag-alaga dito na si Aling Bebeng at sinabi na umiiyak daw na umuwi ang kaniyang anak at nagkukulong sa kuwarto nito.
At dahil doon ay sumugod sila paluwas sa Maynila upang malaman ang kalagayan ng kanilang anak, napag-alaman nga nila na ang anak pala ng magiging business partner niya na si Stewart ang may gawa nito.
Sa galit niya ay pinutol niya ang lahat ng kaugnayan ng mga ito sa kaniyang negosyo, napakawalanghiya kasi ng lalaking iyon inlove pala ito sa bestfriend ng anak niya ngunit hindi agad sinabi at pinalala pa, nasaktan tuloy ang unica ija niya.
"Maging ako man Mahal ay nag-aalala rin sa kaniya," Nag-aalala ring tugon ni Kendra sa asawa 'tsaka ito sumandal sa dibdib nito.
"Hindi puwedeng magpatuloy ito, habang maaga ay kailangan na natin siyang sanayin na hindi na mahiyain at ilag sa mga tao. Paano na lang ang ating mga negosyo kung hindi na siya lalabas ang ating mansion?" Nag-alala rin na sabi ni Vito sa kaniyang asawa.
Sa sinabi ng asawa napalingon naman si Kendra sa veranda ng kuwarto ng kaniyang anak na nakaharap sa kanilang lupain na sinasaka.
Nakita niya itong nakatagong sumisilip sa kaniyang sliding door na natatabunan ng kurtina.
Pinilit man nilang mag-asawa na pasamahin sa kanila rito sa ilalaim ng puno para makalanghap ng malakas at sariwang hangin pero panay naman ito tanggi ngunit, tingnan mo nga naman at alam niyang naiinggit ito sa kanila dahil sila ay nakalalabas.
Palagi na lang nitong sinasabi sa kaniya na naiinggit daw ito sa mga tao sa kaniyang paligid na hindi nahihiyang makipag-usap sa mga nakakasalamuha nilang tao.At palagi niya lang ding sinasabi dito na lumabas ito sa bahay nila katulad ng dati para hindi ito mahiya pero, maluha-luha lang itong sasabihin sa kaniya na hindi na niya kayang makipag-usap sa mga tao, na nasanay na itong walang kinakausap at palagi na lang mag-isa.
Maging sa pag-aaral ay nagho-home school na lang ito at buwan-buwan pinapadalhan ng module upang mag-aral lang ito ng sarili niya.
"Ano ba ang dapat gawin natin Vito, hindi naman natin siya mailapit sa psychiatries dahil maging magpasuri sa doctor ay ayaw niya, ano pa nga ba ang dapat nating gawin?" tanong ni Kendra kasabay ng isang malalim na buntonghininga. Binalingan niya ng tingin ang kaniyang asawa na seryosong nakatitig sa kanilang mga trabahador, batid niya may malalim din itong iniisip tungkol sa kanilang anak.
Muli siyang sumandal sa malapad na dibdib nito at nag-isip din ng tamang solusyon sa kanilang anak.
Maganda si Kendra kahit nasa edad na fiftyfour mahaba ang kaniyang kulot na buhok, may kaliitan ang kaniyang katawan katulad ng kaniyang anak na si Kerra. Gano'n din naman ang kaniyang asawang si Vito kahit na nasa edad na fiftyfive ay matikas pa rin ang katawan nito at napakaguwapo pa rin kaya kahit may edad na ay marami pa ring nagkakagusto.
Iisa lang ang kanilang anak na si Kerra Marie Archangel dahil bukod sa hindi na nila ito nasundan sa kadahilang busy sa work ay talagang tutok sila sa kanilang unica ija.
Sa pag-iisip ni Kendra habang nakatingin sa paligid ay nahagip ng mata niya ang anak ng kaibigan ni Vito na si Niro Andrana.
Bata pa si Niro ngunit mulat na ang batang ito sa kahirapan ng buhay, ulila sa ina si Niro dahil namatay ang ina nito sa panganak sa bunso nitong kapatid na halos kasing edad lang ni Kerra. Matanda lang ang kanilang anak ng isang taon sa bunso nitong babae.
Si Niro naman ay matanda ng isang taon kay Kerra pero magkasabay lang ito ngayon sa pag-aaral which is fourth year college ngayong pasukan. Patigil-tigil kasi ito sa pag-aaral dahil sa kahirapan ng buhay, minsan pang nagkakasakit ang ama nitong si Jose Andrada kaya talagang nahihirapan ang kaniyang anak na panganay.
Sa murang edad ang kaniyang galing sa pagtatanim sa kanilang bukid ay danadaig pa kung minsan ang matatanda nilang magbubukid.
Bakasyon ngayon kaya mas nakakatutok ito sa pagtatrabaho sa bukid, hindi katulad kapag may pasok ito sa school na kailangan pa nitong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho.
Habang nagtatanim ng palay ay nakita ni Kendra ang sandaling pagtigil ng binata para magpunas ng pawis bago sumulyap sa kanilang mansion.
Sinundan niya ng tingin ang tinititigan nito habang nagpupunas ng pawis at nakita niyang nakatingin ito sa veranda ng kuwarto ng anak niya. At habang pinagmamasdan ni Kendra ang binata na animong may sinisilip sa kuwarto ng anak o may inaantay na lumabas ay naalala niya na kalaro nga pala ito ng kaniyang anak noong bata pa ang mga ito ngunit, nagkahiwalay din ng dalhin nila sa America ang kanilang anak na si Kerra upang ipagamot sa sakit nito sa puso.
Panay kasi itong sumisikip ang dibdib noong bata pa at medyo payat din 'tsaka lang nila nalaman na may sakit pala ito sa puso ng ipa-check up nila ito sa kanilang private doctor.
Sa kadahilanang iyon ay dinala nila si Kerra sa ibang bansa upang doon ipagamot at awa naman ng Diyos na hindi nito pinabayaan ang kanilang anak dahil gumaling din ito sa kaniyang sakit.
Sa kanilang pagbabalik pansin niya na hindi na kilala ni Kerra ang anak ng kaibigan ng kaniyang ama na si Niro. Tatlong taon din kasi silang nanirahan doon upang mapagamot ang anak kaya parang binalewala na lang niya na mukhang hindi na ito kilala ng kaniyang anak dahil, medyo matagal din sila doon. Hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa dahil umalis na sa pagkakatulong ang ina nito upang tutukan ang pag-aalaga sa anak na si Niro at sa asawa. Malapit na rin ang kabuwanan nito nang umalis sa kanilang mansion.
"Kendra mukhang alam ko na kung sino ang magbabalik sa dating ugali ng ating anak," sabi ni Vito. Bumaling ito sa asawa niya na nakasandal sa kaniyang dibdib.
Nag-angat naman ng tingin si Kendra sa kaniyang asawa bago nagtanong.
"Sino?" tanong ni Kendra.
Bumaling ang kaniyang tingin kay Niro na bumalik na muli sa pagtatanim habang nakikitawa sa biro ng mga kasama bago nagsalita
" Si Niro Andrada." Seryosong wika nito.