Chapter 2-Offer

1144 Words
3rd Person Pov Sumapit ang tanghalian ng mga trabahador at nagsimulang magsalo-salo sa isang kubo na sadyang pinagawa ng mag-asawang Archangel para pahingahan ng kanilang mga tauhan. Tumayo ang mag-asawa mula sa ilalim ng puno at nagsimulang maglakad papunta sa may hindi kalayuang kubo para kausapin si Niro. "Señor, Señora kain po kayo!" Masisiglang bati ng mga kumakain na trabahador nila, tumango lang naman si Vito habang si Kendra naman ay sumagot sa mga ito. "Sige kain lang kayo, kailangan niyo iyan para may lakas kayo sa pagtatanim," Matamis na ngiti nito sa mga trabahador at nakipagkamustahan pa sa mga ito lalo na, sa mga kababaehan na nandoon na asawa at trabahador din nila samantalang, lumapit naman si Vito sa mag-amang Jose at Niro Andrada na magkatabing nakaupo habang kamakain ng tanghalian. Nasulyapan niya bago siya makalapit sa mga ito na ang ulam ng mag-ama ay ang paboritong kainin ng kaniyang anak, ang ginataang kalabasa na may alimasag at hipon. Batid niya na ang binatang si Niro ang nagluto nito dahil ito lang ang marunong magluto ng gano'ng kasarap na putahi. Itinuro kasi ng namayapa nitong ina ang putahing iyon at malapit din ang putahing iyon sa puso ng mag-asawang Archangel dahil dati nilang katulong ang ina ni Niro na lagi silang nilulutuan ng gano'ng klaseng putahi. Natikman isang beses ng kanilang anak na si Kerra ang putahing iyon noong bata pa ito at kaagad na nagustuhan nito iyon at hanggang ngayon ay gusto-gusto 'tsaka paborito pa rin ito ng dalaga. Sa tuwing umuuwi ito para magbakasyon dati ay nakikiusap si Vito sa kaniyang kaibigan na ipagluto naman ni Niro ang kaniyang unica ija ng ginataang iyon. Tinapik ni Vito ang balikat ng kaniyang kaibigan na si Jose. " Pare puwede ko bang kausapin ang iyong anak?" Malumanay pero seryosong pakiusap niya sa kaniyang kumpare. "Oo naman pare, tungkol ba saan?" Masiglang naman na sagot nito sa kaniya. Pare lang ang tawagan nilang dalawa kahit na boss ni Jose si Vito dahil bukod sa matagal na silang magkaibigan ay inaanak niya ang bunsong babaeng anak nito. Masiyahin at mabait na tao si Jose Andrada katulad ng kaniyang anak na si Niro. At kahit sa edad nitong fiftyfive ay matipuno at guwapo pa rin ito sa kaniyang edad, kayumanggi ang kulay ng kaniyang balat na katulad din ng anak nitong si Niro. Bata pa lang sila ni Vito pero magkaibigan na sila ni Jose. Likas na masigasig at masipag ito sa trabaho dahil, kinamulatan na nito ang kahirapan ng buhay katulad ng kaniyang anak na si Niro kaya kung papipiliin siya ng mapapangasawa ng kaniyang anak ay katulad ng anak nitong si Niro ang kaniyang nais dahil, alam niyang masipag at may paninindigan ito sa buhay tulad ng kaniyang ama. "Tungkol sa aking anak," Simpleng sabi ni Vito. Magkatabi lang ang mag-ama kung kaya't nadinig kaagad ni Niro ang pinag-uusapan ng dalawa. Agad itong napaayos ng upo at mas naging interesado sa pinag-uusapan ng dalawa dahil tungkol ito sa babaeng kaniyang sekretong iniibig magmula ng sila ay bata pa. Nakita naman ni Vito ang pagkaalerto ni Niro dahil napaayos ito ng upo. Doon pa lang ay nagduda na siya na may gusto talaga ito sa kaniyang dalagang anak. Palagi niya kasi itong nakikita na nakatanaw sa veranda ng kuwarto ng kaniyang anak tuwing gabi kapag sila ay umuwi rito sa probinsya. Nakakubli lang ito sa puno ng mangga kung saan sila nag-uusap ng kaniyang asawa kanina at inaabangan nitong lumabas ang kaniyang anak. Lumalabas kasi minsan kapag gabi sa veranda ng kuwarto ang kaniyang anak upang magpahangin dahil alam nitong walang tao sa gano'ng oras pero, hindi sa mata ng isang Andrada na sekretong nagmamahal sa kaniya. Alam naman na ni Vito na pinapakinggan na siyang mabuti ni Niro na ngayon ay kunwaring abala sa pagkain kaya ma-autoridad niya itong inutusan. "Niro sumunod ka sa akin may pag-uusapan tayo," Seryosong sabi ni Bito bago tumalikod para sana umalis ng may maalala siya. "Bago ka umalis ipagtabi mo muna ang unica ija ko ng niluto mong ginataang kalabasa na may alimasag at hipon bago ka sumunod sa akin," sabi nito 'tsaka ito nagsimulang maglakad papalayo sa maingay na kubo na wala man lang nakapansin ng kanilang pinag-uusapan maliban sa kanilang tatlo. Hindi naman na sumama sa pag-uusap nila ang kaniyang asawang si Kendra kahit na kita siya nitong umalis para kausapin ang binatang si Niro dahil, abala ito sa pakikipag-usap at kamustahan sa mga trabahador na kaibigan din nito. Alam naman ni Vito na tatanungin siya ng kaniyang asawa sa mga sasabihin ng binata binata ukol sa napag-usapan nilang alok dito. Masungit man ang kaniyang asawa ay malapit naman ang loob nito sa mga trabahador nila dahil dati ring trabahador ng kaniyang ama ang pamilya ni Kendra bago niya ito napangasawa. At isa sa katangian na iyon ang nagustuhan ni Vito sa asawa niya. Katulad din ni Niro si Kendra dati na pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho upang matustusan ang pag-aaral at kaniyang pamilya, kaya alam niyang magaan ang din ang loob niya sa binatang si Niro. Nagpunta si Vito sa gilid ng mahabang palayan na tinataniman nila Niro kanina, sumilong siya sa malaking puno ng mangga na nandoon upang intayin si Niro na mukhang sinunod nga ang bilin niya na ipagtabi si Kerra ng niluto nito. Maya-maya lang ay sumunod na rin si Niro sa kaniya at mukhang nahihiya pa dahil alanganin siya nitong nginitian. "Ano po ba ang kailangan ninyo sa akin Señor?" Magalang na tanong ni Niro sa kaniya. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at sinasabi na dito ang tunay niyang pakay. "Nais kong gawin mo ang lahat para maibalik ang dating ugali ng aking anak. Naniniwala ako na ang iyong ugali ang tatapat sa pagiging mahiyain niya ngayon, " sabing panimula ni Vito. Alam niyang ikinagulat ng binata ang kaniyang panimulang sinabi pero, hindi niya ito pinansin at nagpatuloy siya sa pagsasalita habang nakatanaw sa palayan. " Masiyahin, masipag, matiyaga at positibo ang iyong pananaw sa buhay na siyang kailangan ng aking anak ngayon. Hindi ka na magtatrabaho sa bukid at ang tanging kailangan mo lang gawin ay ang tumira sa aming bahay at magpangggap na aming katulong pero, ang iyong tunay na pakay ay tulungan siyang mapalabas sa aming masion. Panahon na para matutunan niya ang mga bagay sa labas nito, pasasaan pa at siya rin naman ang magmamana ng lahat ng pinaghihirapan ko ngayon. So papayag ka ba?Ako na ang bahala sa iyong pag-aaral at maging sa finacial na kailangan ng iyong pamilya pati na rin ang pag-aaral ng iyong kapatid na inaanak ko ay ako na rin ang bahala at higit sa lahat ay ang pagpapagamot din ng iyong ama." Mahabang lintaya ni Vito. At mula sa pagtanaw sa malawak na palayan ay binalingan niya ang binata na mukhang pina-process pa sa kaniyang isipan ang nais niyang gawin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD