Chapter 3- Son in Law

1845 Words
3rd Person Pov Hindi agad nakagalaw at nakapagsalita ang binatang si Niro sa sinabi ng kaniyang Señor sa kaniya dahil sa pagkabigla sa ino-offer nito. "Pumapayag ka ba ijo sa aking alok?" Seryoso pero umaasang tanong ni Vito sa binata na mukhang natauhan sa kaniyang pagsasalita. Sa isip niya kasi ay pabor na pabor ang inaalok na ito sa kaniya, mapapalapit na siya sa kaniyang babaeng minamahal niya mababawasan pa ang problema niya kung saan kukuha ng pangtustos sa kaniyang pag-aaral maging sa mga iba pa nilang kailangan sa pamilya. "O-opo tinatanggap ko po, kailan po ako magsisimula?" tanong ni Niro. Halos maluha-luha rin siya sa harap ng kaniyang Señor Vito, napakasaya niya na binigyan siya ng Diyos ng ganitong pagkakataon sa buhay niya. "Ngayon, may tatapusin ka pa ba dito?" tanong ni Vito Napakamot si Niro sa batok dahil masyado siyang nadala sa inaalok ng kaniyang Señor na nakalimutan niyang nagtatanim pa nga pala sila ng palay, naunahan na kaagad siya ng excitement na makita at masilayan man lang ng matagal ang kaniyang pinakamamahal na babae magmula ng siya ang bata pa. "Meron pa po Señor, ngunit batid ko pong ngayong araw din po ay matatapos na ang aming pagtatanim ng palay," Magalang na sagot ni Niro sa kaniyang amo. "Sige kung gano'n ay tapusin mo muna ang pagtatanim ng mga kasama mo at bukas na bukas din ay pumunta ka na sa mansion para simulan mo ang iyong trabaho, dalhin mo na rin ang iyong mga gamit para sa aming mansion ka na tumira," wika ni Vito. Lagi kasi silang wala ng kaniyang asawa kung kaya't naisipan niya na patuluyin na lang ang binata nang sa gano'n ay may makakasama ang kanilang anak, kahit kasi security guard ayaw ng kaniyang anak na tumanggap sila kaya pinapabantayan na lang nila ito ng palihim sa mga mapapagkatiwalaan niyang taga-rito. Matapos nilang mag-usap ng binata ay tinapik nito ang balikat ni Niro tanda ng pagpapaalam bago nagsimulang maglakad pabalik sa kubo kung saan nagkakasiyahan ang mga trabahador. Hindi pa kasi kumakain ng tanghalian ang mag-asawa at alam nilang hindi pa rin kumakain ang kanilang anak na nasa loob ng mansion. Lumaki kasi ang kanilang anak na hindi marunong magluto o gumawa ng kahit na anong gawaing bahay dahil na rin sa kagustuhan nila.Noong bata pa kasi ito ay gusto nitong makatutong gumawa ng gawaing bahay ngunit, pinagbawalan nila ito dahil na rin sa sakit nito sa puso ng ito ay bata pa at isa na ring dahilan ay nag-iisa nila itong anak. Naaawa tuloy silang mag-asawa sa tuwing aalis sila dahil lalagyan lang nila ng ready to eat na mga pagkain ang kanilang refrigerator at mga cabinets ng sa gano'n ay hindi ito magutom at madali lang para rito ang mag-prepare ng kaniyang makakain lalo na at hindi talaga ito lumalabas ng bahay. Bumili na rin sila ng washing machine ng sa gano'n ay hindi na ito mahirapan sa paglalaba. Minsan din ay pinapadalhan ni Vito sa kaniyang kumpare na si Jose ng makakain ang kaniyang anak. Nababalitaan pa nga niya na ang nagdadala nito sa mansion ay ang binatang anak nito na si Niro. Binibigyan na ni Vito ng pambili ng sangkap ang mag-ama at ang mga ito na ang magluluto ng pagkain. Pagkatapos ay iiwan na lang ng mga ito sa labas ng bahay. 'Tsaka naman niya ite-text ang kaniyang anak na may pinadala siyang pagkain para rito. Sa kabilang banda, mula sa pagkakatulala habang nakangiti si Niro sa pinag-alisan ng kaniyang Señor Vito ay natauhan siya nang maalala niya ang gulay na itinabi niya para sa kaniyang Señorita na kailangan niyang ipadala sa kaniyang boss upang makakain na rin ang mga ito ng tanghalian. Kagat-labi siyang nagsimulang maglakad sa kanilang kubo upang pigilan ang kaniyang ngiti na pilit kumakawala sa kaniyang labi. Malayo pa lang ay tanaw na niya na mukhang nag-aantay din ang kaniyang mga amo sa kaniyang pagdating upang maibigay na niya ang paboritong gulay ng pinakamamahal nilang Señorita. Magkatabi ang mag-asawa habang nakaupo sa bangko ng kubo na para bang ayaw ng mga itong ipahalata na nagpapatabi sila ng gulay para sa kanilang unica ija. Malalaking hakbang ang kaniyang ginawa dahil, nakakahiya namang paghitanyin ang mga ito lalo na at oras na ng ipagkakain ng tanghalian, at sa haba ng biyas ni Niro ay nakarating naman siya agad doon. Agad niyang kinuha ang tupperware kung saan nakalagay ang gulay upang ibigay sa mag-asawa, magiliw namang tumayo si Kendra upang kunin ito sa kaniya at magpaalam na rin sa kanila. "Salamat Niro," Malambing na sabi nito sa binata na siyang ginantihan lang ng ngiti ng binata. "Mauuna na po kami, hindi pa po kasi kumakain ang aming prinsesa. Magandang tangahali pong muli," Magiliw na paalam at baling naman ni Kendra sa mga tauhan na agad naman na sinagutan ng magigiliw na paalam ng mga tauhan na nandoon. "Opo Senora, ikamusta niyo na lang po kami sa inyong unica ija!" Masiglang paalam ng isa sa mga tauhan nito na nginitian at tinanguan lang ni Kendra. Agad namang tumayo si Vito at humawak sa bewang ng asawa matapos tumango sa mga tauhan na nandoon ngunit, bago tumalikod si Kendra ay ngitian niya si Niro na nakatayo sa kaniyang may tabi samantalang, tinapik lang naman siya sa balikat ng kaniyang Señor Vito na parang sinasabi nito sa tapik na iyon na 'wag niyang kakalimutan ang kanilang napag-usapan. Naglalakad na ang mag-asawa pabalik sa kanilang masion nang hindi napigilan ni Kendra na tanungin ang kaniyang asawa tungkol sa napag-usapan nito kasama ang binatang si Niro. "Mahal kamusta ang napag-usapan ninyo ni Niro? pumayag ba siya?" Malambing na tanong nito na bahagyang naka-sandal sa malapad na dibdib ng asawa habang naglalakad. Hindi nila alintana ang sikat ng araw dahil kahit matindi ang sikat nito, ay marami namang puno na nagbibigay lilom sa kanilang paglalakad. Idagdag mo pa ang malakas at malamig na simoy ng hangin na nakakapagbigay sa kanila ng relaxation lalo na at bukas na bukas din ay luluwas na naman silang mag-asawa upang harapin ang kani-kanilang ibang negosyo sa Maynila. Nakakalungkot mang isipin ngunit, iiwan na naman nila ang kanilang prinsesa na nagtatago sa kanilang mansion, grabe naman kasi ang naging epekto ng nangyaring pagkapahiya nito.Hanggang ngayon ay nagtatago pa rin ito na para bang kapag nakakakita ng ibang tao maliban sa kanila ay nahihiya na lang ito na baka alam ng tao na iyon ang nangyari rito. Iyan ang laging sinasabi nito sa kanila na baka i-judge siya ng tao na makikita o makakausap niya kaya mas pinili na lang niya na magtago at magpag-isa sa loob ng kaniyang kuwarto dahil alam nito na walang maghihiya sa kaniya o magsasabing minsan sa buhay niya ay may taong namahiya sa kaniya at hindi siya pinili. "Pumayag siya Mahal, sana tama ang pagpili ko sa kaniya na maibalik niya ang dating palakaibigan at nakikipagsalamuha na anak natin," sagot ni Vito kay Kendra. Sa pag-uusap at pagpayag ng binata sa kaniyang offer ay kampante na ang kaniyang isip na may titingin at may mag-aalaga sa kaniyang anak na dalaga. Hindi man matulungan ni Niro na maibalik ang dating ugali ng kaniyang anak ay kampante pa rin ang kaniyang isip na may isang tao na mag-aalaga dito sa tuwing nawawalan sila ng oras sa kanilang dalaga. Tulad na lang bukas dahil aalis na naman sila upang asikasuhin ang kanilang negosyo, kahit papaano rin ay may makakausap na ang kanilang mahiyaing dalaga. At sa tingin niya ay hindi na ito malulungkot sa loob ng kanilang malaking mansion dahil, may binata na itong kasama sa loob ngunit hindi niya lang alam kung pakikiharapan ito nito. Sa katunayan hindi alam ng dalaga na may makakasama na siya sa loob ng kanilang mansion magmula bukas. Alam niya kasing hindi ito sasangayon sa kanilang desisyon na mag-asawa kung kaya't hindi na lang nila sinabi. Sa kabutihang palad mabuti nga at napapayag niya ang binata dahil, mas kampante siya kay Niro kaysa sa ibang mapapagkatiwalaan niya rito. Siguro ay dahil na rin sa ina nito na sobrang mapapagkatiwalaan noong buhay pa ito at naninilbihan pa sa kanila bilang katulong. "Sana nga Mahal, sana siya na ang ibinigay sa atin ng Diyos upang bumalik sa dating ugali niya ang ating anak. Nami-miss ko na rin kasi ang dati ugali ng ating anak," Malungkot na sagot naman ni Kendra habang inaalala niya kung paano ngumiti ang kanilang dalaga noon na abot hanggang mata ang ngiti, na para bang wala itong inaalala sa mundo ngunit ngayon ay ngumingiti pa rin naman pero alam mong sa mga mata nito ay ang takot na mahusgasan ng ibang tao dahil, sa kaniyang pinagdaanan sa una nitong pagmamahal. "Hayaan mo Mahal may awa rin ang Diyos pasasaan ba at iibig din ang anak natin. Wala na iyong magagawa kong hindi lumabas ng ating masion," sagot naman ni Vito upang palakasin ang loob ng kaniyang asawa na nalulungkot ngayon at malapit ng umiyak. Nasabi niya lang naman ang salitang pag-ibig sa pangalan ng kaniyang anak na mukhang hindi nagustuhan ni Kendra dahil umasim ang mukha nito, ang kaniyang kamay na nakapirme sa dibdib ni Vito ay inihampas nito rito. "Anong pag-ibig ang pinagsasabi mo diyan?! Baby pa ang anak natin pagdating sa pag-ibig na iyan! Tingnan mo nga at nasaktan siya dahil sa kalukohan niyo ng dati mong kaibigan sa pagkakasundo!Una pa lang hindi ako sang-ayon doon hindi ba?!nagpumilit ka lang at wala na rin akong nagawa ng mahulog ang loob ng anak natin sa malolokong lalaki na iyon!" Inis na turan ni Kendra sa asawa na mukhang nagulat pa dahil sa inasta ng kaniyang asawa, inakala niya rin kasi na gagaan ang loob nito kung sasabihin niya ang salitang pag-ibig ukol sa kaniyang anak ngunit nagkamali siya ng akala. Umiisip agad siya ng paraan at hinawakan ang magkabilang pisngi ng asawa na maluha-luha na sa inis, masuyo niyang hinaplos ang mukha nito at tinahan. "Hindi naman sa gano'n Mahal, nasabi ko lang ang pag-ibig kaduktong ng pangalan ng anak natin upang pagaanin ang iyong loob ngunit, mukhang hindi mo naman nagustuhan kaya't pasensya ka na," Masuyong pagpapaamo nito sa kaniyang asawa. Muling hinampas ng asawa ang malapad na dibdib nito bago nagsalita. "Ah!basta baby pa ang unica ija ko, maghihigpit talaga ako kapag may poporma sa anak natin," Masungit na sabi nito sa asawa. "Oo na!halika na at alam kong gutom lang iyan," sagot naman ni Vito bilang pagtatapos sa usapan at bahagya pang itinaas ang tupperware na hawak niya na may laman na gulay, kinuha niya iyon sa kamay ng asawa niya ng makalayo sila sa kubo kanina para siya ang magbitbit. Sumimangot naman ang kaniyang asawa na inalagay muli ang ulo nito sa kaniyang dibdib at muling yumakap dito habang marahan na naglalakad papunta sa kanilang mansion na malapit na sa kanila. "Pero kung sabagay naisip ko Mahal, kung si Niro naman ang aking magiging son in law why not 'di ba?" sabi ni Kendra na parang wala sa sariling kausap sa asawa na natatawa na lang dahil gusto rin naman nito na umibig ang kanilang nag-iisang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD