(Proceed to the mission,) seryosong sambit ni Agent Cricket mula sa communication device na suot namin, (Nakaalis na si Agent Tiger at kasama niya ang dalawa niyang kanang kamay. Kaya mayroon lamang tayong dalawang oras bago sila makabalik.) "Copy," maikling pagsagot ni Agent Mantis, "Please stand by at kokontakin namin kayo sa oras na ma-retrieve na namin si Agent Fang." (Noted Agent. But please be careful.) Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay nagka-tinginan kami ni Agent Mantis sa isa't isa. Sa palitan ng aming tingin ay tila nagkaintindihan na kaming dalawa. Hanggang sa walang pag-uusap at nagsimula na kami magtungo sa itinurong daan ni Agent Phasmids. Ayon sa nakalap na impormasyon ni Agent Phasmids ay iyon ang tanging lugar kung saan pina-limitahan ni Agent Tiger ang pagpunta ng

