bc

HARRIET DOMINGUEZ (Female Heart Thief)

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
billionaire
stalker
possessive
counterattack
powerful
twisted
sweet
bxg
city
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

What if one day you caught a thief who robbed you and simply took your wallet out of your pocket, but when you two arrive at the precinct you will find out that she is the daughter of one of the richest businessmen in the country.

What will you do?

If the one you handcuffed with both hands is a Princess.

And when you two meet again, she will rob you again, but not your wallet.

But your heart is her target ...

Will you give?

If so, you are also slowly falling in love with her.

What if the relationship between the two of you is complicated?

Can you give up one?

Just so you can be happy with one.

Or will you put them both together, just so that one of them will not be hurt?

Who will you choose and who will you release between the two of them?

Let's find out, where the troubled heart will lead to the woman it beats.

Harriet Dominguez is one of four Dominguez siblings, both police officers and loyal to their work.

Angela De Silva is a princess, living in a massive mansion that looks like a massive castle. But a goofy woman, fond of joining girl group gangs, who did nothing but make fun of her every time they were together.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Magulo, maingay at maraming mga kababaihan at kalalakihan ang mga nagkakagulo sa loob. Isama pa ang ilang kabataan na nakakalusot at nakapasok ng hindi napapansin ng mga bantay. Maging mga bouncer, mga paikot-ikot lang at hindi napapansin ang mga nangyayari sa loob. Ayahayyyy, kaya heto. Nagkaroon siya ng problema na kinainis ni Harriet at ngayon ay habol ang isang babae na kangina pa tinatawag. Subalit ayaw siyang pansinin. “Hoy" Tawag ni Harriet habang feel na feel ng babae ang paglalakad, habang mabilis na kinuha ang kanyang pitaka. Hindi niya napansin agad. Pero ng maramdaman ang tila may nawala sa kanya. Agad siyang napalingon at ang babaeng kanyang hinahabol ang may kagagawan kung bakit mabilis nitong nakuha ang kanyang atensyon. Kala niya siguro ay hindi ko napansin at naramdaman ang kanyang ginawa mula sa pagbunggo at dahan-dahan na pagdukot sa pitaka ko sa bulsa. anito na kanyang bulong habang habol ang isang babae pa rin. Marami sila, pero ang mismong kumuha ng pitaka ang kanyang agad tinandaan. Ayos rin itong mga babae na ito! Ako pang napili talaga, makikita nila. anito na nagmamadali sa paglakad para maabutan ang babaeng pilit na hindi lumilingon sa alam niyang siya ang tawag ni Harriet at kangina pa nito pasigaw na tinawag. Subalit ayaw niyang lingunin at pilit siyang naglakad ng mabibilis wag lang maabutan ng lalakeng kinuhanan. “Hoy" Muli ay sigaw ni Harriet. Malakas ang boses at tumawag ng pansin sa iba. Mabilis niyang inihakbang ng malalaking hakbang ang paa na halos takbuhin maabutan lang ang babae. “Bingi ka ba?" Pasigaw niyang tinanong ang babae pero hindi pa rin ito lumingon kahit na maliit lang ang pagitan nang maabutan ito at mapantayan sa paglakad. Kaainis, kahit nasa kanya na akong harapan, wala pa rin siyang pakialam. Ayos ring babae na ito, para bang wala nakikita. bulong na sambit sa sarili habang ayun na nga at magkaharap na sila subalit bigla naman ito bumilis ng hakbang at maunahan ng mapalikod na ulit siya. Nasa unahan na muli ang babae at si Harriet nasa likod naghahabol. Paimportante naman itong babaeng, kala mo naman mayaman kung astahan ako at baliwalain. Wala talaga siyang takot, kahit pakialam na kangina pa ako paos sa kakasigaw ng makailang ulit na ako sa pagtawag sa kanya. “Babaeng may buntot sa pwet. Hindi ka ba lilingon? Aba, pagod na ako kakahabol sayo. Baka naman nais mong pansinin ako. Alam kong alam mo na ikaw ang tinutukoy at kangina ko pa hinahabol." anito na sabi ni Harriet ng mapahinto sa pagod. Napapagod na rin siya at nakaramdam ng konting pagod mula sa mahabang habulan na nangyayari sa kanila. Para siyang nakikipaglaro, habulan sa isang tao na wala naman din pandinig na binabaliwa siya. Daig ko pa ang nanghahabol sa isang snatchers. Pero, parang ganoon na nga rin. Dahil kinuha nito ang pitaka ko ng walang pasabi. Pagnanakaw na yon. Dahil kinuha niya ang pitaka ko at ngayon nakikipaglaro pa ito ng habulan sa pagtahimik at hindi pamamamansin sa akin. Binabaliwa nito ang pagiging isang kong... Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi sa sarili, ang mga ibinubulong. Dahil sa bigla nalang din ito napalingon at nagtama ang mata nila. Sa wakas lumingon na rin siya ng sabihin kong may buntot siya sa pwet niya.Yon lang pala makapagpapatigil sa kanyang pagpapahabol na ginagawa. Aba't pagod na rin ako lalo na at mahaba na ang narating naming dalawa. Subalit nagulat si Harriet ng kanyang makita ang itsura ng babae, maganda ito. Maganda sa mga ordinary na babae na makikita sa loob ng bar. Napakurap pa nga ang kanyang mata at hindi makapaniwala ng makita ang kala mo isang barbie, ngunit dahil sa suot nito nakabawas puntos. Pero, maging ganoon pa man. Maganda talaga ang babaeng kangina pa niya hinahabol. Maging ang mga kasamahan na nasa malayo na tinatanaw sila. Namangha sa ganda ng babaeng habol-habol. Napalunok siya sa pagkabigla. Si Harriet mula sa kanyang paghinto sa paglalakad. Maging ang babae na napahinto rin sa paghakbang na humarap sa kanya upang lingunin si Harriet. “Bakit ba? Ang ingay mo." sambit na mataray na napahugot ng malalim. “Bakit mo ba ako sinusundan? Kangina ka pa, hindi mo ba ako kilala." aniya ng babae. Tumawa si Harriet, mula sa mataray na sambit. “Bakit, sino ka ba?" anito na itinanong. Habang nakatayo na magkaharap. Napapaisip si Harriet. Nakahinto na rin siya at tamang magkaharap lang sila. Bahagya na napangisi ng maisip, kung bakit ang pitaka na walang laman ang napagtripan ng mga babaeng kasama nito. Ang babaeng mga nasilip niya ng masundan ang babaeng kumuha ng pitaka. Lihim niyang nasundan ang babae matapos na makuha ang pitaka niya. Napansin niya rin ang maiingay at mga bungisngis ng mga kagroupo nito matapos na maipakita ang pitaka na nakuha nito mula sa bulsa ni Harriet. Walang laman ang kanyang pitaka na talagang ipinagtataka ng mapag-interesan ng mga babae, maging mga kasama. Kaya habang kanyang sinusubukan sundan ang babae, hindi maiwasan ang siya ay matawa habang isip ang pitaka na kinuha. Sa dami-dami ng mayayaman sa bar. Bakit siyang mahirap, walang pera ang mapaglaruan ng mga kababaihan na kasama nito na dukutan sakali kahit piso wala itong mga makukuha mula sa loob ng pitaka. Hindi naman sana important sa kanya ang pitakang ninakaw. May nais lang siya na makuha mula sa loob ng pitaka. Kaya naman pinagtiyagaan na masundan ang babae upang kahit iyon lang mabawi niya. Kaya kahit nagpahabol ang babae, hinabol ni Harriet makuha lang ang pakay sa pitakang kinuha sa kanya. “Sino ka ba?" tanong na sinambit ng ulitin ni Harriet. Hindi kasi ito nakakibo at tila nag-iisip ng matanong kung sino ito. Kaya si Harriet makalawang beses pang nagtanong subalit hindi rin nito sinagot. “Ang lakas mong sabihin na hindi ba kita kilala. Tapos ngayon. Hindi mo maipakilala kung sino ka ba. Lakas mong magbanta. Nananakot ka pa, bakit. Sino ka ba at kailangan bang katakutan kita? Sa itsura mo pa lang, gusgusin.... Nasaan pitaka ko? Ilabas mo na, lakas rin ng loob. Magnanakaw naman, sasabihan pa akong hindi mo ba ako nakikilala. Hindi na e-epekto sa akin yan, gasgas na masyado. Mga tricks talaga ng mga magnanakaw na tulad mo. Makalabas lang sa kasalanan." anito ni Harriet habang laro-laro ang isang kamay na inuumpog-umpos sa kanan tagliran. Nakaramdam siya ng pangangalay mula sa buong maghapon na pagtulog at pagkakahiga. “Pitaka ko, ilabas mo na." pamimilit niyang sinabi na napasigaw yung babae. Wow, nagulat talaga? bulong niya. “What?" sigaw ng may magaspang na pagkakasabi. Nagulat eh, nagulat ito mula sa pamimintang at akusasyon sa kanya. Matapos ang ilang minuto na pananahimik. Nagawa na rin nitong magsalita at siya naman ang humarap sa mga akusasyon sa kanya ni Harriet. “Are you accusing me?" mataray nitong tanong ng magkaharap sila. Wow, Inglesera pa itong bobo na 'to! sambit na mahina ng mabulong. Nabigla kasi, ayan at nakakita ng katapat si Harriet na maging siya napapitlag ng maingles ng hindi oras. Dahil sa wallet niya lang ang kanyang naitanong. Na-ingles pa siya! Napakamot nalang si Harriet sa kanyang ulo dahil sa biglaang pag-iingles ng babae at duon ay napapitlag. Pigil na pigil siya sa emosyon. Ayaw niyang mag-eskandalo sa maraming tao na nadaan. Lalo at hindi siya nakauniporme at sebilyan siya ngayon. Hindi mamaari na siya ang unang gagawa ng gulo na siyang maiipit at sa huli siya rin ang tiyak na masasampulan oras na makarating sa kanilang Chief. Kaya maingat talaga siya na hindi makagawa ng kahit anong gulo. Maliban sa kung ang babaeng kumuha ng pitaka ang siyang mauuna. Hindi sapat ang nakita. Pero hanggang hindi siya nakasisiguro na andito ang pitaka. Hindi niya ito maaari nalang galawin ng hindi rin sa kanya mabaling ang maging akusasyon pagdating sa huli. Kailangan niyang maging maingat, kaya kahit pigil na pigil at nahihirapan. Tinitiis niyang maging mahinahon para lang sa pitaka na kinuha na walang laman. Mahinahon na sinabi ni Harriet. “Miss, ilabas mo nalang ang pitaka ko. Para matapos nalang tayo rito. Kangina pa kita sinusundan-sundan, para lang sa pitaka ko na kinuha mo. Hindi mo ba alam na malaking abala na itong ginawa mo sa'kin para pasunurin lang ako para sa pitaka ko na kinuha mo. Kaya ilabas mo na... Para lang matapos na." Subalit nataas lang kilay ng babae mula sa sinabi ni Harriet. Loka-loka! aniya na sabi habang tinitigan ito na tinaasan na rin ng isang kilay. Si Harriet na hindi marunong magpatalo. Si Harriet na kahit kelan wala pang makatalo sa mga manggogoyo at mga snatchers na gaya ng babaeng ngayon ayaw pa rin at nagmamatigas. “Inaakusahan mo ba ako?" Masungit na umulit na naman ito sa kanyang tanong sa nakataas kilay na si Harriet. Marunong rin pala managalog, bakit kangina pa-inglesera pa ito. Pa-inglesera pa, mananagalog rin pala. Taray pa nito, kala mo naman mayaman sa suot. Ako naman kaya ang mag-igles? naibulong ni Harriet ng kanya rin sabayan ito sa pagiging mataray. ”Yes" he said. “Ilabas mo nalang, wala na tanong-tanong ng matapos na..." Pero inirapan siya at nag-matigas. Ayaw pa rin ilabas ang kangina pa niya hinihingi. Mas iniinis si Harriet at mas tumatagal sila dahil sa pagmamatigas nito sa kanya. Iniinis ako nito Ahh! Nang parang baliwala lang rito ang sinabi ko. anito na sambit k habang nag-iisip. Iniisip kung papaano niya mapapaamin ang pilit na tumatanggi. Nahihirapan siya, dahil pinahihirapan siya. Kaya nahihirapan siyang makuha ang siyang hinahabol na makuha. Yun nalang sana makuha ko, kahit kanya na maging pitaka ko. Mumurahin lang naman, baka sakali na nagustuhan, kaya ayaw niyang ilabas. bulong na muli habang muli siyang tinarayan. Ang taray nito! Ako pang sinusungitan? Ayos rin talaga ito ng dahil sa binabaligtad ako. Ako raw itong pinagbibintangan siya ng wala raw akong hawak na ebidensya. Sa akin ang balik ng sisi dahil sa mga bintang na wala raw akong pruweba. Aba, ito na nga ba iniiwasan ko. Ayoko na sana habulin kung di lang talaga sa bagay na nais kong maibalik sa akin. Malintikan ako nito oras na makarating kay Chief. Pero anong gagawin ko ng hindi ko nakukuha na maibalik ang pag-aari ko? Gosh, bakit ba naiipit ako sa sitwasyon na ganito. Dapat sana kasi, nanahimik nalang muna ako sa bahay. Kung bakit naisip ko pang sumama kahit ayaw naman lumakad ng mabibigat kong paa. Tinatamad talaga ako, kung di lang ako napilitan. Hindi sana ako aalis. kinabuntong hininga ni Harriet na may pagsisisi na umalis pa siya ng kanilang bahay para lang sumama sa mga kasamahan. Day-off niya at dapat sa bahay lang sana siya ng maalala at ipaalala sa kanya ang lingguhan nilang pahinga. Ang makapagrelax mula sa isang linggo ng malawakan na pagod sa pagtatrabaho at pagtugis sa mga masasamang tao. Gaya nalang ng kaharap. “Wala kang evidence na kinuha ko nga ang pitaka mo. So, kung dadalhin natin ito sa mga pulis. Wala kang kawala, dahil ikaw ang tiyak na mas maaapektuhan. Gaya nga ng sinabi mo kangina, malaking abala ito sayo. Ganoon rin ito sa akin, nakita mo. Kung paano mo ako habulin para lang sa ibinibintang mo ng walang pruweba. Alam mo bang ako ang agrabyado rito at sayo ang kaso kung kakasuhan kita mula sa mga pambibintang ng walang ebidensya? Siguro naman alam mo kung ano ang nais kong ipunto rito at kung ano ang nais kong ipaalala sayo. Kaya pwede ba, tigilan mo na pambibintang sa akin ng wala ka naman makikitang pruweba." Pilit na pag-tangi, pilit na pag-iwas sa paglalabas sa sarili sa mga kasalanan ng kanyang mga kaibigan. “Ayos ka rin, babaligtarin mo talaga. Kasalanan mo, kasalan na ibabalik mo rin pala sa akin. Bakit? Dahil sa ayaw mo lang na lumabas ang totoo na ikaw nga ang kumuha at may hawak ngayon ng wallet ko." pilit rin na bintang ni Harriet. Naiinis na siya at pakiramdam na siya ang maiipit. Subalit sa tunay na Harriet, walang pwede ang siyang makawala sa mga tamang akusasyon na pakiramdam niya lang, kahit pilit na itanggi. Makukuha pa rin niya ang tama, maitatama niya ang dapat na maitama. Batay sa mga natutunan at kanyang sinumpaan. Pero, inis siya. Loko na babaeng 'toh! Pinag-iinit niya ang ulo ko. Nagtitimpi lang ako nung una pero ngayon naiinis na ako. Naiinis ako sa patuloy na pag-tangi. Makikita niya, mapagsasalita ko rin siya at mailalabas na tunay na nasa kanya ang wallet na kinuha. tinititigan niyang mabuti at nakipag labanan ng mata sa mata. Hindi siya papatalo at papagiba dahil lang sa mga pagpapaalala nito at maging sa pananakot. Isa siyang pulis na kahit kailan, hindi nagawang magpatinag na alam niyang siya ang nasa tama. Never pa siyang nagkamali sa akusasyon sa mga tinutugis at dahil lang sa babaeng ito. Lalo na hindi siya makapapayag na masira ang kanyang pangalan, lalo na pagdating sa pagseserbisyo sa bayan. Mula sa isip ni Harriet, habang ayaw rin magpadala sa mga nasambit at paalala ng dalaga. Umayos siya ng tindig. Tumayo ng diretso na itsura na hindi papatinag. “Ako ang hindi mo siguro nakikilala pa." aniya sa muli na pagsasalita. “Siguro naman, alam mo sa sarili, na hindi ako nag-aakusa lang ng walang katotohanan. Dahil kung malinis ang konsensya mo, hindi ka naman siguro pagpapawisan ng ganyan. Hindi ka makararamdam ng kaba at hindi aasta na kala mo isang bata na napagbintangan. Dahil ang katotohanan, sa sarili mo pa lang alam mo na kung ano ang nais ko rin ipunto sayo. Kaya naman, Miss, nakikiusap ako para hindi na humaba pa, dahil hindi ako nakikipaglokohan sayo. Kaya, please lang paki balik mo na ang pitakang kinuha mo kangina sa akin sa loob ng bar. Alam kong na sayo, malabong nasa mga kasama mo dahil nakita ko na iniabot sayo. Kaya, please. Pakiusap, ako pang nakikiusap na dapat Hindi ko gawin dahil ako ang biktima. Pero, please... Akin na.." sambit ni Harriet na inilahad ang kamay sa harap ng babae habang nakiusap na maibalik ang kinuha nitong pitaka. Subalit nangangalay na siya at wala pa ring inilalabas. Nagmamatigas pa rin na walang kinuha. “Wala nga akong kinuhuha sayo. Ang kulit mo rin, kangina pang sinabi na walang sakin pitaka mo at wala akong kinukuha. Bakit ba ang kulit mo rin?" Pang-gigiit nito kay Harriet, akmang tatalikuran sana siya ng mabilis siyang kinabig at iniharap muli ni Harriet sa kanya “Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap. Paano kung meron?" Sabi ko, I grinned with her. “Paano kung may makuha akong evidence na ikaw nga kumuha ng wallet ko? Paano kung meron akong makuha at maipakita sayo? Itatangi mo pa ba? Kung may hawak ako? So, pwede natin baligtarin ang sitwasyon at ako ang magrereklamo, dahil ako ang agrabyado. Dahil sa mga maling akusasyon mong nagsisinungaling ako para sa pagsabi na nasa sayo nga ang kangina ko pa ipinalalabas ng makiusap ako. So, ganito naman gusto mo. Mabuti 'nga kaya na sa police station tayo." sabi ni Harriet ng may banta. Pananakot na may pagpapaalala. Ngunit, muli na itinanggi ng babae. “Ang kulit, wala nga sa'kin." “Paano, kung mapatunayan ko? Anong kapalit? Anong maibibigay mong kapalit? Isang gabi sa presinto?" Harriet smirked. Habang natahimik ang babae. Nawalan ng kibo at hindi pa muna nakasagot. “Ano, Miss?" Naghihintay si Harriet na sumagot ito ng biglang tumahimik at nawalan ng kibo. Bakas sa mukha ng balutin ng kaba, kabang-kaba ito mula sa mga naging itsura na hindi na maipinta sa katok nito mula sa sinabi ni Harriet. “Natatakot ka bang may makuha ako at makita na ebidensya na magpapatunay na ikaw nga ang kumuha at hindi ang ilan sa mga barkada mong kasama kangina? O baka naman natatakot ka na duon tayo sa presinto magpaaminan at duon ka matutulog ngayong gabi ng dahil sa pilit na pagtanggi mo?" Harriet laughed, habang pinagmamasdan ang mukha ng babae. Sobrang namumutla na siya! Harriet said habang natawa nalang ng hindi na niya napigilan. Kaya muli ay sinabi ng may tudyo at panunukso. “Tila kinabahan ka ata?" Harriet said jokingly, habang muli niya tudyo. “Heto, panyo pahid mo sa malagkit mong pawis na tumutulo sa iyong nuo. Ayan, isang matibay na patunay. Ngayon pa lang bakas na sayo, sa itsura mo kung sino sa atin ang nagsasabi ng totoo at ang pilit na tumatanggi na siyang nagsisinungaling. Sa itsura mo, kita na ikaw ang nagsisinungaling sa ating dalawa." Harriet respectfully said to her. Sa babaeng malalalim ang iniisip. Nakangiti si Harriet habang kanyang pinagmamasdan ang babae na malalalim ang pag-iisip. Gulo na rin ang isip ng babae sa naiipit na sitwasyon. Iniisip nito ang magiging katutunguhan sa patuloy niyang pagtanggi mula sa pitakang nakuha. Pero natatakot siya na baka nga dalhin siya nito at matulog ng magdamag sa presinto na hindi maaari na mangyari sa kanya ngayon. Alam ni Harriet na ngayon pa lang natatakot na talaga ang babae sa kanya. Bakas naman kasi ang kanyang nakikita kung papaano ito natahimik. Matapos ang maraming paulit-ulit na pagtanggi mula sa pagkawala ng kanyang pitaka na kinuha ng groupo na mga kasama ng babaeng kas harapan. Subalit dahil sa kanyang nakita na itong babae na pilit na tumatanggi ang nakitang kumuha at may hawak. Siya naman ang nakaramdam na mapaglaruan ang babae sa pananakot na una ay ang babae ang gumawa sa kanya. Hindi rin naman niya sana gagawin at patagalin kung ibinigay lang nito at nailabas ang kanyang kangina pa hinahabol na makuha rito na pilit rin naman na naitatanggi at ayaw pang ilabas kaya naman sila tumatagal dahil sa makulit nitong pagpapatagal sa kanilang pag-uusap. “Siguro naman ilalabas mo na, di ba?" nakailang salita na si Harriet. Sa kakaputak niya walang sagot. Hindi pa rin nasagot ang babae at patuloy lang siya sa kanyang pananahimik. Para bang napakalalim ng iniisip sa isip ni Harriet na ganoon nga ngayon ang babae dahil sa makailang ulit na siyang daldal ng daldal at magtanong ng wala naman kahit isang sagot. Pati si Harriet napapaisip. Kangina pa bago niya sundan at kumprontahin ang babae. Pinipigilan na siya ng kanyang mga kasamang pulis na huwag ng sundan ang babae na kumuha ng pitakang walang laman. Dahil sa una pa lang. Alam na ng kanyang mga kasama na hindi siya mahilig maglagay ng pera sa kanyang pitaka. Kaya naman ang sabi ng mga ito. Harriet, huwag mo ng sundan. Total, wala rin namang laman. Pinagtawanan pa siya dahil sa kanyang pamimilit na masundan ang mga babaeng kitang-kita niya na kumuha ng kanyang pitaka. Kaya ng makita ang siyang may hawak at dala. Agad na nagdesisyon na masundan ito. Maging mga kasama niya napailing nalang na sinundan na rin ang kalokohan ng maisip na kanyang bahagyang takutin para naman magtanda ang groupo. Subalit, mabibilis ang mga kasama nito. Naiwan mag-isa ang babaeng ngayon ay kanya lang nasundan. Ang babaeng may dala ng kanyang pitaka na pilit pa ring ang pagtanggi. Kaya naman habang kanyang nasusundan ang babae. Nakagawa pa siya ng desisyon na kangina pa lang talagang naisip niya. Hindi na nga lang sana itutuloy ng dahil sa pagdadalawang isip ni Harriet. Pero, dahil sa pagmamatigas ng babae. Naisip niya na turuan na nga ito ng lesson para naman maisip na mali ang ginawa nila sa kanya ng dukutan siya at ngayon pahirapan pang mabawi ang nakuha sa kanya. Mabuti pa talaga, maturuan na nga siya ng lesson. Kangina pa ako pinahihirapan. Tinatarayan at sinusungitan. Teka nga, nang muli siyang magsalita. At sa wakas nasagot ang dalaga pero pagalit at magaspang ang pagkakasabi. “Wala sa akin, nasa kasama ko. Bakit ba sa akin mo pilit na kinukuha ng wala nga sa akin." Sa takot ay nagsalita na ito. Subalit pilit pa ring itinanggi na wala siyang kinuha na kahit ano. Natulo na ang pawis nito. Pinagpapawisan na siya mula sa suot nitong green fated dress na may suot na sapatos na sobrang dumi. Napakarami ng suot ng babae, kaya naman si Harriet na pigil sa sarili. Inayos ang sarili na wag magpaapekto sa nakita na itsura ng babae. Ano bang klase na babae ito? naibulong niya ng mapansin ko ang suot. Hindi maalis na hindi mapagmasdan ang kabuuan ng babaeng kaharap. Napalunok muna siya at napabuntong hininga. “Miss, nakita ko." aniya turo “Ikaw, ikaw ang kumuha, hindi ang mga kasama mo. Nakita ko, nakita ko na nasa sayo. Kaya ilabas mo na... Alam kong nasa sayo pa ang wallet ko, kung bakit ayaw mo pang ibigay na alam mo naman na wala naman laman." Harriet's loud laugh, natawa nalang siya ng namutla sa pagkakaturo niya. Natutuwa si Harriet sa kanyang nakikita mula sa putlang itsura ng dalaga. Ginanahan siya tuloy na mapaglaruan nalang muna ang babae at bahagyang takutin. Siguro naman, ngayon ay natatakot na siya at aamin sa kanyang nagawang mali. Sa itsura niya lang para na siyang lalamunin ng lupa at maging itsura ng kanyang pustura nakakatawa. Bagay na bagay sa kanya na ngayon na nadudurog na siguro ang pride sa pamimilit na wala siyang ginawa at pinagpipilitan nitong wala siyang kinuha. Masyado siyang mapride, nang ako ang kanyang baligtarin. Ngayon? Ano na at putlang-putla. Nabubulong habang binabasa ang naiisip na naiisip ng dalaga. Napahimas pa siya sa kanyang maliliit na balbas na nasasalat. Pero wala akong balbas. anito na siyang sambit ng maisip na kakaahit nga lang pala niya mula ng magising at makaligo bago siya umalis ng kanilang bahay. Dahil sa day-off niya ngayon at natapat sa usapan ng kanilang barkadahan na magtungo sa bar. Weekly, once a week kung sila ay magtambay sa mga bar sa loob ng isang araw sa isang linggo laman sila magkakaibigan sa bar. Pero hindi naman niya akalain na mangyayari ito sa kanya sa paggagala nila at pagpapalipas oras sa isang bar kung saan may magagandang babae ang nilalaman. Isa sa bar kung saan may pinakamagagandang babae sila nakikita. Sa Thomas Morato, madalas sila magtungo. Minsan naman ay sa Malate, Manila malapit ng bahagya sa madalas nilang ikitan ng tropa. Subalit kung sa Malate sila sa mga KTB sila madalas pumasok. Sa maraming bakla na madalas may mga nagpe-perform ang madalas na kinagiliwan nila. Hindi dahil sa mama-makla. Kundi para maaliw at mag-bawas ng stress sa buong linggo ng kanilang duty. Sa dami ng kanilang trabaho sa station. Madalang nalang sila makapag-libang at makapagrelax. Kung minsan pa nga ay wala na rin sila pahinga ng dahil sa madaming utos ang kanilang Chief. Lalo na kung may mga biglaan na by pass operation na kinakailangan nilang trabahuhin. Kaya kung sa KTB sila sa malate, wala silang ginawa kundi ang tumawa mula sa mga makukulit na bakla na mga performer sa bar na madalas rin silang kagiliwan na okrayin at batiin sa tuwing tatambay sila. Nakakabaliw Nakaaaliw Nakakalibang at madalas pang lapitan sila at lalandiin sa harap ng maraming nanunuod. Syempre, dahil gwapo si Harriet, maging mga katropa niyang pulis. sa kanila ang buong atensyon sa loob ng bar. Kagiliw-giliw, subalit ngayon araw. Minalas nga talaga siya dahil sa ito ang nangyari sa kanya. Nakatitig at tiningnan siya ng masama. “Matunaw naman ako." Harriet joked with the girl who was looking at him and stared at him while he teased her. Ngunit imbis na natawa ay napikon pa. Inirapan siya ng babaeng kasama. Sa halos isang oras na pilitan. Madalas siyang mairapan. Hilig niyang mang-irap. sambit na bulong at kanyang sinabi rito. “Pitaka ko ilabas mo na..." sambit ni Harriet, winika niya ng pabiro, pero hindi siya tumawa. Dahil pinigilan niya, pero ang babae, inismiran siya. Loko talaga! anito ni Harriet, may ngiti ng dahil sa naaaliw na siya sa babaeng kasama. Napag-isip pa nga siya ng magsalita. “Wala nga sa'kin pitaka mo. Ang kulit mo! Sinabi na wala nga... Gusto mo puntahan mo yung mga kasama ko kangina ng makita at makuha mo yung pitaka mong walang laman." masungit na pagkakasabi na may talim ang tingin. Sa wakas, nadulas at halos maamin na nito. Mas lalo lang tuloy na ginanahan si Harriet na mapagtripan at mapaglaruan ang babaeng may magaspang na ugali. Napaisip siya. Ano kayang maganda na gawin ng tuluyan na siyang mapaamin. Konting-konti nalang maaamin na niya. sambit ng muli na may napaisip ulit. Posasan ko na kaya? Baka sakali mapaamin ko na kung duon kami sa station magpaaminan? Tila, maganda naisip ko. Sa station kami. Para mas maisip niyang maling-mali ang kanyang ginagawa. Ayaw pang ibigay! Ayaw pang aminin. Kaya mabuti na tama ang kanyang naisip. Dahil baka sa pagkakataon na yon. Makuha at mabawi na niya ang kangina pa sana nakuha. Pero dahil sa panay pagmamatigas. Lalo lang sila tumagal. Kaya naman ang mga tropa niyang nagkubli malayo sa kanila. Aliw na aliw mula sa babaeng kangina pa kasama. Kaya naman, naglaro sa kanyang isip na duon na sila sa station magkaroon ng interrogation. Baka nga duon mas mapilitan na siyang umamin. Yon na kaya gawin ko? Yon na nga at nakapagdesisyon na siya. Habang napasulyap muli sa kanyang tropa. p--pweeeee! aniya ni Harriet ng bigla siyang makasinghot ng powder na halos bumara at hindi makahinga. Simple siyang mabilis na dumura sa gilid. Bwisit, iniinis talaga ako... nang bigla nalang tumakbo yung babae ng muli siyang mag-angat ng mukha. Bwisit, talagang sinusubukan ako, makikita mo. Inis ni Harriet na bulong at kumaripas na rin ng takbo upang habulin ang babaeng nagpapasakit ng kanyang ulo. Napupuno na rin si Harriet, habang kanyang hinahabol. Siya rin ang bulong. Naghabulan sila, subalit mabilis man ang naging takbo. Nagawa rin niyang maabutan ito. Kinabig niya ang babae at akmang babaltakin na sana ng bigla naman pumalag. Sakto sa mukha niya ang polbos na muli nitong sinaboy sa kanya. Maswerte lang si Harriet ng magawa niyang mahagit ang babae at mahawakan sa braso ng kakaripas na sana muli. “Let go of me. You don't understand? I said, let go of me. Crazy, poor man." nang muli ay naging inglesera ito. Pilit na pumapalag, pilit na kumakalas sa kanyang pagkakahawak. “Wala ka bang alam kung hindi ang mag-english? Hindi ka naman itsurang mayaman. Mukha ka 'ngang galing sa basurahan. Tingnan mo nga sarili mo. Para kang dugyot na walang pinagkaiba sa mga taong grasa na nakatira, diyan.. diyan sa mga bangketa." inis na sambulat ng masinghalan. “Nakita mo kung anong hirap ko, mabawi lang yung kinuha mo. Kaya ibigay mo nalang para tapos na... Hindi ganito, pahirap ka pa. Ngayon nagpahabol ka pa, ano ka bata?" magaspang na biro. Inis niya ng sasampalin sana siya ng makaiwas. Buti nalang talaga at mabibilis din ang kanyang nagiging galaw at inalerto na ang sarili mula sa babaeng palaban. Kaya naman hinawakan niya ng maayos. Hila sa braso ng hatakin. “Halika, sumama ka sa'kin." kanyang sinabi ngunit nagpapalag ito. “Hindi na uubra arte mo. Sumama ka!" Sabi niya inilabas na ni Harriet ang kinatago na posas sa kanyang likod. Nahugot niya yon nv pilit abutin habang hawak ang babaeng panay pagpupumiglas. Nanlaki ang mata ng babae at inilabas agad ang pitaka ni Harriet. “Heto na wallet mo." sa punto na yon ng makapag labas siya ng posas. Duon naging malambot ang babae at inilabas agad ang kanyang pitaka. Natawa si Harriet. Kinatawa niya ang naging reaksyon ng babae ng mamutla at matakot ito mula ng mailabas ang posas at akmang ipoposas na sana niya sa kamay nito. “Ilalabas mo rin pala. Talagang pinahiran mo pa ako? Grabe, nasaktan na rin naman ako. Ituloy na natin ang larong inumpisahan mo." aniya ng makuha ang wallet at ibinulsa sa bulsa niya. “What?" gilalas na muli may malalaking mata. Sa gulat na kinapitlag nito. “Ibinigay ko na.. Ano ba pang kailangan mo?" “I am so sorry! Pero nagbago na isip ko at hindi lang wallet ko ang nais ko ngayon. Sumama ka sa akin sa station ng duon natin ipagpatuloy ang interrogation ko sayo. Baka mamaya, hindi mo lang sa'kin ito ginawa at may ilan pa akong makuhang biktima na isa sa mga pinagkatuwaan niyong magbabarkada. Mabuti pa sa presinto tayo magtuloy ng malinaw din sayo na para lang ito sa iba pang posibleng nabiktima niyo." anito ni Harriet ng maisabit na ang posas sa kamay nito. “Naibigay ko na.. Bakit kailangan pang posasan mo ako?" giit nito. Pakawalan siya, dahil wala naman siyang kasalanan. Ibinigay na rin naman ang wallet bakit kailangan pa siyang dakipin. Pero hindi nakikinig si Harriet. Ang kanyang atensyon nakatuon sa mga kasama na nagsisitawa malayo sa kanila. Nagawa ng mga ito na masundan sila ng magawang makipag habulan ng babae ng kanya itong mabitiwan. Sinenyasan niya ang mga kasama na tutungo sila ng presinto. Sa station na sila maghaharap ng babaeng hawak. Nakapagdesisyon na rin siyang mabuti na mabigyan lesson ang ginawa nito. Kahit alam niyang maaari pa rin ulitin. Dahil sa itsura ng babae. Matigas, mahirap palambutin. Nahirapan nga siya. Nasaktan pa nga. Kaya naman siya ang babawi oras na madala niya ito sa station. Wala sana siyang balak na ganito ang kalabasan ng gagawing pakikipaglaro. Makaganti lang sa pagkatuwa sa kanya ng mga tropa nito. Mula ng masundan ang groupo na naglaro sa kanya sa loob ng bar. Narinig ni Harriet na napilitan lang ang babaeng sumunod sa mga ipinag-uutos sa kanya para lang mapatunayan ang kanyang sarili. Kaya ayun na nga. Mabigat man sa kanya. Nagawa nito na kuhanin ang kanyang wallet. Malas nga lang dahil sa mabibilis rin ang mga kasama nito na naiwanan nalang siya ng ganuon nalang. Kaya, heto at ito lang ang mabibigyan niya ng kanyang lesson ng maisipan na mali ang mga pinaggagawa. “Ano ba?" aniya nito kay Harriet. Mas hinigpitan ni Harriet ang kanyang hawak. Nasaktan ang babae kaya naman mas nagpumiglas ito muli. Nasaktan pa nga siya ng pilit na kumakalas sa kanyang pagkakahawak. “Bitiwan mo ako." aniya na sambit. “Manahimik ka nga, papasakan ko yang bibig mo oras na di ka tumigil sa kakaputak riyan." pananakot ni Harriet ng lakarin nila ang daan na kanilang pinagmulan kangina ng mag-umpisa silang maghabulan. Nakahinga rin si Harriet.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook