CHAPTER 2

5000 Words
Hirap na hirap si Harriet na bitbitin ang babaeng hawak niya. Pilit pa rin kasi ito nasigaw at patuloy sa kanyang pagpupumiglas. May oras pang kinagat siya habang hawak ang braso nito at hila papunta sa car na dala. “Aray, sumusobra ka na..." inis na may daing ng kanyang sambitin. Namula agad at may malaking bakat buhat sa bumaon na ngipin. Inis na siya at halos nais na sana niya ito patulan sa mga pagiging arogante. Kababaing tao. Daig pa ang lalake ng bigla na naman siyang danggusan. “Grabe, babae ka ba?" ani ni Harriet habang himas ang masakit na tinamaan. “Sumusobra ka na... Isa pa makikita mo hanap mo. Hindi lang posas, baka gagapang ka na oras na di ka pa tumigil kakapumiglas. Pag-nainis ako, babaliaan na kita." ani na may pananakot ni Harriet. Inis na talaga siya dahil sa marami ng beses siyang nasaktan. Dahil sa pagpipilit nito na magpumiglas para lang makawala sa kanya. Pero hindi niya hahayaan na makawala ito. Hindi niya hahayaan na hindi managot ang babae sa kanyang mga natanggap na masasakit na salita at banta. Maging ang mga p*******t na kanya ring nakuha. Kaya pilit niya kinapitan mabuti para mas lalo lang itong hindi makapalag at makatakas. Binantaan niya rin ito subalit tiningnan lang siya ng masama nito. Nagpatuloy lang sila sa paglakad habang hindi niya binibitawan ng bigla na naman ito nagpumiglas. “Hindi ka ba titigil? Kahit anong gawin mo, hindi na kita bibitawan. Kaya pwede ba manahimik ka nalang at sumunod o gusto mong magkabali-bali itong buto mo sa kakapiglas? Baka nais mong gumapang nalang habang papunta tayo ng station? Pwede rin. Gusto mo ba? Babaliin ko na... Isa, dalawa.." “Let me go. Bitiwan mo kasi ako." Sigaw ng matakot sa banta ni Harriet. “Ilang beses ba ako makikiusap? Ibinigay ko na nga, bakit pinahihirapan mo ako?" maarte nito na sabi. “Bakit kailangan pang bitbitin ako? Binigay ko na nga hindi ba? Ano ba, bitiwan mo na ako sabi." “Bakit? Nung nakiusap ba ako, pinakinggan mo? Nung ilang beses ako nakiusap, nakinig ka ba? Pinagbigyan mo ako? Hindi na ikaw ang may gawa nito? Nakikita mo? Nakikita mo naman kung ano ang ginawa mo sa akin, kangina ng oras na nakikiusap ako. Pero, kahit isang beses nakinig ka ba? Hindi naman di ba? So, anong purpose para pakinggan ko ang pakikiusap at paliwanag mo? Kaya sa station na tayo mag-usap ng duon ka matulog..." napasinghap siya, kinabuntong hininga habang patuloy na nagpapaliwanag sa walang utak na bitbit niya. “Isang galaw mo pa, makikita mo na.." asar na pagkakasambit na natitigang mabuti. Natitigang mabuti niya ang babaeng nakasimangot naman. “Tama yan, manahimik ka lang. Dapat lang maging behave ka habang wala pa tayo at hindi nakararating ng presinto. Subalit nagkamali na naman si Harriet, dahil ang pagiging tahimik at inakala na natakot na niya. Hindi pala, nang isang malakas na pag-atake ang ginawa nito. Muntikan na siyang mahagip, muntikan ng mahagip ang kanyang mukha ulit. Buti nalang talaga at mabibilis ang kanyang isip at mata ng mapansin iyon. Dahil kung hindi talaga. Mamumuntikan na siyang tamaan sa kanyang pinakaiingatan na gwapo niyang mukha. Yung gwapo kong mukha, muntikan na. Talagang iniinis ako. Abay masakit yon kung nagkataon na tinamaan ako. ani ni Harriet, matapos na makabawi sa ginawa ng babae. Habol siya sa kanyang paghinga. Kinabahan kasi siya, sa lakas nuon maaari na maibagsak siya. Maari na mabasag ang kanyang kay kinis na mukha. Buti nalang talaga at mabilis ako. Kundi ay tinamaan talaga ako nuon. Nakahinga na nga ako ng maluwag ng maposasan ko ang magkabila niyang kamay. Hawak-hawak ko siya sa braso ng aking siyang hilahin papalakad papunta sa car. Subalit kahit nakaposas na nagagawa pa rin niyang manlaban. Ito talagang babaeng ito! Aba't sukat naman akong tinadyakan ng walang hiya... Arayyyy. Pigil na pigil ang kanyang hininga. Makaiwas lang maramdaman ng sobra. Sobrang sakit non! ani Harriet, sambit habang namimilipit siya sa sakit ng akin siyang tingnan. Talaga na mukhang nagkamali ata siya sa naisip na baka sakali na magiging okay na sana ang kanyang pagbibitbit sa babae. Subalit nagkamali siya ng kilos sa pagtatangkang pagbibiro at konting pananakot para sa kanyang binuong plano ng plinano niyang maturuan ito ng leksyon. Subalit, heto at nasktan na naman siya. Namimilipit sa sakit. Hindi makapabawi sa lakas ng natamo buhat ng bigwasan siya at tuldukin ng mapunterya ang kanyang sikmura. Muli na napabuga, nakayuko habang ang babae hawak pa rin. Hindi niya ito nabitiwan. Nasaktan man, mas kanya pang hinigpitan ang hawak sa braso nito ng tangkain na kumawala at tumakbo. Pinasasakit talaga ang ulo ko ng babaeng bitbit ko, 'na nahawakan ko pa rin sa braso at hindi nabitiwan. Buti nalang at hindi ko siya nabitiwan ng mapansing kong tatakbo sana ito. Nahawakan ko agad ito ulit... ani ni Harriet ng mag-aangat sana ng mukha. Ngunit napansin agad nito ang isang binti na papaangat. At ang ulo nito na sanang gagamitin muli para mabigwasan siya muli. Ulo, kasi ang siyang ginawang pang bigwas kay Harriet ng saglit siyang mawala sa sarili. Natiis lang niya ang sakit, subalit ng akala niya at tatadyakan ang kanyang paa, sa pag-iwas na ginawa. Sa sikmura pala ang siyang puntirya. Kaya, ayan at ramdam na ramdam pa rin nito ang sakit at hapdi ng mapansin ang ulo niya pala ay may bahagyang dugo. Tiningnan niya ng masama ang babae. Inisip na hindi na siya makapapayag na maisahan pa muli siya. Pahirapan na ang nangyari sa pakikipaglaro niya para lang makaganti dahil sa paulit-ulit na p*******t. Ilang beses, marami na beses siyang nagtitis mula sa makailang ulit na nasaktan. Kaya't sa pangalawang pag-angat ng kanyang paa, mabilis naman iyon naiwanasan ni Harriet, nakaiwas siya at hindi iyon tumama sa kanya ng kanyang sinalo yon ng kanya itong bitiwan at siyang tulak niya naman sa babae dahilan para ma-out of balance ito at pabagsak na bumagsak sa semento. Di nakaganti rin ako sa kanyang ginawa. Tawa tuloy ng tawa yung groupo niya na kasama sa kanyang ginawa, nang mapatumba niya ang babae na hawak dahil sa ginawang pagtulak niya at matumba. Pero, hindi naman siya totally bumagsak sa lupa. Dahil bago pa man sumayad ito, nasalo ni Harriet ang babae. Dahilan para magkaroon ng contact ang kanilang mata. Nabigla yung babae na napatigil at natulala. Sa takot, kaba at sa pagsalo sa kanya ng malakas siyang naitulak subalit mabilis rin si Harriet at nasalo siya ng mahawakan sa kanya beywang. Nagtama ang kanilang mga mata. Hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ang babae sa ginawa na yon ni Harriet. Subalit ng matauhan. Agad itong nag-iwas ng tingin. Nakaramdam ng pamamaso, maging pagkahiya sa kanyang makailang ulit niyang p*******t rito. Subalit, sa lahat ng yon. Nagawa pa rin siyang saluhin. Wag lang masaktan mula sa lakas ng pwersa ng pagkakatulak at dahilan para mawalan siya ng balanse at pabagsak sana... “Maswerte ka, hindi ako gaya mo. Kaya, sumama ka nalang ng maayos kung ayaw mong masaktan. Wag ka ng manlaban. Dahil, kahit anong gawin mo. Hindi kita pawawalan. Kaya maayos ka ng sumama." ani Harriet, umayos sa pagkakataon at hinawakan na muli ang babae sa braso. Maswerte siya nang dahil nag-ala super hero pa ako huwag lang siyang tuluyan bumagsak sa lupa. Langyang buhay na ito! Nakaganti na sana ako sa sakit ng paa ko, braso na kinagat niya, ulo ko na pumutok ng dahil sa ginawa niya kangina at maging nananakit na sikmura ko ng dahil sa kanya ring pagpupumiglas. Subalit sa lahat ng tinamo ko, hindi ko kinayang makita siya na bumagsak sa lupa at masaktan. ani na bulong muli ni Harriet, nakatitig sa babae. “Halika na, lumakad ka na ng makarating na tayo sa sasakyan ko. Umayos ka na, nang mabilis na tayo makarating ng station." aniya, ramdam pa rin ang p*******t ng sikmura na napahawak pa siya gamit ang isang kamay. Habang ang isa sa braso ng babae. Ano ba naman na kamalasan ang nakuha ko ngayon, itong gabi na ito ang pinaka-worse case na naranasan ko mula sa mga paglabas-labas namin ng tropa. Kahit minsan, hindi pa ako napagtripan ng ganito. At lalo na, mga babae pa talaga... Babae, jusko naman... Alam ko lang, hinahabol lang nila ako, dahil sa gwapo at naaakit sa gandang lalake ko. Pero, kakaiba itong araw na kinasangkutan ko at sa babaeng ito sumasakit ang ulo ko. Pinasasakit niya ang ulo ko, nasaktan pa ako, nabugbog na hindi ko naranasan sa ibang babae na nakikilala namin sa bar. ani Harriet, hindi maka-move on na ganito ang mga nasangkutan. Ganito ang kanyang napasukan. Ganito ang kanyang mga naranasan mula sa kagustuhan lang makapagrelax sa isang linggo na puno ng trabaho. Stress, pagod at sakit sa ulo mula sa maraming cases na kanilang assignment mula sa chief nila. Pero, ayon na nga! Dahil ganito ang kinalabasan ng lahat. Ganito ang kanyang kinabagsakan... Bumilis ang kanyang lukso, pintig at kabog. Yung heart beat, nawala maging sa ayos habang nakatingin sa mukha ng babae na nakatingin rin pala Halos sabay sila nagkatinginan ng sabay sila magkabalingan. Harriet! What are you doing? nang maitanong niya ang sarili. Bigla nalang kasi tumigil ang mundo niya. Nang matitigan mabuti at mapansin na maganda pala sa malapitan ang babae. Ganon rin ito, subalit iba sa nasasaisip ni Harriet ang nasasaisip na naman ng babae. Dahil sa kanyang pagkalingat, hindi na niya napansin agad ang pagngisi nito ng magkaroon ng pagkakataon ng mapatigil ng matitigan niya ito. Kaya naman sa naging pagkakataon, nang makasilip ng chance niyang makatakas at makawala sa pagkakahawak sa kanya ni Harriet. Mabibilis ang naging galaw nito at sa punto na yon, agad naman siya nakaisip ng kanyang aksyon. Umiikot ang mundo ni Harriet, na may maraming naglipad na ibon sa ibabaw ng kanyang ulo. Hilong-hilo siya at hawak ang nadugong ulo mula sa kangina na tinamaan nito. “Dugo!" aniya habang napagmasdan ang bahid ng dugo sa kanyang kamay. Nabitiwan niya ang babae at nakatayo ito sa kanyang harapan na nakatingin sa kanya. Sa pag-angat niya ng tingin nakita niya ang nakangisi na mukha nito habang siya naman nakangiwi sa sakit at galit na mukha ng dahil sa inis. “Sumusobra ka na... Talagang sinusubukan mo ako." ani Harriet at muli napahawak sa dumudugong ulo. Napakasakit nuon at ramdam ang hapdi nuon. “Humanda ka sa akin!" aniya ng bigla naman kumaripas ito ng takbo. Nagtatakbo na naman ang babae at muli na nagpapahabol. Hindi agad nakabawi si Harriet mula sa sakit ng pagkakauntog sa kanya ng pasaway niyang bihag. Napapabulong pa siya habang napabuntong hininga ng pagkalalim. Asar na! Naalog ata yung utak ko sa lakas ng ginawa nito. Grabe sobrang sakit. Samahan pa ng pagdugo ng kangina na siya rin niyang inuntog. Siya may gawa... Humanda ka talaga.. Hindi na ako makapapayag na makatakas ka pa. ani Harriet at inalog-alog pa yung ulo ng maiikot sa makailang beses mawala lang ang hilo na kanyang nararamdaman. Umiikot pa rin kasi ang kanyang paningin mula ng maiuntog ng malakas ang ulo ng babae na kala mo hindi nasaktan. Dahil sa malayo na rin ang natakbo nito ng maiwan si Harriet. Sobra na talaga siya, makikita niya talaga. Hindi na ako papayag na mabitiwan pa siya at hindi madala sa station. Sisiguruhin kong makakatulog siya roon at pahihirapan ng kapwa preso. Makikita niya... muli na nasambit habang nawala na ng bahagya ang pagkahilo at naghanda na siyang tumakbo upang habulin ang babaeng nanakit sa kanya. Kahit masakit, nahihilo at naikot ang paningin. Sige lang si Harriet sa ginawa niyang paghabol. Hindi na siya makapapayag na makalayo ito at hindi mabitbit sa station at hindi makaganti sa lahat ng pahirap at p*******t nito. Takbo, takbo siya habang natatanaw na niya ito. Humanda ka, maaabutan rin kita. Pinilig niya ang kanya ulo para makabawas muli sa pagkakahilo at nang mahimas-masan na siya ay mabilis na siyang tumakbo para muli na habulin ang kumaripas naman na babae. Sige ang habulan nila na nagagawa pang mapalingon ng babae at nang makita ang nalalapit na muli na pagkahuli ng dahil sa liit nalang ng distansya nila ni Harriet. Sige, takbo at binilisan pa niya. Hanggang sa wala na... Nahuli na muli siya at mahawakan ni Harriet sa braso. “Huli ka!" sabi ni Harriet, he smirking with her. At napahawak sa kanyang nuo. “Masakit pa rin." sambit na naibulalas ng nasalat ang nadugo at ayaw tumigil na sugat. “Nakita mo ginawa mo." aniya na sabi ng mapailing ng kalugin ng iwaksi ang nahihilo niyang pakiramdam. “Matapos mong gawin lahat ito sa akin, tatakas ka pa? Akala mo ba talaga na hahayaan kong makatakas ka para sa lahat ng sakit at hirap ko kakahabol sayo. Hindi ko palalagpasin ang lahat ng ginawa mo. Lalo na lahat ng p*******t mo sa'kin. Kaya, humanda ka. Matutulog ka talaga ngayon magdamag sa station. Hindi ko hahayaan na makauwi ka pa ngayong gabi... Hanggang sa mga susunod na araw ng malaman mong kasalanan mo at mapagsisihan mo lahat ng ginawa mo sa akin ngayon." sabi ng nahihilo pa rin, kapos sa pagsasalita ng dahil sa pagkakahingal sa ginawa niyang pagtakbo, mahabol lang ang kumaripas na bihag na pilit na nagpumiglas na makatakas at makawala sa mga kamay niya. “Tandaan mo ito, itatak mo sa kokote mong bulok. Kung akala mo, gaya ako ng ilang madalas mong takbuhan. So, nagkakamali ka. Dahil, hindi ako gaya ng mga madalas mo ring mabiktima. Hindi ako basta-basta na nagpapakawala ng mga bihag. Lalo na at may ginawan ako ng kagaya lang ng ginawa mo sa akin ngayon. Akala mo ba palalagpasin ko ito? Lahat-lahat ng ginawa mo? Akala mo, hahayaan ko na makawala ka nalang ng ganoon at matakbuhan ako, matakasan ng ganoon nalang. Pwes, nagkakamali ka ng iyong inakala. Dahil hindi mo na ako matatakasan pa, sasama ka talaga at sisiguraduhin kong matutulog ka ngayong gabi sa loob ng rehas ng madala ka sa ginawa mo sa'kin ngayon. Maging sa mga naging biktima mo pa. Sisiguruhin kong marami pa ang siyang dadating para masampahan ka ng reklamo. Dahil sa lahat ng mga napagdaanan ko ngayon, nakita mo ito? Kababae mong tao, nananakit ka ng may katungkulan. Hindi mo ba alam na pulis ako, pulis ang siyang napili niyong biktimahin. Ang sinaktan mo ng makailang ulit. Hindi mo alam na maari kita sampahan ng pagkaraming kaso sa mga nakuha ko sayo at sa pagnanakaw ng wallet ko. Huhh.." galit na si Harriet. Pinagbantaan na rin niya ito mula sa mga natamong sugat at pagod sa paghahabol. Sa inis niya, pinisil niya ang braso na hawak. Dahilan para mapadaing ang babae at mapaaray. “Ouch!" “Nasasaktan ka? Yung ginawa mo sa akin. Palagay mo, hindi ako nasaktan? Mas matindi pa diyan ang sakit na ibinigay mo." muli na pinisil ng mahigpit niyang hinawakan ito sa braso. “Masakit, ano ba! Let go of me. Nasasaktan ako. Sabing nasasaktan ako." sigaw na nagpumiglas. “Ngayon nasasaktan ka? Ayan, kung hindi ka pa masaktan." nang kanyang itulak ito at bumagsak sa simento ng sabihin nito “Bitiwan mo nga ako." binitiwan nga niya at itinulak pa. Masama ang tingin nito sa kanya at nanlilisik ang mata. “Ano? Masakit ba?" Ani ni Harriet ng muli niya itong buhatin sa braso at itayo. “Ano ba, nasasaktan ako." Paulit-ulit na naman nito sinasabi habang pilit na kumakalas sa pagkakahawak ni Harriet sa kanya. Mas hinigpitan na ni Harriet ang hawak rito ng hindi na muli ito makawala at makapagpumiglas. Maging ang makaisip ng gagawin pagtakas. “Nasasaktan ka? paano naman ang ginawa mo sa'kin?" muli niyang itinanong ng may maangas na pagkakatanong, nang hindi niya rin naiwasan na hindi matawa sa kanyang nakita dahilan para siya ay matawa. Ang malaking bukol nito sa nuo ang naging dahilan para matawa nalang bigla si Harriet. Kung siya pala na pumutok ang ulo, meron rin pala sa babae. Ang dalawang bukol na napakalaki ang nagbigay kasiyahan kay Harriet. “Bakit ka tumatawa?" tanong na sabi sa kanya nagtaka. Sumiryoso naman ng tindig at mukha si Harriet habang inilapit ang mukha sa mukha ng babae. “Anong akala mo hindi masakit yung ginawa mong pag-umpog ng ulo mo sa ulo ko, pagtadyak at pagsuntok mo? Maging ang bigwasan ako at sikmuraan. Palagay mo, lahat ng yon baliwala at hindi ako nasaktan? Tulad mo, alam kong masakit rin yan." turo niya sa magkabilang bukol nito sa nuo ng may panunumbat, panunukso na sinabi rito. Nais niya lang naipamukha o maisip nito na nasaktan siya ng maraming beses. Kaya kahit paulit-ulit niya pang ipaalala. Baliwala, basta sa kanya. Mapaisip sana rito na maling-mali ang ginawa. Maling siya pa ang ginawa nito na mga biktima. “Mabuti nga yon sayo, gago mo kasi. Siraulo, sino ba may sabi sayo na sundan mo ako? Para sa pitaka na wala naman laman, nagawa mong habulin ako at makipaghabulan. Kung hindi ka ba siraulo, bakit hahabol ka pa. Kung hinayaan mo nalang sana ako makaalis at makawala. Hindi sana, 'di ka nasaktan. Gago ka eh, ikaw rin may gusto niyan. Kasalanan mo kung bakit nangyari sayo yan. Gago, Gago..." Sagot na pagmamatigas ng may magaspang na salita. Ito pa ang nagagalit kay Harriet at siya pang nasisisi mula sa mga p*******t na nakuha. “Let go of me. Bitiwan mo nga sabi ako, ano ba... Bobo ka ba? O, baka hindi ka naman nakapag-aral ng maayos. Kaya, hindi ka makaintindi na bitiwan ako. Ano ba, makawala lang ako. Ikaw..." Pilit na kumakalas pero di magawa sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Harriet. “ Ano ba, nasasaktan ako. Bitiwan mo nga ako." paulit-ulit nitong sabi na pinipilit na binabatak ang braso niyang hawak ni Harriet. Subalit mas hinigpitan pa ulit ito ni Harriet sa pagkakahawak niya sa braso nito. Hindi na siya basta makawawala dahil hindi na rin makapapayag si Harriet na basta nalang ito muli makagawa ng kilos para muli na matakbuhan siya at makawala. “Ano bang problema mo? Bitiwan mo nga ako. Nasa iyo na nga yung wallet mo. Bakit ba ayaw mo pa akong pakawalan. Wala naman laman kung pahirapan mo ako, grabe... Parang hindi babae ang pinahihirapan mo. Bitiwan mo ako. Ano pa kasing kinagagalit mo at ayaw mo akong bitiwan. Sisigaw ako. Sisigaw ako kung di mo pa ako bibitiwan at pawawalan. Sisiguruhin kong dudumugin ka ng mga tao rito." Pananakot nito kay Harriet na kinangiti niya. “Sumigaw ka, Sige... Sigaw.. Ano pang iniintay mo, sigaw..." gigil na rin si Harriet sa mga pananakot at kagaspangan na rin ng ugali nito. Ako pang pinagbantaan na sisigaw siya. ani ni Harriet. Kangina pa nga ito nagsisisigaw ng marami na rin ang mga nakatingin sa tuwing may mapapadaan sa kanilang gawi. Marami na rin ang mga nakatuon ang mga mata. Subalit, wala kahit isa ang mga nakikialam o nagawa man lang lapitan sila. Dahil ang iniisip ng ilan, away lang ito ng magkasintahan na hindi magkaintindhan. Ang ilan naman ay napatingin mula sa posas na nakasuot sa babae, kaya naman alam na rin ng mga ito ang ibig sabihin ng kanilang mga iringan. Kaya wala talaga lalapit at magtatangka na lumapit dahil sa malinaw na ang nakikita ng marami buhat sa pagpupumiglas ng babaeng bihag. Kaya naman malakas ang loob ni Harriet na kahit magsisigaw man ito, wala rin ang makikialam. Kahit bantaan pa siyang dudumugin sa oras na magsisigaw. Dahil sa isip ni Harriet na malaman ang babae pa nga ang dumugin oras na gawin ito at gumawa ng eskandalo na iniiwasan rin niyang mangyari. Kaya naman kanya itong pilit na hinahawakan mabuti para hindi na makawala pa at gumawa pa ng gulo. Maging yung tropa niya na nakastambay lang at nag-aantay pero sinenyasan niyang huwag mangialam na nakapwesto nalang at naghihintay rin na masaklolohan siya oras na hingin niya ang tulong ng mga ito. “Sa totoo lang, hindi ako natatakot kahit magsisigaw ka pa. Dahil walang maniniwala sayo sa itsura mo na yan? Palagay mo iisipan ka ng mga tao na ikaw ang agrabyado sa ating dalawa? Hindi, dahil unang-una, ipapaalam ko sayo. Walang maniniwala. Isa pa, nakita mo ito?" Turo sa nakaposas na kamay. “Palagay mo maniniwala sila sayo? Kahit mag-eskandalo ka pa, walang maniniwala sayo at baka ikaw pa ang kuyugin ng mga sinasabi mong mga tao." ani Harriet, walang takot o bahid na naapektuhan sa mga pagbabanta ng babae. “Kahit walang laman yung wallet ko na kinuha mo. Wala ka na roon, dahil di naman yung wallet ang hinabol ko sayo. Ito, ito ang hinahabol kong mabawi sayo." nang mailabas yung laman ng kanyang wallet na dinukot sa kanya ng babae na bihag. “Mas important pa ito sa wallet ko, dahil di mapapantayan ito ng halaga ng laman man ng wallet ko kung meron man. Ito ang important na hindi ko papayagan na mawala sa akin. Naiintindihan mo ba? O baka bobo ka, hindi napag-aral ng mabuti at hindi nauunawaan ang mga sinasabi ko sayo." balik niya mula sa pag-aakusa sa kanya na hindi nakapag-aral at bobo, nasabihan pang gago at kung ano-ano na pinalagpas lang niya. “Kaya alam mo na siguro ang nais kong ipaunawa sayo. Kahit magsisigaw ka pa, ikaw pa rin ang lalabas na masama at ako ang biktima rito. Tama, ako. Tapos nakikita mo itong ginawa mo? Nakikita mo iyan?" Turo niya mula sa sugat na may bahid pa rin ng pagdurugo. “Physical Injury yan. Alam mo ba? At kung hindi ka pa titigil kakasuhan na kita ng assault oras na saktan mo ulit ako. Hindi lang yon..." “Assault? Nagpapatawa ka ba?" aniya nito. “Ako kakasuhan mo ng assault sa maliit na bukol na yan? Baliw." bulong niya na naririnig ko ng may kagaspangan pa rin ang ugali nito. Kahit mag-sorry wala siyang makita rito. Kaya papaano niya pawawalan? Gayon na mas nagmamatigas pa rin ito. “Talaga? Baliw ako?" nang hawakan niya ng mahigpit muli ang braso ng pisilin at masaktan ito “Aray, masakit. Bitiwan mo nga ako." “Hindi, sasama ka sa akin sa presinto. Duon tayo sa station maghaharap ng makita mo ang kalalabasan ng lahat ng ginawa mo." malakas na pagkakasabi ni Harriet ng may diin. “Isasama talaga kita ng matututo ka rin sa lahat ng mga mali mo. Kayo talagang mga anak mayaman." sambit na mukha naman malayo sa itsura. “Ewan ko sa mga magulang niyo. Kababata niyo pa, kababaing tao, sakit kayo sa ulo." aniya niya “Sa totoo lang huh! Wala kayong alam kundi gumawa ng gulo at mang-abala ng ibang tao. Dapat sa inyo binibigyan ng leksyon kaya ngayon sa presinto ka matutulog." Daldal ni Harriet habang hinila ito papasok sa taxi. Nakikipaghilahan pa rin maipasok lang ito sa loob. Pumara nalang siya ng taxi at hindi na sila bumalik sa dala niyang sasakyan. Bahala nalang ang kanyang tropa na magdala nun mamaya ng senyasan niya ang mga ito na mauuna na sila papuntang police station. Hindi na naisip ni Harriet na balikan ang car niya at baka mamaya ano pang maisipan ng babae at magawa pa siyang muli takasan. Sa isip nito tama na yung bukol sa nuo niya na ito ang may gawa. Hanggang ngayon makirot pa at medyo nahihilo pa siya. “Duon ka nalang magpaliwanag matapos natin makarating sa quarters. At duon mo dalhin yang pagpupumiglas mo." Sabi niya, habang nagwala pa rin ito at ayaw pumasok. “Ewan ko sayo" sagot nito, nang nakasimangot. Habang kanya naman hinawi ito, bigla na naman siyang kinagat nito ng sinusubukan na maisara ang pintuan ng taxi. “Tang ***" mabilis na sumambulat sa bibig. Nang maramdaman ang pagkakabaon ng ipin ng kagatin siya. Namumuro na siya. Aso ba siya? naibulalas pa na pabulong ni Harriet. “Bakit ba ang hilig mong mangagat?" aniya, inis na inis sa babae. Habang ang braso niya na kinagat nito ay bakat na bakat ang pagkakabaon ng ipin. Dadanggusan na nga sana niya, kung hindi lang talaga siya nakakapagpigil na babae ito. “Isa pa, makakatikim ka na." Banta niya, naiinis na rin at namamaga pa ang nauna nitong kinagat sa kanya, nang magawa naman pangalawahan. Napapangiwi tuloy siya ng dahil sa kirot at hapdi ng pagkakakagat nito sa kanya nang matingnan niya rin ito ng masama. “Buti nga sayo" Bulong na sambit ng marinig ni Harriet. “Siraulo ka kasi..." sabi pa nito, panay ang parinig habang nasa kahabaan sila ng biyahe. Hindi na ito pinatulan ni Harriet. Tumahimik nalang din siya matapos maituro sa driver kung saan sila dapat ihatid. Pero di rin siya makatiis na hindi ito tanungin. Curious, nais niyang malaman ang ilang mga detalye tungkol rito lalo na ang tungkol sa mga magulang nito, para naman maipaalam rin ang mga ginagawa ng anak. Mabuting anak si Harriet, napalaki sila ng kanilang mga magulang ng may mga takot sa Diyos at maging mabait sa kapwa. Kahit kelan, hindi siya pumasok sa pagiging pulis para lang sa pansarili niya lang hangarin. Kundi ang makapag serbisyo sa bayan at makatulong sa kapwa na nangangailangan. Lima silang magkakapatid, subalit maaga pa lang nawala sa kanila ang kakambal ng kanyang Ate Sabrina. Hindi na nila ito nakasama, mula ng maipanganak ang kanyang Ate Sabrina. Bunso naman si Harriet, nag-iisang lalake, kapwa sila lahat nasa serbisyo. Kapwa na mga pulis, nanunungkulan sa government. Nanumpa ng kanilang pagiging tapat at buong puso na panunungkulan para sa bayan. Isa sa mga ipinangako nilang magkakapatid sa isa't-isa. Hindi iyon nakakalimutan ni Harriet, kaya naman kahit anong mangyari. Hindi niya ito, bibitiwan. Hindi niya makakalimutan ang kanyang sinumpaan. Lahat ng kanilang mga sinumpaan, nasa puso at isip niya nakatatak lang yon at hindi kailanman makakalimutan. May girlfriend si Harriet, pero hindi kasing wild ng kanyang kasama. Kaya naman habang hindi pa ito natatanong ay napatingin siya rito. Napagmasdan niya na mabuti ang itsura nito. “Anong pangalan mo? Taga saan ka? Ilang taon ka na?" aniya ng mag-umpisa na magtanong habang nasa sa taxi pa sila ay naumpisahan na nga magtanong. “Bakit mo tinatanong?" masungit na sagot na ibinalik ang tanong kay Harriet. “Wala naman, nais kong malaman." Napangisi ito. “Nais malaman? Baliw, mga tricks niyo talagang mga pulis. Painusente pa, ano bang balak mo at nais mo pang malaman. Wala pa tayo sa station. Hindi ba dapat roon mo ako tanungin at hindi rito? Saka isa pa, wala akong abogado. Kaya wala kang karapatan na tanungin ako hanggang, hindi ako nabibigyan ng lawyer. Hindi ako maaari na magsalita o magsagot sa mga katanungan mo. Sa kanya lang ako magsasalita, hindi sayo." giit na sinabi ng may diin. Inirapan pa siya na ikinatawa ni Harriet. “Bakit ba ang gaspang ng ugali mo? Ganyan ba talaga ang mayayaman na gaya mo?" kinabuntong hininga niya. “Kayong mayayaman talaga, palibhasa mga may pera. Wala na pakialam sa mga taong nabibiktima niyo. Minsan ba naawa kayo sa mga napaglaruan niyo? Mga taong binubuli niyo na alam niyong wala naman laban dahil sa may pera kayo. Minsan ba naisip niyo na mali ang mga ginagawa niyo sa mga gaya ko? Nakita mo ito? Huh?" gilalas na singhalan. “Nakita mo ba ang kinalabasan ng mga ginawa mong paglalaro sa akin na nauwi pa sa p*******t?" “Bagay naman sayo. Ayos lang yan, ikaw naman may kasalanan. Bakit nangyari yan sayo. Bakit ba sa akin mo panay bato ng sisi, sa iyo naman nag-umpisa ang lahat kung bakit umabot sa ganyan lahat. Bakit nasaktan ka, bakit nangyari lahat ng yan ay dahil rin sayo. Kung pinakawalan mo lang din naman ako. 'Di sana hindi tayo umabot sa ganyan. Lalo na ikaw, sabi mo nga kangina pa. Hindi sana nangyari yan kung naibigay ko lang sayo agad. Pero ng maibigay ko naman sayo. Hindi mo pa rin naman ako pinakawalan at binitawan. So, palagay mo sino ang may mali? Sino ang higit na may kasalanan sa mga nangyari? Hindi ba higit na ikaw ang siyang may kasalanan dahil sa katigasan ng ulo mo at hindi mapakiusapan na mabitiwan ako at pakawalan." giit na naman nito na sabi kay Harriet. Napabuntong hininga siya. Sa masyadong matigas na pag-uusali ng babaeng bihag. Nakasarado ng isip nito at pilit na ginigiit na siya ang mali rito. Hindi makita ang mga mali rin nito at ang pagiging arrogant nito ang mas nangingibabaw rito bilang anak mayaman talagang may mataas na pride ito at hindi man lang magawa na makapag pakumbaba. Dahil sa mas pinipilit nito ang kanyang nakikita na siya ang tama kahit si Harriet ang higit na naapektuhan mula sa kanilang maging paghaharap kangina. “Sarado talaga isip mo? Hindi ka talaga marunong magpakumbaba at humingi ng sorry sa lahat ng ginawa mo? Mahilig ka talaga na isisi sa iba ang mga kasalanan mo na ikaw naman din may gawa. Hindi ba ako ang nauna na makiusap sayo. Nang igiit mo na wala sayo ang pitaka na hinihingi ko at pinalalabas sayo? Pero ano ang ginawa mo? Mas pinanindigan mo na wala sayo. Kaya nga umabot tayo sa ganito. Pero ang tigas mo, napakatigas mo at nanlaban ka pa. Imbis na aminin ang mga mali mo at humingi nalang ng sorry after maibigay yung pitaka ko. Pero ano? Sinaktan mo ako at nanlaban ka? Kahit minsan ba nagpakumbaba ka nalang at humingi ng tawad sa lahat?" ani Harriet, seryoso na nakatanaw sa bintana. Malalim na ang gabi at papaumaga na rin. Medyo may kahabaan pa ang magiging biyahe nila habang nakikipagdebate siya sa babae pa rin. “Bagay lang naman sayo yan. Saka bakit ako hihingi ng pasensya sayo? Ikaw naman may kasalanan niyan eh! bakit kailangan ko magsorry? gayon na ikaw rin may gawa sa sarili mo." pagmamatigas na sambit. Map-pride talaga ito at hindi manalo si Harriet kahit anong kanyang paliwanag rito. Kahit magpaulit-ulit pa siya ng kanyang pagsasalita. Wala rin mangyayari dahil sarado talaga. Kaya naman saglit siyang hindi muna nagsalita o kahit magtanong eh, hindi muna nag buka ng bibig. Tumahimik lang muna siya habang nakatanaw sa mirror ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD