Panandalian sila natahimik.
Panandalian na walang kibuan. Walang kahit sino muli ang siyang nagtangka na magtanong o magsalita. Pakiramdaman sila, malalayo kapwa ang tingin sa labas ng bintana. Dahil madaling araw na, wala na rin gaano sasakyan sa mga daanan. Dire-diretso lang naging biyahe nila mula sa bar papuntang station. Kung saan ay presinto na pinagdedestinuhan ni Harriet. Duon sila patungo para duon dalhin ang babaeng bihag na niya ngayon.
Hindi na nagawa pang makapalag at manlaban dahil mahigpit na siyang binabantayan ni Harriet. Alerto na siya sa posibleng mangyari oras na bigla na naman atakihin ng pagiging wild ng babae.
Inis, nakakainis. Bwisit talaga, ang malas ko naman. Bakit natyempuhan ako. Bakit siya, bakit siya pa.. Kailangan ko makaalis rito, kailangan ko makatakas. Kailangan ko makalabas. Kailangan kong makalayo sa kanya at higit na sa lahat. Kailangan kong wag makarating sa police station. Mayayari ako, lagot na naman ako. aniya ng babaeng katabi. Pabulong-bulong at hindi mapakali. Paikit-ikit at hindi mapalagay sa kanyang tabi. Wala itong malang gawin. Kundi ang bumulong-bulong at malayo ang mga tingin sa labas.
“Naririnig ko yon." sambit na kinatawa. “Bubulong-bulong ka, naririnig ko naman." ani ng may tawa sa mukha. “Alam mo, hindi na kita hahayaan sa mga naiisip mong pagtakas. Kaya pwede ba? Wag mo na pag-isipan dahil kahit ano pang isip mo malapit na tayo at hindi ka na makalulusot sa mga gusot at kasalanan mong ginawa. Manahimik ka nalang." ani Harriet muli, napagkatuwaan na naman ang babaeng bihag.
Dahil sa mga narinig na kinatuwa. Habang ang bihag niya na may sama ng tingin sa kanya.
“Bwisit, pahamak ka!" aniya nito na sambit ng mainis sa makailang tawa niya. Hindi mapigilan na matawa dahil sa galit ng babae sa kanya.
Hindi rin mapigilan na hindi tumawa kahit naiinis na rin siya. Sa tuwing mapapasulyap sa malaking bukol nito sa noo. Hindi niya talaga mapigilan ang sarili na hindi matawa dahil sa itsura ng bukol na nangingitim na.
“Huwag ka nga tumawa." anito na sambit ng suwayin ang kanyang pagtawa ng pagtawa. Yung driver tuloy ng taxi. Hindi na rin mapigilan ang panay ang sulyap sa maliit nitong salamin at tinitingnan sila.
“Anong masama sa tumawa?" anito na kanyang sinabi na kinaaasar naman ng babaeng katabi. “Wala naman siguro masama sa tumawa? Bakit hindi mo nalang kaya tingnan sa salamin yung malaki mong bukol." aniya na nanunudyo na naitulak tuloy siya nito.
“Masakit yon ahh! Nag-uumpisa ka na naman..." ani na may pagpapaalala na naiwika
Sambit niya pa nga na huwag ng ulitin na balakin ang takbuhan siya nito. Dahil sa talagang malintikan na ito sa kanya. Binalaan niya pa nga at bahagyang may banta na kanyang sinagot ang mga paratang sa kanya.
“Hindi naman masakit, puro masakit ang hina pa nga. Baka lakasan ko, mabasag pa yang mukha mo." ani ng babaeng may kagaspangan ang ugali.
Halata na halata ni Harriet ang pagiging childish ng babaeng kasama. Masyado matigas at mahilig magreklamo. Hindi roon ay nakahiligan na ata ang manakit ng kapwa.
“Wala ka bang pamilya?" ani harip ng maisingit.
“Wala!" sagot nito.
“Nasaan mga magulang mo? Kapatid? Kahit mga kamag-anak man lang sana, meron ka?" Tanong ni Harriet, nang tuluyan na mabasag ang pader na namamagitan at nagsisilbing harang sa kanila. Habang panaw ang kanilang pang-aasar sa bawat isa.
Maging sa loob ng taxi ang iingay nila. Wala silang pinalagpas dahil roon pa lang muli sila nagtalo. Walang nais na magpakumbaba at magpatalo sa kanila. Panay ang iringan, panay rin naman ang pikunan dahil may mapipikon at mapipikon. Hindi na maiiwasan yon. Dahil sa talagang wala na sa kanila ang mananalo, parehas sila na tingin sa isa't-isa ay tama.
“Ano ba yan, kaya naman pala ganyan ugali mo. May pagkasutil, childish, inutil..."
“What? Inutil? Tinawag mo akong inutil?" galit na sabi na kinatawa na naman ni Harriet. “Kapal ng mukha mong tawagin ako ng isang inutil. Bwisit, anong karapatan mo para pagsabihan ako ng ganun? Masyado mo na nirarapakan ang pagkatao ko. Bwisit ka!" aniya ng muli na naman ito nanlaban. Pinagtatadyakan si Harriet na nasaktan na naman muli.
Minalas nga lang dahil sa pagsipa muli. Tumama sa kanyang bayag. “Arayyy" napapangiwi habang hawak ang tinamaan nito. “Sobra ka na sa pagkaamasona mo! Para kang hindi babae. Hindi ganyan ang kilos ng babae. Lalake ka ba?" ani na may biro. Nagbibiro pa si Harriet kahit namimilipit na sa sakit ng kanyang pang ibaba na tinamaan.
“Wag ka na kasi magtanong ng mga walang kawenta-kwenta na mga tanong. Dahil kahit anong gawin mo. Wala kang maririnig. Wala kang makukuha na sagot. Kaya tigilan mo na pagtatanong at pangungulit na sasagutin ko yung mga tinatanong mo. Dahil sinasabihan na kita, wala kang makukuha." aniya na may pagtataray na binelatan pa siya. Sabay talikod ng maismiran si Harriet na kinatawa na naman.
“Wag ka nga tumawa." inis nito.
“Okay?" anito ni Harriet. “Sabi mo eh, okay. Sabagay mukha naman wala kang pake, wala kang pakialam kung nasaan man sila, yung pamilya mo. Oh, baka naman ayaw mo lang na malaman nila lahat ng mga pinaggagawa mo habang nalalabas ka ng bahay niyo. Sa tingin ko nga, mukhang dumaan ka sa masukal at may mabahong..."
“Timigil ka nga!" aniya na galit na hinarap siyang muli. “Ibuka mo pa, bibig mo. Makikita mo, ito? Nakita mo? Tama ito diyan sa bibig mong dada ng dada ng walang tigil. Makikita mo dudunggusan ko yan hanggang matigil sa pagsasalita." anito nang bantaan siya. Si Harriet na nginisihan lang ito, walang takot at may kalakasan ang loob na hindi magagawa nito sa ayos pa lang nito malabo na magawa ang ginawang pananakot sa kanya.
“Bakit ba ang hilig mong magbanta? Kaya mo gawin? Sa itsura mo, malabo na magawa mo ang sinasabi mo. Ako na nagsasabi sayo. Pero ako, nakita mo ito?" nang iangat ang isang kamay at babatukan sana ang babae sa ulo na kinapitlag at kinapikit ng kanyang mata sa takot na maituloy ni Harriet.
Ngunit hindi naman naituloy ni Harriet. Imbis ay pinagkatuwaan lang niya ito at kinatawa ng makita ang itsura nito. Ang nakapikit ang mata at napayuko nalang ng makita ang kanyang mabilis na pag-angat ng kanyang isang kamay.
“Takot ka naman pala, hahaha!" aniya ng tumawa ng malakas. Napasulyap tuloy yung driver at napalingon sa kanila.
Nginitian nalang ni Harriet ito. Saka muli nagpatuloy ito sa pagmamaneho.
“Kita mo na, maging driver napalingon dahil sayo." aniya.
“Hoy, bakit ba sa'kin mo madalas ipasa at ibato. Puro sa akin ang sisi. Bakit? Ikaw nga ito ang ayaw akong tigilan. Bakit hindi ka manahimik nalang at tigilan nalang ako. 'Di sana tahimik rito at walang gulo. Bwisit!" aniya na sambit ng mainis.
Inis, inis na naman ito kay Harriet sa walang tigil na pangungulit nito sa loob ng taxi. Pangungulit sa mga tanong na ayaw naman din sagutin.
“Ganyan ka ba talaga?" aniya na naman ni Harriet ng ayaw tigilan ito sa mga pagtatanong.
“Ano ba kasing pakialam mo? Ano kung ganito ako, bakit? May maitutulong ka ba? Wala naman, maliban sa pagdadala mo sa akin sa station ng mga pulis. Maliban ron, wala ka naman magagawa sa kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon. At kung sa pamilya, wala ka na rin pakialam. Dahil wala akong pamilya okay. Please, tigilan mo na pagtatanong masakit sa tenga." aniya ng iringan muli si Harriet at makiusap na tigilan na siya.
“Bakit? Bakit ayaw na ayaw mong natatanong ang tungkol sa pamilya mo mo? Siguro pamilya kayo ng mga magnanakaw." nalakasan pa niya ang boses at muli na napalingon yung driver
“Sorry po, maingay kami." anito ni Harriet ng mahingi ng paumanhin. Nagmaneho pa rin yung driver habang nakikiramdam, nakikinig sa kanilang mga usapan.
Sa walang tigil nila na iringan, yung driver nagtataka na rin mula sa dalawa.
“Ang daldal kasi, pulis pa naman grabe sa daldal. Dinaig pang babae. Bwisit!" aniya ng ito ulit ang nagsalita ng pabulong na kanyang sambit bago pa tumalikod muli.
“Pero... ahhmm... palagay mo ba? Sa tingin mo ba? Maganda ang ganoon? Maganda na ganoon ang mga ginagawa mo? Sumasama sa mga pasaway na gaya mo. Mambiktima ng mga tulad ko, mali. Dahil maging sarili mo, nabibiktima sa mga ginagawa mo. Palagay mo rin bang magandang influence sa iba lahat ang mga tinatrabaho ng groupo niyo? Lahat ng mga ginagawa niyo sa iba? Hindi ako favor. Paano nalang kung may maliliit ka pang kapatid? O may mas nakababata sayo na iniidolo ka. Mapapayagan mo ba na sa sarili mo, na mangyari rin sa kanila lahat ng nakikita nila sayo at mangyari rin maging sa pamumuhay na meron sila? Matitiis mo ba? Matitiis mo ba na mayroon na iba ang sumunod sa yapak mo, na alam mo naman siguro na maling-mali. Kababae mong tao. Pero ang ugali mo, para kang basura na tinatapon nalang... Sabagay, baka sakali may maawa at pumulot sayo habang ipinagpatuloy mo pa rin ang mga maling trabaho na pilit mo ngayon pinagpipilitan na tama ka. Ewan ko ba, sa mga kabataan ngayon. Sakit na talaga karamihan sa ulo. Mga pasaway, matitigas ang ulo at ang hirap mga pagsabihan." aniya ni Harriet muli ng mahabang paalalahanan ito ng may pasaging na pagsasabi ng kanyang masagot ang mga aligasyon nito sa kanya. Napahikab si Harriet ng makaramdam ng pamimigat ng kanyang mata. Inaantok na rin siya buhat sa ilang oras na tulog lang ang mayroon siya.
Anong oras na rin kasi siya nakauwi, bago pa siya matulog. Inistorbo pa siya ng kanyang mga Ate Samantha, Ate Sabrina at kanyang Ate Cristina. Kinukulit siya ng mga ito at tinutukso-tukso. Dahil siya ang bunso. Siya ang madalas na mapagkatuwaan at mapanggigilan ng kanyang mga nakatatandang kapatid.
Muli siya napahikab. Si Harriet, napahikab ng panandalian na mapansin ang pag-sumulyap ng babae sa gawi niya. Nakatalikod pa rin kasi ito sa kanya na pilit na ginitgit siya nito. Ngunit ng mapalingon ito at mapansin ang kanyang nakasulyap ring mata rito. Agad na nagbawi rin ang babae at umiwas.
Sobrang napakamaldita ng isang ito. aniya ni Harriet ng napabuntong hininga muli. “Wag mo akong tingnan at tigilan mo na nga ako sa pagtatanong at baka hindi ako makapagpigil... Nakakainis..." aniya na magsungit.
“Ewan ko sayo." aniya ng may ngiti ni Harriet. “Pero, matanong ko lang ulit, wala ka ba talaga pamilya?, kapatid, kamag-anak, wala ba talaga? Kailangan ko rin pagdating sa presinto ng maaari kong tawagan para maipaalam kung bakit kita dinala sa police station. Saka para puntahan ka na rin sa presinto. Mabuti pang, ikaw nalang tumawag sa kanila." wika ni Harriet habang ang tingin ay sa kalsada nakatuon na rin. Hindi na rin niya tiningnan ang babae at sa kalsada muna nagfocus. Subalit ng mapansin ang dinaraanan na daan na binabaybay nila. Napaayos ng upo si Harriet, malapit na kasi sila kaya sinabi niya sa driver. “Kuya sa may eskinita, paki liko mo lang." utos niya sa Manong Driver na nagmamaneho patungong presinto, kung saan siya nakaassign at nakadestino.
Tumango naman ang driver at sumunod lang sa kanyang instructions. Nagmaneho muli ito at sinundan ang itinuro na eskinita na mapaglilikuan.
“Umayos ka pagdating natin ruon. Huwag kang pasaway. Umayos ka, wag mong ipakita ang pagiging childish mo. Kung ayaw mong pagkaguluhan. Pero kung gusto mo magwala. Bahala ka! Ikaw naman yung kahiya-hiya oras na gawin mo yon. Hindi naman ako, anak mayaman..." aniya niya pabiro ng ismiran.
Nang maisip ni Harriet na posible na mamaya magwala pa ito at gumawa ng gulo pagdating nila sa presinto.
Dahil sa nakikita at nasasatlig ng kanyang mata ang itsura pa naman kasi ng babae ng matingnan siya ng matatalim na tingin. Alam na niya may balak ito pagdating nila sa presinto. Natitiyak na niya na sasakit muli ang kanyang ulo na hindi imposible na hindi mangyari ang naiisip niya pa lang.
Halos bugbugin nga siya sa dami ng kanyang tinamo ng manlaban at magpumiglas.
Habang malalayo ang lakbay ng kanyang isip. Napansin ni Harriet ang muli na naman nitong balak gawin. Kaya naman mabilis siyang nailag ng mapabuntong hininga sa lakas ng kaba na masasaktan siyang muli oras na hindi nailagan.
Bwisit na babae na 'toh. aniya na naibulalas ng kanya itong sitahin.
“Huwag kang magtangka. Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang." nang magawa niyang takutin ito. Bantaan mula sa muntikan na nitong yapakan 'ang kanyang paa.
Wala talagang maisip ang isa na 'toh!
Gulo at sakit ng ulo ang dala ng babaeng ito habang kasama ko. Hindi mapapalis ang mga kamalasan ko habang kasama ko pa siya. Kung bakit kasi napasok ko ito? Kung sana nakinig nalang ako sa tropa na hayaan nalang di sana hindi nalang ako nasaktan. Wala na sana akong sakit ng ulo na bitbit papuntang presinto. Sana pauwi nalang ako, matutulog habang nakahilata sa kama. At gigising sa oras ng duty. Dinaig ko pa dumuty nito, kesa ang nag-day-off ng may dala akong pasaway na babae na nahuli ko.
Sa pagsama ko sa tropa at paglabas. Imbes na nasa bahay at natutulog o kaya kasama ngayon sila Ate Samantha. Heto tuloy ngayon ang napala ko, nabugbog ng wala sa oras. Nasaktan ng maraming beses ng ako pa ang may kasalanan. Grabeng lakas rin ng trip ng isang ito. Hindi ko sukat akalain na sa liit ng kanyang katawan mapupuruhan ako. Ako itong mas malaki, pero ako ang nabugbog. Yung braso ko maga, lalo na yung mga kinagat, nuo ko may bukol at sugat. Mukha ko may black eye at namamaga. Nahihilo pa ako at paa ko kay sakit ng pagkakatadyak niya. Grabe, sadista, amasona. Kawawa magiging boyfriend nito. Kung may magkakamali na manligaw sa kanya... aniya ni Harriet habang napailing nalang mula sa mga naisip. Bumuntong hininga ng matingin at mapansin ang lugar kung nasaan na sila.
Napansin na niyang nalalapit na sila sa presinto. Konti nalang at makararating na rin sila sa wakas. Kahit nagagawa niyang tumawa, dahil sa mga galawan ng babae. Pero sa totoo, napipikon na rin siya at malapit na ring mapuno. Pinipigilan lang talaga kangina pa, dahil naiisip niya pa rin ang pagiging babae nito. Kaya kahit inis na rin siya. Hindi na rin niya ito pinansin, hindi nalang niya pinapatulan ang pagiging childish.
Iginaya niya at sinabi sa driver ang kanyang babaybayin. Medyo madilim sa eskinita na pinasok nila. Natakot pa nga yung driver ng dahil sa walang ilaw sa mga poste na kanilang nadaanan.
Nakakatakot naman talaga, marami rin ang masasamang resident sa lugar ang mahilig na mangharang at mangholdap minsan sa lugar. Kaya naman alaga nila Harriet ang lugar at binabantayan. Lalo na sa madilim na eskinita na kanilang nadaanan.
Matapos niya maituro ng maayos sa driver ang daan na kanilang binabaybay ngayon saka naman tumunog ang cellphone niya na kinagulat. Napatawa nalang siya ng marinig ang ringtone na inilagay ng isa sa mga Ate niya. “Baby, baby, baby Harriet. One of your Ate is calling. Please answer your phone." paulit-ulit na ganoon ang tunog at ringtone. Yung driver sa harap napangiti nalang. Habang yung katabi niya panay bulong.
Hirap na hirap siya na dukutin ang kanyang cellphone ng halos ang buong seats mula sa likod ng taxi ay okyupa nilang dalawa. Sobrang sikip at halos di na siya makagalaw dahil sa liit ng espasyo na kinasisiksikan.
Hindi naman siya mataba, lalong hindi rin mataba yung kanyang katabi. Kung baga ay maging kasi ang magkabila nitong hita ay pinagpilitan na maiupo sa upuan ng taxi sa likod. Kaya naman silang dalawa, walang malang gawin ngayon. Kundi ang magtulakan. Itinutulak pausog ni Harriet ang babae, siyang tulak paurong naman sa kanya nito. Gitgit na gitgit na siya. Dahil sa ginagawa nitong pagtulak sa kanya.
Baliw na nga, wala talaga itong magawa. Aniya ni Harriet ng may bulong ng masiksik na siya ng husto sa gilid ng pintuan at masabit.
Lalo lang siya naiinis kahit pinipigilan. Hirap na rin siya intindihin at tiisin ang pagiging childish. Subalit tinitiis nalang dahil babae pa rin ang tingin niya rito. Babae na walang common sense. Habang pinipigilan, siyang pilit na hindi mapigilan. Kaya hirap na rin pinipilit na matiis. Hanggang makarating lang sila sa kanilang patutunguhan.
Isip bata ang pota! aniya ng mas gitgitin siya nito ng kinukuha sa bulsa ang kanyang cellphone. Subalit hindi niya mahugot ng dahil sa ginagawang panggigitgit sa kanya. Nakakainis na pilit niyang siniksik akong mabuti ng hindi ko madukot ang tumutunog kong cellphone. Pero sorry siya. Dahil bago pa niya ako tuluyan maipit nakuha ko yung cellphone ko at sinagot iyon. Si Ate Samantha yung tumawag. aniya ng makita ang nasa call register.
Agad na sinagot ni Harriet ang tawag ng kanyang Ate Samantha. Ang pinakamatanda sa kanyang tatlong Ate.
Habang kausap niya si Samantha hindi pa rin tumigil itong katabi niya sa pang-gigitgit. Nasasaktan siya, sa mga pagtulak at pilit siyang idinikit sa pintuan. Subalit hindi na siya nakatiis ng bigla nalang niya nasabi at naibulalas sa sakit. “Arayyy, sakit ah!" Namimilipit sa sakit mula sa ginawa nitong pagtulak sa kanya.
Nagulat naman si Samantha at nag-alala. Maging ang dalawa pa nitong kapatid na katabi lang at nakikinig habang naka-loud speaker yung phone habang kausap ang bunso nilang kapatid.
Dahil bunso nga Harriet, madalas na mag-alala ang kanyang mga nakatatandang kapatid. Kaya madalas ay tawagan siya ng mga ito oras na hindi siya kasama. Kahit naman nasa operation sila at hindi magkakasama. Nag-group call sila sa pangunguna ng kanyang Ate Samantha o minsan si Sabrina.
“Harriet, anong masakit?" Tanong ni Samantha mula sa kabilang linya ng marinig siya. Kasunud naman na nagtanong ang nag-aalala na rin na dalawang ate niya na nakikinig. Si Sabrina at Cristina na pilit na kinukulit si Harriet.
“Wala, ate" pasakalye niya nalang para mga hindi na mga ito mag-alala at mag-isip na baka nasangkot siya sa gulo. Dahil hindi rin naman siya titigilan ora 'mismo na ganoon na nga ang mababalitaan ng mga ito. Baka siya pa lalo mabugbog sa kakasermon. Kaya nagdahilan nalang siya para hindi na mga ito mag-alala. Lalo at babae ang kasama. Baka marinig, tiyak na mas maraming tanungan.
Dahil alam ng kanyang nakatatandang kapatid na day off niya ngayon, at lalabas siya kasama ng kanyang mga tropa, weekly bonding ng barkadahan nila, pero dahil sa maldita at ewan na babaeng kasama. Nasira lahat at napunta sa isang nakasisirang araw na sumira sa araw niya.
Sirang-sira, hindi lang nasira.
Nakakaasar ng dahil sa walang nangyari sa lakad ko at nabubugbog pa ako. Nasaktan, imbes na nag-enjoy at nakipag-bonding sa alak. aniya ni Harriet na siyang naibulalas ng napabulong.
“Ganun ba, akala ko, kung ano na ang nangyari sayo." sabi pa ni Samantha na may pag-aalala pa rin. Habang naririnig niya rin naman ang dalawa pa niyang mga nakatatandang kapatid.
“Harriet, iwasan mong masangkot sa away at gulo. Tandaan mo, hindi dapat na gamitin sa ibang paraan ang pagiging pulis mo. Huwag mong abusuhin kung anong trabaho ang meron ka dapat mong ilagay sa tama. Hindi sa pakikipagbuno at pakikipag-away. Ayos lang yon, kung nasa operation ka. Pero ang makipag-away ka ng dahil sa pagiging pulis lang at nais makaganti sa iba sa ibang dahilan. Wag na wag mong gagawin. Sinasabi na namin sayo. Kami na babali sa mga buto at tadyang mo ng maturuan ka ng wasto. Nang hindi puro init ng ulo, pagiging basagulero ang pinapasok mo." Bilin at pagpapaalala. May banta na kinatawa ni Harriet habang pinakikinggan ang mga sinasabi pa ng kanyang Ate Samantha.
Mahal na Mahal talaga siya ng kanyang mga nakatatandang kapatid. Dahil sa mga madalas na paalala, pag-aalalaga at pagmamahal sa kanya.
Kaya naman si Harriet, lumaki ng puno ng pagmamahal at pag-aalaga ng kanyang mga nakatatandang kapatid.
Sila Ate talaga, ginagawa pa rin akong bata kung paalalahanan nila. Ilang beses ko na narinig. Paulit-ulit lang naman, kabisado ko na nga lahat sa madalas nilang paulit-ulit na sinasabi. Bibilinan nalang ako, sinamahan pa ng panenermon. Talaga si Ate Samantha para bang hindi pa nila ako kabisado at kilala. Napapaaway lang naman ako, minsan. Kung may riot at maipit kami ng mga tropa. Pero madalang, wala naman ako natandaan na ginamit ko ang pagiging pulis sa mga gulo na napapasukan namin ng tropa. Ito naman mga Ate ko... Ang bait ko kaya. Para naman na hindi nila ako kilala at hindi ko gagamitin at sisirain ang posisyon ko bilang isang pulis para lang makapanggulo. Hindi rin ako makikipag-away ng walang dahilan para makipagbuno ng walang rason. Sa bait ko na ito, alam ko ang tamang dispusisyon ko kung saan ako at lalong hindi ko sisirain lahat ng pinaghirapan ko na makarating sa posisyon ko ngayon. Lalo at ang dami kong hirap na pinagdaanan para lang sa trabaho na meron ako. Kaya naman wala akong balak na dungisan rin ang pangalan na pinakakaingatan ko, nang aming pamilya bilang mga alagad ng pulisya. Tagapag-tanggol ng marami. aniya na napapangiti.
“Oh siya, umuwi ka ng maaga at mag-iingat ka." aniya ng tatlo niyang Ate ng magpaalam na rin sa kanya.
“Yes po, uuwi na po ako. Maya-maya, may aayusin lang po ako." aniya na sambit na kinatawa ni Cristina.
“Anong aayusin?" nag-alala na naman si Samantha.
“Ahh, wala po ito Ate Samantha. Mamaya, ikukwento ko nalang po sa inyo." aniya muli ni Harriet ng masaktan siya.
“Bakit?"
“Wala po Ate Samantha, sige na po, mamaya nalang pag-uwi ko. Bye, bye Ate Samantha, Bye Ate Sabrina, Ate Cristina. Maya nalang po pag-uwi ko." nang tapusin niya ang pakikipag-usap sa mga nakatatandang kapatid. Hahaba pa kasi kung hindi niya tatapusin ang mga usapan sa pagitan nila. Hindi na rin niya matiis ang mga p*******t at pang-gigitgit sa kanya ng babaeng kasama.
Napansin rin niya na malapit na sila sa police station na sinabi niya sa driver ng taxi. Ang head quarters nila na malayo pa lang may mga natatanawan na siya na mga tropa na nauna na sa kanya dala ang kanyang sasakyan. Naisip rin niya na baka lumagpas sila kaya minabuti nalang ang putulin ang pakikipag-usap sa mga kapatid.
“Manong, sa tabi nalang. Pakihinto na..." Sabi niya ng inayos ang pagkakaupo ng maitulak ng konti yung babae. Dinukot niya ang kanyang isang coin purse kung saan siya naglalagay ng kanyang saktong pera. Hindi siya paladala ng pera at sakto lang kung magdala.
“Paki tabi mo nalang Manong dun sa gilid sa may harap ng pinto papasok ng station." muli niya sinabi pautos rito ng makadukot na ng pera para iabot at ibayad sa driver. Sumunod naman yung driver at ibinaba sila sa harap ng presinto. Inihinto nito ang taxi na minamaneho niya at duon ay ibinaba sila.
“Salamat, Manong." ani ni Harriet, matapos niya itong mabayaran.
Pilit naman niya na hinihila yung babae. Ayaw umalis mula sa pagkakakapit sa hawakan ng pintuan.
Ang tigas talaga nito. ani Harriet ng kanyang sigawan na yung babae.
“Ano ba? Baba.." sigaw na kinagulat ng driver at ilang mga napatingin sa kanila. Maging tropa niya na tumatawa sa kanila habang nakikipaghilahan siya sa ayaw bumabang babae.
“Bumaba ka kung ayaw mong balyahin kita palabas dian at buhatin papasok sa loob." biro na may banta. Napailing nalang habang napatingin sa kanya yung babae. Akala siguro ay hindi niya gagawin ng akma na siyang papasukin ito mula sa loob.
Kailangan pa talaga na sapilitan at pilitan ang pagbaba ng babae. Nang mapasok niya ito at akmang bubuhatin na niya. Bigla ito umiwas at nagpumiglas na wag mahawakan. “Huwag na huwag mo akong hahawakan." aniya nito ng may pagpapaalala ng pigilan ang napipintong pagkakahawak na sana niya ng akmang mabubuhat na rin sana niya ang nakaupo nitong katawan. Kinatawa nalang din ni Harriet ang pagiging maarte nitong pagsasalita. Magaspang talaga ang ugali at nasasanay na rin siya sa ilang oras na magkasama.
Sa wakas, bumaba rin. Sapilitan talaga ang gusto. Bababa rin pala, kinailangan ko pang takutin. Haist, pinasakit na naman niya ulo ko. ani Harriet habang akay ang babae papasok sa police station. Habang ang mga mata ng karamihan sa kanila ang mga tingin. Habang ang kanyang mga tropa naman mga nakangiti na napabungisngis na pinanunuod sila makapasok sa loob.
Sa wakas nakapasok rin kami. ani Harriet ng makapasok sila. Pinaupo niya muna at pinabantayan sa kanyang mga kasamahan para magtungo sana muna sa banyo bago balikan ang babae at ayusin ang mga pagtatanong mula sa mga detalye na nais niyang kuhanin rito. “Ikaw muna bahala, magbanyo lang ako. Babalik ako, pakitingnan mo lang ng mabuti. Baka matakbuhan ka. Mabilis pa naman." ani ng may biro sa kasama na nagtaka. Napatingin sa kanya maging sa dalagang kasama.
--------------++++++++++++++---------------
ANGELA'S FAKE FRIENDS POV'S
“Ano palagay niyo? Nahuli kaya siya nung pulis?" natatawa na naitanong ng isa.
“Malamang, tatanga-tanga naman yung isa na yon. Mabuti nga sa kanya. Wala siyang kadala-dala. Kung bakit pinagpipilitan niya pa rin ang makisama sa groupo. Hindi naman siya nababagay sa atin. Nakita ninyo yung suot niya kangina?" ani ng tumatawa.
“Oo, nakita ko. Grabe, bakit ang dumi ng sapatos. Tapos yung suot niya para lang siya matutulog." ani ng natatawa na sagot rin ng isa.
“Hindi naman kasi siya anak ng isang mayaman. Nagyayaman-yamanan lang ang isang iyon at pinagsisiksikan ang sarili." ani na may inggit.
“Pero marami siyang pera. Hindi niyo ba napapansin? Madalas na siya ang halos magbayad ng mga inumin natin. Saka..." napaisip. “Yung watch niya. Hindi mumurahin yon. I think nga branded"
“What? Branded? Baka sa bangketa niya lang nabili. Wag nga kayo tumingin sa nakikita niyo lang. Baka nga mamaya. Yung pera niya galing lang rin sa nakaw. Kaya, huwag kayo masyado tumingin sa nakikita lang ng wala naman tayo proof na talaga galing siya sa mayamang angkan." ani na sagot ng isa. Inggit pa rin.
Inggit lang siya dahil sa mga nakikita niya kay Angela. Kahit kelan na hindi nila itinuring na kaibigan. Mahilig lang nila ito paglaruan tulad ng ginawa nilang muli rito ng utusan na mandukot ng pikata ng isang pulis.
Kinalala na nila si Harriet na minsan na nila nakita sa loob ng bar. Nang minsan magkagulo at hindi sinasadya na marinig nila na isa itong pulis. Kaya naman ng makita nila muli ang groupo ni Harriet. Agad nila na inutusan si Angela na dukutan ito mapaglaruan lang nila. Pero, alam rin nila na mahuhuli at malalagay sa pahamak si Angela sa pagsunod sa utos nila. Tulad ng ng inaasahan. Nangyari ang lahat at nahuli si Angela.
Alam nilang susundan ni Harriet si Angela, expect na nila iyon. Kaya naman mabibilis ang kanilang mga yapak ng maiwan si Angela at maabutan ni Harriet. Mula sa di kalayuan nanunuod sila at pinanunuod ang mga bangayan at panlalaban ni Angela na kinatutuwa nilang makita.
“Palagay niyo, hindi niya tayo ituturo?" ani na may takot na nagtanong.
“Bakit niya gagawin? Siya naman yung dumukot. Bakit i-dadamay tayo? Saka sa ilang beses naman na nadala siya sa police station. Minsan ba na itinuro niya tayo? Hindi naman di ba? Kasi nga, tatanga-tanga yong isang yon. Kaya naman hindi maiisip na ituro at ipahamak niya tayo. Kaibigan turing niya sa atin di ba? So, hindi siya gagawa ng moves na ikasisira ng pakikisama niya sa atin." ani na may bilib sa kanyang mga sinabi.
“Sabagay may punto ka roon. Di ba nga ilang beses na rin siya nabitbit sa police station. Pero kahit minsan, hindi naman tayo dinawit ni Angela. Mukhang tama ka, may kabobohan ang isang yon. Dahil kahit minsan. Hindi man lang naisip na ikapapahamak niya ang mga utos mo, Charisse." may ngiti na sumang-ayon sa sinabi ng pilingera at mapag-panggap na si Charisse.
Hindi naman kasi mayaman si Charisse. Lalong, hindi ito anak mayaman. Hindi galing sa mayamang pamilya na pilit niyang pinagtatakpan wag lang mabuko ng mga kaibigan na galing mula sa mayayamang pamilya. Hilig lang niya makisabit sa mayayamang kaibigan. Dahil sa mga ginagawa nilang panti-trip sa loob ng bar. Lahat ng pera na makukuha nila, kanya. Dahil sa siya ang tumatayong leader ng groupo at duon siya nakakakuha ng pera na bumubuhay sa kanya sa pang-araw-araw. Ang napagkukunan ng kanyang luho na hindi makukuha. Mula sa mahihirapan na kaibigan. Kaya mas pinili niya ang tumambay sa bar at makakilala ng mga kaibigan na mga mayayaman. Hanggang sa nabuo ang groupo nila at siya ang naging pinuno na sinusunod lang ng mga kaibigan ang bawat utos at sabihin niya.
“So, paano na? Hahayaan nalang ba natin siya?" ani ng naaawa na kaibigan.
“Bakit? May balak kang tulungan? Sige, lapitan mo if naaawa ka sa kanya. Kung kaya mo ang madamay at malaman ng pamilya mo ang pinaggagawa natin." mayabang na sinabi na may pagpapaalala at pananakot ni Charisse sa isa sa may mahina ang loob sa groupo.
Naaawa man siya kay Angela. Ngunit hindi niya rin malapitan. Sa takot na baka nga madamay siya at malaman ng kanyang pamilya.
“Hayaan niyo lang siya. Nakita niyo naman kung papaano siya makipaglabanan duon sa police. Kaya niya yan malusutan. Kayo na nagsabi na mapera si Angela. Kung galing man siya sa mayamang pamilya. Kaya niya malusutan yan. Simple lang naman magiging kaso niya at kung may pera, makakalaya rin siya."
“Pero hindi, pagnanakaw di ba ang ikakaso sa ginawa niya? Baka makulong siya niyan..."
“Mano, bakit gusto mo rin bang sumama?" ani maangas na sabi.
“Hindi naman sa ganon. Pero nakakaawa lang din. Madalas mo na siyang paglaruan. Hindi ba dapat tama na? Total naman, sa ilang beses na yon. Halos napatunayan na niya ang sarili niya sayo?" ani ng isa ng hindi na rin nakatiis mula sa mga sinasabi at sambit ni Charisse sa mga kasama na naaawa kay Angela.
Wala rin naman sila nagawa dahil sa mga pananakot at banta nito sa kanila. Maging sa takot na baka madamay nga rin sila oras na lapitan at tulungan si Angela.