HARRIET'S FRIEND POLICE OFFICER POV'S
“Ang hirap kay kwatro, ang hirap pigilan. Tingnan niyo..." natatawa na sambit ni Tres.
“Hayaan mo na, mukhang masaya naman ito. Panuorin nalang natin mga mangyayari." ani ng may biro ni Dos at nakatawa habang kanilang lihim na sinusundan ang kanilang kaibigan na sinundan ang babaeng nandukot sa pitaka.
“Astig, talaga bang susundan niya?" ani ni Singko, huli dumating. Wala siyang alam mula sa plano na pagsunod ni Harriet mula sa babaeng ngayon ay kanila rin sinusundan-sundan. Galing kasi siya ng CR at hindi nakita ang mga pangyayari ng umalis siya at magpaalam. Saka naman nangyari ang mga naririnig niyang pinagkaguluhan ng mga kaibigan.
“Tres, ikaw. Hindi mo talaga pinigilan. Hinayaan mo talaga na gawin niya yon?"
“Siya naman may gusto at hindi ako. Mapipigil ba yon? Kung siya ang nagpumilit. Wala na rin kami magagawa. Kahit pinigilan nga ni Dos, wala rin nangyari. Siya pa rin nasunod. Kita mo, tingnan mo si kwatro. Hindi ba at talagang baliw na.." ani na biro ni Dos kay Uno na kararating lang din kasama ni Singko. Habang si kwatro na binabantayan nila at nabanggit ay kasalukuyan ng nakikipaglaro. Este nakikipag-deskusyunan sa babaeng sinundan.
Tuwang-tuwa sila, natutuwa habang pinanunuod yung dalawa na nagkaka-iringan. Tawa sila ng tawa may time na nasampal ang kaibigan na kinatawa nila. Kinatuwaan na pinagpustahan pa nilang apat.
“Ano? Pustahan, akin yung babae. Hindi mananalo si kwatro diyan. Nakikita niyo naman. Nakailang points na ba? Hahaha." tawang-tawa ni Dos.
“Basta ako nanunuod nalang. Exciting ito, sino ang mananaig sa kanila."
“Sh*t Tres. Nakita mo? Nakita mo yon?" kinagulat ni Dos ng masapol si Harriet sa ulo at hawak nito. Halos masampal na yung babae ng makapagpigil lang si Harriet.
“Grabe, paano natitiis ni Kwatro na wag patulan yung babae? Bilib rin ako sa kanya." sagot ni Uno na nabigla rin ng tamaan ang kaibigan sa ulo at malayo man. Tanaw na tanaw nila ang pagpahid ng kaibigan sa dumudugong nuo.
“Lapitan na kaya natin. Baka mamaya, hindi na makapagpigil si Kwatro. Mapatulan na yung babae." suwestyon ni Singko. Kangina pa nga nais na lapitan ang kaibigan at babaeng katunggali. Subalit pinigilan siya nila Dos at Tres, maging si Uno na hindi pumabor sa nais niyang awatin ang dalawa.
“Kahit lapitan natin sila. Wala naman tayo magagawa. Ayaw ni Kwatro na maipakilala ang sarili na pulis siya. Kaya nga mag-isa siyang nilapitan yung babae. Para hindi makahalata sa katungkulan niya bilang isang pulis."
“Sabagay may punto ko. Pero, Tres. Palagay mo, kakayanin ni Kwatro na na maturuan ng leksyon ng ganyan na sadista yung babae. Nananakit na, nakita niyo naman na makailang beses na nasaktan si Kwatro. Hanggang kelan niya matitis na ganon na nasasaktan siya?" ani Singko na may pag-aalala sa babae na, hindi sa kaibigan.
Alam niya kasi ang ability ni Harriet mula sa pagiging isang mahigpit na pulis. Masyado dedicated ito sa trabaho at hindi basta papayag na tulad ng kanilang nakikita ay matitiis nito nalang. Natitiyak niya na maari itong patulan anytime yung babae. Kaya nais na malapitan at baka sakali na mapigilan ang dalawa. Maawat at ayusin nalang sa tamang paraan ng hindi nagkakasakitan. Naaawa rin si Singko sa nakikitang pagpipigil ni Harriet at pagpapanatili na kalmado.
”Naku pooo, ayun na naman nasapol si Kwatro. Pagkamalas niya talaga. Ang kulit kasi, sabi na hayaan nalang. Ang tigas ng ulo ayan tuloy napapala sa katigasan." sabay sabi ng pinipigilan na sumambulat ang tawa. Iniingatan na baka mapansin sila ng dalawa habang nanunuod may kalayuan.
Pero nakita na sila ni Harriet kaya mabilis na nasenyasan ang mga kasama na wag silang lalapitan. Ginawa naman nila at nanatili nalang sa mga pwesto nila.
“Hayaan niyo nalang siya. Siguro nga eh, makakaya niya yan. Basta mahalaga eh, makuha niya yung sinasabi na nasa wallet niya. Manuod nalang tayo hanggang ano ang maging susunod." ani Tres sambit ng kalmado lang habang nanunuod.
“Pero sa tingin niyo? talaga bang makukuha niya? Mukhang matigas yung ulo, kita niyo kangina pa sila ganyan. Nagmamatigas yung babae at mukhang pinahihirapan talaga si Kwatro. Sa palagay ko may maiisip na iba si Kwatro maliman sa sinabi niya na babawiin niya lang yung laman ng wallet niya. Tiyak na hindi nalang pagbawi ang mangyayari ngayon.."
“Oi, sapol. Plakda sa sahig.."
“Ayy, bakit sinalo? dapat hinayaan nalang niya na malaglag at bumagsak. Bakit?" ani ng isa si Uno na hindi makapaniwala na sasaluhin pa ng kaibigan ang babaeng naitulak.
“Sabi ko sa inyo. Hindi talaga magagawang mag-control ni Kwatro. Nakita niyo? Hahaha. Sapol yung babae, pero ano at bigla nalang nagbago yung isip? Hahaha. Iba talaga once na maganda, nababaluktot si Kwatro." ani ni Dos na siyang-siya sa kanyang nakikita.
“Mahirap talaga kung ganyan yung babae. Naku poooo. Paano nalang kung ganyan yung mapangasawa niya? Buti nalang hindi ganyan si..."
“Tumigil ka nga sa kakadaldal. Ang ingay mo..." ani Tres ng suwayin si Dos na walang tigil sa kakadaldal nito.
Pinaka-makulit sa kanila at ang hirap sawayin habang sila tahimik lang. Although nagsasalita man sila Uno, Singko. Pero si Dos ang madalas na mag-react mula sa pakikipag-sagupaan ni Harriet habang hirap na mapasunod ang babaeng kumuha ng wallet.
“Okay na, sundan na natin sila." ani Dos muli na makulit na sabi at excited na sundan ang taxi na kinasakyan nila Harriet at nang babaeng kasama. Takbo sila, si Dos ang nagmamadali na siyang kumuha sa kotse ni Harriet. Habang ang tatlo pang kasama sa iisang sasakyan nalang mga naglulan.
---------------++++++++++++++--------------
ANGELA'S POV'S
Sobrang lamig, nakakatamad umalis. Pero araw ngayon ng tambay. Kailangan ko pumunta. Kailangan kong magrelax naman paminsan-minsan. Pero, papaano ako tatakas ng nakabantay si Nana? Malas naman, kailangan ko pang mag-intay hanggang pumasok na siya sa kwarto niya. Haist! ani Angela habang nakapangalumbaba. Kasalukuyan siyang nasa kwarto at nagpapalipas ng oras na makatulog ang kanyang Nana, mayordoma sa kanilang Mansion.
Si Nana ang babaeng nagpalaki sa kanya. Ang halos itinuring na rin niyang Ina. Mayordoma, siyang nangangasiwa sa kanilang tahanan. Taga-bantay na rin ni Angela mula ng bata pa siya.
Mahal na mahal siya ng kanyang Nana, kaya naman mahigpit ito kung magbantay sa kanya. Minsan hindi siya makatakas, kung hindi ito natutulog ng maaga. Kaya naman madalas, hindi siya nakakasama sa kanyang mga kaibigan dahil sa malimit na pagbabantay sa kanya. May body guard rin si Angela na madalas na takasan. Kaya naman si Nana niya madalas rin siyang pagsabihan. Madalas siyang makarinig ng mga panenermon nito mula sa mga maling trabaho niya at malimit na pagtakas-takas na kinababaliwan ng kanyang mga kasama sa bahay sa tuwing nawawala siya sa mata. Nagkakagulo ang bahay nila Angela, oras na mawala siya ng hindi namamalayan o hindi napapansin ng kanyang bodyguard.
Mukhang tulog na si Nana, pwede na ako umalis. ani ng makapagpalit ng kanyang damit. Tumingin muna siya saglit sa salamin ng mahinto siya saglit. Okay naman na.. ani niya pang muli at lumakad na papalabas ng kwarto.
Dahan-dahan siyang lumakad ng hindi makagawa ng ingay. Hindi maaari na marinig ang bawat yabag niya. Kaya maiangat na iniaangat ang kanyang mga paa. Para walang kahit anong tunog o makagawa ng kahit anong ingay. Lakad lang si Angela, wala naman na siyang makita na gising mula sa mga kasama niya sa bahay. Basta lumakad lang siya ng lumakad. Hindi na tiningnan pa ang mga naraanan basta nalang kanyang nilagpasan.
Subalit nagulat pa siya ng may isang bulto ang nakasalubong mula sa madilim na bahagi ng kanilang Bahay. “Saan ka ba pupunta, Ange?" ani ng kanyang Nana na kanyang kinagulat. Masungit ito na nagtanong kung saan siya papatungo ngayon ng makita ang suot niya at posture niya habang nasa harap siya nito.
Nagmamadali na nga ako, naharang pa ako nitong matanda na 'toh. ani na natatawa. kamot sa ulo nalang habang nginitian ang Nana na nakatayo at nakaharang sa kanyang harapan.
Pagminamalas-malas ka nga naman talaga!
ani ng may ngiti na nasambit ng kinatawa niya pang muli. Masungit na nagsalita at nagtanong muli ang kanyang Nana ng hindi niya masagot-sagot ang pagtatanong.
Humugot muna siya ng pagkalalim. Nag-isip ng maaari na maidadahilan ng hindi siya mahahalata na tatakas muli siya.
“Dian lang sa labas, Nana. Magpapahangin lang po. Medyo mainit sa kwarto ko." Sagot niya ng lumakad muli at kagat ang labi na wag sana siya harangan. Ngunit nagkamali ng harangan muli siya nito at magsalita ng muli ay punahin siya. “Magpapahangin? Nang ganyan ang suot? Sigurado ka ba o baka tatakas ka lang, Angela? Sinasabi ko sayo, manatili ka lang rito sa bahay at napakadelikado. Anong oras na, wag mo nang balikin na lumabas." aniya muli ng Nana, habang nakatingin sa kanyang pustura. Suot kasi naman niya ay halatang-halata. Naka-make-up pa si Angela at ayos na ayos ang pagkakabihis ng makita ng kanyang Nana.
Nararamdaman niya at narinig ang malakas na buntong hininga. Habang si Angela napahigit rin ng isang malalim habang nakatingin sa Nana. Mukhang malabo na makatakas ako. Mukhang hindi ako palulusutin ni Nana.
“Magdadahilan ka nalang, bisto ka pa. Naku po, Angela. Maging maayos ka nga sa mga pagsisinungaling mo. May magpapahangin bang ganyan ang suot? Gasgas na masyado mga palusot na madalas mong gamitin. Ikaw talagang bata ka, pumasok ka na sa kwarto mo o gusto mong iparating ko pa sa Daddy mo ito?" Muli na ulit na pagkakasabi ni Nana, pananakot rin sa kanya na kanyang nalang tinawanan.
“Si Nana talaga, isusumbong agad? Pwede bang palagpasin muna. Saka magpapahangin nga lang talaga ako. Mainit kaya sa kwarto." Makulit na kanyang pagkakasabi. Tawa-tawa si Angela habang nilalambing ang kanyang Nana.
“Naku, Angela. Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Kahit lambingin mo pa ako, makararating ito sa Daddy mo. Lagi ka nalang ganyan na bata ka. Bakit hindi ka magtira rito sa bahay. Labas ka ng labas, kinapapahamak mo naman ng madalas. Wala ka na ba kadala-dala sa tuwing tatakas ka nalang..."
“Nana naman, ipapaalala pa." aniya ng biniro at kinatawa.
“Bata ka, sige na. Pasok roon sa kwarto mo. Matanda na ako, para maloko mo at mapaniwala sayo." naiiling na sabi ng may tawa. “Sablay ka talaga, sige na pasok sa kwarto." ani muli ng biro. “Hayy, naku Angela. Walang magpapahangin ng ganyan ang suot. Ngayon lang ako nakarinig na magpapahangin ng ganyan itsura. Tigilan mo ako, bitiwan mo ako. Pumasok ka roon sa kwarto mo." tulak nito kay Angela habang nadaldal ng walang tigil at kakasermon sa kanya.
“Tingnan mo nga 'yang damit mo! Ikaw talagang bata ka." ani na hinampas pa siya na parang isang bata. Habang turo ang daan pabalik sa kwarto ni Angela. “Lakad, naku.. Wala na bubuhat sayo. Napakalaki mo na para magpabuhat." ani na nakatawa na pinapalo-palo siya pa na tulad ng nuon ay bata siya.
“Bitiwan mo ako. Hindi, ayoko. Ako mananagot sa Daddy mo oras na pinabayaan kita at hinayaan na umalis. Hindi, sige. Lumakad ka roon." ani nang hindi mapakiusapan ni Angela.
Nakikiusap siya rito subalit pilit na tumatanggi ito at hindi mapapayag. “Nana, please."
“Hindi, lakad. Lumakad ka roon papasok sa kwarto mo." ani ng makipagkulitan pa si Angela. Hindi talaga ito napayag sa mga pakiusap at paglalambing na ginawa ni Angela.
Sabagay, tama nga naman si Nana, sino bang maniniwala na sa labas lang ako pupunta ng ganito yung suot ko? Malabo na mapaniwala ko talaga si Nana na magpapahangin ako ng ganito na nakabistida?
Hehehe, natawa nalang sa mga pamamalo at pagtulak ni Nana. Tama naman kasi siya, kaya wala talaga akong mailulusot sa kanya. Kahit ano pang palusot at pagdadahilan na gawin ko. Malabo na maniwala siya. Kaya heto, tulak-tulak pa rin ako habang nilalakad ang pabalik sa kwarto.
Nakataas pa ang kilay ni Nana ng makatingin kay Angela.
“Sasapatusin kita. Tingan mo nga yung suot mong sapatos? Sa labas ba talaga dapat na ganyan ang suot? Ikaw na bata ka.. Pinasasakit mo ulo ko. Gabing-gabi na. Hindi ka nalang matulog at mamahinga. Bukas ka ng umaga, magpasama ka duon kay James. Pero ngayon, hindi ako papayag. Manahimik ka sa kwarto mo at matulog. Sige lakad, lumakad kang bata ka." Ani na sabi pang muli ni Nana ng nakataas maging dalawa niyang kilay.
Napalunok nalang si Angela sa isipin niyang Hindi siya makakaalis ngayon gabi. Ganito na gising pa ang kanyang Nana, tiyak na babantayan siya nito at i-locked ang kanilang pintuan ng hindi na siya makalabas pa ng bahay. Natitiyak niya na rin na gigisingin ng kanyang Nana si James para siya ay bantayan. Wag lang makalabas ng kanilang bahay.
“Sorry na po, Nana. Love naman kita. Sige na po, hindi na ako aalis. Tulad ng gusto niyo. Dito nalang po ako sa bahay. Hindi na po ako tatakas. Pangako, magpalit na po ako ng damit na pantulog. Kaya wag na po kayo mag-alala at magalit." ani na may lambing ng kanya itong hawakan muli sa braso at halos yakapin. “Nana, masama po sa gaya niyo ang napupuyat. Bakit gising pa po kayo?" ani na may biro niya na itinanong sa nakasimangot niyang Nana.
“Nana, huwag ka pong sumimangot. Ayy, ang pangit niyo na. Yung mukha niyo po, hahaha." natawa pa siya na tukso at ituro ang maraming na nitong...
“Bwisit na bata ito, dahil sayo yan kung bakit dumami. Wag mo na nga pansinin. Pasaway ka, sige at lumakad ka ng mabilis." ani nang hindi na niya naituloy ang sasabihin ng makuha agad nito ang nais na maipunto.
Natawa nalang si Angela na kanyang hila-hila si Nana papasok sa kwarto.
“Halika, Nana. Pasok ka muna po." Nang kanyang alukin na pumasok sa kanyang kwarto ng mahila ito at mabuksan ang pinto. “Maupo ka muna diyan, Nana." Nang magawa niya alukin ito. Pumasok rin kasi ang kanyang Nana ng kanya nitong alukin pumasok at para masure na rin na magpapalit siya ng kanyang damit.
“Magbibihis lang po ako. Dito na muna po kayo. Opps, wag po kayo aalis at tatayo. Diyan lang muna kayo." May ngiti na sambit ng biruin bago pumasok sa kanyang pagkalaking closet.
Napakalawak ng kanyang closet. Nang makapasok kanya rin ito isinara. Para na rin iyon isang napakalaking kwarto na halos naroroon at nilalaman ang lahat ng mga collection niya buhat sa mga binili niya at binili ng kanyang Daddy.
Halos kasing laki ring ng kwarto ni Angela iyon. Pwede na nga siya mahiga roon sa sofa sa gitna ng kanyang closet na madalas ay nakakatulog rin siya at hindi makita-kita ng kanyang mga kasama sa bahay. Natutulog lang pala siya roon sa loob ng closet na kinakaba naman ng kanyang Nana at bodyguard na si James. Dahil sa madalas na pagtakas, madalas na rin ang mga ito magkagulo sa tuwing mawawala si Angela sa kanilang mata.
Makulit, may pagkapasaway si Angela maliban sa mabait at may pagkamalambing na bata. Pero, dahil sa nag-iisa. Madalas na maghanap ng mga bagay na wala siya sa loob ng kanilang tahanan. Para kasi siyang preso na nakakulong lang at bantay sarado. Pwede naman siya lumabas basta kasama ang kanyang bodyguard na si James.
Hirap mamili si Angela mula sa maraming damit niya na nakahilera. Punong-puno ng mamahalin damit, sapatos, bags at iba't-ibang collections na madalas na si Daddy niya ang may dala. Buhat sa ibang bansa sa tuwing mayroon itong business trip.
Madalas siyang may pasalubong sa Daddy niya at malabo na wala. Dahil hindi kailanman nakakalimutan ng kanyang Daddy ang mga kanyang nakakahiligan at mga paborito na collections na gamit.
Mahilig siya sa bags, sa shoes, sa mga damit at higit sa lahat. Mahilig siya sa mga jewelry. Hayun nga at nilalakaran niya ang kanyang lagayan ng mga alahas. Ibinalik nalang niya ang mga suot niyang alahas dahil sa malabo siya na makaalis pa. Kumuha nalang siya ng isang simpleng dress at iyon ang kanyang isinuot. Matapos ay lumabas na siya sa kanyang closet upang ipakita sa kanyang Nana.
“Nana, okay na ba suot ko ngayon? Pero maganda pa rin naman tulad kangina?" Umikot-ikot siya sa harap ni Nana, ipinakita niya maigi ang suot na dress na fit na fit pa rin at maganda.
Nakangiti siya ng lapitan ito habang ito ay nakasimangot at hindi maipinta ang mukha habang seryoso at nag-iisip ng kanyang sasabihin. Habang si Angela, paikot-ikot hanggang hindi nasagot ang kanyang Nana. “Ano na, Nana? Maganda di ba? Kasi maganda talaga ako, kaya kahit anong isuot ko, maganda ako." aniya na nagbiro at may pangungulit na sinabi sa kanyang Nana na tumaas na naman ang isang kilay.
“Pantulog mo na 'yan? Sigurado ka ba Angela? Pantulog na yan?" Mataray na nagtanong habang tinitingnan siya mula sa ulo, pababa at tumaas pa muli saka muli na nagsalita. “Pinagluluko mo ba ako, Angela? Pinatatawa mo?" ani nito muli ng hawakan siya at iikot. “Tingnan mo nga, sigurado ka na yan ang ipangtutulog mo o may balak kang tumakas?" aniya na dineretso na siya.
“Nana naman, syempre pantulog ko ito. Nakita mo naman, bakit? Hindi ba pwede na ganito ang suot habang matutulog ako? Pwede naman di ba? Bakit ba ang sungit mo sa akin ngayon? Para naman hindi ako natutulog ng ganito ang suot. Nana..."
“Naku Angela, tigilan mo ako. Saan ka naman nakakita ng matutulog ng ganyan ang suot?"
“Nana, pwede na po ito. Pwede naman na ganito ang pantulog ko. Naku si Nana, matanda ka na nga. Wala kang alam sa mga suot na pantulog ng mayayaman... Sorry Nana. Pasensya na po." nang magbawi siya mula sa sasabihin sana niya. Humingi siya ng pasensya rito sa pagiging brutal at paggamit ng salitang yaman na meron siya.
Ayaw na ayaw niya kasi na nagagalit ang Nana niya at ayaw na ayaw ng Nana niya ang gagamitin ang salitang yaman sa iba. Lalo na ang ipagmamalaki niya ang pera na meron ang Daddy niya. Nagagalit ang Nana niya. Dahil hindi raw maganda ang ipinagyayabang ang yaman na kanyang natatamasa ng dahil sa Daddy niya. Dapat rin raw maging maingat siya sa pagsasabi nito ng hindi maging dahilan para ikapahamak niya ulit.
Madalas kasi siyang mapahamak at ayaw na ayaw ng Nana niya ang nalalagay siya sa kapahamakan lalo na at gawa ng mga taong nasa paligid niya lang. Kaya naman ang bilin sa kanya ng Nana niya. Mabuti ang nasa loob lang siya ng bahay. Hindi siya mapapahamak tulad ng madalas na mangyari sa kanya. Kaya naman maingat sa kanya ang Nana niya at madalas siya nito bantayan at kung maaari nga lang hindi siya mawala sa paningin.
“Okay sige, magpalit ka mamaya bago matulog. Para sa akin. Hindi maganda at komportable iyang napili mong isuot. Matulog ka na rin at magpahinga. Inaantok na ako, maiwan na kkta." ani nito ng hayaan nalang si Angela sa pamimilit sa kanyang suot na bistida. Tumayo na rin ang Nana niya ng matapos muli na maghabilin ng ilan pang sinabi nito. Nakahinga tuloy si Angela, matapos na magpaalam ng kanyang Nana.
“Yes, Nana. Magpapalit po ako mamaya. Goodnight po." sabay na sinabi ng napangiti. Ngiting-ngiti si Angela ng tuluyan ng talikod si Nana at nakalabas sa kwarto niya. Lalo ng maglapat yung pinto, napatalon pa siya sa kanyang tuwa.
Yes! tuwang-tuwa na sambit habang napatalon.
Sa wakas, may pag-asa pa! aniya na nasambit pa rin sa kanyang katuwaan. Makakaalis rin sa wakas! nang kanyang maisigaw subalit kanya rin naitakip ang kamay mula sa bibig niyang maingay. Naisip niya na baka mamaya ay nasa labas pa ang Nana niya at nakikinig lang mula sa kanyang kasiyahan ng magpaalam ito at makalabas.
Baka nakikinig si Nana sa labas, lagot ako. ani na naibulalas ng mahina halos pabulong nalang habang naggagayak ng kanyang sarili para makaalis at magtungo sa mga kaibigan na ngayon ay nasa bar.
Hindi na siya nagsayang ng oras. Nagmamadali na si Angela na kinuha ang kanyang mga gamit para makaalis na at puntahan ang mga kaibigan. Ayaw na niya maaksaya kahit isang minuto. Kaya naman kumaripas na rin siya ng galaw at hindi na naisipan pang muli magbihis. Kaya kung ano ang suot-suot na naipalit sa kanina niyang suot ang siyang bitbit niya ngayon na nakasuot. Gusto pa sana niya magpalit pero naiisip niya yung oras na masasayang habang siya ay tumatagal sa loob ng kwarto.
Bahala na! ani nito ng lumingon muna at baka may maiwan.
Maging ang suot niya na sapatos para na siyang ewan. Dahil sa pagmamadali, sablay lahat. Tinakbo na niya ang balkunahe ng kanyang kwarto. Duon ay may nag-iintay na kumot na pinagdugtong-dugtong niya na nagagamit sa tuwing tatakas at mahuhuli siya. Dito kasi sa daan na kanyang ginawa. Siya lang nakakaalam at walang iba. Swerte nga niya at hindi pa ito natutuklasan ng kanyang Nana at ilan pang kasama sa bahay. kaya naman tuwang-tuwa si Angela dahil mapag-hanggang ngayon ay nananatili itong lihim sa iba.
Kaya pasalamat siya dahil wala pa nakakakita. Sabagay naman sa laki ng kanilang bahay. Mahirap na rin makita ito. Lalo at tago at hindi masyado makikita ng sa may halaman na matataas ang pagbabagsakan niya. Problema nga lang niya ang papauwi na kanyang gagawin. Dahil natitiyak na niya ang pagsarado at pag-locked ng pintuan mula sa baba ang hindi niya mapapasukan mamaya pagbalik.
Bahala na nga! aniya muli ng umayos na siya at mag-umpisa na binaybay ang pagbaba sa ginawa niyang lubid. Inuna niya ibinagsak ang kanyang mga gamit at duon ay sumunod na siya sa pagbaba.
Dahan-dahan lang siya at baka siya magdiretso pababa at bumagsak sa lupa. Naku pooo. Wag naman sana. aniya ng muntikan na siyang mapabitaw. Kinabahan siya at baka tuluyan na siyang ilaglag ng hawak na kumot.
Nag-iisang anak si Angela ng kanyang Daddy. Dahil nag-iisa at madalas na wala ang Daddy niya. Tanging si Nana niya at si James ang madalas niyang kasama. Maliban sa ilang maid na kinuha ng kanyang Daddy na makakatulong ng kanyang Nana sa paglilinis ng napakalaking bahay nila.
Napakalawak, napalaki subalit iisa-isa siyang nakatira. Buti na nga lang at naririyan ang Nana, si James at ilang katulong na kung minsan ay hindi pa sila magkita-kita sa laki ng bahay na nililinisan ng mga ito. Kaya ang ginawa nga niyang daanan. Hindi pa rin natutuklasan sa laki ng bahay. At hindi talaga makikita dahil nasa liblib ito.
Si Daddy! nang naisambit ni Angela. Namimiss na rin niya ito. Wala nga kasi at madalas pang hindi sila magkita dahil sa madalas nasa business trip o kaya naman uuwi lang ito para magbihis at magpalit ng kanyang damit. Wala na ito halos oras sa kanya ng dahil sa mas priority nito ang negosyo. Kung saan buong panahon ay duon lang itinuon.
Tulad niya, marami ring bodyguard ang daddy ni Angela. Subalit siya iisa. Iisa lang ang ipinakiusap niya para naman hindi siya mahalata ng iba. Kung gaano siya kayaman o gaano sila kayaman dahil sa kanyang Daddy.
Nuon marami siyang Bodyguard. Pero dahil natutunan na niyang ipagtangggol ang sarili. Nakiusap siya na iisa lang ang nais niya. Ayaw niya ng maraming magbabantay sa kanya dahil mas pakiramdam ni Angela na mas nasa kapahamakan siya kung marami ang magbabantay sa kanya. Kaya nag-aral siya ng self-defense para naman hindi na siya bigyan muli ng maraming bodyguard.
Isa kasi siyang De Silva, si si Angela De Silva. Anak ng pinakamayaman na tao sa buong bansa. Kilala ang Daddy niya at nangunguna sa maraming mayayaman na negosyante. Kaya ang buhay nila ng Daddy niya para lang nakaangat sa lupa na anytime maaari rin bumagsak o ikapahamak nilang dalawa.
Sa dami ba naman ng negosyo ng Daddy ni Angela. Bakit hindi matatakot, kung minsan ay ikinapahamak na niya ang pagiging isang anak ng mayaman at anak ng kinikilalang tao sa buong bansa. Si Alfred De Silva ang tinitingala ng halos maraming negosyante. At siya so Angela ang tinitingala ng marami niyang ka-eskwela nuon. Wala nga halos gumagalaw sa kanya sa takot na baka ikapahamak nila. Kaya madalas, wala rin siyang nagiging kaibigan ng dahil sa nilalayuan siya at mga takot na mapahamak lalo na at ilan pa ang nakasunod at nagbabantay sa kanya. Tulad nalang ng Daddy ni Angela na marami ang mga nakasunod na hindi inipormado na bodyguard. Marami na rin kasi ang mga nagtangka sa buhay ng kanyang Daddy. Lalo na sa mga negosyante na naiinggit sa tinatamasa ng kanilang pamilya.
Ganoon rin naman kay Angela na bata pa lang muntikan na rin ikapahamak ng minsan may magtangka sa buhay niya na labis na ikinatakot ng kanyang ama. Kaya naman ang multi billionaire na ama. Natakot at ikinuha siya ng maraming bodyguard. Dahil nga sa nag-iisa siya at tanging magmamana ng lahat ng negosyo ng kanyang ama.
Halos lahat ng building na naglalakihan sa buong bansa ay pagmamay-ari ng kanyang ama. Kaya naman ayun maging Malls, Supermarket, Finance Company, Firm at marami pang iba ay pinasok rin ng kanyang Daddy. Basta mapaglalagyan ng pera nito lahat sinusubukan na pasukin ng Ama niya lalo na at marami rin itong mga kasosyo na siyang dahilan bakit nag expand ng nag-expand at lumawak hanggang sa dumami.
Kaya ngayon, madalas siyang mag-isa sa bahay. Walang kasama. Maliban nga sa kanyang mga Nana na siyang gumagabay sa kanya. Nuon at nuon pa.
Mabilis na nakababa si Angela at kumaripas na siya. Dahil sa kanyang pagpuslit, sa bar ang kanyang tungo para lang makita ang mga kaibigan na inakala ay kaibigan ang turing sa kanya.
Masaya siya na nakakasama ang mga kaibigan. “Hi!" aniya ng makarating sa loob ng bar. Medyo lasing na rin ang mga kaibigan. Nakainom na ang mga ito. Kaya naman medyo mga wala na rin sa sarili.
“Marami na kayo nainom?" aniya na naitanong mula sa mga kaibigan na panay ang paghigop ng alak at inom.
“Pagpasensyahan mo na." aniya ng isa ang pinaka mabait para sa kanya. Kay Angela, para sa kanya hindi naman lahat sa kanyang sinasamahan ay tulad ng isa na walang ginawa kung hindi ang paglaruan at pagkatuwaan siya.
Pero yun nga lang. Sa dahil late siya dumating. Siya ang napagbalingan at napagkatuwaan na naman.
Inutusan siyang dukutan ang lalakeng paparaan. Wala naman siyang magawa ng dahil sa hindi siya maaari na tumanggi ng dahil sa ayaw niya naman maalis sa groupo. Kaya kahit mabigat sa loob. Napilitan siyang gawin. At dahil sa kanyang ginawa. Ayun, ikinapahamak na naman. Wag lang masabihang duwag at walang pakikisama. Siya ngayon ang naiipit ng dahil sa kagagawan rin ng kanyang mga kasama na na itinuturing niyang kaibigan.
Napahugot nalang siya ng hininga. Mula sa mga sinabi sa kanya ng kanyang Nana. Hindi siya nakinig mula rito na maari na ikapahamak ang gagawin niyang pagtakas. Kaya heto, bitbit siya ng isang pulis at muli ay napahawak siya at napasok sa isang gusot ng dahil sa mga akala ay kanyang kaibigan.
Anong malay ko ba na pulis itong naituro nilang gawing katuwaan ng groupo. Malas, ang malas ng dahil ako ang nalagay na naman sa gusot na ito. Nakakainis naman, nakakainis. bulong habang siya ay bitbit ng pulis na humuli sa kanya.
Sinubukan naman niya ang makatakas. Subalit malakas ang pulis na kasama. Kahit anong pagpupumiglas na ginawa niya ay hindi niya nagawa na makatakbo at makatakas rito. Kaya ngayon kahit anong panlalaban ay hindi na umuubra.
“Huwag ka nga malikot." aniya nito sa kanya. Pilit pa rin kasi siya nanlaban pero pilit rin siyang napipigilan.
“Bitiwan mo nga ako." ani ni Angela ng maitulak yung lalake na may hawak sa kanya. “Kainis, bitiwan mo sabi ako. Ano ba, hindi mo ba naiintindihan o bobo ka lang." siya na ang hindi nakapagpigil at nasabihan ng bobo yung pulis na humuli sa kanya.
Lumalakad sila habang akay at hawak siya ng mahigpit sa braso. Nakababa na siya sa taxi ng muntikan siyang buhatin. Buti nalang at naiwas si Angela ng muntikan na siyang mahawakan sa kanya... “Bwisit, masakit." ani Angela ng diinan yung hawak sa braso at hilahin siya ng mabili at maipasok sa loob ng police station.
Napayuko nalang siya ng marami ang nakatingin habang nag-kakairingan at hilahan sila. May ilan pang tumatawa at sa kanya ang diretso ng mga mata. Ano ba, ano ba ito. ani Angela ng matanawan si James na nakadungaw sa loob ng pintuan papasok sa police station.
Hiyang-hiya siya, dahil sa nalaman na pala nito ang kanyang ginawang pagtakas. Nakita niya ang seryoso na mukha nito at pagpipigil na malapitan siya. Sinenyasan niya si James na wag lumapit at hayaan lang. Naisip na rin ni Angela ang kanilang private attorney na baka nasa loob na rin ng presinto at nag-aantay sa pagdating nila. Hindi nga siya nagkamali dahil nasa loob nga ang attorney ng kanyang Daddy. Nag-iintay na sa pagdating nila, ngayon ay nakatuon ang tingin sa kanya.
“Maupo ka rito." utos ng lalakeng pulis bago ito umalis ay inihabilin pa siya sa mga kasama. “Dito ka lang." ani ng maiwan na siya na nakaupo. Habang si Attorney Jake Suarez ay nag-umpisa na makipag-usap sa mga pulis may isang pulgada ang layo sa kanya.
Si Attorney Jake Suarez ay ang attorney ng kanilang pamilya. Ang attorney na madalas mag-ayos ng gusot na kanyang nililikha. Tulad ngayon. Nakikiusap ito mula sa mga police na naroroon kausap habang siya nakaupo lang at nag-iintay. Hindi pa rin nakababalik ang lalakeng nang-iwan sa kanya. Habang siya ay nakaupo at mga nakatingin sa kanya ang ilang nasa loob ng police station.
Si James, hindi pa lumalapit sa kanya. Ang personal bodyguard niya na ibinigay sa kanya ng kanyang Daddy. Malalakas ang paghugot niya ng bawat hininga habang nakatuon ang mga tingin mula sa paligid. Hindi pa masulyapan ni Angela ang lalakeng may gawa nito sa kanya. Wala pa rin ito habang naiinip na siya na makalabas sa loob ng presinto pero bago pa sana mangyari yon ay nais niyang harapin ang pulis na may gawa sa kanya, ang pulis na nagdala sa kanya sa lugar na kinabibilangan niya ngayon. Ang lugar na may magugulong tao.