CHAPTER 5

5000 Words
HARRIET'S POVS “Kamusta? Off mo di ba?" ani sa kanya ng isa sa mga kasamahan na police. Nagtataka na nagtanong ito sa kanya habang naglalakad siya papunta sa banyo. Hindi niya nga agad nakita ito at mapansin ng panay isip siya tungkol sa babaeng hinuli. “Oo nga, nagka-emergency. Kaya heto, imbis na pahinga. Sakit ng ulo ang tinamo ko." aniya na naisagot ng magmulat ng pagkaluwang ang mga mata. “Ano yan? Bakit may sugat ka? Wag mong sabihin na napa.." “Hindi, malabo. Para naman di mo ako kilala. Yung babae ron, yun may gawa. Grabe, hindi lang yan. Kita mo ito? Siya lahat may gawa niya kangina. Parang hindi babae, grabe. Kaya hayan at dinala ko na rito ng maturuan ng leksyon. Nabwisit ako, inubos pasensya ko. Tama lang dito siya ngayong gabi matulog ng magtanda." ani sagot ni Harriet. “Babae may gawa?" gulat nito muli. Kinabigla at napatingin sa babaeng kanyang turo-turo. “Siya pala gumawa niya sayo? Grabe ang dami mo kagat ahh, vampire ba yun? Hahaha." sabay natawa pa sa sarili niyang biro. “Ewan, may lahi nga ata aswang yon o kung ano pa man lahi niya wala akong pakialam. Basta ngayon sisiguruhin kong magtatanda siya sa lahat ng ginawa niya sa akin kangina." may inis na sambit. Lumakad na sa loob papasok sa banyo at duon ay nagbanyo na si Harriet. Hindi pa man natatapos si Harriet may tumabi na agad sa kanya. “Kwatro, anong... At iyan ang nangyari sayo? Yung babae ba talaga na yon gumawa niya sayo? Ang tindi ahh, bakit pumayag ka? Sana hindi ka pumayag na ganyan ang ginawa niya sayo. Ang sakit siguro niyan. Mas masakit pa sa mga natatamo natin na suntok at pambubugbog ng mga hinuhuli nating masasamang d**o. Nangingitim na din mga kagat ba niya yan?" Tumango siya rito na kinatawa. “Bakit nagpakagat ka? Ano ka babae na nakikipag-away sa babae? Para ka naman bata niyan na nakipag-away sa kalarong bata." ani ng biruin siya pa. “Tumigil ka nga sa pangbubuyo mo. Baliw lang isang yon. Bakit inabutan ako. Pero hindi ko inexpect na ganoon katindi ang isang yon. Palaban, grabe magpumiglas. Para bang siraulo, nasisiraan kamo lalo ng sabihin kong bibitbitin ko siya papunta rito. Kita mo naman ginawa. Sobra, nahirapan talaga ako. Nasaktan pa kamo." naiiling na sabi niya ng naikwento pa ang ibang mga pinagdaanan niya sa babaeng inaresto. Tinukso-tukso siya hanggang dumating ang isa pa niyang kasama. “Ano balita? Napasubo ka ano? Ang tigas kasi ng ulo, bakit pinatulan mo pa. Sana nanahimik ka nalang sa tabi namin ng ipagpilitan mo pang masundan yung amasona na babaeng yon. Ayan tuloy napala mo, masakit ba? Hahaha, sabi na nga ba." turo sa mga galos, pasa at sugat ng ipakita niya. Tawa ng tawa si Tres na kangina sa bar ay seryoso na sinusuway ang kanyang mga kasama. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ang tigas ng ulo mo kasi. Hahaha." tawa ng tawa na naman ito na inakbayan siya ay dumating si Dos na nakatawa na rin. “Balita? Mukhang nadali ka na ni Tres, ikaw naman kasi. Ayaw mo magpapigil, kung bakit mas pinili mo ang sundan ang babaeng iyon. Ayan. Nakita mo na? Nakita mo na Ang resulta ng lahat ng mga kalokohan ng maisipan mong habulin siya." ani ng may pagpapaalala at nagawa pa muli siyang pagtawanan. Pinagtawanan siya ng kanyang dalawang kaibigan na sinundan pa ng dalawa. Sina Uno at Singko na kapwa sabay na pumasok sa banyo. Nakalabas na yung isa na kausap niya kangina at pumalit naman ang apat niyang ttopa na kasa-kasama niya na nagtungo sa bar kung saan niya nahuli ang babaeng gumawa nuon sa kanya. Ang babaeng nanakit at pinahirapan siya ng husto bago pa niya mahuli. “Okay ka lang?" Tumango siya ng magtanong si Uno. Sinabayan pa ng pagtatanong ni Singko. “Ayus ka lang?" “Okay lang ako, malayo sa bitura. Grabe naman kung mag-alala kayo. Hindi pa ako mamamatay." naibulalas na naibiro ni Harriet sa mga kaibigan. “Ayos, hindi naman ikaw yung totoo na inaalala namin rito. Yung babaeng hinuli mo. Ayos lang ba siya?" biro na ibinulalas ni Dos. “Mga siraulo kayo, akala ko naman. Kaya kayo nagpunta rito para ako ang kamustahin. Yung babae pa pala ang inaalala niyo ng higit kesa na ako itong nabugbog ng husto rito." aniya na biro ng suntukin ng mahina ang balikat ni Dos na halos manakit tiyan sa kanyang katatawa. Tawa ng tawa si Dos at hindi niya na mapigilan ang pagtawanan ang kaibigan niyang si Harriet na idinadaing ang sugat sa ulo at kanyang sugat sa mga braso mula sa mga kagat at bakat ng mga bumaong ipin. Napakahaba ng galos rin na napansin ni Harriet na hindi niya naramdaman kangina. Nakalmot rin pala siya ng hindi napapansin mula ng magkasama sila ng babaeng hinuli at hindi pa nalalaman ang pagkakakilanlan. “Anong balak mo ngayon?" Ani tanong ni Uno sa kanya. ”Oo nga, anong plano mo?" si Tres ang siya naman nagtanong habang si Dos tawa-tawa lang. “Ano pa, turuan ng leksyon. Dito siya matutulog ngayong gabi..." “Kilala mo na ba?" Umiling si Harriet. “Ayaw nga magsalita. Isa pa iyon. Dahil ayaw sabihin kung sino siya." sagot niya sa mga tanong nila Uno at Tres habang si Singko chill lang at nakikinig. Hindi na ito nakisali sa mga pambubuska ng kanyang mga kaibigan at kasama. Nagpatuloy sa mga usapan ang mga magkakaibigan habang nasa banyo sila. “Anong balak mo?" tanong na sinabi nito sa kanya. Si Tres ang nagtanong ng suwayin nito ang walang kwenta na panunukso ni Dos. Walang kwenta na mga pinagsasabi. Malayo sa mga naiisip na plano ni Harriet para sa babaeng nahuli. “Kung hindi siya magsasabi ng mga details sa kanyang pamilya. Malamang na rito nalang siya matulog ngayong gabi. Gusto ko sana makausap ang pamilya niya ng ma-aware sa mga pinaggagawa niya. Hindi na siya bata. Malamang din na may mga pamilya siya na ayaw naman niya sabihin ng tanungin ko siya kangina. Malamang na may mga magulang yan, ayaw lang talaga aminin. Nasisiguro ko aamin rin yan mamaya oras na makalag-umpisa na ako muli ng pagtatanong." sabi niya sagot sa mga kasamahan na nasa loob rin ng CR. “Oo nga pala, kotse ko?" tanong ng maalala niya ang naiwanan na kotse. “Dinala niyo ba?" “Oo, ako nagmaneho papunta rito. Ayos, talagang inalala mo pa yung kotse mo. Sakali sarili mo, tingnan mo nga." anito ni Dos, makita at ituro ang bukol at sugat sa nuo. Hindi na nga niya iniinda-indi ng pilit pang ipinaaalala sa kanya ng kanyang mga kaibigan na ngayon mga nasa loob ng banyo, hindi para mag-CR. Kundi para lang buskahin siya at mga pagtawanan. Inakbayan naman siya ni Uno, tinapik siya sa balikat ni Singko habang si Tres nakangiti at si Dos, tawa-tawa pa rin. Nang matapos siyang magbanyo. Lumabas na rin siya kasama ang kanyang mga kaibigan. Mga tawa-tawa pa rin sila. Habang sila ay lumalabas sa banyo. Nagbibiro si Dos, habang seryoso naman si Singko na nakatingin sa babaeng nahuli ni Harriet. “Maganda pre, mukhang jackpot ka rin sa kanya kwatro. Mukhang alam mo na... ang ibig kong sabihin." aniya na biro ni Dos ng nakatingin rin sa babaeng hindi pa man nakikilala at nalalaman ang pagkakakilanlan. “Pre, may nais kumausap sayo." anito ng kasama ng magawa silang lapitan. Kasalukuyang nagkakatawanan pa sila at hindi pa man nabalikan ang babaeng kanyang nahuli. Natuon ang atensyon niya mula sa mga mapagbiro niyang mga kaibigan habang napasinghap siya at mapasulyap sa gawi ng babaeng naiwan. “Sino raw?" napalingon siya mula sa kung saan ay itinuro ng kanyang kasama. Nakita niya ang isang lalake na nakapangtulog nalang ata at kinatawa. Habang tinitingnan ito ni Harriet nakatingin rin ito sa kanya ng seryoso. Nagtataka rin siya kung bakit ito nakatingin sa kanya at ganon na nais siyang makausap. Hindi niya ito kilala. At lalo na ngayon pa lang din niya nakita. “Kilala mo ba?" Umiling siya ng matanong siya ng kanyang kasama na lumapit sa pwesto nila. “Kwatro, sure ka. Hindi mo talaga kilala?" Umiling siyang muli ng maitanong sa kanya. “Hindi nga, sino raw ba siya?" nang kanyang balingan ang kasama. Curious rin siya kaya naman kanya itong tinanong. Hindi rin kasi siya pamilyar sa taong tinutukoy. “Attorney Jake Suarez, kilala mo?" anito na sambit ng sagutin siya. Napaisip si Harriet ng dahil sa hindi niya ito kilala. Kahit anong pilit niyang isip. Hindi niya maisip kung sino ba ito talaga. “Hindi eh, ano raw kailangan?" “Sa babaeng kasama mo kangina. Family attorney ata nila si Attorney Jake Suarez. Kaya naririto ata siya para aregluhin ang gusot ng kliyente niya na ginawa sayo." sagot muli nito na kinagulat ng kanyang iba pang kasama. “Attorney? Ibig sabihin pala mayaman talaga yung babaeng nandukot sayo?" ani Tres na sumagot naman si Dos ng pabiro. “Nagwapuhan lang ata rito kay Kwatro. Kaya dinukot yung pitaka niya para lang mapansin ni Kwatro. Ano, kwatro? Baka naman dati mo pang kilala iyang babae na yan? Tapos ngayon na makita ka muli sa bar saka lang nagkalakas loob na malapitan ka." “Baliw, Dos ang lawak ng pag-iisip mo talaga. Anong dati pa? Mukha ngang ngayon lang sila mga nagkita na dalawa. Halata naman, mabubugbog ba ng ganyan si Kwatro ng magkakilala na sila nung babaeng inaresto niya? Imposible na ganon nga ang naging senaryo. Malabo, hindi sa kilala na siya ng babae. Sa tingin ko nga. Hindi naman siya kilala ng babae. Hindi sasaktan nito si Kwatro ng may nararamdaman siyang paghanga para rito sa bata natin." aniya ni Uno na nakibiro na rin. Habang si Tres nag-iisip at si Singko nakikinig. Habang yung kasama niya na lumapit inaya na siyang lumapit. “Halika na... Lapitan muna para malaman mo rin ang lahat sa kanya. Siya na bahala makipag-usap tungkol sa kliyente niya at magpaliwanag ng mga nais niyang iparating sayo." “Anong ibigsabihin ng sinabi mo?" aniya na magulat sa mga nasambit nito. Naiwan sila Uno, Dos, Tres at Singko ng magawang sumama duon sa kasama niya para sana harapin ang lalakeng naghahanap sa kanya. “Ang nabanggit niya gusto niya sana aregluhin nalang ang problema mo sa anak ng kanyang kliyente. Kangina pa nga yan rito nagulat ako ng mapasugod rito. Wala pa naman kayo ng babaeng sinasabi niyang anak ng kliyente niya. Tingnan mo yung suot niya. Nakapangtulog pa nga ng tawagan raw siya nung bodyguard nung babaeng hinuli mo." aniya na naikwento habang naglalakad sila patungo sa nakaupo na attorney duon sa pwesto ng kanyang kasama. “Mukhang mayaman talaga yang nahuli mo. Handa raw magbayad ng multa na malaki at makipag-areglo sayo. Biruin mo yon. Harapan talaga niya sinabi yon ng hindi pa kami nagtatanong kung ako bang nangyari. Wala ka pa nga papaano naman namin sasagutin ang mga sinasabi niya daldal ng daldal rito kangina. Inaantok pa nga at kasalukuyang pa nga raw na matutulog na sana siya. Kaya lang ang tagal niyo dumating ayan, nakita mo itsura. Mukha ng zombie sa lalim ng mata." tawa-tawa nito na sinalaysay na seryoso naman siya habang nakatingin duon sa kasama nito. Yung babae na hinuli niya. May lumapit na isang lalake at ngayon kausap nito. “Siya yung bodyguard. Tinakasan raw ang kwento kangina. Kala raw nila nasa kwarto lang. Yun pala natakasan na naman sila na madalas naman pala na ginagawa ng nahuli mong babae. Sayang, mayaman pero napakapasaway pala. Ang ganda rin, pero mukhang childish. Nakita mo, hahaha. Kung papaano makipag-usap ron sa bodyguard. Para lang sila tropa, pero sabi ni Attorney mabait naman raw yang batang babae na hinuli mo. Medyo spoiled lang raw at medyo may pagkapasaway. Kasi nga, mag-isa lang na anak. Tapos, wala pang Daddy niya at hindi sila madalas na magkita. Kaya ang madalas niyang kasama iyang bodyguard niya at mga kasama roon sa bahay. Maliban roon, wala. Kaya siguro panay ang takas niyan kasi nga nagsawa na sa mga araw-araw niyang kasama at nakikita." napakadaldal na sambit ng kanyang kasama. Nakikinig naman si Harriet habang napasulyap mula sa lalakeng kasama at kausap ng babaeng hinuli. “Maiwan ko muna kayo, dito nalang kayo muna mag-usap na dalawa at magkakape lang muna ako." sabi ng magpaalam ng kanyang kasama. Tumayo yung tinutukoy nitong attorney Jake Suarez nagbigay galang sa kanya. “Hi, Attorney Jake Suarez." “SPO1 Harriet Dominguez, anong maipaglilingkod ko sa inyo?" aniya na may ngiti. “Maupo ka!" Alok niya at naupo naman. Naupo rin siya sa harap nito at pinag-uusapan nila ang buong detalye about sa anak ng kliyente na siyang ipinunta ng agaran. Natawa na nga lang si Harriet mula sa kwento nito na siyang kinakaripas nito ng takbo makarating lang ng presinto. Dahil sa tawag nga ng bodyguard ng kanyang kliyente. Agad siyang tumungo sa police station kung saan ay itinuro ng bodyguard ng nag-ngangalan na Angela. Angela De Silva pala ang tunay niyang pangalan. Mali sa nasambit nito kangina na Cleopatra raw na ikinatawa pa nga niya. Dahil sa ihinalintulad nito iyon sa movie kung saan ay nagbibida ang nag-ngangalan na Cleopatra. Napailing nalang siya at napasinghap ng kanya iyon maalala. Babae na yon, kakaiba talaga. Dahil di lang isang childish, isa rin palang sinungaling. Hindi una makapaniwalang anak mayaman ang babaeng kanyang hinuli. Hindi lang kasi anak mayaman. Dahil anak ito ng isang business man na pinakamayaman sa bansa. Napahugot si Harriet ng may kalaliman ng maisip na mukhang nagkamali siya ng pagkakakilala sa babae. Oo at naisip niya baka mayaman na pamilya nga ito nagmula. Dahil sa mga anak mayaman rin naman ang mga sinamahan ng babaeng inaresto. Pero never siya nag-isip na sa isang pinakamayamang pamilya pala ito nagmula. OMG, sa itsura niya. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Lalo pa't nagagawa nitong maitanggi at magsinungaling bawat aking itanong rito. Napasinghap na naman. “Yung babaeng yon." nang maihilamos ang isang palad sa mukha at napangiti nalang. “Pagpasensyahan mo na sana officer, ako na bahala kumausap sa kanya at pahihingiin ko nalang ng sorry sayo. Sana pumayag kang ma-areglo nalang ito. Palagpasin mo nalang sana. Handa naman kami magbayad kung kinakailangan wag lang matulog rito ang kliyente ko." “Subalit iyon naman ang tama diba? nakita mo naman itong ginawa ng kliyente mo? Tama bang ganito ang gawin niya sa akin. Habang nakiusap naman ako ng maayos. Pero ano ginawa niyang childish mong kliyente. Binugbog ako. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa yung sakit. Hanggang ngayon, naririto pa rin yung bigat ng pambubugbog niya sa akin. Nakita mo ito? Siyang gumawa niyan. Maging ito, nakikita mo? Sino bang matinong tao ang makakaisip na gawin yan sa kapwa niya. Iyang kliyente mo dapat lang na maturuan ng leksyon kahit isang gabi lang rito sa presinto, ayy.. hindi pala. Dapat mga ilang gabi siya rito para magtanda sa mga ginawa niyang p*******t sa akin. Tama ako? Di ba, Attorney? Maldita yang kliyente mo, dapat na parusahan ko rin. Tama naman ako? Hindi lahat nakukuha at nadadala ng pera. Dapat paminsan-minsan rin ay matuto rin ang mga gaya niyang mayayaman. Anak mayaman..." napapailing na sambit ni Harriet habang naituro lahat ng sugat niya na tinamo mula sa kliyente ng kausap na attorney. Inaartehan ni Harriet ang attorney para mapaisip rin sana ito mula sa mga kanyang naranasan mula sa Angela na nabanggit ng Attorney na kaharap. Napasulyap siya mula sa babaeng kausap ng isa pang lalake na kasama ng attorney. Ang sinasabi na bodyguard nito na natakasan kaya ngayon ang alaga ay bitbit niya sa presinto. Napapaisip ngayon si Harriet mula sa dapat niyang gawin. Kung tama pa bang maturuan ng leksyon ang babae o hayaan nalang at palagpasin ang mga nagawa nito. Dahil sa mga pakiusap ng Attorney at ilang detalye na nakapagpapaisip sa kanya subalit ayaw niya rin baguhin ang kanyang binitawan na salita. Kay naman ngayon malalalim ang mga iniisip ni Harriet. Ayaw niya sana magpadala sa mga awa at pakiusap. Pero sa isang banda nadadala na rin siya at nakokonsensya sa kanyang gagawin. Sa desisyon na bibitawan pero andun rin naman ang paggugulo ng kanyang utak na hindi umaayon sa desisyon na binabalak. “Officer, ano na desisyon niyo?" aniya ng bulabugin ni Attorney ang malalim niyang pag-iisip. Tumikhim siya at huminga ng malalim. “Pag-iisipan ko muna. Pero nasa kliyente mo ang magiging desisyon ko oras na magawa niyang humingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. Kausapin mo, kung sa gaya niya maibaba niya ang pride niya at hihingi ng tawad sa mga nagawa niya na p*******t at pambubugbog. Baka sakali na magbago pa ang isip ko. Pero kung hindi niya magagawa. Pasensyahan nalang tayo attorney. Hindi kasi ako nadadala ng pera na inaalok mo. Kahit papaano may dignity ako at pinangangalagaan ko ang posisyon ko bilang isang empleyado ng kapulisan. Mataas ang pqgtingala ko sa aking trabaho at hindi ako papayag na dungisan ng ganon nalang." aniya ni Harriet at tumalikod na nang magawang iwan ang attorney na kausap. Hindi na niya naantay na sumagot ito ng dahil sa mabilis na siyang umalis para iwanan ito. Lumakad siya papasok sa isang Kwarto at duon muna nag-iisip habang kausapin ng Attorney ang kliyente nito para makahingi ng tawad kay Harriet. Ngunit sa isip ni Harriet malabo na mangyari iyon pero mag-iintay siya habang nagpapahinga muna ng dahil sa nakaramdam na naman siya ng pamimigat ng kanyang mata. --------------++++++++++++++--------------- ANGELA'S POV'S Hanggang ngayon nakararanas ng pagkainis si Angela. Naiinis siya ng madala siya sa presinto ng dahil sa pagkatuwa nila na mapaglaruan ang isang lalake na hindi sukat akalain na isang pulis pala. Ngayon nasa loob na siya ng presinto at nakaupo habang nakikita niya na kausap na ni Attorney Jake Suarez ang lalakeng gumawa sa kanya at nagdala sa police station na mabilis naman siyang natagpuan ng kanyang bodyguard at matawagan si Attorney nila. Mula sa malayo natatanaw niya yung pulis na nagdala sa kanya at ang family attorney nila na kaibigan ng kanyang Daddy na magkausap. Ano kaya pinag-uusapan nila?Asar talaga! Ang bilis talaga nila makapansin at dumating ang balita agad sa kanila. aniya na sabi habang tanaw-tanaw rin ang bodyguard niya na papunta na rin at papalapit sa kanya. “Okay ka lang ba?" tanong sa kanya ng makalapit. Close na sila ng bodyguard niyang si James, at para na ring nakatatandang kapatid kung ituring niya ito. Ganon rin si James na parang nakababatang kapatid Ang turing nito sa kanya ng dahil sa kasing edad ni Angela ang kapatid rin nitong babae. Mabait ito sa kanya. Kaya mabilis sila naging malapit sa isa't-isa. Kung nuon marami siyang bodyguard, ngayon iisa nalang kundi si James na madalas na tinatakasan niya subalit madalas rin siyang mahanap. Mabilis itong makatunog at mabilis ring makaramdam kung nasaan ba siya. Para itong spy na lagi lang nakabantay at kala mo ay hindi na natutulog ng dahil sa bente kwatro oras ata ay nakadilat ang mga mata nito at hindi nawawala ang mga tingin sa kanya. Tulad nalang ngayon, nasa loob siya ng Police Station na mabilis ring natawagan si Attorney Jake Suarez na abogado ng kanyang Daddy. Mabibilis ang mga naging kilos ng dalawa para lang mapuntahan siya at maayos ang muli na nagawang gusot. Si James na nakangiti agad ng napangiti ng sumimangot ang mukha ni Angela. Alam niya na sa sarili ang mga hinanaing nito mula sa napasok na gulo. Kaya ng mapansin niyang kausap na ni Attorney Jake ang police officer na siyang humuli kay Angela. Kanya na nilapitan si Angela para sana kamustahin at tanungin kung ayos lang ba ito mula sa mga napansin na pagkalaking bukol sa ulo. “Ayos lang ako!" aniya napasinghap ng sagutin si James. Nakasimangot siya at umiiwas ng tingin rito. Ayaw niya tingnan si James ng dahil sa pinagtatawanan siya nito mula sa malaking bukol niya sa nuo. “Ano ba kasing naisip mo at tumakas ka na naman ng 'di nagpapaalam? Nakita mo na, ayan ang nakukuha ng katigasan ng ulo mo. Pinipigilan ka na ni Nanang, pero hindi ka pa rin nagpagil at umalis ka pa rin. Hanggang kelan mo ba gagawin ito Angela? Hanggang kelan ka magrerebelde mula sa pagiging mahigpit sayo ng iyong ama? Para naman sayo lahat. Bakit siya naghihigpit ng ganuon. Nakita mo? Tingnan mo ang mga nangyari sayo? Nakita mo ba? Bakit kinakailangan na paghigpitan ka at palagi na bantayan. Lagi ka kasi naiipit sa gulo at madalas na mapasok sa mga gulo na pinapasok mo. Hindi ka matuto na magpaalam. Lagi ka nalang patakas kung gumalaw. Hindi mo naiisip na yung mga tao sa bahay labis ang pag-aalala sayo sa tuwing aalis ka at mawawala nalang." ani ni James ng muli na magsalita. “Bakit? Papayagan mo ba ako, kung sakali na nagpaalam ako? Papayagan niyo ba ako ni Nanang" tanong niya rito ng mag-angat ng mukha. Si Angela, may katigasan na tanong niya kay James. Nahihiya rin naman siya at nakukunsensya sa mga madalas na pagbibigay ng mga problema sa kanyang Nana at kay James maging sa attorney na madalas lumilinis ng kanyang gulo na pinapasok. Pero hindi naman sa lahat ng oras ay ganuon siya sa mga ito. Tahimik lang siya at hindi na muna nagsalita ng matahimik rin si James ng dahil sa sinabi ni Angela sa kanya. Habang kapwa walang kibo. Si James na nakatingin kay Angela at si Angela na nakatingin kina Attorney Jake at ang pulis na humuli sa kanya. Isang lalake na pamilyar ang lumapit at kinabigla. Hindi naman kasi siya rito sa police station kung saan siya madalas na nadadala. Unang beses niya rito sa police station na pinagdalhan sa kanya. Kaya naman hindi siya gaano pamilyar mula sa mga tao na naririto sa loob ng station. Hindi nga niya kilala ang isang groupo na kangina pa sa kanya mga nakatingin. Kangina nakita niya na kausap ito ng police na nagdala sa kanya. “Teka, kilala kita?" sabi ng lalake na bigla nalang lumitaw at lumapit. Mabilis niyang iniwasan at nagtakip ng mukha ng pilit na kinikilala siya. Sinusundan nito ang ginagawa niyang pag-iwas rito. “Huwag mo siyang hawakan. Sino ka ba?" nang tanungin ni James at pigilan ito sa paghawak sa kamay ni Angela na itinakip sa kanyang mata. Hinarangan siya ni James. Humarang ito para hindi siya malapitan ng lalake. Pilit na nagtakip ng mukha si Angela. “Ahh, sabi na nga ba. Ikaw nga.." ani sabi nito sa kanya. “Sabi ko na nga ba, kilala kita. Naaalala na kita. Ikaw yung... Oo, yung madalas na madalas duon sa kabilang station. Nadala ka na naman? Anong kaso? At 'di ka pa rin talaga nadadala? Ilang beses ka na napasok at naireport pero di pa rin natitigil sa mga kalokohan niyo ng mga kaibigan mo? Maging ba rito? Nadala ka na naman. Sino naging biktima niyo? Kawawa naman. Kawawa tiyak yung nabiktima." anito nito na pinipigilan na matawa kasabay ng pag-alala sa kanya. Sa mga ilang beses niyang nadala ng paulit-ulit sa presinto kung saan nakadestino ang lalakeng siyang nakakilala sa kanya. Hanep, maging ba rito? May nakakakilala sa akin? Buong inakala ko na wala naman makakakilala sa akin rito. Nagkamali pala ako. ani ni Angela nang mapabuntong hininga. Kinabahan siya roon ng buti nalang at mabilis si James na humarang sa kanya. Maya-maya pa ay may isang boses ang muli niya narinig. Boses ng lalakeng humili sa kanya. Nakinig si Angela mula sa mga usapan ng mga ito. -------------++++++++++++++--------------- HARRIET'S POV'S “Kilala mo siya?" Lumapit si Harriet mula sa nagkakagulo ng mapansin niya ng makalabas ng kwarto. Hindi siya makatulog kaya naman lumabas siya ng makita niya ang isang kakilala na kinakausap yung babaeng hinuli niya. Kaya naman agad siyang lumapit sa tatlo kasama ang bodyguard nito na humaharang sa babaeng yon. Si Angela na kabang-kaba pa rin mula sa mga pangungulit ng lalakeng pulis. “Ikaw pala, Harriet." aniya ng mapalingon sa kanya. “Oo, kilala ko 'yan madalas 'yang suki sa kabilang presinto. Sa station madalas ako. Duon ko siya madalas makita. Suki na nga siya roon. Sa ilang beses na naireklamo. Hindi pa pala nadadala at maging rito nadala na rin siya. Minsan pa nga kasama niya yung mga mamayang anak ng mga ilang kilala na negosyante sa bansa. Pero, wala. Mahilig talaga sila pumasok sa mga gulo. Matitigas rin mga ulo ng mga iyan lalo na yung iba pa niyang kasama. Bakit rito siya lang? Bakit mag-isa lang ata siya nadala rito? " ani na nagkwento. Isa-isa na idinetalye nito ang tungkol sa groupo nila Angela na madalas na makasama nito at mahuli subalit ang pagkakasabi nito sa huli si Angela lang ang madalas na maireport hindi ang mga kasama nito. “Pasensya na, pero 'di kasali si Angela sa mga sinasabi mo. Madalas lang siyang mapagkatuwaan ng mga babaeng 'yon na madalas na kinapapahamak ni Angela, kahit mabigat sa kanya ginagawa niya dahil sa turing niya sa mga yon kaibigan." sabi ni James na ipinagtanggol ang kanyang amo. “Hindi ko nga madalas maunawaan ang mga kwento nila. Pero, siguro ang may mali sa nakikita ko ay iyang amo mo. Dapat na ganon ay hindi na siya sumama ng dahil hindi naman kaibigan ang turing nito sa kanya. Sino bang kaibigan ang hahayaan na ikapahamak ng kanilang kaibigan ang mga ganuong trabaho? Wala naman di ba? Pero iyang amo mo, may malaki ring mali ng dahil sa hindi niya nakikita na mali rin ang kanyang ginagawa." ani ng isa pang pulis na nakakilala kay Angela. “Attorney, buti dumating ka. Itong isa na 'toh kung bastusin si Angela." pagsusumbong na ani ni James ng makalapit si Attorney. Agad siyang lumapit kay attorney si Angela na kangina nagtatago sa likod ni James. “Okay ka lang?" tumango naman si Angela. “Okay lang, Attorney." sagot ni Angela. “Ano bang kasalanan sayo nitong si Angela? Wala naman siyang ginagawa na mali sayo bakit kailangan ka pang manghimasok sa gusot na hindi ka naman kasali. Gusto mo bang madamay? Sige, magfile rin ako ng case para sa ikatatahimik ng bibig mo." may pananakot na sinabi ni Attorney. “Sorry Attorney, wala naman akong balak makisali. Naikwento ko lang naman rito kay Harriet ang mga naging kaso niyang kliyente mo sa mga nakaraang nadadala siya duon sa kabilang presinto. Wala akong masama na sinabi maliban sa hindi ko maunawaan kung bakit madalas pa rin sumasama yang si Angela sa mga kaibigan niya na hindi naman siya itinuturing na kaibigan. Tama naman ako? Madalas lang siyang maipahamak ng mga iyon ng dahil sa mga pinaggagawa niya." Ani ng magpaliwanag ito. “Oh siya, attorney aalis na ako. Pasensya na sa mga sinabi ko. Wala naman akong balak na bastusin si Angela. Pero sana magising rin siya na hindi magiging maganda ang madalas na pagsama niya sa mga anak mayaman na yon na walang ginawa kundi gulo." anito at saka nagpaalam ng tatalikod na sana. Siya naman ang baling kay Harriet. “Mauna na ako." anito na sinabi at tapikin si Harriet sa balikat. “Saan ka pupunta?" tanong niya. “Magpatrol ako. Maghahanap ng mga kabataan na tulad ng nantrip sayo." Pabiro na sinabi nito na kinatawa nalang. Nang magulat kung papaano nalaman nito ang nangyari sa kanya at sa babaeng sinasabi na Angela. Ang mga salita nito ay may pagpaparinig mula sa babaeng nahuli. Kaya naman si Harriet napatikhim nalang at bahagyang pinigilan pa ang papalakas na tawa. “Sige ingat ka! Magkita nalang tayo mamaya." anito sa kasamang pulis ng sumagot si Harriet na ngumiti rin matapos na kumindat ito sa kanya. Nahihiya si Angela at hiyang-hiya siya sa mga sinabi ng pulis na umalis. Hindi nalang pinansin ni Harriet at kanyang inihatid sa labas muna ang kasama ng na magpapatrol muna raw para mag-ikot sa lugar. Kakalipat lang nito mula sa kabilang presinto na kinabibilangan. Sakto naman pala ang dating niya ng mag-abot silang dalawa. At magkaharap ng dahil sa wala siya ng malipat ito at sa presinto nila madestino. Yun nga, day-off niya pero napakaraming ganap na nangyari sa kanya. Hindi na matapos-tapos ang kanyang problema ng hindi pa siya nakakabalik sa kanilang bahay. Expected na niya ng muli na tumunog ang cellphone at sagutin iyon. “Ate Sam, bakit?" “Anong bakit? Anong oras na bakit wala ka pa?" galit na tanong sa kanya. Nag-aalala na rin ito kay Harriet at wala pa rin dahil hindi pa siya nakakauwi. “Pasensya na, Ate Sam. Naririto pa ako sa station may inaayos pa. After rito uuwi na ako. Promise. Matulog na kayo nila Ate Sab at Ate Cristina. Wag niyo na ako intayin at mukhang matatagalan pa ako." Sagot ni Harriet. “Ikaw ba Harriet napasok na naman sa gulo? Anong ginagawa mo riyan? Bakit naririyan ka sa station?" anito maraming tanong na sunod-sunod na kinatawa ni Harriet na kinainis ni Samantha. Natatawa si Harriet habang naiinis naman sa kanya ang kanyang Ate Samantha. Alam niya na mukha na nag-iisip na ito ng masama tungkol sa mga ginagawa kung bakit siya nasa station ng ganitong oras at hindi pa nakakauwi. “Mamaya ko nalang ikwento sa inyo. Magpahinga muna kayo. Lalo ka na Ate Samantha, yung wrinkles mo, andami na... Papaano pa mawawala yan kung lagi ka nalang ganyan kung makapagtanong? Saka wag ka mag-alala, I am okay. Wala ako pinasok na gulo. Parang hindi mo naman ako kilala. Sige na, magpahinga na kayo diyan at after ko rito uuwi ako para nakapagkwento sa inyo." “Okay, umuwi ka at bilisan mo gusto ko marinig yang paliwanag at kung hindi mayayari ka talaga sa akin oras na nasangkot ka na naman sa gulo. Kilala mo ako, Harriet. Sinasabi ko na sayo...x “Yes po Ate Samantha. Wag ka na mag-alala. Uuwi rin po ako. Goodnight." aniya na sinabi ng maibaba na ang tawag nito. Natatawa nalang siya sa madalas na pagturing sa kanya na bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD