IKATLONG KABANATA: Action! Comedy (Unang Parte)

1080 Words
SA may soccer field namin napagdesisyunang mag-usap, magkatabi kaming nakaupo sa damuhan at kapwa nakatingin sa kawalan. Tumingin ako sa direksyon niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin at halata sa mukha niya ang pagkairitable. Ayaw niya na talaga akong makausap pa, pero kailangan kong linawin ang lahat dahil iyon lang ang paraan para kahit papaano ay makamove on ako. Ibinalik ko sa kawalan ang tingin ko saka huminga ng malalim at nagsalita. "I just want to know the real reason why you're breaking up with me, I mean can you tell me how did I offend you?" "Hindi na kita mahal, just as simple as that," direktang saad niya na hindi man lang nag-abalang tumingin sa akin. "Right," mapaklang usal ko na bahagya pang natawa. "You don't love me anymore, oh let me rephrase it, you didn't love me, really. Ako lang talaga 'yung naniwalang minahal mo ako, and I never knew you're just pretending all this time. Ang galing mo, alam mo ba 'yun?" sarkastiko kong saad sa kanya. Napatingin siya sa gawi ko at ni hindi ko man lang nakitaan ng kahit na anong pagsisisi sa mukha niya. "Tanggapin mo na lang ang katotohanan, Caryn. We're done and I'm not going back to you, ever!" mariing aniya. Napatingin ako sa kalangitan, naghahanap ng senyales kung kailangan ko bang ibuhos ulit ang mga luhang kagaya ng dati ay parang ilog na umaapaw sa aking mga mata. Napangiti ako nang makitang payapa ang kalangitan at walang kahit na anong madilim na ulap na tumatakip sa kulay asul na kalangitan. "You're mean but you're right. I need to accept the reality, kailangan kong tanggapin ang katotohanang wala akong mapapala sa'yo. Oras na pakawalan kita, wala ka ng babakikan pa," nakangiti kong usal sa kanya habang nakatingala sa langit. Wala akong narinig mula sa kanya pero ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Nakalipas ang ilang sandaling tahimik lang kaming dalawa at walang may balak magsalita, hanggang sa hindi na ako nakatiis at nilingon siya. "I guess your silence means yes," saad kong ngumiti pa ng mapakla. Tumayo na ako at inayos ang uniporme kong nagusot, saka nagbaba ng tingin para magtagpong muli ang aming mga mata. Sa huling pagkakataon gusto kong tignan ang mga mata niyang ilang buwan ding nagpapawala sa lungkot ko. "Tumingin ka sa mga mata ko, Kevin. Gusto kong masaksihan mo ang kaseyosohan sa sasabihin ko," seryoso kong usal sa kanya. Nag-angat siya ng tingin at napalunok nang masilayan ang mukha ko. "Simula sa araw na ito, hinding-hindi mo na ako makikitang lalapit pa sayo o maghahabol. Hindi man kita lubos na makalimutan sa ngayon alam kong darating ang araw na wala na akong ibang mararamdaman kundi panghihinayang. Panghihinayang sa mga araw na ibinigay ko ang pagmamahal ko sa walang kuwentang taong katulad mo. At simula sa araw na ito," huminga muna ako ng malalim at diretsong tumingin sa mga mata niya. "Pinapalaya na kita, I will definitely forget every single day that we'd been together and just as I said, wala ka ng babalikan pa kahit na maglumuhod ka pa sa harap ko't magmakaawa. Sana lang wala kang pagsisihan sa huli, hindi mo alam kung ano ang sinayang mo ngayon. Goodbye, Kevin John Del Monte." Taas-noo ko siyang tinalikuran at walang lingon-likod akong naglakad palayo sa kanya. Hindi ko siya inantay na magsalita pa at wala din akong balak umasa pa na pipigilan niya ako. Hindi niya ako minahal, ang tingin niya sa akin ay isang laruan at palipasan lang kaya hindi siya deserving para iyakan ko. Tama, hindi siya deserving sa pagmamahal ko, hindi siya karapat-dapat na pag-aksayahan ko ng mga luha ko. Ngunit ... Bakit umiiyak pa rin ako? Bakit nasasaktan pa rin ako? Dinala ako ng mga paa ko sa parke kung saan nangyari ang pakikipaghiwalay niya sa akin. Kung paanong napadpad ako sa lugar na iyon ay hindi ko alam, wala sa sariling umupo ako sa mismong lugar kong saan ako umiyak dati. Nakatingin lang ako sa kawalan at tahimik na lumuluha. 'I did it!' sigaw ng utak ko. Nagawa ko ng palayain siya, nagawa ko ng bitiwan siya. Masakit oo, pero kaya ko na ang sakit at alam kong magagawa ko din siyang kalimutan ng tuluyan. Wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko sa kanya dahil iyon ang totoong sinasabi ng puso ko. Kailangan kong humakbang paabante at iwan ang panget na nakaraan ko, sa ganoong paraan lang ako tiyak na makakalimot sa kanya. I guess it's really true that first love makes your heartbroken. "Naghihintay ka na naman bang bumagyo?" tanong ng isang pamilyar na lalaki mula sa likuran ko. Napangiti ako't tumingin sa bagong dating na umupo sa tabi ko. "Walang darating na bagyo ngayon kaya huwag ka ng umasa," nakangiti pa nitong saad at tumingin sa akin. Tumawa ako ng mahina at tumingala sa langit. "Yeah, wala ng bagyong darating pa at hindi na ako aasa pa." "Pero sabi ni Kuya Kim kagabi, baka daw umulan ngayong hapon. Ulan lang naman daw," nakangiti nitong usal sa akin. Natawa ako sa sinabi niya at humarap sa kanya. "I did it, nagawa ko nang makalagpas sa biro ni tadhana. Isinuli ko na din ang palasong ginamit ni kupido para panain ako." Sininghalan niya ako ng tingin at kunwaring sumimangot. "Ang hirap talaga kapag ang babae ang nasasaktan, masyadong malalim kung humugot." "Eh kasi naman po, ang hirap din intindihin ng mga lalaki. Sa una lang malambing at kapag nagsawa na, goodbye Asia na!" sabi kong pinandilatan siya ng mata. "Kitam?" sabi niyang nakataas pa ang kilay at nakangisi. "Ewan ko sayo," nakatawa kong bigkas at kinuha ang libro ko sa bag. Magrereview na lang ako kesa ang makipagtalo sa mga walang kwentang bagay dito. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. "Uh, magbabasa?" sagot ko na iniangat pa ang librong hawak ko. "Hindi ka ba makapagbasa sa school niyo at talagang naglakad ka pa ng pagkalayu-layo para lang magbasa dito?" kibit ang balikat na tanong ulit nito. "Walang asungot dito at isa pa baka lang naman magbago ang panahon at biglang umulan ng pagkalakas-lakas! Nakakamiss magtampisaw sa ulan, you know." Nakangising pagdadahilan ko sa kanya. Para namang dininig ng langit ang sinabi niya at biglang nagdilim ang kalangitan at bigla ang pagbuhos ng malakas na ulan. "Oh my God, yung libro ko!" tili ni Caryn at tarantang inilagay iyon sa loob ng bag niya. "Hey you! Nagbibiro lang naman ako bakit mo tinotoo?!" sigaw ko na napatingala sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD