KABANATA DOS
PAGMULAT ko ng mga mata ay isang makisig na dibdib ang nabungaran ko, dama ko rin ang mainit na hininga na tumatama sa may uluhan ko. Napalunok ako nang matagpuan ko ang sarili kong yakap ng isang guwapong nilalang na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
Hindi ko nagawang gumalaw, maingat na iniangat ang paningin ko at pinagmasdan ang maamong mukha ng lalaking mahimbing na natutulog. Tinitigan ko ang buong mukha niya, nakita ko ang kulay itim na nakaguhit sa ilalim na mga mata niya. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ang ginawa nito para lang humupa ang nararamdaman kong matinding lamig kagabi.
Gusto kong manliit at lumayo kay Harvey dahil baka isipin nitong gumagawa lang siya ng paraan para mapalapit dito. Hindi nila kilala ang isa't-isa ngunit sobrang pag-aalaga ang ginagawa niya sa akin.
"Hmm." Narinig ko ang mahinang pag-ungol niya at agad kong ipinikit ang mga mata ko. Ayokong mahuli at malaman niyang gising na ako't pinagmamasdan siya. Baka mas lalong mag-isip ng masama si Harvey kapag naabutan niya akong nakatingin sa kanya.
Naramdaman ko ang maingat niyang paggalaw at ang paglapat ng palad niya sa noo ko. Dinig ko rin ang mahinang pagbuntong-hininga niya na parang nakahinga siya ng maluwag. Maingat niyang inalayo ang katawan niya mula sa akin.
Napakislot ako ng hindi ko maramdaman ang init na singaw ng kanyang katawan, dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang itsura niyang magulo ang buhok at walang saplot ang itaas na parte ng katawan. Pakiramdam ko lalagnatin ulit ako sa sobrang init na nararamdaman ko. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa ilang pirasong abs na nakabalandra sa harap ko. I swear God, I didn't mean to peek!
"Sorry, nagising ba kita? Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Harvey sa akin.
"Okay na ang pakiramdam ko, salamat,” saad ko na hindi nakatingin sa kanya.
"Thank God! You don't know how much I was worried about you last night. I really want to take you to the hospital with your fever. You are shaking, and I don't know what to do," anas pa niya at bumangon na ng tuluyan.
"Pasensya na sa abala." Mas lalong nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Mukhang masyado talaga siyang naabala sa kalokohan ko kahapon.
"No worries, anyway huwag kana munang bumangon. Magluluto ako ng breakfast natin, kailangan mo pang uminom ng gamot para tuluyan ng hindi bumalik ang lagnat mo." Pagkasabi niyang iyong ay hindi na ako hinintay pang magsalita at mabilis na nilisan ang kuwartong iyon.
Bumaling ako sa parteng hinigaan niya, kinuha ko ang ginamit niyang unan at sinamyo tsaka wala sa sariling niyakap ko iyon. Nagulat man ako sa ginawa ko ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Pakiramdam ko nabawasan ang bigat ng kalooban ko, kahit papaano nakatagpo ako ng bagong kaibigan at masasandalan.
Nakipagtitigan ako sa kisame at muling inalala ang mga nangyari kahapon. Parang kaybilis lang ng oras, umalis ako sa bahay ng masaya. Nakipagkita ako sa kanya at wala pang isang minuto kaming magkasama ay umalis agad siya't nakipaghiwalay ng walang dahilan. Parang itinapon lang siyang parang basahan nito at hindi man lang inalala kung ano ang mararamdaman ko.
Huminga ako ng malalim at pilit pinakalma ang sarili, hindi masosolusyunan ang problema kung iiyak lang ako ng iiyak. Kailangang gumawa ako ng paraan para bumalik siya sa akin. Naniniwala siya sa second chances.
Bumalik siya sa kuwartong may dalang isang malaking tray na may lamang tatlong klase ng pagkain. Sinangag, pritong itlog at hotdog, may kasama ring isang basong gatas at kape.
"Hindi mo naman kailangan dalhin ang pagkain dito, puwede naman akong magpunta ng kusina para doon na kumain."
Nakangiting umiling ito at inalalayan akong makaupo ng maayos. Habang kumakain ay marami kaming napag-kuwentuhan at mas lalo naming nakilala ang isa't-isa. Masayang kasama si Harvey at hindi ka talaga mabo-bored kapag siya ang kasama mo, dahil sa pagiging palabiro at masayahin nito.
Pagkatapos naming kumain ay sinabi kong gusto ko ng umuwi, tiyak na nag-aalala na ang Tita ko't kapatid dahil hindi ako nagpaalam ng maayos kahapon sa pag-alis ko.
Nagprisinta siyang ihatid ako dahil na rin sa kalagayan ko, nag-aalala pa rin siyang may mangyari sa akin sa daan kapag umuwi akong mag-isa. Pinahiram niya ako ng damit dahil hindi pa raw tuyo ang damit niyang nilabhan niya. Isang pulang plain shirt at jogging pants na pinatungan ko ng jacket na galing rin sa kanya ang suot ko.
"Pasensya na talaga sa malaking abala, Harvey, I'm very embarrassed, right now." Nahihiyang turan ko na itinago pa ang pamumula ng mukha ko sa binata.
"Ano ka ba, okay lang talaga. Magtiyaga ka na lang muna sa panlalaking amoy diyan, don't worry sa susunod na ulitin mo pa iyong ginawa mo maghahanda na ako ng damit para sa'yo." Pagbibiro nito na sinamahan pa ng pagkindat.
Natawa ako sa sinabi niya at hinampas siya sa balikat. "Sira, bakit ko naman uulitin ang kahibangan na ginawa ko. I've learned my lesson."
"Good to hear that, let's go." Nakangiti niyang saad at inalalayan na ako paalis sa apartment niya.
Pagkarating namin sa bahay ay napakunot ako ng noo nang mapansin ang pamilyar na sasakyan sa aming garahe. Bigla ang pagtahip ng aking dibdib at kulang na lang ay takbuhin ang gate ng aming bahay.
Paghinto ng sasakyan ni Harvey ay agad ko siyang hinila pababa at nagmamadaling binuksan ko ang gate at dire-deretsong pumasok sa loob ng bahay. Hindi nga ako nagkamali, sa kanya nga ang kotseng nasa garahe namin.
Nakaupo siya sa tapat ni Tita at tahimik na naghihintay. Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman ang bahay namin? Ni minsan ay hindi ko binanggit sa kanya ang kinaroroonan ng bahay namin. Naging nobyo ko siya pero kahit isang beses ay hindi ko siya dinala dito sa bahay. May pangako ako kay Tita na hindi ako palasok sa isang relasyon hanggang sa hindi ako nakakapagtapos ng kolehiyo. Ngunit dahil nga sa minahal ko siya kaya nabali ko ang pangako kong iyon.
"Tita," paos kong tawag sa kanya.
Sabay silang napalingon sa amin ni Harvey, mabilis akong nilapitan ni Tita at niyakap ng mahigpit. "Jusmiyo kang bata ka! Saan ka ba nagsususuot at hindi ka man lang nakaalalang tawagan kami ng kapatid mo? Alam mo bang labis kaming nag-alala sa'yo? Pati kapatid mo lumapit na sa mga kaibigan niya para magpatulong sa paghahanap sa'yo!"
Tumikhim si Harvey at magalang na nagsalita. "Good morning ho, kaibigan po ako ni Caryn. Nakita ko po siya sa parke kahapon, basang-basa po siya ng ulan kaya dinala ko muna sa bahay ko. Mataas din po ang lagnat niya kagabi kaya hindi ko siya nagawang ihatid agad dito sa inyo," magalang na paliwanag ni Harvey.
Nagpalipat-lipat ng tingin si Tita sa amin ni Harvey pagkatapos ay napatingin sa nakaupong si Kevin. Ilang sandali pa ang lumipas bago ako inakay ni Tita na umupo sa sofa na katapat ni Kevin, nagsalubong ang aming tingin ngunit agad akong nag-iwas at idinako ang paningin kay Harvey na nanatiling nakatayo.
"Kailangan ko na pong umalis." Pagpapaalam ni Harvey sa amin. Akma akong tatayo upang ihatid ito sa may gate ngunit pinigilan niya ako.
"I'm fine, kailangan mong magpahinga pa huwag mo ring kakalimutang inumin ang gamot mo. Dadaan ako dito sa inyo mamaya para i-check ka, kung okay lang." Tipid akong tumango at nilapitan siya para magpasalamat ng maayos. Ginulo niya ang buhok ko at bumaling kay Tita at nagpaalam, tinapunan niya lang ng tingin si Kevin at saka tumalikod na.
"Ihahatid na kita hijo, salamat sa pag-aalaga sa pamangkin ko. You can come anytime you want, okay lang sa akin.” Nakangiti nitong usal.
"Thank you po.” Sabay nilang tinungo ang pintuan. Naiwan kami ni Kevin sa sala, namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Walang may gustong magsalita at kapwa kami nagpapakiramdaman.
"Anong nangyari sa'yo kahapon at bakit hindi ka umuwi kagabi?" tanong niya sa akin.
Napaangat ang mukha ko't napatingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa tanong niyang iyon, anong nangyari sa akin kahapon? Ano ba ang inaasahan niyang mangyayari sa akin pagkatapos ng sinabi niya?
"Paano mo nalaman ang bahay ko? Ni minsan ay hindi pa kita dinala rito at ipinakilala kay Tita," tanong ko sa kanya na hindi pinagkaabalahang sagutin ang tanong niya.
"Matagal ko ng alam ang address mo, minsan na kitang sinundan dati para masigurong ligtas ka sa pag-uwi. I came yesterday to ask your forgiveness, nakonsensya ako sa bigla kong pang-iiwan sa'yo kahapon." Paliwanag niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Napatitig ako sa kanya at biglang bumangon ang pag-asa dibdib ko. Sabi ko na nga ba't nagtampo lang siya sa akin kahapon at hindi niya talaga ako iiwan. Nagbabadya na ang ngiti sa mga labi ko nang muli siyang magsalita.
"I'm sorry Caryn, but can you do as I say? Huwag mo namang masamain ang pakikipaghiwalay ko sa'yo. Please don't take it seriously, I mean, huwag mong sayangin ang buhay mo dahil lang sa akin. Let me free from guiltiness and accept the truth." Naipinid ko ng mariin ang bibig ko at pinigilan ang luhang nagbabadya na namang tumulo sa mga mata ko.
Akala ko babawiin niya na ang pakikipaghiwalay niya sa akin ngunit mas lalong dinagdagan niya lang ang sakit na nararamdaman ko. Parang ibang tao na ang kaharap ko ngayon at hindi na ang lalaking minsan akong pinasaya at iningatan.
"Paano kapag sinabi kong ayoko? Itutuloy mo pa rin ba ang plano mong hiwalayan ako? You know how much you mean to me Kev, you know that I-"
"Hindi ako nagpunta rito para hingin ang opinyon mo. I came here to make it clear Caryn, we're done and whether you like it or not, I'm not going back to you anymore." Naikuyom ko ang mga kamao ko at hindi na napigilan pang lumuha.
"I give you everything I have Kev, why are you doing this to me? What did I do?"