"I can't believe what you just did. Everyone in this hospital witnessed how you treated Beam before. You even dragged him down. You actually killed his dream before. He really wanted to be a doctor so he did everything you asked him to because he thought that that is the only thing that made him useful," seryoso ang mukha niya at wala na ang mapaglarong siya.
"Gifflet Whitlock was dead. I'm not him." I gritted my teeth. How could he do that? Maling katawan yata ang nasaniban ko. Pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao.
"Oh, really? Where is he now?"
"He's in hell." Humalakhak siya sa naging sagot ko.
"Malamang. Doon naman talaga ang diretso mo. Sa sama mong 'yan. But seriously, Beam was a good person. He was a hardworking doctor but he was afraid to do the operation alone for the thought that he was stupid and he can't do it alone. He never took operation on his own unless you're with him. Gano'n siya naniwala sa sinabi mo noon like what he said."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi man ako ang totoong nagsabi but I felt like I have to take full responsibility. Tanginang gago 'yon. Problemado akong yumuko. I put my arm on the hand rest of the chair.
"I feel bad."
"Wow. May konsensya ka na pala ngayon? Iba 'yan, a. Mukhang maniniwala na talaga akong napunta na si Gifflet Whitlock sa impyerno." Hindi ko siya pinansin. Ako pa tuloy ang nakokonsensya sa ginawa noon ng may-ari ng katawang ito. "Huwag kang mag-alala, hindi aalis 'yon. Sino naman ang hindi mapapaisip sa mga sinabi mo. But you really let him operate alone?"
Tumango ako bilang sagot. "You're such an evil asshole. But I couldn't say it was that bad, that actually a good idea. Ano bang inoperahan niya?"
"Uterus tumor," tipid kong sagot.
"Gago ka talaga. That's kinda hard."
"Am I devil when I say that I never regretted letting him to that alone?"
"Demonyo ka naman talaga noon pa lang. Hindi mo alam?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tinaliman siya ng tingin. Ngumisi lang siya at parang hindi takot sa'kin.
"Alam mo, kaya kitang tanggalin sa posisyon kung gugustuhin ko."
"Hindi mo 'yan magagawa. I'm too handsome to be fired. Sa tingin mo pupunta pa ang mga pasyente rito kapag wala ako?"
"Ang kapal din ng mukha mo. Ba't hindi ka pa umaalis? Umalis ka na nga. Tamad ka sigurong doctor, 'no?" taboy ko sa kanya. He talked too much this time again.
"Oo nga, e. Inaantok tuloy ako. Hindi ka pa kakain? Anong oras na rin. Hindi ba may kwarto ka rito? Pwede ba akong makitulog? Titiisin ko na lang 'yung dumi niyo ng kabit mo doon."
See? Walang hiya. Kung makapagsalita tungkol sa kabit thing ay parang wala lang sa kanya iyon. And what? May kwarto rito? Saan?
Walang sabi akong tumayo. "Oh, saan ka pupunta?"
"Kakain. Bakit, magpapakain ka?" Bumulatay ang matinding pandidiri sa mukha niya at bigla ring tumayo at lumayo sa'kin.
"Gago ka. Nabakla ka rin ba? Tangina. Huwag naman sa'kin. Hindi ako pumapatol sa kapwa lalaki ko."
"Sa tingin mo may papatol din sa'yo? Pati nga yata babae hindi ka papatulan. Saan ba ang kainan dito?"
"Hindi ka na padadalhan ng asawa mo? Laging ang asawa mo naman ang nagdadala ng pagkain mo, a."
Adrienne? Kailangan ko ba siyang tawagan at tanungin? Napaupo ulit ako at nagdesisyong hihintayin na lang si Adrienne.
"Ano pang ginagawa mo rito? Alis na. Nakakasawa pagmumukha mo."
"Grabi ka naman, parang hindi mo ako mahal, a."
"Hindi ka ba nandidiri sa pinagsasabi mo? Bakla ka ba?" Nasamid siya at tinignan ako ng matalim.
Magsasalita sana ulit siya pero may pumasok ng office ko. Nang sabay namin iyong tignan ay pumasok si Adrienne na mag hawak na paper bag.
Napatingin siya sa kasama ko at ilang na ngumiti. Suot pa rin niya ang suot kanina nang ihatid ko siya. "Dinala ko 'yung pananghalian mo."
Lumapit siya sa isang table at doon nilapag ang mga pagkain. Tumayo ako at lumapit doon.
"Eksakto, gutom na rin ako!" si Marley na akala mo siya ang dinalhan ng pagkain.
"Akin, hindi sa'yo."
"Ayos lang. Marami naman ang dinala ko," sabi ni Adrienne na ikinatingin ko sa kanya. She's being kind again.
"Salamat! You're the best, Adrienne!" Umupo si Marley sa couch at siya ang unang naghain ng kakainin niya. Sinamaan ko siya ng tingin but he seems doesn't mind.
Umupo na rin ako sa couch na kaharap niya. Tumabi sa'kin si Adrienne at nakuha ulit niya ang atensyon ko.
"Kumain ka na?" Umiling lang siya. Tumingin ako sa mga pagkain sa lamesa at marami naman iyon. Nang tumingin ako kay Marley ay nainis lang ako. He was enjoying eating. Feeling close ang lalaking 'to. "Kumain ka."
Ako na ang naglagay ng pagkain sa lunch box na may lamang kanin. Binigay ko iyon sa kanya pagkatapos. Ramdam ko pa ang titig ni Marley sa amin.
"Grabe, ang sweet mo pa lang asawa, Gifflet."
See? Wala siyang hiya. He even called me by my name. He's not even my friend. I looked at him sharply.
"Are you his friend?" natanong bigla ni Adrienne.
"Hindi. Kung tutuusin nga ako ang boss niyan."
Nailing na lang ako nang magsimula silang magkulitan ni Adrienne. Hindi sa puntong naglalandian sila. They are just talking casually.
I was thankful when he doesn't brought up the mistress. He knows how to respect after all. Hindi nga lang sa akin. He doesn't respect me at all. At wala pa talagang hiyang makikain sa amin ng asawa ko.
"Sobrang nabusog ako. Salamat sa pagkain, Adrienne. Bukas ulit, a."
"Wala talagang sukdulan ang kakapalan ng mukha mo, 'no. Wala ng bukas. Alis na!"
Natatawa siyang lumabas ng opisina ko at nagpaalam pa bago tuluyang makalabas. Feeling close talaga.
I faced Adrienne when Marley finally went out. "How's your new project?"
"It's good. I started doing the designs they wanted." I nodded as a response. I don't know much about her work.
Sumandal ako sa gilid ng table ko. "Come here."
Lumapit naman siya sa'kin. Inabot ko ang dalawang kamay niya at hinawakan. Diretso ang titig ko sa kanya at gano'n din siya. Am I acting like the real husband? I don't care. It's not that I'm pretending.
Hinila ko siya ng marahan sa kamay para mapalapit sa akin. Nang makalapit siya sa gusto kong distansya ay pinalibot ko ang mga braso ko sa baywang niya. I hugged her and rested my chin on her shoulder.
"You still have a work, F."
"Later please." Hindi ko rin naman ang susunod kong gagawin. Hindi ako gagalaw hanggat walang sinasabi si Beam. I still needed him. Siya ang sa tingin ko ang humahawak lahat ng trabaho ng lalaking may-ari ng katawang ito. If I ask Marley, wala akong matatapos na trabaho dahil sa bunganga niya. Hindi natatapos kung magsalita.
I felt her hand played with my hair. Nanatili kami sa ganoong posisyon ng ilang minuto. Hanggang sa hindi ko na namalayan na hinahalikan ko na pala ng marahan ang leeg niya. I like her scent. It's addicting.
"Gifflet?"
Hindi ko siya binigyang pansin at tinuloy ang paghalik sa leeg niya. Pakiramdam ko normal lang itong gawin. I never kissed someone before and she's my first time everything with it. My first kiss, my first lust. I f*****g admit.
I kept kissing her neck and even nibbled it with my teeth. Marahan lang ang ginawa ko dahil baka masaktan siya. I licked that part and sucked it.
"Gifflet... don't put a mark. I still have work tomorrow."
Doon ko lang naisip na pwede pa lang magkaroon ng marka kapag sinisip ko iyon. I did what she wanted and only lick it. Tinigil ko ang pagsipsip at paghalik at pagdila lang ang ginawa ko.
Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa baywang niya at mas nilapit siya sa akin. It's just addicting. Parang gusto ko na lang itong gawin maghapon. Gusto ko sanang paglaruan din ang mga labi niya pero mas gusto ko itong leeg niya.
Tinigil ko ang ginagawa ko dahil baka hindi lang iyon ang magawa ko. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit. Nakasubsob ang mukha ko sa gilid ng leeg niya habang magkayakap.
"Uuwi ka na?" bulong ko.
"Yeah. Kailangan ko pang ituloy ang ginagawa ko sa bahay."
"Do you want me to drive you home?"
"No! Sasakay na lang ako ng taxi pauwi. Marami ka pang trabaho kaysa sa'kin."
"Okay. Uuwi na lang ako ng maaga mamaya," I said.
"That's impossible. You have a lot of work. At mga baka madaling araw ka na matatapos."
"No. I can leave my work to go home for you. That's way wasy to do," giit ko. I don't want to stay here all day and night. Pero gano'n ang doctor. Konti na lang ang oras nila but it's okay. I can make time for Adrienne.
Mag-isa lang siya sa bahay at wala siyang kasamang matulog. Ang laki pa naman ng bahay. Hindi ba 'yon nakakatakot sa kanya?
"Uuwi pa rin ako ng maaga sa'yo."
...