Napasandal na lang ako sa upuan ko nang matapos. Ang dami rin at nireread ko. Sinubukan ko ring gayahin ang pirma niya at nagaya ko rin naman. Ilang ulit pa ang ginawa ko at agad ko rin namang nakuha.
Ano ng susunod? Kanino ko ito ibibigay?
Inis akong napasabunot ng buhok. Ano ba. Ang dami ko pa pa lang kailangang alamin. Kung sino-sino ang mga direktor. Ang pasikot-sikot ng ospital na 'to.
Tumayo ako at nagbihis. Binalik ko ang damit ko kanina at pinatong ko lang ang doctor's gown na nakitang nakasabit malapit sa kinauupuan ko.
Naisip ko bigla si Beam. Is he okay? How about the two nurses? Beam seemed depressed.
Tumingin ako sa relo ko at nakitang ala sais na pala. Agad? Ala sais agad?
Uuwi na ako. Wala na rin naman siguro akong gagawin. Tapos ko na lahat ng papeles at kailangan na lang ay kung saan ko dadalhin ang mga iyon.
Inayos ko ang mga papel sa lamesa ko at nagdesisyong uuwi na lang. Bahala na 'yan. Bukas ko na lang iisipin ang mga dapat kong isipin. Sumasakit na ulo ko.
I took off the gown I was wearing at binalik sa pagkakasabit. Napatitig na lang ako doon pagkatapos. Hindi ba dapat labhan na 'to?
Nagkibit balikat ako at kinuha ko ulit. Tinupi ko iyon at naghanap ng paglalagyan. Nag-ayos muna ako ng sarili at kinuha ang susi ng sasakyan ko.
Lumabas na rin ako pagkatapos. Tapos na rin lahat. I turned my back and got out of the office.
Bukas na lang ulit. Gusto ko nang matulog. Habang naglalakad ako ay panay ang bati sa'kin ng mga doctor.
They always greeting me good evening and so. Ngiti lang ang naisagot ko sa kanila dahil nagmamadali ako. Gutom na ako at inaantok.
Imagine, nakaupo lang ako at puro papeles ang kaharap ay pagod na ako. Paano pa kaya kapag dumagdag ang mga operasyon? Baka patay na ako niyan.
Medyo natagalan bago ako tuluyang nakapasok ng sasakyan ko. Hindi naman pwedeng daanan ko lang ang mga bumabati, 'no. That's so rude of me. Kung gano'n ang lalaking 'yon, iba ako sa kanya. Mabait akong tao.
Mabait. What a word. Ngumisi na lang ako at pinaandar na ang sasakyan. Bahala sila kung sino man ang maghahanap sa'kin mamaya.
Ngayon lang ulit pumasok sa isip ang usapan namin ng tatay ng lalaking 'yon. I can see he's not treating him well. As if he's not his own son.
Nakauwi na rin ako ng hindi natatagalan sa paghula ng direksyon. Hindi ako makakalimutin sa mga nakikita ko.
Pinarada ko ang sasakyan sa garahe at lumabas. Napatitig na lang ako sa buong bahay.
Halos isipin ng makakakita na walang naninirahan. Malaki nga pero ang lungkot naman tignan. Iisa lang ang nakita kong nakabukas na ilaw. Sa kusina.
Pumasok na ako sa loob ng bahay habang nilalaro ang susi sa kamay ko. Dumiretso ako ng kusina at naabutang nagluluto si Adrienne.
"Ang sarap naman. Amoy pa lang..." Mabilis siyang lumingon sa banda ko. Nakangisi ako sa kanya at umupo sa isang upuan.
"Tapos na ang trabaho mo? This early? Don't tell me you escaped from you work." Binalik niya ang atensyon sa niluluto.
Napahagod ang tingin ko sa kabuoan niya. She's wearing a long dress that almost reaches her ankles. She doesn't looks like an old woman. In fact, it suits her.
Seeing her ass. Napakurap na lang ako at nag-iwas ng tingin. What did I just thought? What the f**k. I'm not that pervert even in my mind.
"I already finished it all. I don't have any operation this night I think. Tapos ko ma ring pirmahan ang mga papeles."
Taas ang kilay siyang tumingin sa akin. "You did? Kailan ka pa humawak ng mga papel?"
Doon ako napatigil. Another wrong move? Kailangan ko rin bang huwag humawak ng mga papel?
"Naisip ko lang. Maybe I want to do something new. Siguro," parang walang sabi ko.
She turned off the stove and prepared our food. We ate silently but I can't feel the awkwardness between us.
"Oh yeah. Gifflet's dad— I mean my dad came in my office and he's telling me about this thing," simula ko ng konbersasyon.
She looked at me like she knows. "About the passing of your position? That wasn't new. You both planned it and you even told me that."
Matagal akong tumitig sa kanya pero seryoso lang siya. "Pumayag ako doon?"
"Yeah. You told me you're going to pass the position to your brother para makuha mo ng tuluyan ang mga mana mo sa tatay mo. And you even planned our annulment. Kaya nga nagtaka ako kung bakit tinanggihan mo ang annulment paper na binigay ko. Pwede naman tayong maghiwalay pagkatapos mong maipasa ang posisyon," mahabang lintiya niya.
Oh, so he wants the annulment in the first place. Did I made a mistake again? Mali yata 'yung mga maging desisyon ko.
Ngayon para nang sasabog ang ulo ko sa sakit. Ang gulo ng ng isip ko pero wala na akong magagawa kung hindi panindigan ang mga sinimulan ko.
"I won't pass the position," walang emosyon kong sabi at tinuloy kumain.
No one knows how much I masked my frustration. Tangina. Dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko ay naging tagilid lahat ng dapat mangyari. Gusto ko lang naman maghigante. Ba't naipit ako sa sitwasyong ito?
"What?" Tumingin ako sa kanya at doon bumalatay lahat ng emosyon niya. I can see her disappointment and pain. She was hopeless. "But I wanted to be free. Noon pa lang ayaw ko na talagang maikasal sa'yo. Hindi ba iyon naman talaga ang plano mo noon pa lang?"
"I changed my mind. Paninindigan ko ang trabaho ko sa ospital at bilang asawa mo. If he treated you s**t before, I will treat you better than he did— I mean I will treat you better this time."
Naiiyak niyang binaba ang kutsarang hawak at diretso ang tingin sa akin. "Ilang beses mo na akong sinaktan. Physically and mentally. Except emotionally since I don't love you. I don't even like you."
"Then I won't hurt you like he di— like before. I will be a better and deserving husband for you. Hindi ko lang sinasabi ito dahil gagawin ko."
"Hindi ko alam kung paniniwalaan ba kita sa sinasabi mo. But how about Trinity? Siya naman ang mahal mo 'di ba? You dreamed of marrying her someday," mahina niyang wika at tuluyang tumulo ang mga luha niya.
Napapikit ako nang makita iyon. I don't know I have a soft spot sa mga babaeng umiiyak sa harapan ko. I just couldn't stand it.
Napahilamos ako sa mukha. I met her eyes but she looked away as soon as I met hers. "Not anymore. I don't care about his woman— that woman." Napasabunot na ako ng buhok nang marinig ang mahina niyang hikbi. "Come here."
Hindi siya kumibo at nagbaba ng tingin. Ako na ang tumayo at lumapit sa kanya. Hinila ko siya sa kinauupuan niya at niyakap. "Come on. Don't cry."
"I- I want my freedom, Gifflet. I want to do the things I wanted. 'Yung hindi ko kailangang magpaalam sa'yo sa bawat gagawin ko. I want to do things in my own," iyak niya.
I buried her face on my chest and caress her back. "Gawin mo lahat ng gusto mo. Hindi kita babawalan sa mga gagawin mo. You can do all you want but please... not the cheating part."
Umiyak lang siya at mas lalong sumubsob sa dibdib ko. "But I have a favor, kung may gusto ka mang gawin, pwede kitang samahan. Susuportahan kita but I want you to update. Ayaw kong maibalita ka na lang na wala na at nasa ospital. Okay?"
"O-Okay."
"Go. Magpahinga ka na. Ako ng bahala sa mga hugasin. Tatabihan na lang kita pagkatapos ko rito. Hmm?"
Bahagya siyang tumango. He pulled away from me. Binaba ko ang mga kamay niyang akmang pupunas sa mga luha niya at ako na ang gumawa. I wiped her tears since I am the reason why she's crying.
"Sleep, okay?"
Parang bata siyang tumango. Dahil sa ginawa niya ay biglang mag pumasok na senaryo sa isip ko. I shook my head.
Pinanood ko siyang umalis ng kusina at inayos na rin ang mga pinagkainan namin. Pagkatapos kong maghugas ay pumunta na akong taas dala ang mga gamit ko.
Kailangan ko pang labhan ito. Bukas na lang siguro. Pagod na ako.
Nang pumasok ako ng kwarto namin ay naabutan siyang nakatulog na. Napatitig pa ako ng ilang segundo sa kanya bago pumunta ng banyo.
I took a quick shower at lumabas ng banyo na tuwalya lang ang gamit pantakip sa katawan ko. I forgot to take my clothes with me. Tulog na rin naman siya. That's what I thought.
I can feel her gazes on me while I'm putting my clothes on. Hindi ko alam at napangisi na lang ako. Binagalan ko pa ang pagdadamit dahil naaaliw ako sa titig niya sa'kin. Nakatalikod ako sa banda niya ramdam ko talaga ang titig niya.
"Enjoying the view?" Lumingon ako sa kanya na nanlalaki ang mga mata niya. She didn't expect me find out, did she?
She was looking at me like she just caught on the act.
"I-It's just... y-your just..."
"What? You want my body? No worries, I want you too."
...