"Prepare yourself, Doctor Wilson, the surgery will start in 10 minutes," I reminded him, coldly as ice. I crossed my arms on my chest and raised an eyebrow to Shaniah.
Ang tingin niyang iyon ang pinagselosan ni Adrienne. Kung makatingin daw sa'kin ay parang nang-aakit.
Hindi niya tinigilan ang tingin niyang iyon kahit pa nandiyan ang boyfriend niyang si Richard. Don't tell me ipagpapalit niya rin ako kay Richard? Poor Richard.
Kumusta na nga ba ang lalaki niya? Wala na sila? Hindi na niya mahuhuthutan ng pera at wala na ang mga koneksyom niya kaya iniwan niya?
Sa tingin pa lang niya parang may binabalak na. She thought she can seduce me and share with my connections. Not gonna happen, slut. I know your tactics now. I know better than becore.
"Hi, Mr. Whitlock! Nagkita ulit tayo," malanding bati niya kahit nandiyan ang boyfriend niya. Nilagay pa niya ang buhok sa likod ng tainga niya at pasimpleng kinagat ang pang-ibabang labi.
Pasimple niya ring binaba ang strap ng damit niya para mas makita pa ang parte ng dibdib niya. Good thing she's in her jeans.
Baka magalit ulit si Adrienne kapag tumingin ako sa hita niya. Titig na titig lang ako sa mga mata niya, didn't dare to look lower.
Napansin ni Richard ang ginawa ng girlfriend kaya nagsalita siya. "Babe, stop doing that. You can do that again if we're alone."
Akala niya siya ang ginagano'n ni Shanaiah. Poor stupid Richard.
Tumingin siya sa'kin bago nagsalita. "Ihahatid ko lang po ang girlfriend ko sa parking lot."
Diniinan pa niya salitang 'girlfriend'. Para namang aagawin ko ang GIRLFRIEND niya, 'no? Mas maganda na nga 'yung asawa ko, ipagpapalit ko pa sa babae niya? That's so low of me.
"Bye, Mr. Whitlock! See you again!" She waved her hand that Richard easily caught it. Dumaan sila sa gilid ko na sa'kin lang nakatutok ang tingin ni Shanaiah. Napansin iyon ni Richard kaya ginalaw niya ang ulo ni Shanaiah para maiwas sa'kin ang tingin niya.
Now I can feel his fear. Kahit hindi ko siya masyadong pinansin ay naramdaman ko ang takot niya.
Bakit? Natatakot siyang ipagpapalit din siya ni Shanaiah. Hindi niya alam na ginawa na rin ni Shanaiah.
"Seryoso ba 'yon? Girlfriend ni Doctor Wilson?" hindi makapaniwalang tanong ni Beam. Pati sila natahimik at nag-obserba na lang ang nagawa kanina.
Naiiling-iling siya at gano'n din si Ley. "Halatang nilalandi ka, Gifflet. Tapos ikaw itong diretso ang titig sa kanya. Huwag mong sabihin nagagandahan ka sa kanya?"
Nabaling sa'kin ang atensyon nilang dalawa, hinihintay ang sasabihin ko. Sumandal ako sa locker bago tumingin sa kanila, nakangisi na.
Kanina ko pa gustong ngumisi pero hindi ko magawa dahil nasa harap ko ang dalawang taong gusto kong gantihan. Imagine, nasa harap ko na ang kinamumuhian kong mga tao. Tadhana nga naman.
"She's beautiful and sexy," komento ko na ikinasinghap ng dalawa. "But she's a slut. Maganda sana pero puta naman."
Kumalma ang dalawa at nawala ang pag-aalala sa kanilang mukha. Anong akala nila? Kakabit na naman ako? Ang babaw naman ng tingin nila sa'kin.
"Pero nagandahan ka," tulak salita ni Beam. Ano naman?
Anong gusto nilang sabihin ko? Pangit siya? Kung tutuusin ay maganda naman talaga si Shanaiah pero panlabas lamang iyon.
"Ano naman? That doesn't mean I will pursue her. She's beautiful but that's it. Hanggang doon lang iyon. I appreciate everyone's beauty physically. Pero nah, hindi ko gusto ang kanya. Kahit maganda siya, hindi papasa sa akin."
"Don't tell me hindi ka rin nagandahan sa kaniya, Beam? Bakla ka ba talaga? Maganda naman talaga iyon pero ayaw ko sa mga kagaya niya. Marumi at nakakadiri," sabi ni Ley na nakangiwi pa.
"Aba, kahit panlabas na anyo niya ay maganda, hindi ko siya sasabihang maganda. I compliment others beauty but not bu appearance. Hindi ako gaya niyo!"
"Sa bagay, pangit ka rin naman." Kumibit balikat si Ley na parang wala lang. Halos mabilaukan ako sa pagpipigil ng tawa.
Binatukan niya si Ley na mas ikinalala ng away at sagutan nila. Ayaw ko nang sumali pa, pagtulungan pa nila akong dalawa, mahirap na. Wala pa naman akong kakampi.
THIRD POINT OF VIEW
"Do you think he really changed?" tanong ni Ley kay Beam habang nakaupo sila sa couch ng office niya. It is safer to talk in there than in Gifflet's office though they were not planning something evil.
Nakatingin si Beam sa ceiling habang nakasandal sa couch na kinauupo. Nanatili ang tingin niya doon na tila malalim ang iniisip. "He seems like other people. Hindi siya ang dating Gifflet."
Tumango-tango si Ley dahil iyon din ang iniisip niya. Hindi kaya ng taong magbago sa isang araw lang. Either ibang tao iyon o nagpapanggap lamang siya.
"He's not pretending as we thought. Iba nga siya. Hindi ko lubos maisip kung paano," naiiling si Ley. Bakas sa mukha nila ang frustration dahil kahit meron sila ng bagay na wala sa karamihan, na kaya nilang bumasa ng sitwasyon at tao, hindi pa rin nila maisip kung anong meron kay Gifflet, kung paano ito nagbago.
"He can perform cardiac surgery, like how? He's an orthopedic, ang layo ng field niya pero kaya niyang mag-opera ng dapat ikaw ang gagawa. Ano sa tingin mong nangyari sa kanya?"
Tumango-tango si Ley dahil tama siya. Imposibleng makaopera ng puso si Gifflet tapos ang layo ng field niya.
Ni wala nga iyong alam tungkol sa puso tapos ngayon kaya niyang mag-opera and he can perform heart transplant? That's not him anymore and who could it be? Impostor kaya iyong nakakasama at nakikita nila? Kung gano'n man, sana hindi na bumalik ang tunay na Gifflet Whitlock.
Mas gugustuhin nilang makasama ang isang impostor kaysa 'yung tunay na kapantay ang ugali ng demonyo. They better keep this up and will not talk about it anymore, but they can't help it. Ang hirap lang paniwalaang nagbago nga talaga siya ng gano'n-gano'n na lang.
"May amnesia ba siya? I can still remember before that he looks like he didn't know anything. Lagi siyang nagtatanong sa akin na parang hindi naman niya alam. Pati 'yung kabit niya halos hindi na niya kilala noon." Umayos siya ng upp at sumeryoso ang mukha. Gano'n din si Ley na nakadekwatro habang nasa hand rest ang mga kamay.
Ley shot his head back na tila may naalala. "Nagpahatid din siya sa'kin noon sa office niya. That day, I can feel that something was up to him. Parang hindi niya alam ang office niya."
Mas lumalim ang isip ng dalawa at pinag-iisip talagang maigi kung paanong nangyari iyon kay Gifflet. Na bakit parang wala siyang maalala noon.
Kahit palalim nang palalim ang iniisip nila ay hindi tumama sa kung ano talagang nangyari kay Gifflet. Kung ano-ano ang iniisip nila pero hindi nila naisip na pwedeng ibang tao ang nasa katawan ng Gifflet na kilala nila.
Sa isip-isip ni Ley ay baka impostor ang Gifflet na nakakasama nila. Si Beam naman ay baka nagka-amnesia ito at doon nagbago. Pero nasa isip din nilang imposibleng nangyari ang mga nabubuo ng mga utak nila.
Matatalino sila pero hindi nila maisip kung bakit biglang nagbago si Gifflet. Kung nagpapanggap man ito, sana hindi iyon tumagal ng tatlong buwan. Hindi kaya ng isang taong magpanggap ng gano'n katagal, lalabas at lalabas pa rin ang totoo nitong pagkatao, pero ang pinapakita ni Gifflet ngayon, it looks like it's his natural personality. It's nature for him.
"Sa tingin mo masama ang ganitong pagbabago niya? Naging mas malalim ang isip niya at naging matalino sa halos lahat ng bagay. Naging masipag din at kaya niyang gawin ang ginagawa nating dalawa," lintiya ni Beam. "He can betray us, Ley."
"You know he wouldn't and couldn't do that. May mga tinatago siya pero alam ko at alam mong hindi niya tayo tatraydurin, sasaktan niya tayo pero hindi sa paraang tinraydor niya tayo."
Biglang pumasok sa isip ni Beam ang sinabi niya. He's right, he can hurt is but not because he betrayed us.
'You're one of them, Ley,' sabi ni Beam sa isip. Napailing siya dahil doon. He shouldn't tell him what he knew.
"You know it, huh." Ngumisi siya na ikinangisi rin ni Ley. They both know.
They also both know that even if they team up together against Gifflet, sila pa rin ang talo. Iba na ngayon ang lalaki at mas naging mas mautak ito.
...