Chapter 46

1996 Words
"Kilala mo siya, Gifflet?" takang tanong ni Ley. Kanina pa sila nakatitig at nag-oobserba. Umiling ako bilang sagot na hindi tumitingin sa kanya. Diretso lang ang mga mata ko sa lalaking kaharap ko. Sumandal ako sa couch at pinakrus ang mga braso sa dibdib. "No. I don't know him," I lied. I do know him when I was still in my original body. Syempre, laging nasa bahay 'yan ni Shanaiah kapag may kailangan ang babaeng iyon. Tahimik lang ako noon pero hawak ko lahat ng mga ebidensiyang sangkot si Shanaiah. Kailangan ko lang kunin iyon sa bahay ng totoong mga magulang ko. Magulang ko nga ba? I doubt that. They never treated me as their own so they weren't my parents anymore. Hindi na sila ang mga magulang ko. "Weird. Why do I feel like you know him," bulong ni Beam pero rinig ko naman dahil katabi ko siya. Mas malapit sa'kin kaysa sa dalawa. Tumayo na ako dahil baka nagising si Adrienne at hinahanap ako. I fixed my gown before looking at the two. "Fix everything. Cover him and protect everyone he's protecting." Tumango ang dalawa, they know what they have to do. Itatago nila si Aris at proprotektahan din ang mga taong pinapahalagahan niya. I can't lose him, I can still use him as a witness. Though I won't get justice to the court and according to the law. Wala na sa bokabularyo ko 'yan. Idadaan ko lahat sa paraan ko upang makuha ang hustisya para sa sarili ko at ng ibang mga taong biktima rin nila. Tumalikod na ako at naglakad palayo. Dumiretso ako sa office ko at tama nga ako, gising na si Adrienne. Nakaupo siya sa swivel chair ko habang kaharap ang laptop ko na tila may pinapanood. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at hindi niya ako pinagtuunan ng pansin. "Ba't gising ka?" malumanay kong tanong at naglakad sa kinauupuan niya. Tumigil ako sa gilid niya at bahagyang umupo sa table ko pero hindi ko binigay lahat ng bigat ko sa lamesa. Ngumuso siya at hindi pa rin ako tinignan. Sumilip ako sa pinapanood niya at nakitang action movie ito. "Where have you been? Anong oras na," nguso niyang ani na parang nagtatampo. I chuckled at that. "Nag-ikot lang ako para tignan ang mga pasyente." It's true though habang papunta ako sa office ni Ley ay nag-check na rin ako ng mga pasyente, pati noong pabalik ako ay dinaanan ko na rin ang mga pasyenteng hindi ko pa natignan. It's half truth and half lie. She paused the movie and turned the chair to face me. Nakatingala siya para matignan ako. "You should have wake me para nakapagpaalam ka." "Adrienne, you were sleeping tightly, bakit pa kita gigisingin?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kita ko kung paano medyo sumama ang mga mata niya sa'kin. "Kahit na, malay ko bang 'yung seksing doctor pala diyan ang tinitignan mo." Tumaas lalo ang kilay ko. Seksing doctor? Nag-iwas agad siya ng tingin na nakasimangot. Don't tell me she's jealous? I chuckled. Selosa. "Sexy who? Wala naman akong nakikitang sexy diyan. Alam mong hindi ako madalas lumabas ng office ko. Minsanan lang akong lumabas para mag-ikot." Lumapit ako sa kanya ay yumuko para mapantayan ang tingin niya. "Selosa." "Hindi ako nagseselos!" tanggi niya. Pash. Akala naman niya maniniwala ako. Ginulo ko ang buhok niya at tumawa. "Wala ka bang tiwala sa'kin? Sabi ko sa'yo, ikaw ang pinakaseksing babae sa mundo, hmm?" THIRD'S POINT OF VIEW "Gagamitin niyo ako," bulalas ni Aris na may malamig na emosyon sa mukha. Naglalakad sila ngayon sa kung saang parte ng ospital. Parte kung saan sekretong base nila. Inayos lahat iyon ni Gifflet. Lahat ng kakailanganin nila at illegal man o legal, may mga baril at kutsilyo sa loob ng parte ng ospital na iyon. Sa pinakagilid ito nakalocate at tago ang parteng iyon. Lahat ng gamit panlaban ay nandoon. Mga bulletproof, bomba, baril at kung ano pa. May nga monitor din doon na kung saan nandoon ang cctv ng buong ospital. Hindi nila alam na ginagamit din iyon ni Gifflet para mag-track at mag-imbestiga ng tao. Ang alam lang nila ay lugar lang iyon na kakailanganin nila. Doon sana ang meeting place nila pero baka may makahalata. May espiya pa naman sa loob ng ospital. "Kinda but not really. You see, ginagamit din kami ni Gifflet but we chose to follow him," lintiya ni Ley. Totoo ang sinabi niya pero hindi sa paraang walang pakialam si Gifflet sa kanila. "He values you," ani Aris. Gustong-gusto ng dalawang basahin ang taong ito pero gaya ng kay Gifflet ay hindi nila kaya. Hindi nila masasabing mas malakas si Gifflet o si Aris, hindi lang siya ordinaryong tao gaya nila. Kumuha si Beam ng maliit na baril sa isang cabinet kung saan nakaayos ang mga pocket gun. Hiwa-hiwalay ang mga baril base sa mga klase nila. Gifflet showed this to them after his surgery with Richard. They were shocked to see this room. Sinong mag-aakalang may ganito sa loob ng ospital? Para itong headquarters ng mga propesyonal na hired hitmen and assassins. Nilagay ni Beam ang pocket gun sa bulsa ni Aris at dinagdagan din ng tatlong maliliit na kutsilyo. Hinayaan iyon ni Aris dahil nakikipag-usap siya kay Ley. "Exactly. So it means he's not using us, we're willing to do things he ordered. Why? Dahil siya ang utak namin," sabi ni Ley na parang wala lang. "Hindi ko nga alam kung bakit ko siya sinusunod. Ikaw Beam, alam mo?" Tinapik ni Beam ang balikat nito nang maipasuot niya ang bulletproof kay Aris. Kakailanganin niya ito dahil posibleng nasa labas lang ang ibang tauhan ni Richard na nag-aabang dahil alam nilang hindi niya ginawa ang inutos niya. "Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, dahil guilty ako," sagot ni Beam. "Guilty? Bakit? Anong ginawa mo?" takang tanong ni Ley. Saan naman siya ma-g-guilty? Sa pagkakaalam ni Ley ay wala namang ginawa si Beam kay Gifflet. Si Gifflet nga ay may ginawa ng marami sa kanya. Hindi niya maintindihan sa parteng iyon. Ngayon ay si Aris ang tahimik, inoobserbahan ang dalawa. "Ang dami mong tanong. Chismoso ka talaga," pagsusungit ni Beam na ayaw sagutin ang tanong ni Ley. Guilty siya dahil sa mga alam niya pero hindi niya kayang sabihin kay Ley. He promised and he trusts Gifflet's plan. Kaya siya tumutulong para hindi mapunta sa wala ang lahat ng sakripisyo at plano nila. "Whatever. Masanay ka na sa puppet ni Gifflet. Traydor ang dalawang iyan kaya sa'kin ka kumampi," sabi ni Ley at umakto pang nasasaktan. Alam naman ni Ley na may tinatago ang dalawa pero hindi niya alam pero may tiwala pa rin siya sa dalawa. Ramdam niyang hindi naman siya ipapahamak ng dalawa. Sasabihin din sa kanya kung ano ba iyon. "He's going to use me against him," muling salita ni Aris na kumuha na ng atensyon ng dalawa. Sumeryoso silang dalawa at tumingin kay Aris. "Tama ka, Richard use you against him, then he'll do the same. But not in a way that he will harm you. We know you know that too." Tumango-tango si Aris. He's thinking deep. He doesn't have a choice but go with the flow. Kung kakalabanin niya si Gifflet, madudurog siya. Kung si Richard naman, matatapakan lamang siya. Kaya mas magandang sa panig ng mga ito siya kakampi, at least they will protect his daughter. Ang anak niya na lang ang meron siya ang he couldn't afford to lose her. "Promise me, you will protect my daughter," seryoso niyang demand na may halong pagmamakaawa. Tumango ang dalawa. "Sa puder ko muna ang anak mo habang ginagawa mo ang utos ni Gifflet. My wife will take care of her while you're away, since she's pregnant and she only stays at home. Don't worry, safe sa bahay." "Hindi namang pwedeng sa bahay ni Gifflet dahil mas delikado sila ng asawa niya at may trabaho rin si Adrienne. Teka," tumigil si Ley sa pagsasalita nang marealize ang sinabi. "Hindi ba patitigilin ni Gifflet si Adrienne sa pagtratrabaho? She's in danger too especially that Richard and his girlfriend made a move." "Sa office muna ni Gifflet magtratrabaho ang asawa niya mula ngayon. Kaya baka mapapadalas tayo rito. He doesn't want her wife hear everything we're talking." Napatango-tango si Ley sa sinabi ni Beam. So everything was planned. Buti at planado ang lahat. "Anong gagawin ko?" tanong muli ni Aris. Beam turned dead serious. "You'll know once he talk to you." Hindi dapat malaman ni Ley ang dapat iuutos ni Gifflet. He might know something. Sobrang bigat na nga ng loob ni Beam dahil pakiramdam niya ang dami na niyang kasalanan sa lalaki. Lagi na lang silang nagpaplano sa likod ni Ley. Hindi naman lahat pero karamihan dahil involve siya sa mga pinagpaplanhan nila. Gusto man niya pero hindi pwede. Malalagot siya kay Gifflet at masisira lahat ng mga plano nila. Kaya kailangan niyang itikom ang bibig niya. "Hindi sinabi ni Gifflet sa'yo?" takang tanong ni Ley. Beam shrugged. "Hindi. Sasabihin din naman niya kapag nasabi na niya kay Aris." It's half truth and half lie. Alam niya kung ano ang iuutos ni Gifflet pero pinili niyang magsinungaling dahil iyon ang makakabuti. Tumango lamang si Ley. Si Aris naman ay nag-iisip kung paano niya kukunin ang anak niya sa isla kung saan niya tinatago. Naaawa siya sa anak niya dahil wala itong maganda at normal na childhood. Dahil iyon sa trabaho niya kaya hindi niya mabigyan ng normal na buhay ang anak niya. Sana ay magkaroon na siya kahit panandalian sa puder ni Beam. He feels bad dahil lagi niyang iniiwan ang anak ng mag-isa. He doesn't trust anyone even maid or babysitter. Ayaw niyang magkaroon ng witness kaya pinili niyang iwan mag-isa ang anak. Sigurado siyang matutuwa ang anak niya kapag sinabi niyang may makakasama na siya kahit hindi niya kilalang mga tao. Hindi man niya kilala pero alam niyang mapagkakatiwalaan. Sa kabilang banda ay may isang lalaking galit na galit dahil sa palpak na misyon ng pinakapinagkakatiwalaan niyang tao. Nagpupuyos siya sa galit dahil ngayon lang sila nito binigo. Nagsusumigaw siya sa kanyang bahay nang malamang hindi ginawa ng lalaki ang utos niya. Kuyom na kuyom ang kamao at taging ang bagang. "Paano na 'to?" kalmado niyang tanong pero sumasabog na siya sa loob-loob niya. Ang babae namang kasama niya ay kalmadong nakaupo sa kama habang pinapanood siya. Na tila walang pakialam kung patay ba 'yung target nila o hindi. "Calm down, babe. Kunin natin ang anak niya para gamitin sa kanya. No one messes with our family, right? Then we'll do the work by ourselves this time. "Let's see if Aris will show up." They knew that Aris was hiding somewhere. Nakatago na ito para hindi nila mahanap. Tumango-tango ang lalaki at pilit pinapakalma ang sarili. Natatakot na siya para sa sarili niya, nila. Hindi sapat ang kapangyarihang meron sila kumapara sa lalaking iyon. Sa isip-isip niya, bakit parang hindi nababahala ang babae? Bakit para itong walang paki? Dahil ba confident itong maproprotektahan siya ng mga konekyon nila? "Pwede ba, Shan, magbigay ka naman pakialam," frustrated niyang sabi. Para kasing siya lang ang kumikilos. Bumuntong hininga ang babae at tumango mula sa pagkakaupo. Lumapit siya sa lalaki at hinaplos ang balikat papuntang braso nito. "Chill, babe. Don't be stress out. Huwag mong isipin itong mabuti. Alam mong walang makakatalo sa mga Wilson at Keller, right? You should know that, babe," kalmado at nangkukumbinsi ang boses ng babae. Doon lang nabalik ang lalaki sa sarili. Tama, walang makakatalo sa pamilya nila. Even that Gifflet. Yinakap niya ang nobya niya na ginantihan naman ng nobya niya. "Itatak mo iyon sa utak mo, Rich. Hindi tayo matatalo ng doctor na iyon." Alam niya pero kailangan pa ring mag-ingat. Hindi naman basta-bastang tao ang kalaban nila. Wala siyang ideya kung bakit nalaman ng lalaki ang sekreto nila. Alam niyang walang may alam nang ginawa nilang iyon. Patay na ang kaisa-isang witness kaya paanong nalaman ng doctor na iyon? ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD