SAIDDIE'S POV
"Saiddie!!! Saiddie anak naman gising na! Malelate ka na eh" Grabe din tong nanay ko kung makayugyog.. Kaya kahit antok na antok pa ako ay dumilat ako ng bahagya at pupungay pungay ang matang tumingin sa kanya.
"Nay alam mo OA.. Anong oras na ba? Parang madilim pa sa labas eh. Nanay naman ohhh.."
"Ayaw mo talaga bumangon? Gusto mo pa Tatay mo pumunta dito? Alam mo namang maka CAT un.."
"OMG nanayyyyyy!!! Thursday ngayon di ba.. Lagot anong oras na?? OMG mag 5:30 na... Nanay lagot ako baka malate ako ayoko magka punishment."
"Gaga bilisan mo na lang kumilos at ng di ka malate ipapahatid kita sa Tatay mo gamit yung motor. Bilisssss!"
Ang AO minsan ng nanay ko no. Sa kanya kasi talaga ako nag mana oooppss baka marinig ng tatay di yun papayag. Pag siya tinanong sasabihin niya sa kanya talaga ako nagmana.
Maliit lang ang pamilya namin. Si Tatay Nick, Nanay Mina, ako at si Kuya Zanjoe. Malaki ang agwat namin ni kuya kasi nahirapang magbuntis na ulit ang nanay ko after ipanganak si kuya. Naswertehan daw na nakabuo sila ni tatay nung mag jowa palang sila kasi si nanay ay polycystic. Sa isang taon isa o dalawang beses lang siya dinadalaw ng bestfriend nating mga babae. Hanggang ngayon ata ay ganun pa din ang monthly period niya. Sana naman ay di ko mamana kay nanay yun.
Awww kung ano ano pa iniisip ko malelate na ako. Buti na lang swerte ako sa Nanay, nakahanda na lahat ng isusuot ko. Pang Girl Scout nga pala kami pag Thursday at Rovers naman pag Friday. Kinakabahan ako huhu.. Alam kong may pagkaclumpsy ako kaya natatakot ako mapunishment..
Ngayon palang namin malalaman kung saang Platoon kami mapapabilang.. Kanino kaya ako mapupunta? Kay Thom o kay Karl??? Ahahahaha feelingera lang po.. Kala mo naman kagandahan ako at pinag aagawan. Loka ka girl kahit kanino naman sa kanila. Pero parang mas gusto ko siya makasama... Ayy sana nga siya..
"Good morning Cadet! Hindi ko na iisa isahin ang mga pangalan ninyo para sabihin kung saang Platoon kau mapapabilang. CADET COMMANDER of Platoon A here in the quadrangle and Platoon B doon kayo sa Gymnasium. Bilang mga Leaders kailangan ninyong magather ang inyong Platoon in 15 minutes. Ang platoon na hindi maayos ay my karampatang parusa. And the time starts now! "
Hala sila nagkarambol rambol na kami. Hila hila ako ni Claude, Fritz at Kathy. Palibhasa ako ang pinakamaliit sa amin kaya kailangan talaga nila ako hilahin.. Noong nasa may stage na kami hiwalay ng pinuntahan sila Claude at Fritz. Yung isa papunta kay Karl at yung isa ay kay Thom.
"Aray ko to namang dalawa na to!"
"Dito tayo kay Karl magtanong!" Hila sa akin ni Fritz.
"Teka teka teka dito tayo kay Thom! Hila ulit ni Claude.
Wala silang tigil sa hilahan. Nasasaktan na ako. Nagulat kami ng sumita ng sabay si Karl at Thom sa amin.
" Hey! Anyare dito?" nakakunot ang noong tanong ni Karl.
" Nasasaktan na si Saids bakit ninyo ba siya hinihila?" tanong din ni Thom
Sa narinig ay pareho nila akong binitiwan na naging dahilan para ako ay nasa aktong matutumba. Napapikit na lang ako sa mangyayari ng biglang my mga kamay na sumalo sa akin. Napadilat ako at mga mata nila Thom at Karl ang nakita kong may pagaalalang nakatingin sa akin. Dali dali akong tumayo at inayos ang uniform ko.
"Hoy Thom at Karl pakibilisan po mag 15 minutes na di pa namin alam ang Platoon namin." Sigaw ng isa naming kaklase. "Oo nga baka maparusahan pa tayo alam nio naman yun si Sir Ramos, mahigpit yun sa late!" Sigaw pa nung isa.
"Sorry sige sige wait lang. Hanapin ko na pangalan mo dito sa list ko baka naman nandito ka sa Platoon B." si Thom habang iniisa isa ang mga pangalang nakasulat. "Naku ang dami hehehe magtatagal tayo ganto na lang tatawagin ko na isa isa names ng Platoon B pila na lang po para sabay sabay na tayo pumunta sa GYM."
Nagstart na siyang magtawag ng mga pangalan. Napatingin naman ako kay Karl, abala sa paghahanap sa listahan niya ng Platoon A. Kakabigay lang kasi sa kanila ng final list ni Sir Ramos. Nirevised daw kasi yung unang binigay kaya di pa alam nila Karl at Thom ang mga cadet na hawak nila. Nakita ko pa siyang nagkakamot ng ulo sino kaya hinahanap noon.
Nakita ko si Thom na naiiling habng binibigkas niya ang huling pangalan sa listahan. So hindi ako sa Platoon B. Lalapit na ako sa Platoon A ng nakita ko naman si Karl na naiiling din. Nang bibigkasin na niya ang pangalan ng huling kasali sa Platoon A ay napatingin siya sa akin. At naglipat ng tingin sa Platoon B na kasalukuyan ng naglalakad papuntang Gym.
Habang papalapit aiya sa akin nakakunot ang noo niya. "Ei Ayie bakit naiwan ka nila? Baka maparusahan ka"
"Ha? Wala ba pangakan ko dyan sa Platoon A?" umiling siya. "Ay di ata ako kasali. Wala din ako sa Platoon B."
Biglang may nagsalita sa likod ko. "Ako din eh wala sa list." sabi ng isang student sa kabilang section.
So dalawa pala kami buti naman hindi ako nag iisa. Bakit naman kaya wala ako sa listahan. Alam kong lampa ako at maliit pero sna naman kasama pa din ako whahahha.
"Upo muna kayo sa bench wait natin si Sir Ramos para malaman natin kung saan kayo mapupunta" Sabi ni Karl
Nakatitig ako sa mukha niya habang nagsasalita. Cute din talaga tong si Karl eh. Sana sa Platoon niya ako mapunta.
"Sige Karl later na lang antayin namin sasabihin ni Sir Ramos." sabi pa ng nagpapa cute na kasama kong taga ibang section. Sapakin ko kaya to. Pa cute eh.
Inayos na nila ang pila nila kaya naging busy na siya sa pag aayos. Napaswerte naman na nasunod ang gusto ni Fritz na mapabilang sa Platoon A. Mas close kasi sila ni Karl. At si Kathy at Claude napunta sa Platoon B. Sana sa Platoon A ako para may kasama si Fritz. At sympre makasama ko si Karl ayyy ano ba yun... Nagkakacrush na ata talaga ako kay Karl.
Maya maya pa ay may dumating na isang 4th year para ipaalam na may emergency daw na pinuntahan si sir Ramos at may iniabot na list ng mga rules na kailangan idiscuss sa Platoon.
Nakinig na din kami kay Karl para alam na namin ang rules na dapat sundin. Maging din si Karl mag explain kasi malinaw na malinaw niya ipinapaliwanag isa isa ang rules. Habang nagsasalita siya nakatitig ako sa kanya. Nagukat ako ng kalabitin ako ng katabi kong babae. Binulungan niya ako.
"Crush mo din?" tanong niya habang nakatingin kay Karl.
"Ha? Ano? Hindi ahh.. Kaibigan ko lang yan." defensive kong sagot
"Kaya pala para ng tutulo laway mo hehehe. Oks lang yan babae lang tayo nagkakagusto sa cute. Di naman siya sobrang pogi pero malakas kasi dating niya." nangingiti pang sabi niya sakin habang nakatingin kay Karl.
Matagal pa kaming nakaupo sa bench ng marinig ko ng nagdismiss na ang Platoon. Nakita ko na din cla Claude, Kathy at Thom na palapit sa akin.
" Anyare nadapa ka na naman ba kaya di ka sinali ni Karl sa Platoon A?" tanong ni Claude
"Hindi no! Grabe to! Wala ako sa listahan eh. Di daw ako kasali whahaha" napatigil ako ng pagtawa ng mapansin ko si Thom na lumiwanag ang kanina niyang nakasimangot na mukha
"Ano? Wala ka sa Platoon A? Sure ka ba?" nakangiti pang tanong ni Thom sa akin. Inaasar ba ako nito? Hindi naman to mahilig mag asar eh.
"Parang ang saya mong di ako kasali" napasimangot kong sabi sa kanya
"Ay hindi naman nagtataka lang ako ibig sabihin pwede ka pa mapunta sa Platoon B."
"Hmmm siguro. Dalawa kami noon ni ate girl oh, wala din name niya.. Wala pa si Sir Ramos. Di tuloy kami nakasama sa pagpila hehehe!! " Napatingin ako kay Karl ang cute niya o nagpapacute sa babaeng kausap niya. Hay si Maya pala kausap niya, isa sa napapabilang sa society of beautiful kung tawagin namin nila Fritz. Napaiwas ako ng makita kong nakatingin sakin si Karl. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nagpaalam na siya kay Maya at palapit na sa amin.
Habang naglalakad siya si ko maiwasang humanga na naman sa kanya. Tapos ngingitian pa ako ng ganun. Bagay aa kanya yung bago niyang gupit ang linis linis tingnan.