CHAPTER 5 - WHO WON?

1490 Words
Bago ang unang araw ng assembly ng CAT... KARL'S POV Hindi pwede ang mga nangyayari na ito. Walang nanalo sa aming dalawa ni Thom. Kailangang makaisip ako ng paraan para ako ang manalo kay Thom. Ngayon lang ako nag mahal ng ganito. Madami namang nagkakagusto sa akin, sikat ako sa school pero etong puso ko kay Ayesha lang tumibok, ang aking si Ayie. Walang ibang pwede magkagusto sa kanya ako lang dapat. Mukha siyang baby kaya iniingat ingatan ko siya. Yung mga ngiti niya sakin parang may something talaga. I need to talk yo Thom. "Hello! Thom let's meet in the playground if you're not busy" "I'm not busy. Let's meet. Bye kita nal nga tayo doon. Punta na ako" "Sige bye." Naghanda na ako papunta sa playground. Doon ang secret place namin ni Thom. Doon ko ba talaga siya papakiusapan na mag give up na? Papayag kaya siya? Bahala na. Sa Playground.... THOM'S POV I still want to win her over. Hindi ako mag gigive up. Ito na lang ang nag iisa kong alas. Tiningnan ko ang hawak kong papel. Tuwang tuwa ako ng makita ko ang pangalan ni Saids sa Platoon ko. Siguro naman ito na ang sign na akin si Saids. Matagal na nahulog ang loob ko sa kanya. At alam kong hindi lang Puppy love to. Kaya ilalaban ko to kay Karl. "Karl, what's up?" still doing our peace bump. "Eto still thinking about Ayie. Ikaw? " Same thing. Here, siguro eto na lang ang alas ko. Saids is in my Platoon. Maybe this makes our agreement complete. Pareho man tayong nanalo bilang Platoon Leader, sa akin naman siya napunta. So sana ipaubaya mo na lang siya sa akin?" Kitang kita ko ang tutol sa mga mata niya. Ngayon ko lang din nakita si Karl na ganito. Bakit sa dinami dami ng mga babae na nagkakagusto sa amin sa iisang babae pa kami nagkagusto. Sa totoo lang mas madaming nagkakagusto kay Karl. May pagka nerdy look kasi ako dahil since Elem naka salamin na ako. Pero hindi naman ako nawalan ng mga admirers. Madami pa ding nagpapasaring sa akin na may gusto sila sa akin. "Sorry pare, hindi ko kayang igive up si Ayie ng ganun ganun na lang. Sorry pare di ko matatanggap yang proposal mo. Hindi ko kayang tanggapin na nanalo ka ng wala akong kalaban laban." "Pero pare naman di ba parang sa akin umaayon ang lahat. She's in my platoon, so she's mine." Matagal bago siya sumagot. May pagtatalo sa kanyang mga mata. Kilalang kilala ko si Karl. Pag nasa ganyan siyang state alam na alam ko na naninimbang siya. "Ganto na lang, since sa platoon mo siya napunta, you have all the right na ligawan siya. Pero siguraduhin mo lang na mapapasagot mo siya. Hindi ako makikialam sa diskarte mo. Do your best para mapasagot mo siya. Kahit masakit sa akin, sige lang Thom. Ayoko masira ang friendship natin. Basta pare pag di mo napasagot, ako naman ang manliligaw sa kanya" That's my friend. Alam ko naman na hindi niya kayang sirain ang pagkakaibigan namin. Niyakap ko siya like we always do. "Salamat pare. Pag nabusted ako, you have all the right na ligawan na siya" "Kung sagutin ka pare, ingatan mo sana siya. Halika na nga doon sa bahay ninyo, namiss ko luto ni tita Charie." KARL'S POV Kung para sa akin para sa akin. Binasbasan ko na si Thom, magpaparaya na ako. Basta sisiguraduhin ko na hanggang may laban ako lalaban ako. Kung sagutin siya ni Saiddie, magiging happy na ako sa kanila. Magpaparaya talaga ako. " Basta pare ha, nagpaubaya ako kasi nakikita kong mahal mo talaga at ang pinagbasihan natin ay dahil napapunta sa Platoon mo. Wag mo naman masyado pahihirapan ha. " Karl talaga, parang di mo naman ako kilala. Di ko pababayaan wag kang mag alala. Pag nabusted ako promise ipapaubaya ko alam ko naman din na di mo siya pababayaan. " Promise yan pre ha. Naswertehan mo lang talaga at sayo napunta, hindi sa platoon ko." End of flashback. Back to reality.. KARL'S POV Nagkatingin kami ni Thom ng sabihin ni Sir Ramos na narevised ang List ng kasama sa platoon namin. Parang nagkaintindihan na kami sa maaring mangyari. Nakita ko na parang kinabahan siya. Pandalas siya ng check sa mga pangalan na nakalista sa Platoon niya. Pati ako naghanap na din. Kaso what the f**k hindi naka alphabetical order ang names. Biglang nagsalita si sir Ramos 15minutes?Really? Napatingin si Thom sakin dahil nauna siyang matapos na wala ang pangalan ni Ayie. Naexcite ako. Napangiti ako. Naexcite akong tapusin ang pagtawag ng mga pangalan. Kaso... Bakit ganun? Wala nag pangalan ni Ayie. Paano na ngayon sign na ba ito? Pinaupo ko muna sila ng isang babae na panay ang pacute sa akin ng sabihinh pareho silang wala sa listahan. THOM'S POV Nasa akin na nawala pa. Paano na ngayon. Pero ang final decision ay nakasalalay sa mga kamay ni Sir Ramos. Excited na ako magbukas para malaman kung sa akin o kay Karl siya mapupunta. Makakatulog ba ako nito? Kinabukasan.... Nasa gymnasium ang Platoon B at nasa Quadrangle ang Platoon A. Pinatawag kami ni Sir Ramos sa Faculty room regarding sa maling list na nabigay kahapon. Pagpasok palang namin ni Karl ay nakita na namin si Saids at ang isang babae. "O nandyan na pala mga leaders natin. Buti nandito na kayo. Pasensya na at may mali na naman sa nabigay kong listahan hindi pala nakasama sa naprint ang mga pangalan nila eto o naputo sa papel na binigay ko. Nag 2nd page pala hehehe." OMG kanino si Saids? Sana sa akin pa din mapunta. Promise, I'll take care of her. My cute angel. Iniabot ni Sir kay Karl ang unang papel at sa akin ang isa. Nagkatingin pa kami ni Karl bago namin tingnan ng dagan dahan ang pangalan na nakasulat. SAIDDIE'S POV Tagal naman ng dalawang to. Sasabihin lang kung kanino ako mapupunta at tong si ate girl eh di pa masabi sabi. "Ayie! Welcome to my Platoon!" Ang lakaw ng ngiti mo kuya??? Grabe naman makasmile tong cute na to. "Grabe naman to kala mo naman tagal mo ko di nakasama hahahha! Kakatakot naman baka pahirapan mo pa ako niyan ha!" Sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya. "Thom! Sayang naman sana sayo na lang ako napasama... Baka pahirapan ako nitong makulit na ito ehhh. Ikaw ang tagapagtanggol ko eh" nakanguso pa ako habang sinasabi ito sa kanya. "O siya siya.. Go back to your respective Platoon. Karl turuan mo magtiklop ng panyo niya yang si Saiddie at kanina pa yan dyan di matapos." Habang naglalakad kami pabalik, nagtataka ako kay Thom di siya nagsasalita. May sakit siguro ito. "Ui Thom anong klase yan tahimik mo naman serious mode ka na naman?" "Pare dito na kami ni Ayie ha! Kita na lang tayo mamaya sa playground?" "Sige pre. Ingatan mo tong aleng maliit natin." bago pa siya umalis ginulo gulo pa niya ang buhok ko. "Ayyy grabe siya nagulo buhok ko lagot ka sa Platoon leader ko." Nakangusong sabi ko kay Thom "Oi Saids ypu should call her Cadet Commander Ramirez at ako naman ay si Cadet Commander Mojica at ikaw ay si Cadet Mendoza. Wag mo kalimutan yun pag narinig ka namin na hindi ganun ang tawag mo sa amin ay may punishment ka. Ay teka Karl yung panyo niya naayos mo na ba? " " Mamaya na lang sa Platoon ko tuturuan ko muna silang lahat ng pag aayos ng panyo ng mga uniform nila. At ng malula ang isa dyan sa dami ng kailangan niyang imaster gawin. " " Ok lets go Cadet Mendoza" THOM'S POV Unti unti kong tiningnan ang hawak kong papel at natulala ako ng mabasa ko ang pangalan sa papel. Mia Therese Navarro ang nakaprint na pangalan. Nagkatinginan kami ni Karl. Nagkakaintindihan na kami. Parang nanghina ako pero tanggap ko na. Kailangan akong lumaro ng pareho kay Karl. Tulad ng pagpapaubaya niya ng una, tutularan ko siya. Kung sila, ay sila pero kung siya eh nabusted, that's the time I can enter and do my courting. Hindi naman masamang magmahal ng lihim. Karl is my friend and my buddy. Hindi ako sisira sa usapan. Sadya lang mapag laro ang tadhana. Habang magkasama ng naglalakad ang dalawa papuntang quadrangle ay hindi ko maiwasang hindi mag isip. Sayang din talaga nakakahinayang naman. Nagulat ako ng may kumalabit sa akin si Mia pala. "Ui Mia right? Yes po?" tanong ko sa kanya "Mahal mo?" "What? Mahal? Sino?" sabay nguso niya sa papalayong sina Karl at Saiddie. "Hey that's not true. Friends kami ng dalawang yun." todo iling pa ako. "I know right. Alam mo medyo obvious." "Talaga ba? I mean no it's not" "Ok sabi mo eh.. Deny pa eh. Halika na nga Cadet Commander Mojica. Nakatingin na sila sa atin ohh kala magjowa tayo." Napakamot na lang ako ng ulo. Obvious na ba talaga?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD