KARL'S POV
Ang tagal na nakatingin lang sa akin si Ayie. She's not talking at parang hindi na din nagalaw. OMG paano na pag nabusted agad ako? Hindi ata maganda ang planao ng tropa. Nangangawit na ang mga kamay ko na nag aabot sa kanya ng mga bulaklak na pinitas ko pa kanina sa pananim ni Mommy sa garden. Baka dapat ata mas ginandahan ko pa ang preparation ko. Baka nabigla ko siya ng sobra? Pero sabi ni Fritz magiging oks ang lahat. Even the rest of the group, lahat sila nag agree. Even Thom. Si Thom na alam kong sa kasalukuyan ay malungkot at nagmumukmok sa kwarto.
"Hey Ayie! Hoy, Ayie ano ba? Di ka na nakilos. Are you ok?" tanong ni Claude habang niyuyugyog pa ang balikat ni Ayie. Nakababa na pala agad sila sa taas ng mga puno.
"Ayie?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa din siya nagsasalita pero nakatulala.
"Girl naman gulat na gulat? Aba'y kung saan yun ginawa naku, mabilis pa sa alas kwatro ang sagot kong "OO Karl, sinasagot na kita" madamdaming sabi ni Fritz.
" Aray! Ano ba Kathy! Sakit ng batok mo sakin ha! Di kita ilalakad sa crush mo!"
Nagkatawanan ang lahat samantalang si Ayie ay wala pa ding imik.
"Guys tara na iwan muna natin silang dalawa dito baka nahihiya lang si Saiddie sumagot kasi naririnig natin." Sabi ni Mico habang naglalakad na pabalik sa rest house.
Nakatingin lang ako kay Ayie, I'am still waiting for her to absorb the things I say.
I broke the silence. If it is a NO, tatanggapin ko ng maluwag. Atleast I tried diba.
"Ayie, sorry if nabigla kita. Its okay kung ayaw mo pa magpaligaw, I respect that. Its just that I can't help it anymore. I know that.."
She cut me talking..."Kailan pa Karl? Bat di ko napansin?"
"I can't remember basta parang nasanay na lang ako na ikaw yung gusto ko makasama. Hindi na nga ata ako sanay na di kita makakausap. Ang dami ko ding tanong noon eh. Pero bakit ba kailangan pa natin malaman kung kailan di ba? Siguro totoo yung sinasabi nila na you can't stop your heart to beat for someone."
"Okay"
"Okay what?" naguguluhan ako sa tanong niya. Okay na pwede ako manligaw o okay naiintindiahan na niya ang sinasabi ko.
"Okay, as in, pinapayagan na kita manligaw. Halika na nadilim na"
Yesssssssssss... Akala ko wala na akong pag-asa. Teka lang bakit sya natakbo pabalik ng bahay. OMG lampa pa naman tong babae na to. hinabol ko siya. Kilala ko siya eh di pwedeng di nadadapa pag natakbo. Ewan ko ba naman sa aleng maliit na yon, parang my spell na nagpapadapa sa kanya.
"Ayie! wait! baka mada..." mabilis ko siyang tinakbo para masalo ko siya. Sinasabi ko na nga ba eto na madadapa na nga siya.
" Got yah!"
"Ahhhhh ang sakit Karl" habang mahuhulog kami ng sabay ay di ko mapigilang tingnan siya ng matagal.
Nalaglag kami pareho sa lupa. Si Ayie ay nakapatong sa katawan ko. Napatayo siya bigla ng mapatingin siya sa akin. Nakita kong pulang pula ang mukha niya.
"Okay ka lang ba? Salamat ha! Sorry na din nadaganan kita"
"Ahhhh ang sakit ng likod ko" nag-iinarte pa ako habang kunwari ay pilit inaabot ang likod ko.
"Hala! Fritz! Claude! Kathy! Help. Nasaktan ata si Karl." may pag aalalang tawag niya sa mga friends namin.
"Hala ano nangyari Saiddie? Bakit ba? Ano ginawa mo kay Karl? OMG sinaktan mo na agad di mo pa nga sinasagot." OA na sagot ni Fritz. Batukan ko nga.
" Aray naman! Sadista talaga tong aleng maliit na to. Karl ano b talaga nagustuhan mo dito. Kaliit liit ehh pagkasakit sakit mambatok." sabi ni Fritz habang himas himas ang ulo niya.
" Kaya ko nga yan nagustuhan ehhhh. Sadista kasi" sinabayan pa ng kindat sa akin. Buset na to. Lalo napogi sa paningin ko. Magpapakipot muna ako whahahah para feeling maganda. Ano ba haba kaya ng hair ko.
"Ayie, tulungan mo naman ako maglakad oh... Sakit pa ng likod ko. Ang lakas mo kasi kumain ata kaya nabugbog ata ang likod ko. Please" nagmamakaawa niyang sabi pero para sa akin, paglalambing yon. OMG. Ano bang gagawin kong pagpipigil dito sa Karl na to.
Di na ako tinantanan ni Karl. Panay na ang pacute sa akin at paglalambing hanggang sumapit na ang alas Singko ng hapon. Ito na ang oras ng pag-uwi namin. Dumating na ang Papa ni Fritz para sunduin kami. Kung naitatanong ninyo kung saan siya galing, ayun nagsideline daw muna ng pagbiyahe. Rent a car/van ang business nila Fritz kaya sana na ang papa niya magpick up ng pasahero.
"Teka, Karl nasan na pala si Thom? Naku di na natin naalalang tawagin." tanong ni Kathy habang abala sa pagbubuhat ng mga pinamitas naming pinya at lettuce sa likod nila Karl.
"Ay teka ako na nga kakatok sa kanya. Pinatago ko pala kanina sa kanya yung cellphone ko. Baka natawag na sila Nanay doon."
Pagdating sa pintuan ng kwarto ay kinatok ko agad ang pinto niya kaso walang nasagot kaya binuksan ko agad ito. Nagulat ako ng makita kong may hawak siyang alak. OMG nag iinom siyang mag isa. Bawal pa sa amin to ah. Mukhang lasing na lasing kahit nakita ko yung bote. kokonti palang naman ang nabawas.
"Saids? Hay salamat naalala ninyo pa na kasama ninyo ako. Kala ko nga iiwan ninyo na lang ako. Sana hindi na lang ako sumama dito. Di ako naging masaya."
"Uyyyy Thom ano kaba. Eh bakit naman nag inom ka. Lagot ka sa Mama mo nyan. May problema ka ba? Sabihin mo sakin baka makatulong ako."
" Ikaw ang problema ko! Ikaw Saiddie...Ikaw huhuhuhu!!!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Iniisip ko kung ano ang nagawa ko. Nasaktan ko ba siya? Teka may usapan ba kami na di ko maalala. Bakita nagkakaganto siya.
Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin at sumakto naman napatingin ako sa kanya at tamang napahalik ako sa kanyang mga labi. OMG!!!!!!!!! Ito ang first kisssssssssss ko.... OMG! OMG! Ang lambot ng labi ni Thom. Naamoy ko pa ang alak sa labi niya. Mabilis ko siyang tinulak.
Napatakbo ako sa may pinto. Nagulat pa ako ng mabangga ko si Karl.
" Ahhh Karl may problema ata si Thom kausapin mo ohhh nag inom mag isa. Kakausapin ko muna si Tito Alfred na maya maya tayo aalis. Hayaan muna natin si Thom magising. Baka mapagalitan siya ni Tita Charie. Sige ha ikaw na bahala sa kanya" bago ako nagmamadaling tumakbo palabas ng kwarto.
THOM'S POV
Sa palagay ko ay masayang masaya silang lahat doon sa ilog. At malamang ay nakapagtapat na si Karl kay Saiddie. Ang sakit, bakit ganto kasakit? First love ko, first heartbreak ko? Ang saklap kala ko oks lang ang lahat. Kaso ang sakit. I'am only 16 but I know that this is LOVE. Para na akong tanga dito. Dapat di na lang talaga ako sumama. Pero ayokong isipin ni Karl na hindi ako masaya para sa kanya.
We are friends kaya dapat kong gawin ang tama. We made our deal. I don't want to make him feel na affected na affected ako sa mg nangyayari. I need to support him. Kaso...., ang sakit sakit lang talaga.
Bumaba ako upang uminom ng tubig. Pagbukas ko ng ref ay nakita ko ang isang San Mig light alam ko alak to. pero gusto ko lang maalis ang sakit. Sorry Ma need ko lang nito. Konti lang Promise. Mabilis ako bumalik sa kwarto. Binuksan ko ang bote gamit ang bite at mabilis akong tumungga sa bote. Whaaaaaatttt the...Hindi pala masarap ang alak. Ang pait pait bakit madami ang may gusto nito?
Sabi nila nakakalimot daw to ng sakit kaya tumungga ulit ako. Medyo madami ang sumunod kong lagok. Ang init sa lalamunan at parang bigla akong nahilo na inaantok. Isa pang tungga, at isa pa. Hanggang sa napahapay na ako.
May naririnig akong kumakatok sa pinto pero wala na akong lakas tumayo. Bahala na siyang pumasok mag isa. Narinig ko si Saiddie. Tiningala ko siya. Ang aking angel nga. Ang cute kong Anghel.
"Saids? Hay salamat naalala ninyo pa na kasama ninyo ako. Kala ko nga iiwan ninyo na lang ako. Sana hindi na lang ako sumama dito. Di ako naging masaya." hindi ko na kayang pigilan ang sakit. Para ng sasabog ang dibdib ko.
"Uyyyy Thom ano kaba. Eh bakit naman nag inom ka. Lagot ka sa Mama mo nyan. May problema ka ba? Sabihin mo sakin baka makatulong ako." lalo akong natrigger at di ko na nakayanan pang pigilan.
" Ikaw ang problema ko! Ikaw Saiddie...Ikaw huhuhuhu!!!" Sumabog na talaga ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Niyakap ko siya. Wala na aong pakialam kung ano ang isipin niya. Ako naman ang nagulat ng pagtingin niya sa akin ay napahalik ang mga labi niya sa labi ko.
Ang sarp ng ubang halik. That's my first kiss. Ang lambot ng labi ng aking si Saiddie. Parang ayoko ng itigil pero bigla siyang tumayo. Nagmamadaling tumakbo palabas.
Sorry Saids...Sorry di ko na kayang pigilan. Idedeny ko na lang kinabukasan.